Exquisite Saga #2: Roussanne...

JhasMean_

1.5M 34K 906

Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Pa... Еще

Copyright
Author's Note
Prologue
Chapter 1: The Show Girl
Chapter 2: The Client
Chapter 3: The Buyer
Chapter 4: The Party
Chapter 5: The Confession
Chapter 6: The Car
Chapter 7: The Contract
Chapter 8: The Lawyer
Chapter 9: The Date
Chapter 10: The Call
Chapter 11: The Dilemma
Chapter 12: The Lie
Chapter 14: The Truth
Chapter 15: The Talk
Chapter 16: The Choice
Chapter 17: The Night
Chapter 18: The Visitor
Chapter 19: The Doubt
Chapter 20: The Downfall
Chapter 21: Puzzle
Chapter 22: Rafael
Chapter 23: Advice
Chapter 24: Happy
Chapter 25: Insecurities
Chapter 26: Hug
Chapter 27: Free
Chapter 28: Interested
Chapter 29: Better
Chapter 30: End
Epilogue

Chapter 13: The Confusion

37K 900 19
JhasMean_

Susubukan ko po ulit mag-update weekly. Pasensya na po talaga, busy lang sa work. Salamat po sa paghihintay! :)

PS: May dinagdag po pala ako sa last chapter. Isang line lang naman po. Salamat ulit. :)
----------------------------------

Chapter 13

Roussanne Shelkunova

"Ma'am," dumungaw sa pinto si Marites, puno nang pag-asang tinignan ko siya pero kaagad na bumagsak ang balikat ko ng umiling siya.

"Okay, salamat."

Napatitig ako sa digital sa lamesa ko, 10:30 na. Walang Alastair at Viola na dumating. Tatlong araw na ang nakalipas nang sabihin niyang gusto niya ako, at simula non ay hindi na siya pumupunta sa clinic katulad nang parati niyang ginagawa. Kumuha ako ng cake sa pantry at inis na kumain. Aayusin ko na naman ang schedule ko. Hindi ko na nga sinunod ang schedule kong off ngayong araw sa pagbabakasakaling dumating siya ngayon, pero hindi pa rin. He's maybe avoiding me.

Naubos ko ang isang buong strawberry cake at umalis na. Nagtext sa akin si Julietb at sinabing gusto ni Mama na mag-lunch kami ng sabay. Umuwi ako sa bahay at laking gulat ko nang may isang sasakyan na nakaparada sa tapat. I entered the house at naabutan kong nagtatawanan sila Mama, Juliet at Rosalind habang nasa kusina, nandon din si Leonid na siyang nagluluto at nagkukwento sa kanila.

"Akala ko ba buong pamilya? Anong ginagawa niya rito?" Umupo ako sa highstool katabi ng mga kapatid ko.

"Kasabay natin si Papa, Ate. Magaling pala siyang magluto!" Tuwang tuwa si Juliet sa nalaman, si Rosalind naman ay tipid na napangiti lamang. Walang alam si Juliet sa nangyari noon, sobrang bata pa niya, at siguradong kung may naaalala man siya, malabo pa ang lahat, kaya mas madali sa kanyang tanggapin ang sitwasyon. Habang si Rosalind naman ay gagawin ang lahat mapasaya lang si Mama, kaya ko rin namang gawin 'yun, pero mahirap para sa akin. Tanggap ko ng bumalik si Leonid, okay lang sa akin ang makita siya, pero hindi ko pa kaya ang makasabay siya sa hapag. I need more time.

"Gumawa ako ng Tempura, paborito mo iyon, 'di ba?" Nakangiting tanong ni Leonid. Gusto kong suklian ang ngiti niya, pero hindi ko magawa, namamayani sa akin ang galit. Umalis ako sa pagkakaupo ko at tinalikuran sila.

"Saan ka pupunta, Roussanne?" Tanong ni Mama.

"Kila Asti, may usapan na pala kami." Umalis na ako at habang nasa sasakyan ay tinawagan ko sila Asti at tinanong kung Aroma Cafe pa rin sila ngayon, kanina kasing umaga ay nag-aya si Chianti na pumunta sa Aroma para sa lunch - na pinagtaka naming lahat kasi bihira siyang mag-ayang lumabas - pumayag sila Asti at Syrah habang ako ay tumanggi dahil nga sa gusto kong hintayin si Alastair tapos ay nag-aya ng lunch sila Mama.

"Oo. Pupunta ka?" Naka-loudspeaker ang phone ko habang kausap sila.

"Oo. Pa-order na rin ako ng cake at chamomile tea. Salamat!" Wala pang kalahating oras ay nasa Aroma na ako, nasa usual spot silang tatlo at umupo kaagad ako sa palagi kong inuupuan at nagsalin ng tsaa sa tasa ko. Nilanghap ko kaagad ang amoy ng tsaa at medyo umayos ang pakiramdam ko.

"Roussanne, you wouldn't believe what she Chianti told us! Kikiligin ka lalo kay Gaige." Tipid na ngumiti ako at pinakwento ulit kay Chi ang nangyari kahit na wala naman ang atensyon ko sa kwento niya, ang alam ko lang ay tungkol iyon sa party at may sinuntok daw siya na pinsan ata ng lalaki.

Maraming kinwento si Chianti pero ang atensyon ko ay nasa tasa lang ng tsaa. Hindi ko gusto ang lasa ng tsaa dito sa Aroma Cafe, iba ang lasa sa pinaiinom sa akin ni Alastair at doon sa Cafe na pinuntahan namin dati.

"Rous,"

Sunud sunod na ang problema ko. Ang pagdating ni Papa, ang pag-amin ni Alastair at ang pagsasabi ko na mahal ko si David... kahit na hindi naman ako sigurado kung mahal ko siya. Pakiramdam ko ay nagsisinungaling ako sa kanya pati sa sarili ko. Hindi ko na maintindihan ang isip ko. I'm always organized, kahit ang utak ko ay organisado, nakahanda ang desisyon ko, everything is settled, pero hindi ko alam kung ano nang nangyari sa akin at nagkaganito ako. I've never been in this kind of mess.

"Pahawak nga sa bag mo. Parang kakulay ng pintura sa mga kamay ko--" kumurap ako at mabilis na nilingon si Chianti, mariin silang tatlo na nakatingin sa akin na para bang may mali sa akin.

"Ha?" Tanong ko na lang dahil wala akong clue sa sinabi niya.

"Ang sabi ko, anong mas maganda: Kiss Proof o Nyx Matte Lip Smacking sa juicylippies? Madami ng bago, eh." I sigh. Wala na pala sa party ang usapan, nasa instagram na pala. Wala talaga ako sa katinuan ngayon.

"Ahh. Nyx." Dinilaan ni Syrah ang kamat ni Chi kaya naman pinakawalan na niya ito, tipid na ngumiti ako at umiling.

"Wala ka sa sarili mo." Nanigas ako sa pwesto ko. "Ni hindi ka nakikinig sa amin. Anong problema?"

Sinubukan kong ngumiti ng malawak, hindi ko alam kung naging maayos pa pero bahala na. "Wala naman. May kaunting problema lang sa clini. H'wag niyo akong alalahanin. So..." Pumalakpak ako at sinubukang maging cheerful. Effective naman ata dahil umiwas na sila ng tingin sa akin. "May nangyari na sa inyo ni Gaige."

"Wala. At walang mangyayari kahit kailan." Natawa na lang ako. Kinulit pa siya ni Syrah at kapag pressured si Chi, gugustuhin na lang niyang mag-change topic, and that's what she did. She ran away from the topic like how she tries to run away from Gaige. If that's even possible. Dahil kahit ano pang gawin ni Chi, there's no way out.

Dalawang oras ang lumipas nang magdesisyon kaming umuwi na. Nagkanya kanya na kami, dumiretso ako sa clinic. Habang nasa biyahe ay tinawagan ako ni David at sinabing susunduin niya ako mamayang ala-syete, pagdating sa clinic ay wala naman akong schedule na kailangang gawin kaya inayos ko na lang ang stock ng mga gamot pati na rin sa pet shop, inayos ko ang mga naka-stock na pagkain ng mga animals. First expiry first out, buti naman ay wala silang naiwang item na mauunang ma-expire sa stock room kaya wala naging problema. Nilinis ko rin ang buong stock room, winalis at minop ang lugar, pati ang examine room ay nilinis ko hanggang sa nakaligtaan ko na ang oras. Pawis na pawis ako habang binabalik sa cabinet ang mga gamot, puno ng pawis ang shirt na suot ko pati ang noo ko, dumidikit na rin sa batok ko ang aking buhok.

"Ma'am, nasa labas na po si Sir David." Sinabihan ko si Marites na sabihan si David na maghintay saglit dahil maglilinis muna ako ng katawan.

After kong maibalik sa cabinet ang gamot ay dumiretso ako sa opisina ko at ni-lock ang pinto. Sa ibabang drawer ng lamesa ko ay may dalawang pares ng pamalit akong damit at pati panloob, kinuha ko iyon at pumasok sa maliit na CR dito sa opisina. Mabilis ang ginawa kong pagligo, tapos ay pinatuyo ang aking buhok bago magbihis. Tinali ko ang buhok ko at nilagay sa eco bag ang marumi kong damit bago lumabas. Nakita ko kaagad si David na nakaupo sa waiting lounge at may hawak na tatlong piraso ng long-stemmed roses. Inabot niya iyon sa akin at nakangiting tinanggap ko naman.

Pinulupot ni David ang kamay niya sa bewang ko at nagpaalam na kami kila Marites na abot tenga ang ngiti sa mukha. Binuksan ni David ang pinto ngunit napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sinong nasa labas. Si Alastair. Karga karga niya si Viola at mukhang nag-aalala. Bumitaw ako kay David at nilapitan si Alastair.

"Anong nangyari?" Nag-aalala ako kay Viola pero hindi ko mapigilan ang sariling ngumiti.

"She hasn't eaten anything for the past three days," Hinawakan ko si Viola na agad namang tumahol sa akin, kinarga ko siya at parang nagmamaktol na kahol nang kahol si Viola. Dinala ko siya sa loob, nakalimutan ko na nga si David na nilagpasan ko lang. Dinala ko sa examine room si Viola at nilapag siya sa table, kinuha ko kaagad ang stethoscope ko at pinakinggan ang tibok ng puso niya, I also checked her pulse. Everything's normal. Nakatayo na sa table si Viola at kumakahol sa akin.

"Bakit?" Lumapit ako sa kanya, she caress the top of her head on my cheeks and went closer to me. Tumatawang niyakap ko siya. "Did you miss me?"

Kumahol siya. "Anong problema?" alalang alalang tanong ni Alastair na nasa tabi ko. "Hindi siya ganyan kanina." Naguluhan naman siya.

"Dogs can suffer separation anxiety, you were always here for almost a month, nasanay siyang nakikita ako and... when you stop coming here, baka nalungkot lang siya. Hindi pa siya kumakain, 'di ba?" Tumango si Alastair at pumwesto sa tabi ni Viola. Lumabas ako ng examine room at hinanap sila Marites. Nasa may counter nila sila at kinakausap si David. Lumingon silang tatlo sa akin. David smiled at me. "Uh, Marites, handaan mo ng makakain si Viola."

"Hey," tawag sa akin ni David, hinawakan niya ang braso ko at hinimas iyon. "Okay ka lang?"

"Yep. Pasensya ka na, ha? Tara na?" Tumango siya at muli pinulupot ang kamay sa bewang ko. Nakita kong pumunta na si Marites sa examine room na may dalang pagkain ngunit pagkalalabas pa lang namin ng pinto ay tinawag niya ako. Lumingon ako at nasa tabi niya si Alastair.

"Doc, ayaw pong kumain." Nakangiwing saad ni Marites.

"Ikaw ang gusto niya." Ani Alastair na nakatitig sa kamay ni David na nasa bewang ko. Lumunok ako at tinignan si David. Bumuntong hininga siya pero nakangiting tumango sa akin.

"Go. I'll wait for you," hinawakan ko ang palad niya at magaang pinisil iyon bago bumalik sa loob. Nakita ko siyang naupo sa waiting lounge.



Pumasok ako sa examine room, naabutan ko roon si Alastair na kinakausap si Viola at pilit na pinapakain ngunit nakahiga at matamlay lang itong nakahiga sa table. Tinawag ko ang aso at kaagad naman itong tumahol at tumayo, sunud sunod na tumahol siya at tumigil lang nang tuluyan na akong makalapit sa kanya.

"Bakit ayaw mong kumain?" Dalawang beses siyang tumahol at muling hinimas ang ulo niya sa pisngi ko. Inabot sa akin ni Alastair ang pagkain at saglit na nagkadikit ang daliri namin ng kunin ko iyon sa kanya, may kung ano akong naramdaman sa buo kong katawan na ayaw ko nang pangalanan pa. Nilapag ko sa tapat ni Viola ang pagkain at maganang kinain naman niya iyon, kumuha na rin ako ng maiinom niya.

We both just watch Viola eat her heart out habang nakatayo sa tabi niya. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin ngunit pilit ko itong hindi pinapansin. Rinig na rinig ang pagkain ni Viola dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Natapos nang kumain si Viola, inayos ko na ang mga ginamit niya at nilapag iyon sa isang tabi, sila Marites na lang ang pag-aayusin ko nito.

"Salamat," narinig kong sbai ni Alastair. Nakatalikod ako sa kanya at kinalikot ang mga walang laman na container sa may counter. Hindi pa rin siya umaalis dahil hindi ko pa narinig na bumukas ang pinto kaya hindi pa rin ako humaharap. Mabigat ang mga tingin niya at kung haharap pa ako sa kanya ay baka hindi kayanin ng binti ko at mapaupo ako sa lapag sa sobrang intesidad nito. "I wasn't able to come here because I had things to do in Manila."

"Hindi mo naman kailangang magpaliwanag..." Bulong na sabi ko. May mainit na humaplos sa dibdib ko nang malaman kong hindi niya ako iniiwasan.

"Tomorrow I'll be back here, same time." Tumango ako. Narinig ko ang mga yapak na at nakaramdam ako ng kaba dahil imbes na papalayo iyon ay palapit na palapit ang bawat hakbang niya hanggang sa maramdaman kong nasa likuran ko na siya. "I missed you."

Napatayo ako ng diretso at umiwas sa kanya, umikot ako at nilagpasan siya ng lakad ngunit bigla niyang hinawakan ang braso ko. "Tapos na ito, 'di ba? Hinihintay na ako ng boyfriend ko."

"What I told you was true. I like you, Roussanne." Pekeng tumawa ako at inalis ang kamay niya sa akin.

"May boyfriend na ako. So kung pwede lang..." Matigas na saad ko at iniwan na sila. Bumuntong hininga muna ako bago pinuntahan si David. I smiled at him. "Tara na?"

*End of Chapter*

Продолжить чтение

Вам также понравится

The Filthy, Rich Bitch Jhing Bautista

Художественная проза

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
Stonehearts 9: Sapphire Bianca M. ♛

Любовные романы

64.1K 1.7K 18
| Stonehearts #9 | People see her as a rock of solid power and strength. She isn't easily wavered and never goes down without a fight. Elora Ysabelle...
Temptation Island: Broken Ties Maki De Luna

Художественная проза

4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
Couple OR Trouble(DREAME) REDD

Подростковая литература

509K 1.2K 7
NAG SIMULA SA ISANG BUSINESS APPOINTMENT NA HINDING HINDI MAIBIGAY KAY BETTINA, NA SIYANG IKINAGALIT NIYA LALO NAT HARAP HARAPAN SIYA NITONG TANGGIHA...