My Poker-Faced Guy

By purplenayi

10.1M 143K 13.3K

[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong m... More

My Poker Faced Guy - Published in Print
My Poker Guy
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Four
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Epilogue
My Poker Faced-Guy Book 2

Thirteen

158K 2.8K 327
By purplenayi

Naiinat ko ang mga braso ko pagkababa ng tricycle na sinasakyan namin ni Xander. Ang ganda ng paligid, nakakagaang ng pakiramdam.

"Ang lawak pala talaga nito!" nasabi ko pagkalinga sa paligid. Narito kami sa location na ibinigay ni Kuya. 'Yung gagamitin namin para sa feasibility study namin.

"Oo nga, at sakto lang 'yung layo sa kabahayan. Madali lang din puntahan." Lumapit sa akin si Xander matapos niyang magbayad kay manong driver. Nakatingin lang siya sa paligid. Hindi ko alam kung anong iniisip niya kasi hindi ko naman 'yun mabasa sa mukha niya.

May bakod 'yung buong lupain kaya naman kita namin kung gaano talaga 'yun kalawak. Maraming puno sa paligid. Karamihan doon ay mangga, may ilang puno ng santol na kung titignan mo ay matanda na, may mga maliliit na puno na hindi ko alam kung ano at may dalawang malaking puno sa harap ng 'di ko rin kilala.

"Anong puno yan?" tanong ko kay Xander sabay turo sa dalawang puno sa bungad nung lupain.

Tinignan niya naman agad 'yun. "Puno 'yan ng kasuy. Ngayon ka lang nakakita niyan?" tanong niya.

Tumango ako. Laking Maynila kaya ako! Minsan lang ako makakita ng puno 'no. Kaya nga iilang puno lang 'yung kilala ko e. Nakita kong naglabas siya ng camera at kumuha ng picture kung saan.

"Bakit may picture pa?" tanong ko.

Hindi tumitinging sumagot siya sa tanong ko. "Kailangan natin 'to sa feasib. Hindi mo ba binasa 'yung mga kailangan? Naisulat ko na 'yun at binigay ko sa'yo a?" aniya sabay kuha ulit ng picture kung saan.

"Ah, okay. Kunan mo ko rito dali!" Pumwesto ako sa harap niya at nag-peace sign. Pinatulan niya naman 'yung kalokohan ko at kinuhanan ako ng litrato. Ilang click rin ang narinig ko saka ako nilagpasan at nagpatuloy sa pagkuha ng mga litrato. Sunod lang ako ng sunod sa kanya.

"Dito natin ilalagay 'yung kubo para sa bantay ng farm." Napatingin ako sa pwestong itinuro ni Xander at tumango na lang. Kinunan niya rin 'yun ng litrato saka naglakad ulit. "Dito naman 'yung paglalagyan ng mga palaka," aniya sabay turo sa pwestong medyo malapit sa tinuro niya kaninang paglalagyang ng kubo.

"Hati-hati ang gagawin natin. Para mas madaling bilangin kung sakali."

"Ah, okay." Sagot ko na lang kahit hindi ko pa rin alam kung paanong bibilangin 'yung mga palaka. Like, seriously? Mabibilang mo ba 'yun? Hello!

May nakita akong bulaklak sa 'di kalayuan. Mukhang damo lang siya pero ang ganda talaga. Kaya binilisan ko 'yung lakad ko papunta roon. Sa pagmamadali ko, 'di ko napansin na may bato pala akong madaraanan kaya naman natalisod ako roon.

"Ahhh!" tili ko habang papatumba. Ipinikit ko na lang ng mariin ang mga mata ko habang hinihintay ang pagbagsak ko sa lupa. Pero hindi 'yun nangyari dahil naramdaman ko na lang na may mga bisig na nakayakap sa akin na naging dahilan ng pagmulat ko.

Mukha ni Xander ang bumungad sa akin pagkadilat ko. Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang hindi niya pa ako itinatayo ng maayos. Ako naman, hindi ko na rin maalis 'yung tingin ko sa mga mata niya. Bakit parang may iba roon? Kahit na wala namang nabago sa facial expression niya ay may iba akong nakikita ngayon sa mga mata niya. Parang—ah basta may iba!

Parang natauhan naman ako nang bigla siyang nagsalita at itinayo ako. "Mag-ingat ka nga." Lumayo agad siya sa akin pagkasabi nun. Nagpatuloy na lang siya sa ginagawa niya at iniwan akong nakatanga lang sa kanya.


~*~


Umurong pa ulit ako dahil nagsakay na naman si manong driver ng jeep. Sobrang sikip na nga ay pasakay pa ng pasakay. Hapit lang si Manong! Hindi na nga nakaupo ng maayos si Xander sa tabi ko e para lang makaupo 'yung ibang pasahero. Dahil sobrang naiipit na ako, ipinatong ko 'yung kanang braso ko sa likod ni Xander.

Naamoy ko si Xander. Shit ang bango niya pala! Ugh! Sige na nga okay na 'yung ganitong kasikip! Err, pinagsasasabi ko ba? Wala naman akong gusto sa ugok na 'to e! Tsk!

"Para po!" Napapitlag ako nang pumara si Xander. Nandito na pala kami? Teka, saan ba 'to? 'Di ko man lang kasi natanong kung saan kami pupunta.

Nauna na siyang tumayo dahil nga naiipit ako sa loob. Sumunod naman agad ako sa kanya at bumaba ng jeep. Isang exotic restaurant ang bumungad sa akin. Ah, so dito pala ang punta namin. Tinignan ko si Xander at may kinukuha siya sa bag niya.

"Tara, mag-iinterview tayo sa may-ari." Pumasok na siya sa restaurant at sumunod naman ako. May mangilan-ngilang tao ang kumakain. Naupo kami sa isang mesa at tinignan ko 'yung menu.

Napakunot ang noo ko habang binabasa 'yung mga nakasulat doon.


Uok

Nilasing na Palaka

Kamaro

Soup No. 5

Sizzling Butt and Balls

Sinabawang Balot

Sizzling Balot

Bibingkang Abnoy

Crispy Alagaw Leaves

Pancit-pancitan Leaves

Palos

Pink Rice

Rose Petal Tempura

Vegetable/Rose Petal Salad

Bougainvillea Salad


What the heck?! Sino naman ang kakain ng mga ganitong pagkain?! Ang what in the world is SIZZLING BUTT AND BALLS?! Napatingin ako kay Xander na binabasa rin 'yung menu. Mukhang ordinaryo lang sa kanya 'yung mga nakasulat dun.

Pasimple akong bumulong sa kanya. "Ano 'yung butt and balls?" tanong ko.

Napatingin siya sa akin. "Gusto mo? Pwetan at balls ng baka. Itong number 5, adobo yan. Sige order tayo." aniya sabay tawag sa waiter.

"What?!" halos pasigaw na sabi ko. "Ayoko nga niyan 'no!" medyo OA na sabi ko. Kasi naman 'no!

Hindi ako pinansin ni Xander at nagsabi ng order sa waiter na naroon. Narinig kong inorder niya ay 'yung nilasing na palaka, sizzling butt and balls at pink rice. Tig-iisang order.

"Hindi pa ba natin kakausapin 'yung may-ari? Bakit kakain pa tayo?"

"Pupuntahan ko 'yung manager, d'yan ka muna." Tumayo na siya at pumunta doon sa may counter. Saglit lang naman siya at bumalik din agad sa mesa namin.

Itinago niya na rin 'yung notebook niya na ipinagtaka ko. "Ano sabi?" tanong ko sa kanya.

"Wala raw 'yung may-ari pati 'yung manager. Nagpa-set na lang ako ng appointment para sa isang linggo. Pumayag naman sila."

Tumango-tango lang ako. At least may siguradong interview na kami pagbalik. Ilang minuto rin 'yung lumipas at lumapit sa amin 'yung waiter at inilapag sa mesa 'yung mga order ni Xander. 'di ko maalis ang tingin ko roon thinking na butt and balls 'yun ng baka. Tapos palaka 'yung isa. Saka itong pink rice na 'to, ano ba 'to? Bakit ambaho?!

"Kain na." Kinuha niya 'yung isang kutsara at iniabot sa akin. Todo-todong pag-iling ang ginawa ko. Hinding-hindi ako kakain niyan 'no! Never!

"Masarap 'to. Tikman mo o." Kinuha niya 'yung kamay ko at sapilitang inilagay 'yung kutsara. Nakatingin lang ako roon at hindi kumikilos habang siya naman ay kumuha ng isang palaka at sinubo. Alam kong hindi maipinta ang hitsura ko ngayon habang pinpanood kumain si Xander. Na-iimagine ko kasi 'yung palaka habang ngumunguya siya e.

Napatingin siya sa akin. "Tikman mo kasi." Kumuha ulit siya ng isa pang parte nung palaka at iniaabot sa akin. Umiling ulit ako. "Matakaw ka 'di ba?" aniya. "Kainin mo 'to."

"Ayoko nga!" medyo malakas 'yung pagkakasabi ko nun kaya naman napatingin sa amin 'yung ibang kumakain sa resto.

"'Wag ka ngang sumigaw!" pabulong pero mariin na sabi ni Xander.

Nagulat na lang ako nang itapat niya sa bibig ko 'yung karne ng palaka. Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan siya. Itinikom ko ng mariin 'yung bibig ko para hindi niya iyon maisubo sa akin.

"Kailangan mo 'tong tikman. Paano mo maide-defend ng maayos 'yung feasib natin kung ikaw mismo ay hindi kumakain ng palaka?" aniya na nakapagpasimangot sa akin. Wala akong nagawa at ibinuka ko na lang 'yung bibig ko at mariing pumikit.

Naramdaman ko 'yung pagkasubo niya sa akin ng palaka. Lulunukin ko na lang sana 'yun agad pero nang malasahan ko ay nagbago ang isip ko. Oh my God! Ang sarap pala! Ngumiti ako kay Xander saka nag-ahh, indikasyon na bigyan niya pa ako. Kumuha naman agad siya at isinubo sa akin. Umulit pa ako ng isa pa at ganun ulit ang ginawa niya. Nakalimang subo yata siya sa akin saka siya biglang tumigil.

"Teka nga, may kamay ka naman a. Bakit nagpapasubo ka pa sa akin?" biglang sabi niya.

Oo nga 'no? Napakamot ako ng ulo sabay ngiti. "E bakit sinusubuan mo naman ako? Haha! Nawili tuloy ako. Ipagpatuloy mo na, sinimulan mo na e!" sabi ko saba nganga ulit.

Napailing na lang siya at sumandok naman ng inadobong balls ng baka at akmang isusubo sa akin.

"Waahh!" biglang react ko bago niya pa 'yun maisubo sa akin. Napatingin ulit 'yung mga tao at apologetic akong tumingin sa kanila. Bumaling ako kay Xander na naka-angat pa rin 'yung kamay at isusubo sa akin 'yung balls ng baka.

"Kainin mo 'to." Hindi niya inaalis 'yung tingin niya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang kainin 'yun at infairness, masarap naman.

Inubos namin 'yung mga pagkain at saka nagpasyang umalis. Natuwa naman ako sa kinain ko kaya wala na akong reklamo. Buti pala tumikim ako. E kasi naman, ang weird kasi ng mga pagkaing 'yun. Nang nasa jeep na kami, tumigil 'yun sa may mall. Nakita ko 'yung showing at nanlaki ang mga mata ko dahil showing na pala 'yung palabas na hinihintay ko. 'Di ko napigilang impit na mapatili at niyugyog ko bigla 'yung braso ni Xander.

"Bakit?" tanong niya bigla.

"Showing na!" sabi ko sabay turo dun sa nakapaskil na 'Now Showing'.

"O, e ano?"

Nakangusong napatingin ako sa kanya. "Tsk! Ang tagal ko kayang hinintay 'yan!" sabi ko sabay tingin ulit dun. "Nood tayo." May pagmamakaawa sa boses ko. Gusto ko kasi talagang mapanood 'yun.

"Alas singko na. 'Wag na lang."

Nag roll-eyes ako sa kanya saka nagsalita. "E 'di ako na lang mag-isa," sabi ko saka tumayo at bumaba ng jeep. Nakangiting pumasok ako sa mall. Nae-excite na ako e, imagine isang taon ko ring hinintay na ipalabas 'yun!

Dire-deretso akong naglakad papunta sa may cinema nang may tumabi sa akin at sumabay sa paglalakad.

"O, akala ko ba ayaw mo manood?" tanong ko kay Xander.

"Nagbago isip ko." Napangiti na lang ako sa sagot niya. At least may kasama akong manonood!

Continue Reading

You'll Also Like

Her Greatest Return By m

General Fiction

7.2M 17.9K 5
Her Greatest Return Written by: TheDarkestBlue Highest Rank Achieved - #1 in General Fiction (May 31, 2017) Copyright © 2015 TheDarkestBlue, All Rig...
11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
577K 21.3K 69
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
9.9M 123K 119
Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwan...