Twenty Five

136K 2.7K 198
                                    

It's been two months since Xander and I became official. And so far, masaya naman ako. Merong ups and downs ang relationship namin tulad ng ibang relasyon. Hindi naman kasi talaga mawawala 'yun e. Pero ang mahalaga, at the end of the day nagkaka-ayos kami.

Nag-celebrate kami ng Christmas at New year a day before para kasama namin ang mga pamilya namin sa mismong holiday.

Kasama ko pa rin dito sa apartment si Kuya Maico at 'yung "anak" niya. Though mukhang maayos naman na siya, gusto niya lang daw na may kasama. Malaki na rin si Betty at nakasanayan ko na rin namang kumain kasabay niya sa mesa.

Balik trabaho na si Kuya at inaayos na ang buhay niya. Wala pa rin akong balita dun sa totoong anak niya at hindi niya na rin inuungkat ang tungkol doon. Kung minsan gusto ko na ring itanong pero mukhang wala namang balak sagutin ni Kuya kung sakali.

"Ella! Bumaba ka na r'yan! Nandito na ang boyfriend mo!" sigaw ni Kuya mula sa baba.

"Oo na! Pababa na!" ganting sigaw ko.

Tumingin pa ako sa salamin sa huling pagkakataon saka kinuha ang gamit ko at bumaba.

Gaya ng sabi ni Kuya, nasa sala na nga si Xander. Magkausap pa sila ni Kuya at hindi ko maintindihan kung ano 'yung mga pinagsasasabi nila.

"Tara na," aya ko kay Xander.

Tumango siya saka tumayo. "Sige Kuya, mauna na kami," ani Xander kay Kuya Maico.

O 'di ba? Kuya na ang tawag niya? Ganyan na sila ka-close ni Kuya. Pero sa pagkaka-alam ko, hindi pa rin alam ni Xander ang tungkol sa negosyo ni Kuya. Ang alam niya nagta-trabaho ang huli. Hindi naman kasi nabo-brought up ang topic na 'yun.

Kinuha ni Xander ang backpack ko saka ako pinauna sa pinto.

Araw-araw kaming ganito. Sinusundo niya ako sa umaga tapos ihahatid niya naman ako pauwi. Kahit ganun ay hindi ko pinagsasawaan ang mukha niya. Para kasing habang tumatagal ay nag-iiba ang aura nun. Though hindi pa natutupad ng tuluyan ang misyon ko, which is to make him smile, at least doon na rin ang punta ng mga facial expression niyang lumalabas paminsan-minsan.

"Nag-almusal ka ba?" tanong ko kay Xander.

"Hindi e. Tinanghali kasi ako ng gising, baka ma-late tayo pareho kung hindi ko bibilisan."

"Tsk! Dapat kumain ka pa rin. Masamang hindi nag-aalmusal. Wag ka ngang magpalipas ng pagkain!"

Umakbay siya sa akin kapagkuwan.

"Masyado namang protective ng girlfriend ko," aniya.

"Syempre 'no! Nag-aalala kaya ako sayo." Ngumuso pa ako ng todo.

Pinisil niya bigla 'yung mga pisngi ko. "May dala naman po akong baon Prinsesa ko. 'Wag ka nang sumimangot d'yan."

Ngumiti na ako pagkasabi niya nun saka kumapit sa braso niya. Gustong-gusto ko talagang tinatawag niya akong prinsesa. Feeling ko kasi ang ganda-ganda ko. Ha-ha-ha!


~*~


"Uy, punta kayo mamaya ha?" narinig kong sabi ni Gen dun sa mga nasa unahan ko.

Balita ko ay birthday party niyang si Geney mamayang hapon pagkatapos ng klase. Biglaan lang daw kasing dumating 'yung Papa niya galing Qatar at binigyan siya ng malaking handaan. Kaya ayan, ngayon lang siya nagiimbita.

Okay naman na kami ni Gen. Wala na akong narinig mula sa kanya simula noong pagsabihan siya ni Xander. Paminsan-minsa ay nginingitian niya na rin ako at gumaganti na lang din ako ng ngiti. Parang ang sama ko naman kasi kung hindi ko siya ngingitian.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon