LIKE THOSE MOVIES

By freespiritdamsel

208K 8.6K 1.9K

Mavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring hi... More

P r o l o g u e
Piece of paper
Apology
I'll think about it
What's your name?
Selfie
Irresistable
Cut!
Clear as day
As long as..
Birthday
I do
Missing
Trap Queen
Unsaid Words
Risk
For you
Of all people
Bestfriend
We still have time
Five minutes
Stay the night
Rose
You happened
Pouring rain
Until here
Question
Shots
She
Long gone
Museum
Prim
Paige
Axiom
This one
Self
The truth
Offer
Story
Deja vu
Middle
Movie
Convincing
Good take
Written
Mine
Saga
Epilogue
SC -1
SC - 2
SC - 3

Over you

3.6K 141 46
By freespiritdamsel




**

SUGARCANE. Nakatitig ako ngayon sa sugarcane na hawak-hawak ko. Ibinigay 'to sakin ni Miro kani-kanina lang. May nagbigay daw kasi sakanya. Aba, dinamay pa 'ko. "Kainin mo kaya!" Napatingin ako ke Miro na nasa harap ko. Pareho kaming nakatambay ngayon sa building 1 at inaantay si Aki na galing sa library. Si Cady naman, ayun, pinadala sa kung saang lupalop ng mundo dahil isa siya sa representative ng debate team. Polsci course nun kaya magaling 'yon sa mga ganon.

Siya kasi, kinakain na niya. "Talagang nagdala ka nito dito sa school, no?"

"Oo, trip ko din, e."

"That's new."

"What new?"

"What you did. Let's admit it, hindi "cool" tignan ang nagdadala ng tubo ang isang katulad mo. Pa-cool ka pa naman." Natawa naman siya sa sinabi ko. Siraulo talaga. Siguro kasi may point naman talaga ako.

"Gago, natural lang sakin ang pagiging cool. I don't even try." Depensa niya sa sarili niya. Joke lang naman 'yon, e.

Hindi na 'ko sumagot. Siya naman kain lang kain at panay, "Tangina, ang hirap naman kainin nito."
"Ugh, ano ba!"

Psh. Tumingin ako sa tubong hawak ko, pinagmasdan ito at bumuntong hininga rin sa huli ng may naisip ako.

"Ang pagkain ng tubo parang pag-ibig lang." Tumingin ako sakanya. Napahinto naman siya sa kakakutkot nun at weirdong tumingin sakin.

"Dapat pag kinakain mo 'yan, magsimula ka sa dulo."

"Huh?" Yung mukha na ipinapakita ni sakin ay 'yong tipong pinagsanib ang nagugulohan at naweirdohan.

"Kasi diba sa dulo, hindi na matamis."

"Oh?"

"Pag nagsimula ka sa tuktok, matamis pa 'yan, pero pag pababa ka na ng pababa, wala ng lasa. Dapat 'di ganyan sa pag-ibig. Dapat, magsimula ka sa dulo, sa wala pang lasa, hanggang sa patamis na ng patamis. Hanggang huli."


"Kita mo 'to?" Sabay taas niya ng tubong hawak niya. "Sarap mo'ng pukpokin nito, eh."

"Totoo naman." I said lamely.

"Sabagay. Kahit corny."

Kaso nasimulan na naming kumain ni Prim, eh. Kumbaga, nagsimula na kami sa matamis na bahahi ng tubo. Kaya sa huli, wala, wala ng lasa.

"Diba tutugtog mamaya sina Cady?"

"Hindi pa mamaya. Next week pa. Nasa Vancouver siya ngayon." Kasama ang debate team niya. Naging over-all kasi sila sa Pilipinas kaya sila ang nag represent ng bansa.

"Ay nga pala, next week pa 'yon, haha. Astig talaga ng tukmol na 'yon, no? Akalain mo magiging representative pa siya, ha."

"Matalino naman talaga yun, hindi lang halata sa mukha kasi parang tambay lang sa kanto." Sabi ko. Which is true. Matalino talaga 'yong si Cady, may iba siyang paniniwala mostly tapos ipaglalaban niya 'yon. Pinapractice-an niya nga minsan si Miro, e. Hahaha. Tsaka, 'yong course niya rin di basta-basta. Maiisipan mo talagang seryoso siya kasi siyempre, maga-abogado.

"Tama ka. Pagmumukha nun ay parang yung mukha sa jeep na mapapa-tago ka nalang ng cellphone mo, e." Datong naman niya. Buti nalang wala dito 'yong si Cady kundi asar-talo na naman 'yon.

Maya-maya lang, dumating ni si Aki. "What do we have here?" Nakatayo siya at nakatingin sa tubo na narito.

"It's sugarcane, bro. 'Wag kang maarte." Sagot sakanya ni Miro. Napailing nalang ako. Kakaibang trip din 'tong kay Miro, e. Bakit kasi nagdala-dala pa ng sugarcane dito.

"What are you... A panda?" Umupo si Aki at hindi kumuha. Saaming apat, 'yan pinaka-mapili sa pagkain. Hindi siya basta-bastang kumakain lang ng kung ano-ano.

"Excuse you, Aki, bamboo yung sa panda."

"Excuse you, Miro, sugarcane yun."

"Excuse you, Aki, bamboo yun."

"Sugarcane nga!"

"Sabing bamboo eh!"

Hindi na 'ko nakapag-pigil at binato ko sakanila yung hawak ko.

"Para kayong mga tanga. Parehong kinakain 'yon ng panda."

Napahinto naman silang pareho at nagtinginan. "Sabi ko sayo, pareho tayong tama!"

"Sabi ko nga din! Bingi ka ba?!"

Siraulo talaga 'tong dalawang 'to. Kumakain naman talaga ang panda ng bamboo, sugarcane, sweet potatoes, rice gruel.

Nanahimik nalang ako at... iniisip ko na naman siya.

Nagkikita kaming dalawa dito sa school pero 'di kami nagpapansinan. Wala. Sinusubokan ko'ng lumayo muna sakanya. Nasaktan kasi ako sa nangyari. Kaya naisipan ko munang lumayo ng kaunti. Kahit noong kinabukasan talagang kakausapin ko na siya kaso bantay sarado naman siya kay Jared. Okay lang. Busy rin naman kami ngayon kasi exams na.

Malapit na rin pala ang birthday niya. That's 2 weeks from now, I guess?

"Tulala ka naman diyan, brad."

"May naisip lang."

"Uy, nga pala, nood ba tayo sa finals?"

"Volleyball?"

"Yeah. Ano?"

"Ikaw, Mav?" Napatingin ako sakanila. Pupunta ba 'ko?

"Maybe not."

"Bakit?"

"Baka may gawin ako... that time.."

Sabi ko nalang para di sila mangulit. "Oh, baka di nalang rin kami manood. Haha!"

"Manonood ako. Support ba kay Prim." Aki.

"Di manood ka."

Sa pagkaka-alam ko, tadtad sila ng practice ngayon. Mags-special exam sila actually. Sila ng buong team. Pinafocus muna sila sa game since last naman na. And for Prim, hindi siya naging rookie. Magaling kasi talaga eh. We can't deny the fact na siya ang pinaka magaling sa ngayon.

"Nood kaya tayo ngayon sa practice ng varsity?" Sabi ni Aki. Kaumay naman 'yon. Boring. "Kayo nalang." Sabi ko. Nakakairita pa 'yong mga babaeng todo cheer, sigaw sa players dun. Parang tanga lang.

"Ano ba 'yan, sobrang boring." Reklamo ni Miro. "Pero may event ata ngayon, e. 'Lam niyo ba?"

Maraming alam talaga 'yang si Miro. Nasa student body kaya 'yan. "Ano ba'ng meron?" Tanong ko.


"Spoken-word competition."

Pfft. "Boring"

"Bagay ka kaya dun kasi brokenhearted ka. Makaka-relate ka sa iba. Haha!"

Hindi ko nalang siya pinansin. Pinansin ko nalang 'yong gitarang dala ni Aki."Pahiram,"

Tumingin siya sakin na may gulat. "Seryoso?" Siraulo. Naggi-gitara naman talaga ako, e. Hindi lang nila alam kasi 'di ko naman pinapakita.

Tinitigan ko lang siya hanggang sa ibinigay niya rin. "That's new.." Sabi niya't ibinigay sakin 'yon.

Hmm. Ano bang alam ko'ng tugtogin?






Now that it's all said and done,
I can't believe you were the one
To build me up and tear me down,
Like an old abandoned house.
What you said when you left
Just left me cold and out of breath.
I fell too far, was in way too deep.
Guess I let you get the best of me.



Every lyrics....speaks so much about my heartaches for her.

Well, I never saw it coming.
I should've started running
A long, long time ago.
And I never thought I'd doubt you,
I'm better off without you
More than you, more than you know.

They're both watching me play. This is unusual for them... and for me but I didn't mind. Ngayon gusto ko lang kumanta muna, gusto ko lang tumugtog. Lalo na 'tong kantang 'to. Kasi tagos na tagos eh. Gusto ko munang masaktan. Kahit lagi naman.


I'm slowly getting closure.
I guess it's really over.
I'm finally getting better.
And now I'm picking up the pieces.
I'm spending all of these years
Putting my heart back together.
'Cause the day I thought I'd never get through,
I got over you.

While nags-strum, pumalakpak si Miro ng mahina kaya nasamaan ko ng tingin.

Nagpatuloy ako sa pagkanta at nanatili naman silang tahimik at nanonood lang.

Hanggang sa may tumabi sakin. Paglingon ko....

Ngumiti siya sakin.

Pero umiwas ako ng tungin at nagpatuloy sa pagkanta.

Well, I never saw it coming.
I should've started running
A long, long time ago.
And I never thought I'd doubt you,
I'm better off without you
More than you, more than you know.

I'm slowly getting closure.
I guess it's really over.
I'm finally getting better.
And now I'm picking up the pieces.
I'm spending all of these years
Putting my heart back together.
Well I'm putting my heart back together,
'Cause I got over you.
Well I got over you.
I got over you.
'Cause the day I thought I'd never get through,
I got over you.

I got over her? I don't even think I'm getting over her. I will never get over this girl beside me. I don't think so.

Pumalakpak si Miro at si Vivian. Si Aki naman, nag thumbs-up. Hindi ko siya nililingon pero naramdaman ko yung pagdikit niya lalo sakin.

"You play so fine.." Sabi niya sakin kaya napalingon na 'ko sakanya. Hindi ko alam pero parang may kung anong pwersa yung boses niya na parang ikamamatay ko ng maaga kung 'di ko siya titignan.

"Thank you." Sabi ko at ngumiti. "Tapos na practice niyo?" Tanong ko at iniabot na kay Aki ang gitara niya.

"Yes. Kanina pa."

"Si Jared?" Tanong ko na. Oo, naging normal na 'tong ganitong usapan sa mga kaibigan namin. Parang normal lang. Nasanay na sila.

"He's out of town." Sabi niya at ngumiti sakin.


Kaya pala andito ka. Wala kasi siya.

Ngumiti ako ng malungkot at umiwas ng tingin.
Ramdam ko pa din ang mga tingin niya sakin at medyo naninibago't naiilang ako. Tumingin ako kay Aki na pangiti-ngiti habang nakatingin kay Prim at saakin.

Based on my peripheral vision—she's staring at me.

"Parang namumula ka ata, Prim?" Tanong ni Miro sakanya.

Pinigilan ko ang sarili ko'ng tumingin sakanya. Namumula siya? Bakit?

Straight-face lang ako at kunwaring walang pakealam pero ang totoo, gustong-gusto ko na siyang tanungin kung anong ginawa niya sa mga nakaraang araw, kung kamusta naman siya, kung kumakain ba siya ng maayos, kung natutulog ba siya ng maaga, kung.... kung namiss niya na ba 'ko.

Nakakatawa talaga minsan pinagiisip ko. Imposible naman kasi yung pang-huli. Kung alam ko lang.... ni minsan di niya ko naalala.

"Kasi—"

"Wala 'to. Init kasi." Pagi-interrupt niya kay Vivian.

"Pagod ka sa practice no? Mukhang pagod na pagod ka eh. Haha!"

"Yeah.."

Sabi niya with her usual tone. Hindi 'yan ngumingiti. Kung ngi-ngiti man, minsan lang. Ngumi-ngiti lang 'yan pag nasa mood, kung kasama ko minsan at lagi kung kasama si Jared.

"Kumain ka na?" Tanong niya.... Napatingin tuloy ako sakanya. 'Di kasi ako sure kung ako 'yong kinakausap niya.

Tapos ako pala. Sakin siya nakatingin, e. "A-ahh... Oo..." Sabi ko at tumango.

Umiwas agad ako ng tingin pero alam ko'ng ngumiti na naman siya. Di ko siya matignan mata sa mata, e. Ayoko.

"Ah..."

"O-oh.." Sabi naman ni Vivian.

"Sige, mauna na 'ko." Tumayo siya. "Viv, are you going with me?"

"Y-yes, of course." Tumayo na rin 'to. "Sige, guys, bye." Sabi ni Vivian samin. Si Prim naman, lumingon lang tapos naglakad na.

Napabuntong hininga ako.

"Ano 'yon?" Tanong sakin ni Aki. "Ha? Ano?"

"Ano 'yon? What was that?" Tumingin pa siya kina Prim na nasa kalayuan na.

"Ano bang ibig mo'ng sabihin—"

"Why are you acting like that?"

"Oo nga, pre. Ba't di mo pinapansin?"

Anong 'di pinapansin? Eh sumasagot nga ako kapag may tanong siya. "Mga sira." Sabi ko nalang. Kung ano-ano pinagiisp ng dalawang itlog na 'to, basagin ko sila diyan, e.

"Tapos yung kanta mo: Over you. So hindi mo na siya mahal?"

Naparolyo tuloy ako ng mata sakanila.

How I wish, Aki. Sana nga hindi na.

"Porket ba yun na yung kanta, hindi na mahal?"

"You can't blame us to think that way, Bro. Ang lamig mo ngayon sakanya."

"Mahal ko pa, okay?" Hindi ko nga alam kung kailan magiging Hindi na.

"Oh..."

"Nasaktan lang ako dun sa... dun sa pag-iwan niya sakin... Pero," Umupo ako ng maayos. "Okay lang, kaya pa naman."

"So gustong musuyoin ka? Sus!"

"Hindi sa ganon."


"Wehhh, utot mo pink!"

"Mga utak niyo talaga.."

"Pero mahal mo pa?"

"Kakasabi ko lang diba?"

"Sabi ko nga.."




5PM. Naisipan na naming umalis. Wala naman kaming ginawa masyado sa last class namin. Si Miro naman, umuna na kasi maaga siyang nadismiss at may lakad raw siya ngayon. Si Aki naman, sumakay na sa kotse niya. Ako naman, eto, nagmamaneho papuntang condo.

Habang nagma-maneho ako, iniisip ko parin siya. Bakit parang nagbago siya? Parang concerned siya sakin kanina? O baka naman trip niya lang ako?

Because before, I was a game she would play.

Or even until now.

I sighed deeply. Gusto ko ng magpahinga. Nakakapagod 'tong araw na 'to. Nakakapagod na wala kaming ginawa. Nakakapagod dahil nanahimik lang naman 'tong buong katawan ko pero 'tong puso't isip ko, tumitibok parin para sayo at ikaw pa din ang laman.

Papasok na 'ko sa parking space ng tumawag si..... Vivian?

"Hello?"

"Mav!"

"What's up?"


"Si Prim kasi..."

"What happened to her?"

"May sakit kasi siya, e. Can you take care of her?"

Walang pagaalinlangan.... "Okay, nasan siya? Pupuntahan ko siya."



"GOOD evening, Sir." Bati sakin ng Maid nila Prim. "Si Ma'am Prim po ay nasa kwarto niya."

Tumango nalang ako at nagsimula ng maglakad papuntang kwarto niya.

Si Vivian kasi pala sumasama sakanya pero pinauwi ng Daddy niya. That's why she called for help. Bubuksan ko na sana ang door but then it was locked.

Kumatok ako.

And after almost a minute, binuksan niya 'yon.

Nakapajama siya at naka white-fitted-t-shirt.

Pagkakita niya sakin, niyakap niya agad ako.

Siyempre... niyakap ko rin siya pabalik.

Mainit. Sobrang init niya. Kabaliktaran ng pagtingin niya sakin.

Bakit 'di ko napansin 'to kanina? Maybe I was too occupied to notice it earlier.

Nakayakap parin siya sakin at niyayakap ko rin siya with my right arm. The other one, ipinagsara ko ng pinto.

Hinawakan ko siya by the waist hanggang sa makaupo kaming dalawa sa kama niya. "Why didn't you tell me?" Tanong ko sakanya.

"Kanina pa ba 'to?" Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa noo. Tumango siya at sumandal sakin. "Pagod ka na?"

"Sobra.." Sagot niya at niyakap ako. Embracing me from the side.

"Higa ka na..." Malumanay ko'ng sabi sakanya.

Inalalayan ko siya para makahiga siya. "Papagawa lang ako ng soup mo, ah? I'll be back." Sabi ko sakanya at hinalikan ang kamay niya. Pumikit muna siya.

Pagkababa ko, nagpagawa ako ng soup niya para mas madali. Alangan naman magpaka-bayani ako at magmagaling na marunong gumawa nun kahit 'di naman talaga.

Bumalik ako sa taas na dala-dala ang gamot at soup niya. Chineck ko siya't parang mas uminit siya lalo ngayon. Inalalayan ko siya para makaupo at kumain but then... nakadalawang kutsara lang ata siya at gusto na niyang humiga ulit. Nakapikit lang siya the whole time, minumulat ang mga mata kung susubo na. Pero halatang-halata na pagod na pagod siya at masakit ang ulo at katawan.

Pinainom ko nalang siya ng gamot para kahit papaano, at sana, bumaba ang lagnat niya.

Pinagmamasdan ko siya habang nakapikit siya. Hinawakan ko ang kamay niya't hinalikan naman 'yon.

Bumukas ang kanyang mga mata... "Dito ka.. lang ah?" Medyo hirap siyang sambitin 'yon.

Ngumiti ako at tumango. "Tabihan kita?"

Ang pagkakarinig ko ay Dito Ka Lang Ah pero dahil may angking landi din ako, tinanong ko sakanya  ang Tabihan Kita?

Medyo malayo man yung sinabi ko sa sinabi niya ay ayos lang 'yon. Gusto ko kasi talaga siyang tabihan at yakapin magdamag.

"Baka mahawa ka."

At dahil nga may angking kalandian talaga ako....Tinanggal ko ang sapatos ko, ang medyas ko at ang leather jacket ko. Tsaka ako pumwesto sa tabi niya. "Sus, bahala na 'yan." Basta tabi tayo.

Landi muna bago sarili. Ganon.

Niyakap ko siya. Pero natawa naman siya ng kaunti't niyakap din ako pabalik.

Habang pinapatulog ko siya, na hindi naman mahirap, kinuha ko ang cellphone ko dahil panay tunog ito.

Nagtext pala si Mama.

Mama: Nak? Dinner ka samin? :)

Mavis: I can't, ma. May sakit si Prim. I'm with her.

Mama: Oh. Alagaan mo ng mabuti and patake mo ng med, okay? Love you. See u soon.

Hindi na 'ko nagreply.

Chineck ko rin ang ibang mga unread messages na galing sa ka-klase ko.... at teka, bakit may text pala si Prim?


Prim: Mav, I cooked something for you. Sabay tayo lunch ah? :))
08:30AM

Prim: Uyyy, kita tayo around 11:30 okay? Wait ako sa canteen. 😌
09:32AM

Prim: Mav?
11:46AM

**

Note: ang scene sa prologue ay 'di niyo makikita dito. Hahaha! Iba ang ganap eh hekhek

Continue Reading

You'll Also Like

178K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
1.6K 139 46
Continuation.... "If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny rea...
116K 3.4K 42
Do really opposites attracts?? Tignan natin sa istoryang ito × Book 2: 'Complicated Love' is already posted × [Warning: Some part of this story is st...