HEARTS & BULLETS (COMPLETED)

By raidenredux

365K 15.9K 1.5K

Sa mundo na ang pag ibig ay walang kinikilalang batas, posible bang mag tagpo ang dalawang taong may kanya ka... More

PREAMBLE
CHAPTER #1
CHAPTER #2
CHAPTER #3
CHAPTER #4
CHAPTER #5
CHAPTER #6
CHAPTER #7
CHAPTER #8
CHAPTER #9
CHAPTER #10
CHAPTER #11
CHAPTER #12
CHAPTER #13
CHAPTER #14
CHAPTER #15
CHAPTER #16
CHAPTER #17
CHAPTER #18
CHAPTER #19
CHAPTER #20
CHAPTER #21
CHAPTER #23
CHAPTER #24
CHAPTER #25
CHAPTER #26
CHAPTER #27
CHAPTER #28
CHAPTER #29
CHAPTER #30
CHAPTER #32
CHAPTER #31
CHAPTER #33
CHAPTER #34
CHAPTER #35
CHAPTER #36
CHAPTER #37
CHAPTER #38
CHAPTER #39
CHAPTER #40
CHAPTER #41
CHAPTER #42
CHAPTER #43
CHAPTER #44
CHAPTER #45
CHAPTER #46
CHAPTER #47
CHAPTER #48
CHAPTER #49
FINALE (Part 1)
FINALE (Part 2)
FINALE (Part 3)
AUTHOR's NOTE

CHAPTER #22

6.7K 290 19
By raidenredux

*fast forward*

Mabuti buti na ang pakiramdam ni Rhian kaya panatag na si Glaizang iwan ito saglit para umuwi sa bahay nila

*intercom rings*

"Yes dada?"

"Can come down for a while? We need to talk"

"Ok po... Bababa nako"

Pagkasabi ay mabilis na sumunod si Rhian sa ama.

Naabutan nyang nasa library din ang kanyang Ahya Gab. Pagpasok ay humalik ito sa dalawang lalaki saka umupo sa upuang nasa harapan ng mesa ng ama nila.

Napansin naman ni Rhian na tila wala sa mood ang Ahya nya kaya sinubukan nya na lang na balewalain ito.

"So what's this all about Dada?" Tanong ni Rhian

Sa halip na sumagot ang ama ay tumayo ito at binaling ang pansin sa isang steel cabinet sa isang sulok. Naghalukay ito doon

Pagbalik nito sa upuan ay may inabot itong folder kina Rhian at Gabriel.

"That is my final last will and testament dahil ang luma ay pinabago ko dahil wala na si Paul at dalawa na lang kayo ang maghahati ng lahat ng ito. I already authenticate and notarized that at yan ang masisilbing copy nyo pero ang original nya ay mananatiling nasa akin hanggat nabubuhay ako. "

Sinuri ni Rhian ang lahat nang nakasulat doon habang si Gab ay di man lang nag bother na buksan ang folder.

"Dada! This is unfair! Why 60-40? This should be 50-50... Napaka unfair nito para kay Ahya. He's a married man at single pa naman ako and I think its appropriate na mapunta sa kanya ang majority dahil panganay sya and we all know, he is your real son..."

"Rhian, this is not about Who is Who or Which is Which... Kaya ko nga inihahabilin sayo ang majority ng properties natin dahil ikaw ang single at mas makakafocus ka sa negosyo natin. I trust you na kahit mawala ako, magiging fair ka sa Ahya mo... Na kahit magsettle down ka man, hindi mo ipagdadamot sa kanya ang lahat ng meron ka, kaya parang ganon na din iyon."

"So anong ibig mong sabihin Dad, sa aming dalawa, ako ang selfish?!" Biglang sabat ni Gab


"No Gab... Hindi ganon yun. Basta, buo na ang disisyon ko at kung ano man ang dahilan ko, irespeto nyo na lang. Wala na kayong magagawa dahil wala akong balak baguhin pa ang will na ito"

Napatingin si Rhian sa kapatid na tila nag aalala... Hindi sya pabor sa usapang iyon pero kilala nya ang Dada nya. Ano man ang naging desisyon nito, hindi na iyon mababago.

Pero hindi palagay ang loob nya para sa kanyang Ahya, hindi nya gustong kagalitan o kamuhian sya nito. She know what he been through and he is working hard for their businesses just to prove to their Dad na karapat dapat syang mamahala ng ari-arian nila.

"Excuse me... Mauna nako sa opisina Dada" Paalam ni Gab saka ito umalis.

Naiwan si Rhian at Oscar.

"Dada... I am not in favor of your decision, honestly... I dont feel that I am worthy of it. And besides, totoo naman po ang sinabi ko... Nararapat lang na mapunta ang lahat ng ito kay Ahya dahil sya ang tunay mong anak..."

"Rhian, ni minsan hindi ko sinabi sa sarili ko o namin ng Mama mo na hindi ka namin tunay na anak. Sabihin mang hindi ka galing sa laman at dugo namin pero dito (sabay turo sa dibdib) isa kang Tanchingco... I just respect your Dad kaya ako pumayag na dalhin mo ang pangalan nya pero anak kita... At walang kwestyon don"

"Balang araw malalaman mo rin kung bakit ko ito ginagawa anak... Madiskarte ang Ahya mo at naniniwala ako sa kakayahan nya na kahit 40% lang ang mapunta sa kanya, kayang kaya nya itong palaguin. At ikaw, gusto kong panibagong buhay ang simulan mo... Hindi kagaya ng buhay na mayroon tayo. It's too late for an old man to regret kaya hindi ko magawang talikuran ang maling nagawa ko. Pero ikaw, bata ka pa. Ayokong tahakin mo ang landas na meron ako. Dati natutuwa akong marinig ang mga sinasabi mong tutulong ka sa negosyo natin kahit alam mong mali dahil tatanaw ka nang utang na loob... Pero napagtanto kong anak kita at hindi mo utang na loob sa akin ang meron ka... Responsibility bilang ama na ibigay lahat ng pangangailangan ng anak ko kahit isanla ko pa ang kaluluwa ko sa impyerno." Emotional na sabi ng lalaki.

"Alam kong hindi naman na tatagal ang buhay ko dito sa mundo, at hindi ganon kadali bitawan ang mga ginagawa ko. Kung sarili ko lang, napakadaling sumuko sa batas pero hindi anak... Inaamin ko, I have regrets but its too late. Basta makinig ka sakin... May dahilan kung bakit ko ito ginawa. At pag dumating ang araw na wala na ang Dada, do the right thing. Live your life in the bright side."

Naguguluhan si Rhian sa mga sinabi ng ama pero hindi nya alam kung saan sya magsisimulang magtanong... Hindi nya lubos na uunawaan ang mga sinabi nito pero puro tango lang ang nagawa nya.

...

..


.

Sa isang coffee shop.

"Limang araw kang hindi nakapagreport Galura, anong ginawa mo sa limang araw na yun? Hindi mo ba alam na sa isang tiklo natin natutumbasan yun ng sampung bentahan? Wala pa din tayong progreso hanggat hindi natin natutukoy at nasisira ang puno at ugat nitong droga..."

Napakamot batok ito.

"Pano kasi Sir, nag aya yung anak ni Mr. Tanchingco ng out of town..."

"At inenjoy mo naman?! Yan ba ang trabaho mo? You have a mission at hindi ka nanduon para makipagbonding Galura"

Biglang uminit ang tenga ni Glaiza sa narinig.

She clear her throat.

"Excuse me General... Kayo ang nag assign sakin na gawin to and as far as I could recall, kayo din ang naglagay sakin bilang bodyguard at driver ng anak ni Oscar... So what will you expect from me? Iba ang lakad ni Oscar sa lakad ng anak nya at nagkakamali kayo. Hindi kasangkot si Rhian sa illegal na gawin nito. Kung gusto nyo pala ng time to time updates, bat di nyo ako ginawang bodyguard ni Oscar? At least kung ganon, may rason kaying sumbatan ako ng ganyan" Sarkastikong sagot nito




"Watch your word Galura! Baka nakakalimutan mo kung sinong kausap mo..." Mahina pero madiing sabi ng lalaki na may pagbabanta

"No GENERAL. I know who Im talking to and it doesn't change my point of view... So if you'll excuse me, mauna na ho ako"

Pagkasabi ay agad na tumayo si Glaiza at umalis.

...



..



.

"Hello?" Sagot ni Glaiza sa telepono

"Hi Baby Love..."

"Oh hi gorgeous... How are you?"



"Im fine... Uuwi ka ba dito?" Malambing na tanong ni Rhian

"Ahhhmmmm... Im sorry pero hindi Lab e, dito muna ako sa bahay mtutulog, nagtatampo na si Nanay sakin. Pero maaga akong babalik bukas.. Ok?"

Buntong hininga ang narinig nito sa kabilang linya.


"Lab, wag kang magtampo... Ok? Isang gabi mo lang hindi makikita ang maganda mong girlfriend, bukas na bukas maaga akong babalik. I love you!"

"Hindi din naman malakas yung hangin mo noh? Ok then... Ano pa ba ang magagawa ko, Im just a princess and your mom is a queen... Pero bukas na bukas kailangan andito kana pag gising ko. Ok? I LOVE YOU SOOOOO MUCH!"


"YES NA YES MAAM! see you tomorrow princess... Ill miss you"

"I'll miss you too"


...



..


.

"Nay, naalala mo yung sinabi ko sayo noon tungkol sa babaeng napupusuan ko? Kami na po"



"Ha?! Ang bilis mo naman anak... Aba! Tinalo mo pa ata si Alchris."


"Nay,,. Hindi naman sa ganon, it's just that love works that quick between us. Hindi ka ba pabor nay?"

"Sabi ko nga sayo anak, kung masaya ka, di kami hahadlang. Ang akin lang e, kilalanin mo ng mabuti at saka diba yan yung sa misyon misyon mo? Alam na ba nya? Kung hindi mo sinabi, isipin mo,..paano kung malaman nya? Mabuti na lang kung maiintindihan ka nya, pano kung hindi?"

Napatulala si Glaiza at saglot na natahimik.

"Gustuhin ko mang sabihin sa kanya pero alam nyo hong hindi maaari Nay diba? Pero hindi ibig sabihin nun na niloloko ko sya coz I love her and I really really do..."

"Sabihin na nga natin na hindi ganon ang intensyon mo, pero how about ang pagkaintindi nya?"


Napabuntong hininga si Glaiza dahil biglang nagkaroon ng palaisipan sa isipan nya.


"Ewan ko nay... Pero sakali mang hindi nya ako maintindihan at kamuhian, irerespeto ko ang desisyon nyo pero papatunayan ko sa kanyang sa likod ng lahat ng to, totoo ang pag ibig ko..."

"Nako, talagang matured na ang anak ko... Hayaan mo anak, I always pray for your happiness at kung ano ang alam mong tama, ipaglaban mo lang...di bale nang kagalitan ka nang iba, bastat alam mong nasa tama ka."

"Salamat Nay..." Saka niyakap nito ang ina

"So kelan mo ipapakilala sa amin yang mamanugangin namin?" Ani ng ginang

"Grabe ka nay ha... Mamanugangin agad.? Hhhmmmm, one of these days po nay... Sa awa nang dyos, pero pwede bang itago muna natin tong mga litrato, medals at kung ano pang may kaugnayan sa pagiging pulis ko? Sinabi ko kasi sa kanya na tanod ng barangay lang ako" sabay takip mukha ni Glaiza at tila nahiya sa pagsisinungalin




"Hayyyy nakong bata ka. Osya sige... Basta magpasabi ka kung kelan at nang maayos ko din itong bahay natin"

"Yieeee! Salamat talaga Nay! I love you!!!" Malambing na sabi nito sa ina.


"Mahal na mahal din kita anak,.."


...



..




.

Kinabukasan, alas sais pa lang ay nasa mansion na ng mga Tanchingco si Glaiza


"Magandang umaga po Ate" bati ni Glaiza sa babaeng nagwawalis sa may labasan

"Oh Glaiza, magandang umaga din. Ang aga mo naman..."


"Mabuti nga po iyon ate... Gising na ba si Rhian?"

"Ay hindi pa e. Mamaya pa yun. Nag almusal kana ba?"

"Opo. Tapos na.. E sina Sir at Maam?"


"Si Sir tulog pa pero si Maam maagang umalis dahil magsisimba daw at mag gogrocery. Osya pumasok ka na at magkape ka ulit at mag almusal"

"Sige Ate, salamat po. Tuloy nako"


Tinungo ni Glaiza ang kwartong tinutuluyan nya para ilagay ang dalang gamit... Naisipan nanaman nyang ipagluto ng almusal si Rhian kaya dali dali itong bumaba.

Simple egg and ham lang yun na pinaresan nya ng fried rice pero it will be special coz it's cooked with love.

Along with a cappuccino and a piece of banana.


"Manang..." Biglang may nagtawag mula sa taas

"Yes Maam Rhian?"


"Manang what's  for breakfast?" Tanong nito


Kinindatan ni Glaiza ang kasambahay bilang hudyat na tapos na syang iset ang almusal ng prinsesa nya saka ito nagtago sa bandang pintuan

"Ay nako Maam. Especial po itong agahang nakahanda para sa inyo" naeexcite na sabi ng babae

"Sus si Manang, ano nanamang pakulo yan?"

"Hali na kayo Maam habang mainit pa... Nang malaman nyo kung ano ito"

Tila nahawa na din si Rhian sa excitement ng babae kaya bumaba na din ito, nasa kalagitnaan palang sya ng hagdan pero amoy na amoy na nya ang mabangong sinangag...

"Mukhang masarap nga ata ang nakahain ah" aniya at dumeretcho na sa dining room



...



..



.


Rhian's POV


In fairness, very inviting ang amoy ng niluto nila for breakfast kaya kahit mejo wala pa akong gana, nahikayat akong kumain dahil sa naamoy ko.

With excitement pa akong pumasok sa dining room



"Good Morning gorgeous!" Bati ng isang babaeng biglang sumulpot mula sa likod ng pinto

Aba! At may pa roses pang paandar... Naks naman! Lakas maka KathNiel at AlDub tong isang to ah...

So kikiligin naba ako?

Well, kahit walang flowers, ngiti pa lang nya, bentang benta na sa umaga ko...

Nag mouth ito ng "I miss you and I love you" sabay senyan sa akin na may mga kasambahay namin na nakatingin kaya napangiti na lang ako at pinipilit kumalma.

"Kain na po kayo Maam. Si Glaiza lahat naghanda nyan..." Sumbong ni Manang


"Really? So anong oras ka dumating?" Tinaasan ko ng kilay si Glaiza

"6am nandito nako... Tulog kapa kaya naisipan kong igawa ka ng almusal"

Ay grabe! Yung ngiti nanaman nya... Haayysst! Mabuti na lang at bago tong panty na nasuot ko kagabi.. Pero kung nagkataong pambahay ang nagamit ko, malamang ngayon e laglag na hanggang tuhod. ✌️


"Kain kana... At baka lumamig na yung pagkain, mawawalan ng lasa yan"

She start putting foods in my plate at talagang hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa ka sweetan nitong Lablab ko...

Habang tinititigan ko sya sa ginagawa nya, I like the thought of waking up every morning with her for the rest of our lives...

And a part of me is telling that she's really the one...

Ano pa ba ang mahihiling ko pag nagkataon?

Mabait, maalaga, maaalalahanin, sweet, mapagmahal, hot, beautiful, sexy... Perfect!

She have it all more than a man can give to a woman... And napaka swerte ko dahil mayroong sya na dumating sa buhay ko.

"Here you go..." Sabi nya at biglang naputol ang pagdidaydreaming ko


Simpleng hain ng almusal lamang iyon pero pakiramdam ko, napaka sarap nang menu ang niluto ... Knowing na pinaghandaan at pinagpaguran nya ang kinakain ko... Espesyal nga talaga...

"How is it?"

"It's perfect Lab... Thank you!" Nakangiting sagot ko.


Biglang may mga matang nagsitinginan saming dalawa...bigla kong narealize ang sinabi ko...
Napa yuko lamang si Glaiza na tila nag hihintay na may mag react...


"I mean, napaka perfect ng LABAS nitong niluto mo..." Alibi ko saka ibinalik ang atensyon ko sa pagkain.



====================


AN:

Thanks for reading guys!

You know what to do 😊

❤️ RAIDEN

Continue Reading

You'll Also Like

289K 10.8K 61
Just from the author's playful imagination with a whole lot of mixed concepts Actually some of the parts na mababasa niyo dito is based on one of the...
109K 2.8K 31
It is so easy for us to love the light and so hard to love the darkness. Journey with Jade Howell in her equally shattered and meaningful life, and d...
1.5K 202 27
Isang dalagang nagsusumikap na makakuha ng atensyon ng pinuno ng mafia, at inosenteng inaakit ito. Nakakamit niya ang kanyang mga nais dahil walang...
142K 4.9K 57
Rhian-The New Teacher Glaiza-The Student Chynna and Katrina-Glaiza's friend and classmate Solenn-Rhian Co-teacher This is a fanfic story of Glaiza an...