LIKE THOSE MOVIES

By freespiritdamsel

208K 8.6K 1.9K

Mavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring hi... More

P r o l o g u e
Piece of paper
Apology
I'll think about it
What's your name?
Selfie
Irresistable
Cut!
Clear as day
As long as..
Birthday
I do
Missing
Trap Queen
Unsaid Words
Risk
For you
Of all people
Bestfriend
We still have time
Five minutes
Over you
Rose
You happened
Pouring rain
Until here
Question
Shots
She
Long gone
Museum
Prim
Paige
Axiom
This one
Self
The truth
Offer
Story
Deja vu
Middle
Movie
Convincing
Good take
Written
Mine
Saga
Epilogue
SC -1
SC - 2
SC - 3

Stay the night

3.5K 144 32
By freespiritdamsel


**

"BAKIT kasi di mo sinabi sakin nung nagkita tayo sa building 1?" Sabi ko sakanya. Nakaupo siya habang ako, nakaupo sa gilid niya. Tapos na siyang kumain ng breakfast niya at kahit papaano, bumaba na rin ang lagnat niya. Bukas na ang finals at kahit na ayoko siyang payagan maglaro wala akong laban. Natext na rin niya ang coach niya at pumayag naman na absent siya ngayon sa practice. Basta daw bukas andon siya at kapag kaya niya isasalang siya. At naalala ko, may exam pala ako bukas.

"Na hurt kasi ako." Sabi niya't sinamaan ako ng tingin.

Hindi nalang ako sumagot. Na hurt? Walang-wala lang 'yon sa sakit nung iniwan niya 'ko.

Tinignan ko siya. Nakatingin parin siya sakin ng masama. Habang naka crossed-arms.

Hindi ko mapigilang 'di mapangiti. Ang cute niya lang kasi. Sarap kagatin. "What's funny?" Mataray niyang tanong sakin. Nakataas pa ang kilay at mukhang lalong nainis.

"Wala, wala.." Sagot ko habang nakangiti't tumatawa.

"Go away." Sabi niya at inirapan ako. Aba? Go away? Ngayon ako aalis kung saan kailangan niya ko dito?

"Anong go-away ka diyan." Natatawa ko paring sinabi 'yon. Mas lalo naman siyang nainis kaya mas lalo rin akong natawa. Grabe. Pakiramdam ko namumula na 'ko sa kakatawa.

Wala namang nakakatawa pero tawang-tawa na 'ko sakanya. Hay... mukha na akong tanga.

"Alis ka na!" Iniabot niya yung unan na nasa tabi niya't ibinato sakin. To think na sobrang lapit lang namin eh masakit talaga yung pagkakatama. "Aray ko naman!"

She rolled her eyes over me at humiga. Turning her back on me. Natatawang napapunas ako ng kaunting luha na tumulo sa mata 'ko. Kakatawa kasi.

Hinawakan ko diya sa bewang at pinisil-pisil 'yon habang sinisilip siya. "Uiii. Sorry na?"

Kaso 'di niya parin ako pinapansin. "Ui!" Hinawakan ko ang braso niya't pilit siyang pinapaharap sakin. Kaso ayaw niya rin. "Alis ka na nga!"


"Harap kasi... Ah, ayaw mo ah."


Dinaganan ko nga at hinarap sakin. Nanlaki naman ang mata niya. Wow, ha? Parang just now?

Hinawakan ko magkabila niyang braso at mas lumapit sakanya. Now that we're inches away, binitawan ko na 'yon. Kahit na itulak niya pa 'ko ng malakas wala na siyang laban kasi mahina siya ngayon. Nakangiting tinititigan ko nalang siya ngayon. Siya naman, panay irap. Pero dahan-dahan, nawala 'yong masamang tingin niya sakin. Nakipag titigan na rin.


"Ang bigat mo na."

"Talaga?" Nakangising tanong 'ko.

"Hmm-hmm."

"Ikaw ah, pinapansin mo pala yung bigat ko.."

"Eh siyempre.. lagi ka namang naka...dagan sakin kaya alam ko..."

"Siyempre... lagi akong nasa ibabaw eh."

Nirolyohan niya 'ko ng mata at umiwas siya ng tingin, habang ako, nakangiti parin.

Hinawi ko ang mga buhok na humaharang sa maganda niyang mukha. And then I sighed.

"Na-miss kita."

Seryoso ko'ng sabi sakanya. Tinitigan ko pa siya ng sobrang lalim para mas maramdaman niya.

Namiss ko siya ng sobra. Namiss ko 'yong sakit na pinapadama niya kapag magkasama kami. Sa tuwing naiisip niya si Jared, sa tuwing pinaparamdam niya sakin na pangalawa lang ako. Sa tuwing... sinasaktan niya 'ko. Na-miss ko siya. Naisip ko, kahit naman 'di ko siya nakita masasaktan padin ako. Kaya bakit pa kailangan ko'ng lumayo? Eh mami-miss ko rin naman siya. Eh di dumoble na 'yong sakit? Kaya better nalang na makasama ko siya. Bahala na.

Nginitian niya 'ko. "Ako din, na-miss kita."

Nanatila lang akong nasa ibabaw niya. "Talaga?"

Mas lumaki yong ngiti ko. Siya naman napatawa nalang sa naging reaksyon ko.

Namiss ko 'to. Yung ngiti't tawa niyang totoo.

"Kinilig ako, e." Nahihiya ko pang sabi.

Napairap naman siya at hinawi ang mukha ko gamit ang palad niya. "Mukha mo!"

"Kiss nga..." Balik seryoso ko namang sabi sakanya. Natawa siya ng konti pero tumango naman din.

Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa balikat ko.

Dahan-dahan akong lumapit sakanya.

Hinalikan ko siya at ang sarap sa pakiramdam na hinahalikan niya rin ako pabalik.

Wala na akong pakealam kung mahawa man ako at magkasakit. Dahil sa totoo lang, simula ng minahal ko siya para narin akong nagkasakit. Para narin akong may lagnat dahil sa bigat na dinadala ko. Pero katumbas naman nun ay kasiyahan ko.

Parang kahit na may sakit ako, masaya parin ako.

Si Prim ang lagnat ko. At kahit na habang buhay ko na 'tong maramdaman, kahit na nahihirapan, ayos lang. 'Wag lang umalis 'tong lagnat na 'to.


Hanggang sa may kumatok na naging dahilan ng pagbalikwas naming pareho. Nahulog pa 'ko sa kama!

"Prim?"

Fck. "Jared?" Gulat na tanong ni Prim.

Nanlaki pareho ang mga mata namin.

"Open the door."

"O-okay, wait.."

Nakatayo na kaming pareho at parehong hindi alam kung saan ako magtatago. Hanggang sa itinuro niya ang cabinet. Kaya naman dali-daling pumunta ako roon. Isinara niya ko at rinig ko'ng binuksan na niya ang pinto. Sh-t. Buti nalang nagkasya ako.

"Babe, bakit di mo sinabi na may lagnat ka?"

"I-i'm sorry... Okay naman na 'ko.."

"Kahit na. Dapat inaalagaan kita, e.." Hindi ko makita ano ng ginagawa nila. Pero rinig na rinig ko pinag-uusapan nila.

"S-sorry..."

"Nalaman ko nalang sa Team Mate mo."

Parang pareho silang umupo sa kama. "S-sorry... okay na 'ko."

"Sige, pahinga ka pa.. nagmadali akong umuwi para sayo."

At napapikit nalang ako ng marinig na hinalikan niya si Prim sa noo. Kahit naman di ko makita may tunog yung halik niya, e. Di ko nga sigurado kung sa noo ba 'yon, sa pisngi o sa labi.





"MAV..."

Napamulat ako ng mata ko. Si Prim. "O-oh?"

"Wala na si Jared..." Inalalayan niya rin akong lumabas. Tangina ang sakit ng pwet ko!

Pagtingin ko sa relo. 5PM na. "Sh-t, ang tagal ko'ng tulog."

"Sorry... ang tagal kasing umalis, e."

"Kaka-alis lang ba?" Tumango siya.

Iba narin ang suot niya. Nakaligo na siguro 'to. "Naligo ka ba?" Tanong ko habang naka kunot ang noo.

Dahan-dahan naman siyang tumango. "Tsss, dapat di ka naligo. Mas malalamigan ka niyan at babalik 'yang lagnat mo!"

"Mas nakakawala kaya." Pagra-rason niya pa. "Tigas ng ulo. Sinabihan na kita kanina, hindi ba?"

Nagpout siya tapos ay niyakap ako.

Ako naman 'tong si hindi makapag-pigil, nawala na yung masamang tingin sakanya. Niyakap ko nalang rin siya pabalik. "Wag mo ng uulitin 'yon."

"Opo.." Paka-cute. "Ako naman pala 'tong walang ligo."

Natawa siya sa sinabi ko. Totoo naman, e. La pa 'kong ligo. Tss. "Uwi na muna ako."

"Hmmkay." Atsaka magkahawak kaming naglakad palabas ng kwarto niya. "Dito ka nalang. Bye." Sabi ko at ngumiti bago umalis. Kaso napahinto ng hawakan niya pa 'ko lalo.

Tinignan ko siya ng may pagtatanong.

"Kelan... kelan ka babalik?" Nahihiya pa niyang tanong sakin. Napangiti ako sa inasta niya. Habang siya naman, pulang-pula.

"Kelan mo ba gusto?" Tanong ko.

Napakagat siya sa labi niya.. umiiwas-iwas pa ng tingin. Nahihiya talaga siya? Bago 'to ah?

Hanggang sa lumapit nalang ako at hinawakan siya sa magkabilamg pisngi niya. Ngayon, nagtama na ang mga mata namin.

"Gusto mo ba balik agad ako?"
Malambing at malamunay ko'ng tanong sakanya.

Nahihiyang tumango siya. Napangiti na naman ako. Yun naman pala, e. Walang problema.

"Sige, balik agad ako." Hinalikan ko siya sa noo.

"I love you..."

Atsaka naman ako nagsimulang maglakad pababa.

Ang kaso, pinigilan na naman niya 'ko.

"Ano na naman—"

Napahinto ako ng pagharap ko, hinalikan niya 'ko. Sa pisngi.

"Ingat ka."


I'M about to get my carkeys when a notification on my phone popped up.

Prim: missed you :((

Napangiti naman agad ako. Napa-kagat pa nga ako sa labi ko at napailing-iling pa. Ganito pala talaga pag kinikilig. Hay.

Pagkasakay ko ng kotse binilisan ko ang takbo at siyempre nagingat parin. Mahirap na baka mamatay ako. Haha. Chineck ko muna ang isang flowershop na along the way lang sa bahay nina Prim. Bukas pa naman siguro 'yon no? 7:30 pa naman.

Hindi pa 'ko nakakababa pero kita ko'ng bukas pa naman.

Pagkababa ko, sinalubong ako ng isang matanda. "Bili na kayo, sir," nakangiti niyang sabi sakin at itinuro ako sa stand niya. Tumango naman ako at ngumiti. Natuwa siya't pumwesto na. "Ano po bang gusto niyong bulaklak?"

"Hmm. Ano po bang magandang ibigay sa..."


"Sa mahal mo?" Nakangiti niyang tanong sakin. Nahihiyang tumango ako. Bago kasi sakin 'to, e. Tapos parang ang corny kung yun talaga sasabihin ko sa ibang tao pa.

Mukha naman siyang kinilig. Medyo naweirdohan pa 'ko sakanya kasi nakatitig siya sakin habang nakangiti.

"Alam ko na kung anong ibibigay ko sa'yo."
Tsaka naman siya umalis at pumasok sa kung saan. Parang maliit na kwarto dito.

Tsaka siya lumabas na may dalang isang stem ng bulaklak. Hindi ko nga kilala eh. Ano ba 'to?

"Rose?"

"Parang rose pero hindi, nak." Napansin ko'ng mangiyakngiyak siya. "Ito yung last na binigay sakin ng asawa ko... gusto ko'ng ibigay sa'yo..." Iniabot niya sakin at tinanggap ko naman. "Sigurado po ba kayo? Eh ito na nga po yung last eh." Nagaalinlangan kong sabi pa. Last na nga, e. Tapos ibibigay niya pa sakin?

"Ayos lang. Basta yung pagbibigyan mo talagang mahal mo ha?"

"Oo naman po." Proud at nakangiti ko'ng sabi.

"Sana hanggang tumanda kasama mo siya." Doon, unti-unting nawala yung ngiti ko. Sana nga. Napayuko pa 'ko pero ngumiti na naman ako. Baka bawiin eh.

"Middlemist camelia 'yan. Natatagpuan lang 'yan sa New Zealand at sa... san pa nga ba 'yon...." Nakalimutan niya yung isa. "Ay basta dun. Pero may ginawa yung asawa ko para mabuhay 'yan dito, nak."

"Astig naman po ng asawa niyo." Sabi ko at ngumiti. Parang ako lang din. To think na mahirap tong makuha at rare flower pa, gagawin ko lahat para maibigay lang sakanya.

"Siguro hanggang next week itatagal niyan, nak...sana napasaya kita."

"Oo naman ho. Maraming salamat. Magkano ho ba 'to?" Sabi ko habang kinukuha ang pitaka ko. Pero pinigilan niya 'ko. "Naku, 'wag na.. Para sainyo nalang 'yan.. Libre na 'yan.."

"Hindi po—"

"Sige na.. tanggapin mo na."

Hindi naman na 'ko nakaangal. Bakas naman sa mukha niya't mga ngiti niya na masaya siya at buong-puso niyang ibigay 'yon sakin.

"Maraming salamat ho." Sabi ko nalang at sumakay na sa kotse ko.

Nakangiting nagmamaneho ako at patingin-tingin sa bulaklak na ibinigay niya sakin. Nagpark ako sa labas ng bahay nila at pumasok na.

Dire-diretso lang ako sa kwarto niya. Bukas 'yon, kaya di na 'ko kumatok.

Pagkabukas ko, nakaupo siya sa kama at nanonood ng tv.

"Hi..." Nakangiti ko'ng sabi at inilock ang pinto ng kwarto niya. Nakangiti naman din siya. Tumabi ako sakanya at iniabot ang bulaklak.

"Para sayo.." Sabi ko.

"Ganda, ah." Sabi niya't inamoy pa 'yon. "At ang bango pa."

"Parang ako lang." Mayabang ko'ng sabi na siyang nagpairap na naman sakanya. Nakaligo na kasi ako eh. Hahaha

"Bakit? 'di ba totoo?" Tinusok ko siya sa tagiliran.

"Ewan ko sayo." Inilagay niya sa sidetable ang flower at humarap na ulit sakin.

"Ba't ang tagal mo?"

"Siyempre 'yang bulaklak." Baliw ba 'to.

"Ba't ang tagal mo maligo?" Nang-uusisa na naman. "Hindi ako sobrang tagal maligo kagaya mo. Na-traffic lang ako." Paliwanag ko.

Tinaasan niya 'ko ng kilay.

Sus. If I know... "Miss mo lang ko, e."

"Oh ano ngayon?"

"So miss mo talaga ako?"

"Ano nga ngayon kung miss kita?"

Shet.

Nayakap ko tuloy siya. "Lika nga."

"Not too... Tight!" Sobrang higpit kasi ng yakap ko, e. Ka-gigil.

"Uwi din ako mga 10, ha?" Napahinto naman siya kakapumiglas.

"What?"

"Sabi ko uwi lang ako around 10." Kasi may exam ako bukas ng hapon. Ngayong araw lang wala.

Mukha naman siyang nalungkot. Mukha lang. O ilusyon ko lang.

"Okay..." Sabi niya't naghanap ng magandang panoorin.






MAGKAYAKAP kaming nanonood ng isang movie. And I've been checking my watch from time to time baka kasi 11 na pala di ko man lang namalayan.

Tinignan ko siya at tulog na pala. Ngayon-ngayon pa siguro 'to. Kanina kasi gising pa yan, e.

Hinalikan ko siya sa noo.


Maya-maya, 10:12 pm na. Dahan-dahan ako'ng umalis sa pagkakayap naming dalawa at dahan-dahan ko siyang iniayos. Hinalikan ko siya ulit sa noo. "Good night." Bulong ko.

Dahan-dahan, isinara ko ang pinto, pababa na 'ko ng hagdan ng bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya napalingon ako. Nakatayo siya doon.

Oh? Bakit gising 'to?

Bumalik ako. "Nagising pala kita."

Nang magkaharap na kami, "Wag ka na lang umalis..."

Nakatingala siya sakin habang sinasabi 'yon. "Bigyan mo ako ng dalawang rason." Panghahamon ko sakanya.

She stomps her feet like a child. "Kasi, e!" Sabay sama ng tingin sakin. "Akala ko pag tulog na 'ko di ka na aalis."

"So nagtutulog-tulogan ka lang pala ha?" Natatawa ko'ng tanong sakanya.

"Nakatulog kaya talaga ako!" Nakayakap parin siya sakin at nakatingala. Ang liit-liit kasi.

"Wehhhh"

"Dito ka nalang..." Naglalambing niyang sabi. Shet. Kinikilig ako, Lord.

"Dalawang rason nga."

"Ehhh!!"

"Osige, Adios!" Bumitaw ako at akmang aalis na ng hinila niya ang damit ko.

"Nakakainis ka!"

Natatawang bumalik ako sakanya at hinawakan ang mukha niya. "Dalawang rason nga.." Dalawang rason lang naman. Kahit na unacceptable at kahit na gumawa-gawa nalang siya ayos lang.

"1. Kasi gusto ko. 2. Number one. Okay ka na?" Nanlaki pa ang mata niya sakin. Haha.

"Kiss nalang."

"Bibigyan kita ng kiss pag nagstay ka."

"Wala, gusto ko ngayon..." Pang-aasar ko pa. Mukha namang inis na inis na siya kaya nage-enjoy ako lalo.

"Kasi!!"

"Kiss na kasi."

Tumingkayad siya. Kaya naman hinawakan ko bewang niya para alalayan siya habang hinahalikan niya 'ko. Powe.

"Sarap,"

Nirolyohan na naman niya 'ko ng mata.

"Stay the night."

Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. "I will..."

Uso naman cramming pag exams.

**

Wag niyong tularan si Mav. Aral muna bago landi. Hahahaha

Anyway highway, sino gusto mag handle ng characters? Lol hahahaha. Sa totoo lang kasi may mga nagme-message sakin ayoko lang kahit nung almost palang. Hehe. Kaya ayan, pm niyo lang ako. Haha mwa

Continue Reading

You'll Also Like

815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
12.9K 213 52
HELLO, SA GUSTONG TUMAWA, GO LANG. - Seeraienderella 2018 Amber Shen (2020) Ang pangongopya ay seryosong krimen. Amen.
1.2K 275 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
46.7K 1.4K 40
Vice-Jackque story about love and sacrifice. Made to serve as inspiration and eye opener to many. #LoveWins