Twenty One

149K 3.1K 465
                                    

Ipagluluto na lang kita habambuhay.

Kanina pa ako nakatitig kay Xander. Sinabi niya talaga 'yun 'di ba? Habambuhay. Habambuhay. Pero... ano ba talagang meron kami? Hindi naman siya nanligaw at lalong hindi ko siya sinagot (kasi nga hindi nanligaw 'di ba?). Pero bakit may habambuhay pa s'yang sinasabi?

"Baka matunaw naman ako niyan," biglang sabi niya, hindi tumitingin sa akin.

Napaiwas ako bigla ng tingin kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita. Pero teka, paano niya nalamang nakatingin ako kanina? May mata ba siya sa likod?

Tumingin ulit ako sa kanya, kunot ang noo. Mayamaya e itinuro niya 'yung takure sa gilid. Noong una hindi ko ma-gets kung bakit tinuturo niya 'yun pero na-realize ko rin, para 'yung salamin kaya kita niya ako mula roon.

"Sandali na lang 'to. Gutom ka na ba?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi pa naman. Saan ka natutong magluto?" tanong ko.

Humarap siya sa akin kapagkuwan at humalukipkip.

"Sa bahay lang. Simula kasi noong iwan kami ni Ma—" kumunot noo niya at may nakita akong galit sa mga mata niya. "Never mind," aniya sabay talikod.

Wait—totoo ba 'yung nakita ko? May galit sa mga mata niya kanina. I swear nakita ko 'yun! Napatayo ako bigla at lumapit sa kanya. Hinawakan ko pa 'yung magkabilang pisngi niya pero wala na akong makitang kakaiba sa mukha niya. Balik na naman 'yun sa pagiging walang emosyon.

Seriously? Ano bang meron at ayaw niyang magpakita ng kahit na anong emosyon? Libre lang naman 'yun ah? Nahihiwagaan na talaga ako sa mukha niyang 'yan.

"Xander..."

"Hmmn?"

Huminga muna ako ng malalim. "Bakit ayaw mong magpakita ng emosyon?" tanong ko.

Nag-iwas agad siya ng tingin at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ah, okay. Ayaw niyang sabihin. Marunong naman akong maka-gets ng ganyang kilos.

Tinitigan ko na lang siya ulit habang busy siya sa pagluluto.

Bigla na lang pumasok sa isip ko 'yung mga halik niya. Err, hindi ako pervert ha! E sa pumasok lang bigla sa isip ko e! Napahawak ako sa mga labi ko ng hindi oras. E ano ba kami ni Xander?

"Ano ba tayo?" hindi ko namalayang nasabi ko bigla habang nakatingin sa kanya.

Bigla naman siyang lumingon at tumitig sa akin. Mayamaya ay lumapit siya.

Hindi ko na alam kung kailan nagsimula pero ramdam ko na 'yung mga labi niyang nakalapat sa mga labi ko. Mabilis lang 'yun at lumayo agad siya sa akin.

"'Yan tayo," aniya.

Ha? Ano daw? Hindi ko 'yun na-gets. Hinalikan niya ako tapos iyon daw kami? Paki-explain nga!

Bago pa ako makapagsalita ay nasa harap ko na ulit siya at inilapag ang mga pagkain sa harap ko. Sinigang 'yung niluto niya at hmmmn... ang bango! Nagutom tuloy ako bigla!

Siya na rin mismo ang naglagay ng pagkain sa pinggan ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tinikman 'yun. Habang ngumunguya ako, pakiramdam ko e nasa langit na ako. Oh God! Ang sarap ng luto niya!

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya.

Tango lang ang sagot ko. Puno kasi 'yung bibig ko ng pagkain. Hindi ko kasi mapigilan na sumubo ng sumubo e.

Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang biglang bumukas 'yung pinto sa harap. Napatingin kami pareho kung nasaang parte ang pinto kahit na ba hindi namin nakikita 'yun dahil may nakaharang na dingding. Naghintay kami ng ilang sandali at biglang bumungad sa harap namin si Kuya Maico.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon