Without You

Bởi babyashANDgiggles

117K 2.4K 1.4K

Xem Thêm

Without You
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Epilogue
Authors' Final Words

Chapter 17

3.3K 104 98
Bởi babyashANDgiggles

Dahan-dahang pumasok si Sarah ng kanyang kwarto. Parang hirap na hirap s’yang maglakad at kumilos at hindi n’ya mawari kung ito ba ay dahil sa pagod ng katawan o emotional stress. After her talk with Carlie she felt that same feeling after Gerald left him some two years ago. Pakiramdam n’ya ay lumiliit ang kanyang mundo at wala s’yang karamay dito. She felt so alone… tired and alone.

She sat on the edge of her bed and dropped her shoulder bag on the floor next to her. Tumungo s’ya at tumitig sa sahig. Ang daming tumatakbo sa isip n’ya pero lahat ng iyon ay parang walang saysay sa kanya. She has resolved to move on from all of these… just like the last time. But she felt that it would be much harder this time around. At dahil sa malalim na pag-iisip ay nagulat s’ya nang biglang may kumatok sa kanyang pinto. “Pasok po.”

“Anak, pwede ba kitang makausap?” ang tanong ni Mrs. Geronimo pagpasok nito sa kwarto ng anak.

“Oo naman po. Tungkol po ba saan?”

Umupo muna s’ya sa tabi ng kanyang anak at saka sinabing, “Tungkol kay Gerald.”

Napatingin si Sarah sa ina. “Baka po ang ibig n’yong sabihin ay Andrew.”

“Sige, si Andrew muna. May problema ba kayo?”

“Ma, nahuli ko pa s’yang may kayakap na ibang babae.”

“So tama pala ang sinabi ni Gerald.”

“Gerald? Nakausap n’yo po si Gerald?”

“Oo anak. He was here earlier looking for you.” Sarah didn’t say anything. “Nagbreak na ba kayo ni Andrew?”

“Hindi ko pa po s’ya kinakausap. I’m not ready yet. Baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya kung ngayon na kami mag-uusap but it’s pretty obvious na doon din ang punta no’n.”



“Mahal mo pa si Gerald?” Mrs. Geronimo suddenly blurted out.



Hindi nakapagsalita agad si Sarah dahil bigla nang umagos ang mga luha sa kanyang mga mata na naging dahilan ng pagyakap sa kanya ng kanyang ina. “Ma, bakit palagi na lang akong umiiyak dahil sa kanya. Kahit ngayong hindi naman kami ay umiiyak pa rin ako. ‘Yun na lang ba talaga ang papel n’ya sa buhay ko, ang paiyakin ako?”



“Anak, umiiyak ka dahil nasasaktan ka dahil mahal mo pa s’ya.” Bumitiw sa pagkakayakap si Mrs. Geronimo at iniharap sa kanya ang anak.  “Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Gerald?”

“Sinabi ko naman na sa inyo di ba? May ginawa s’ya kay Julia noon.”

“Tinanong mo ba s’ya tungkol doon?”

“Bakit pa?”

“To get his side.”

“Ma, he did something to one of my closest friends. Kailangan pa ba ng explanation?”

“Of course because he deserves it and because there are always two sides of the story.”

“What do you mean? Bakit nag-explain ba s’ya sa ‘yo? Anong kasinungalingan naman ang sinabi n’ya?”

“Anak may gusto daw sa kanya si Julia at habang nililigawan ka n’ya ay sinisiraan ka ng kaibigan mo. Ayaw ni Julia na magkatuluyan kayo ni Gerald at sinabi n'ya kay Gerald na guguluhin n'ya kayo.”

“Paano magkakagusto sa kanya si Julia eh naging girlfriend din s’ya ni Fred, ‘yung bestfriend ni Ge? And... what kind of story is that? Hindi parang imbento lang n'ya?”

“That I don’t know. Ikaw na ang dapat magtanong sa kanya n’yan. Kaya nga sana ay magkausap kayo. Sarah, alam mo kung gaano namin kaayaw si Gerald para sa ‘yo but I really can’t help but believe him. I saw how sincere he was. He still loves you Sarah. Bakit hindi mo s’ya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag? Tutal ilang taon na rin naman ang nakalipas. Baka binibigyan kayo ng second chance.”

Lumakas ang pag-iyak ni Sarah. Halo-halo na ang kanyang nararamdaman. Isa na naman bang pagkakamali ang ginawa n’ya? “Ma, we cannot have a second chance kasi he already has a girlfriend. Isang napakabait na babaeng mahal na mahal s’ya.”

“Pero bakit iba ang nakita ko sa kanya kanina? Naramdaman kong ikaw pa rin ang mahal n’ya.”

“It’s too late Ma. I said goodbye to him and I told his girlfriend that I’m not gonna bother them. Nagparaya na ako Ma. Hindi ko kayang makasakit ng ibang tao para lang sa sarili ko.”

“Ow? Sa tingin mo ba sa ginawa mong pagpaparaya ay wala kang ibang taong nasaktan? Paano si Gerald? Sa tingin mo ba ay hindi s’ya nasasaktan sa ginagawa mo? ‘Yung taong nagmamahal sa ‘yo ng lubos ang sinasaktan mo. Hindi mo ba naisip ‘yon? Hindi kaligayahan mo lang ang iniisip mo dito. Kaligayan din ng taong minamahal mo at nagmamahal sa 'yo. Mas pipiliin mo pa bang hindi saktan ang bago mong kakilala kaysa sa kanya?”

“He deserves her more than me.”

Tumayo na si Mrs. Geronimo at akmang maglalakad palabas. “Maybe you’re right. Maybe he should really be with that girl instead of you. Kasi ikaw hindi mo s’ya kayang ipaglaban,” ang mariing sabi nito sabay lakad papuntang pinto.

“Ma?” Tumigil ang ina at lumingon sa kanya. “Why the sudden change of heart?”

“Because now I know that he is the one for you.” Pagkasabi nito ay tuluyan na s’yang lumabas ng kwarto.

********

Samantala, nakauwi na rin si Carlie. Kanina habang pauwi ay pabalik-balik sa isipan niya ang naging pag-uusap nila ni Sarah. Noong una, tuwa ang naramdaman niya sa naging takbo ng pag-uusap nila ng kaagaw sa pag-ibig ng lalaking minamahal. Inisip niya na tama lang na lumayo si Sarah. Dapat lang na lumayo siya, layuan si Gerald. Wala na siyang karapatan sa boyfriend niya. Masaya na si Gerald sa piling niya. Nakamove on na ito sa tulong niya. Natigilan si Carlie. Nakamove on na nga ba si Gerald? Kung nakamove on na ito, bakit apektado pa rin ito mula ng makitang muli si Sarah? Kaya ba niyang tuwing tatahimik at makikita niyang malungkot ang kasintahan, iisipin niyang si Sarah ang nasa isip nito? Kaya ba niyang tanggapin habang magkasama sila ni Gerald, alam niyang may isang babaeng nagparaya at lumayo para lang maging masaya siya?



Ang mga tanong na ‘yun sa sarili niya ang gumugulo sa isipan niya hanggang sa makauwi siya. Kinukumbinisi ang sarili na kaya niyang tanggapin na may isang babaeng nagparaya para maging masaya siya, ‘yun ay kung masaya din ang taong ipinaglalaban niya. ‘Yun ba ang gusto ni Gerald? Magiging masaya ba ito sa naging desisyon ni Sarah na lumayo?



Naiyak na si Carlie dahil alam na niya ang sagot sa mga tanong niya sa sarili. Kung kaya ni Sarah na magparaya, kaya din niya. Masakit isipin na parang naging panakip-butas lang siya sa buhay ni Gerald. Wala din naman talaga siyang masabing hindi maganda sa kasintahan. Naging napaka uliran nitong boyfriend - maalalahanin, maalaga at wala siyang matandaang malaking pinag-awayan nila. Lagi nitong ginagawa ang alam niyang makakapagpasaya sa kanya. Wala na siyang mahihiling pa, nakatagpo siya ng perfect boyfriend… ‘yun nga lang madalas ‘pag tulog na ito, kahit siya ang katabi ay ‘Babe’ pa rin niya ang binabanggit ng binata.




********

May ilang minuto na ring nakaupo si Gerald sa loob ng kanyang sasakyan pagkarating n’ya sa harap ng bahay nila Carlie. Buo man na ang loob sa gagawin ay nais n’ya munang i-compose ang sarili bago humarap sa kasintahan.  Hanggang maaari, ayaw din sana niyang saktan ang kasintahan pero ayaw din niyang maging unfair dito. Mahal din niya ang dalaga, ayaw din niyang masasaktan ito pero si Sarah ang buhay niya. Hindi niya ‘yun kayang ipagkaila kay Carlie sa habang panahon na magkasama sila. When he felt he was ready, he got out from his car and rang the doorbell.



Pinilit pasayahin ni Carlie ang sarili ng buksan nito ang gate. “Hi sweety, mukhang hindi maganda ang naging araw mo ah.”



“Pasensya na, medyo gabi na pero gusto ko lang talagang makausap ka,” malungkot na sabi ni Gerald. “May gusto akong sabihin sa iyo.”



“Mukhang importante nga ‘yang sasabihin mo. Kumain ka na ba? Kumain ka kaya muna,” ang sabi ni Carlie habang naglalakad sila papasok ng bahay.

“Hindi na, hindi naman ako nagugutom,” lalo nang lumungkot ang boses ng binata. Paano ba niya masasabi sa kasintahan ang isinadya niya doon ng hindi ito masasaktan?



“Sige, doon na lang tayo sa kwarto mag-usap para naman makapagpahinga ka. Mukhang pagod na pagod ka eh.” Pilit pa ring kumikilos at nagsasalita ng natural si Carlie kahit alam niya ilang sandali na lang ay maiiwan siyang umiiyak at nag-iisa.



“Dito na lang tayo mag-usap. Mas magandang dito na lang tayo mag-usap.” Umupo sa sofa si Gerald, tumingin kay Carlie, parang nagmamakaawang maintindihan sana siya ng dalaga. Umupo naman si Carlie sa isang upuan na nakaharap sa kinauupuan ni Gerald.



“Ano ba yun? Kinakabahan yata ako sa sasabihin mo,” nakangiti si Carlie kahit na parang tinutusok ang dibdib nito.



Yumuko si Gerald. “Sarah is my ex-girlfriend. Nakiusap siyang huwag kong sabihin sa iyo para huwag nang magkaroon pa ng maraming tanong at ilangan. Tutal naman daw, hindi naman daw tayo laging nagkikita.” Nagtaas ng paningin si Gerald, nagtataka kung bakit parang walang reaction ang kasintahan sa ipinagtapat niya. Nagtama ang mga paningin nila. Nagtatanong ang mga mata ni Gerald.



Pinipigil naman ni Carlie ang umiyak. “Alam ko na, nagkausap na kami ni Sarah kanina. Nangako siyang lalayo para sa ating dalawa. Ipinapaubaya ka na niya sa akin.”



Nalamukos ni Gerald ang buhok, napatakip sa mukha ng dalawang kamay. Napatayo, hindi malaman ang gagawin.  



“I am so sorry, I didn’t mean to hurt you. Wala akong balak na lokohin o saktan ka.” Napalapit na ito kay Carlie at halos lumuhod sa harapan ng dalaga.



Hindi na napigil ni Carlie ang sarili na mapaiyak. “Sinabi ko sa kanya ipaglalaban kita. Nang sabihin niyang I deserve you more than she does, natuwa ako. Sabi ko dapat lang na lumayo siya at huwag nang magpapakita pa sa atin.” Patuloy ang pagluha n’ya nang tumingin kay Gerald.



“I am so sorry Carlie, I am so thankful na dumating ka sa buhay ko. You helped me a lot lalong-lalo na nung mga panahong parang wala ng saysay ang buhay ko. Akala ko nakalimutan ko na siya, nakamove on na ako pero ng makita ko uli siya, kahit na sobra akong nasaktan sa pagtanggi niya sa akin noon, mahal ko pa rin siya.”



Lalo ng umagos ang luha ni Carlie. Mas masakit palang marinig ang katotohanan sa bibig mismo ng kasintahan. “Kahit na mas gusto pa niyang layuan ka? Kahit na hindi ka niya kayang ipaglaban?”



“Oo, masakit pakinggan na handa niya akong ipagparaya sa iba… layuan... pero mas nakikita ko pa rin ‘yung pagmamahal niya sa akin at sa iba pang taong mahalaga sa kanya. Ganoon talaga siya, ayaw niyang nakakasakit, handa siyang magdusa, magparaya para sa mga taong mahal niya. Kailangan kong lumaban, maging persistent para sa aming dalawa hanggang sa maunawaan at makita niyang we are meant for each other. Pinaglayo na kami noon ng mga taong ayaw na maging kaming dalawa pero pinagtagpo uli kami at ngayon mas sigurado na  ako, I can’t live without her,” nakayukong  pag-amin ni Gerald sa kasintahan.



Hindi na makapagsalita si Carlie. Hindi ito nakatagal at tumayo ito sa kinauupuan. Tumayo din si Gerald at sinabing, “I am so sorry. Sana someday mapatawad mo din ako. Maniwala ka sanang hindi ko sinadya na saktan ka.”



“Mabuti na rin siguro na hanggang maaga nangyari sa atin ito. Masakit… napakasakit kasi mahal talaga kita. Itinalaga ko na ang sarili ko na ikaw na ang lalaking mamahalin ko habangbuhay pero gaya nga ng sabi nila, may mga dahilan ang mga bagay-bagay kung bakit nangyayari. Iisipin ko na lang na nangyari ito dahil hindi tayo talaga ang para sa isa’t isa. Bago ka pa dumating kanina, alam ko nang mangyayari ito. Naisip ko na rin na hindi ko din pala kayang tanggapin na kasama nga kita pero iba naman ang iniisip mo… iba naman ang talagang nagmamay-ari ng puso mo.”



“I am sure makakatagpo ka ng lalaking higit pa sa akin. You are such a good person.”



Nagkibit-balikat na lang si Carlie. “Sige na, sana mapagbago mo ang isipan niya at tanggapin ka niya uli. For the meantime, pwedeng umalis ka na? Hayaan mong maiiyak ko ang sakit para bukas paggising ko kahit na papa’no ay masabi kong good riddance,” may halong biro na sabi ni Carlie kay Gerald na nangiti na rin.

“Okay lang din na murahin mo ako. Tawagin mo ako ng kung anu-ano, I deserve it naman.”



“Hindi na, palagay ko one day magiging magkaibigan tayo uli ‘pag natagpuan ko na ang lalaking para sa akin.”



Bago umalis si Gerald ay niyakap niya ng mahigpit si Carlie. Tama ang dalaga, isang araw magiging magkaibigan uli sila.



 

   



Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
3.6K 99 5
Four years ago, Farrah Margarette Villamor was married to a well-known young multi-billionaire, Raze Elizalde. He was also known for being ruthless a...
224K 1.1K 6
"Te amo mi amor. Te amo mucho mi Chiquita..."
43.6K 515 9
Raze Volkswagen A half American and Half Filipino, a billionaire and the most famous man in the world. Talking about hotness? check. Handsome? Very C...