Five

169K 3K 651
                                    

Hinampas-hampas ko 'yung unan kong may print na palaka.

"Leche kang palaka ka! Kasalanan mo 'to e!" sabi ko pa habang mina-murder ang walang kamalay-malay na unan.

Itong unan kasing 'to ang dahilan kaya naisulat ko 'yung frog farm dun sa listahan ko. Trip trip lang naman talaga 'yun e. Malay ko bang abnormal talaga 'yung si Xander? Sineryoso niya talaga 'yung kalokohan kong 'yun. Like hello? Saan ka naman makakakita ng frog farm? Pero sabagay, kaya nga feasibility study e. Titignan kung magwo-work ang ganung klaseng business. Pero kahit na! Kalokohan pa rin 'yun 'no!

Nag-text pa siya kanina na titignan namin 'yung drafts ng bawat isa para sa proposal bukas. Next week pa naman 'yun a? Umangal ako pero wala rin 'yung nagawa. Siya pa rin ang nasunod.

"Paano naman kita isusulat aber?" tanong ko as unan ko habang mahigpit ko 'yung hawak sa tapat ng mukha ko.

Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi 'yun sumasagot. Haayy, asa naman akong sasagot 'yung unan. Sa inis ko ay ibinato ko na lang 'yun sa may pinto. Kainis!

Inilabas ko ang notebook ko at tinitigan 'yun. Ay bahala na si frog prince! Kaya ko 'to!


~*~


"Aray! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" sighal sa akin ni Gen. Teka, nasa gilid ako at siya ang bumangga a?

"May problema ka ba sa'kin Geney?" asar na tanong ko. Napansin ko kasi nitong nakaraang araw ay masama 'yung tingin niya sa akin. 'Di ko na lang siya pinag-aksayahan ng panahon.

"It's Ge—"

"Geney."

Tinaasan niya ako ng kilay sa pagpigil ko sa pagtatama niya sa tawag ko sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Geney naman talaga ang pangalan niya e. Pasalamat na lang siyang 'di ko sinasama ang second name at apelyido niya. Baka sumabog siya kung sakali.

"Bitch." Mahina lang 'yung pagkakasabi niya pero narinig ko 'yun.

"Anong sabi mo?" mariing sabi ko saka lumapit sa kanya. "Alam mo, hindi ko alam kung anong problema mo at ganyan kang umasta sa akin. Pero—" napatigil ako ng dumaan si Xander sa gilid namin.

Ngumiti agad ako sa kanya at ganun din ang ginawa ni Geney. Hindi naman kami nito pinansin at patuloy sa paglalakad.

Nang makalayo si Xander ay hinarap ko ulit siya.

"I think I know now," binigyan ko siya ng makahulugang tingin.

She rolled her eyes. "Alam ko 'yung mga tipo mo. Tigilan mo ang paglalaro kay Xander. Hindi siya tulad ng mga lalaking kinakalantari mo," tumalikod siya saka naglakad palayo.

Pinigilan ko agad 'yung braso niya at kinapitan 'yun ng mahigpit.

"What did you say?" nanggagalaiting sabi ko. Ang kapal naman ng mukha ng babaeng 'to para pagbintangan akong naglalaro ng mga lalaki.

"Ang sabi ko, malandi ka. Wag mong isali si Xander sa koleksyon mo!"

Naikuyom ko ang kamay ko. Aba't sinusubukan ng bruhang 'to ang pasensya ko a. Ibalik ko kaya 'to sa lampara!

Akmang idadapo ko na 'yung kamay ko sa mukha niya ng may pumigil doon.

"Hey! Easy lang kayo!" narinig kong sabi ni Andi. Kapit niya ng mahigpit 'yung braso ko.

"E tarantadong 'to e. Pinagbibintangan akong playgirl," dinuro ko pa si Gen gamit ang kaliwang kamay ko na kakabitiw lang sa braso ng huli.

"Bakit, hindi ba? Kung makalapit ka kay Xander akala mo mauubusan ka ng lalaki," lumapit naman si Claire kay Gen at hinawakan ang huli sa balikat.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon