A Piece of Everything

By candiedapple__

94.5K 2K 100

CDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang m... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Epilogue

Chapter Five

3.1K 75 5
By candiedapple__

            Nagtawanan ang buong klase nang pakengkoy na basahin ni Jonas—isa sa mga estudyante ni Rebecca sa English 101—ang isang pangungusap na nakatala sa kwentong binasaba nito. Siya naman ay napakamot na lang sa kanyang ulo nang umingay na ang buong klase at nag-asaran at naghagalpakan ulit ng tawa.

            She rolled her eyes in amused exasperation.

            In her four years in teaching ay ngayon lang siya lubos na nag-enjoy sa kanyang trabaho. At iyon ay dahil sa kanyang mga estudyante sa English 101. Karamihan sa mga ito ay Journalism at Creative Writing ang course.  Makukulit ang mga ito, pasaway pa nga kung minsan, pero magagaling ang mga ito. It was really good to know that there are still students who are very dedicated in studying. Iba-iba ang mga talento ng mga estudyante niya; may magagaling sa pagsasalita, ang iba naman ay pagde-deliver ng mga tula, declamations at kwento. Pero lahat sila ay magagaling sa pagsusulat.

            She clapped her hands three times to get her class’ attention. Nagsiayos naman ang mga ito. “Mga baliw talaga kayo.” Nailing niyang sabi. ”Jonas, please, ayusin mo na ang pagbabasa.”

            Ngumisi si Jonas saka ipinagpatuloy ang pagbabasa. Nang matapos ito ay nakipag-high five muna ito sa katabi nito bago tuluyang maupo.

            “Okay, now, I have a question—”

            “Ma’am ako rin!” Sigaw ni Mercury—Merc for short.

            “Okay. Fire away.”

            “May boyfriend ka na?”

            She rolled her eyes once again. Naghiyawan na naman ang buong klase. Hindi lingid sa kanya na may gusto sa kanya ang estudyante niyang ito. Merc was the oldest student in this class. Twenty-five na ito.

            “Wala.” Tumingin siya kanyang relong pambisig. “Dismiss. We’ll continue this on our next meeting. And Merc?”

            “Yes, Ma’am?” anito na nagniningning ang mga mata.

            “Please don’t ask some stupid question again. Are we clear? I’m your professor.” Sabi niya sa mahinahong tinig.

            Merc pouted. “Okay po.”

            Nang makalabas na ang huling esdyante sa classroom ay siya naman na ang lumabas. Dumiretso siya sa faculty room at saka naupo sa kanyang mesa. She heaved a sigh. Pakiramdam niya ay pagod siya. Mabuti na lang at iyon na ang huli niyang klase para sa araw na iyon.

            Kaya naman inayos na niya ang kanyang mga gamit at saka nag-out. Uuwi na siya. Gusto na niyang magpahinga.

            “Hey, Becca, girl!”

            Napatigil siya sa paglalakad sa hallway patungo sa parking lot at saka nilingon ang tumawag sa kanya. Iisang tao lang naman ang tumatawag sa kanya ng “Becca.” Lumingon siya para lang bahagyang mapanganga nang makita ang babaeng tumawag sa kanya.

            “R-raffy?”

            “Yes. This is me. And my new fucking looks.” She said those words as if she hated her life.

            Rafaella “Raffy” de Guzman is one of her co-professors. Computer studies students’ naman ang tinuturuan nito. Nagkakilala sila nang sabay silang mag-apply sa university kung saan sila ngayon ay nagtuturo. May tsismis namang kumakalat sa buong campus na isa itong hacker—na hindi niya pinaniniwalaan dahil wala namang nagpapatunay—ng mga website ng malalaking kompanya, at mga politiko.

            “Anong nangyari sa 'yo?” Nakangiwing tanong niya.

            Wala na kasi ang mahaba at maganda nitong buhok na labis niyang kinaiinggitan. Ang pumalit ay isang Korean cut hair na pambabae. Iyong tipong sa mga napapanood na Koreanovela kung saan ang bidang babae ay magpapagupit ng buhok at magpapanggap na lalaki. Hindi na rin tuwid ang buhok nito, bahagya na itong maalon at kinulayan ng dark brown. Pero kahit na ganoon ay bumagay pa rin iyon dito dahil maputi ito at maliit ang mukha.

            Umismid ito bilang sagot. “Walanghiya kasi iyong lalaking 'yon!” nanggigigil nitong sambit. “Dinuraan niya ng chewing gum ang buhok ko kaya naman no choice ako kundi ang magpagupit.”

            “Sinong lalaki?” Nagpatuloy sila sa paglalakad. “'Tsaka, kailan pa iyan?”

            “Noong…” Biglang nagdilim ang aura nito sa naalala. “Last, last week. Tarantado talaga iyong hinayupak na iyon. Ang sarap ipalo sa ulo niya ang lahat ng bote ng alak na ginagawa niya. Hindi ko siya mapapatawad. Isang mortal sin ang ginawa niyang pagisra sa napakaganda kong buhok.”

            “Oh,” tangi niyang naikomento. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil sa loob ng apat na taong pagkakakilala nila ni Raffy ay ngayon niya lang ito nakitang mainis nang todo.

            “Hoy, Becca.” Nilingon siya nito at saka seryosong sinabi… “Kapag nag-plot ako ng pagpatay sa kanya, samahan mo ako.”

            Natigilan siya.

            Ngumiti ito at nag-peace sign. “Joke lang.” Nauna na itong maglakad.

            Siya naman ay parang wala sa sariling sumunod dito. Seryosong-seryoso ito nang sabihin nito na papatayin nito ang kung sino man ang taong iyon. Is Raffy capable of doing that? Parang hindi. Pero hindi natin masasabi, lalo na kapag galit ang isang tao.

            “Chlymate?”

            Nabundol pa niya si Raffy nang tumigil ito. “Bakit?”

            “Chlymate, ikaw nga!” Natatawa nitong sabi. Nawala ito sa unahan niya nang tumakbo ito papunta sa lalaking naka-baseball cap na ang kulay ay faded gray.

            Pamilyar sa kanya ang lalaking iyon. Hindi lang pamilyar, dahil kilalang-kilala niya ang tindig na iyon. Si Chlymate Osman. Ang kapit-bahay niyang, gwapo, pastry chef at ayon na rin rito, sex god. Anong ginagawa nito sa parking lot ng university nila? Bakit magkakilala sila ni Raffy? At bakit nakasandal ito sa kanyang kotse?!

            Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatanga rito at natulos siya sa kinatatayuan. Parang slow motion na lumingon ito sa kanya, tinanggal ang suot na cap at saka isinuklay ang kamay sa may kahabaan nitong buhok.

            Bigla ay parang nanuyo ang kanyang lalamunan. Bakit napaka-sexy nito sa kanyang paningin?

            Natauhan siya nang kawayan siya ni Raffy. Sinenyasan siya nitong lumapit. Lumapit siya, pero hindi siya makahinga. Hindi niya alam kung bakit ganito kalakas ang epekto sa kanya ng lalaking ito. At mas lumalala iyon nang sabihin nitong attracted ito sa kanya.

            Marahan siyang kumuha ng hangin nang nasa harap na siya ng mga ito. Pilit niyang iniiwasan ang titig ni Chlymate. Kung makatitig naman kasi, para akong hinuhubaran. Syet talaga. Bakit biglang uminit?

            “Becca, I want you to meet Chlymate. Katrabaho ko siya doon sa isa ko pang trabaho.” Sabi ni Raffy.

            “M-may…” Tumikhim siya. “Isa ka pang trabaho?”

            Ngumisi si Raffy saka binalingan si Chlymate at hindi na rin niya naiwasang hindi ito lingunin. Gusto niyang magtatakbo nang lalong bumilis ang pintig ng kanyang puso nang makitang nakangiti ito sa kanya.

            “Chlymate, this is the very pretty—”

            “Rebecca.” ani Chlymate.

            “Kilala mo siya?”

            “Yep. We’re neighbors.”

            “Oh.” Tumingin sa kanya si Raffy para sa kompirmasyon.

            Tumango siya.

            “Kailan pa?”

            “Matagal na.”

            “Oooh… 'Kay.” Muling ngumisi si Raffy nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Chlymate. “Bagay kayo.”

            “Ha?”

            Humalakhak si Raffy at tinapik sa balikat si Chlymate. “Makaalis na nga. Hindi ako dapat naririto. You know, I can sense something hot in here. Between the two of you. And that’s making me… shever.” Umakto pa itong nanginginig. Nakipagbeso ito sa kanya at bumulong, “Sister, tiba-tiba ka rito kay Chly, balita ko, magaling 'tong mokong na 'to in pleasuring women. In short… he’s a beast in bed.”

            Naramdaman niyang namula ang kanyang mga pisngi at nagtindigan ang mga balahibo niya sa batok dahil sa mga sinabi ni Raffy. Laughing hard, Raffy went off leaving her with the suffocating hotness of Chlymate.

            Tumikhim siya at pilit na ibinalik ang kanyang lumayas na composure. “Anong ginagawa mo rito?”

            “Wala.”

            She raised an eyebrow but did not say anything.

            Pumunta siya sa side ng driver’s seat ng kanyang kotse. All the while, Chlymate didn’t take his eyes off her. Nang buksan niya ang pinto ay saka ito nagsalita.

            “You look sexy in that eyeglass. And your messy hair.”

            Napatingin siya rito at wala sa sariling hinawakan ang dark rimmed eyeglass na kanyang suot. At naisip niyang talagang magulo ang kanyang buhok dahil basta na lang naman niya iyong itinali.

            “And I agree with what Raffy had just said.” He winked. “Bagay nga tayo.”

            Wala itong nakuhang reaksyon mula sa kanya kundi ang malakas na pagsara ng pinto ng kanyang kotse.

Continue Reading

You'll Also Like

8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
1M 8.8K 71
Book Two of Trouble Maker : The Cassanova Princess
166K 4.4K 78
Every midnight: A stalker. A stranger. A phone call. I should be scared. I should not talk to him. I should not entertain him. But all I did was... f...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...