The Ice Breaker [COMPLETED]

De keizaki56

56.9K 1.3K 403

Follow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If... Mais

The Ice Breaker (On-Going)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
SP

Chapter 20

948 30 23
De keizaki56

“Grabe ka Ice ! Epic ka kahapon !” sigaw ni Karina sa tenga ko .

Lunch break ngayon at nandito na naman itong babaeng ito . Dinadalaw nya daw “ako” . Sus as if I didn’t  know . . .

“Che ! Huwag mo nga akong binubuwisit !” Naiiritang sabi ko .

Pumalakpak pa ito . “Grabe talaga , hindi ko inakala na hahalikan mo talaga si Wendy !”

“Sshhhh !” Tinakpan ko ang bibig nya . Ang daldal e ! Buwisit ! “Hindi ko sya hinalikan ok ?”

Tinanggal nito ang kamay ko sa bibig nya . “Oo kaya ! Kitang kita naming lahat !”

“Hindi nga sabi . Akala nyo lang yun . Akala mo naman hahalikan ko talaga yun ? Duh ! Sino bay un ? Ni hindi ko nga kilala yun e ! Saka babae sya ! Babae din ako !” sabi ko .

“Hihi . Friend ni Ate Lizelle yun . Pharmacist din . E nakita ko kasi na simula sa simbahan pa lang , tingin na sya ng tingin sayo . Kaya ayun , nakipag-collab ako sa emcee . Sabi ko dapat ikaw at sya ang maging partner na makakasambot nung bouquet at garter . Ayos naman diba ? Effective ! HHAHAHAHA . You should’ve seen her face nung nasa powder room na kami after that at sabihin ko sa kanyang babae ka . HAHAHAHA !”

Nawalan na ako ng gana na kainin ang lunch ko . Bruha talaga tong isang ito ! Paano ko ba sya naging bespren ? Basta basta na lang ako ibinebenta e ! Shete !

“Kainis ka .” yun lang ang sinabi ko .

“HAHAHA . Ganyan lagi ang gagawin ko sayo para magising ka na sa kahibangan mo at i-embrace mo na ang femininity mo . Para na rin makalimutan mo ang nangyari ----“

“Ssssshh ! Karina !” naiinis na talaga ako . Bakit ba lagi nila isinasali sa usapan ang nangyaring iyon ? Nakakabuwisit , ayoko na nga maalala e .

Ngumiti naman ito at kunwaring ini-zipper ang bibig . “Sorry ! I forgot !”

Tumahimik na lang ako at pinagtyagaang kainin ang lunch ko kahit wala akong gana .

***

 Nasa SM supermarket kami ni Chester . Ubos na kasi ang food stock namin kaya kinailangan na ulit naming mamili . Yun naman kasing dala ni Tito Bogs , puro chocolate at biskuwit lang . Walang pwedeng ulam .

Nakasakay na naman sa pushcart si isip-batang Chester at ako ang tagatulak . Wala e , nasanay na rin ako kahit na lagi kaming pinagtitinginan ng mga tao .

“Kuya ! Get that ! I want that !” Itinuro nito ang hilera ng bote ng Clara Ole Jams .

“Alin dito ?” tanong ko .

“Yung Blueberry ! Yummmmm !”

Kumuha ako ng dalawa at inilagay sa cart .

Namili pa kami ng ibang pagkain . Nang mapuno ang pushcart ay dumiretso na kami sa cashier .

“Chester wag kang malikot ! Lumabas ka na agad jan ! Bilis !” saway k okay Chester na pinaglalaruan ang mga bags ng chips na nasa cart .

“Papaluin kita ! Bumaba ka na jan !” sabi ko .

Nagpout ito pero bumaba na rin agad . Inayos ko ang mga food items at naghintay kami sa pila kasi may dalawa pang nauuna sa amin .

“Kuya , lalabas na ako ah ! Bibili akong ice cream in cone . Bibilhan din ba kita ?” sabi nito .

“E di natunaw lang yun . Tsk . Lumabas ka na nga . Asungot ka forever .” sabi ko .

Binelatan pa ako nito bago lumabas ng supermarket .

May tumapik sa akin sa likod . Lumingon ako . Ugh-Oh . . . No No !

“Hi ! We’ve been meeting a lot lately !” sabi ni Shena . Sya pala ang nakapila sa likod ko .

“H-hi !” bati ko na alangan ang ngiti .

Tinitigan ako nito from head to toe .

“Now I’m 99% sure na ikaw at si Ilyza ay iisa .” sabi nito . Naiilang ako sa way ng pagkakatitig nya sa akin . Hindi ito nakangiti pero may amusement sa mga mata nito .

“Ehurm . Hehe . Paano mo naman nasabi yan ?” sabi ko .

“Let’s just say , masyado akong matalino para maloko lang .” sabi nito . “So ? Are you gonna spill the beans now ? ? ? Mas gusto ko kasi na umaamin e .”

Nakagat ko ang labi ko . Ayaw ko na rin naman kasi magsinungaling kasi ako ang nahihirapan . Akala ko naman kasi noon , hindi ko na makaka-encounter ulit ang babaeng ito . Big mistake . Kasi grabe sya . Malupit pa sya sa kabute . Kahit saan , sumusulpot sya . Gaya na lang ngayon .

Bahala na magpaliwanag si Royce . Tutal sya naman may kasalanan ng lahat ng gusot na ito .

“Ok fine . Tama ka . Si Ilyza at ako ay iisa .” sabi ko .

Ngumiti ito . “I knew it ! So . . . Are you a lesbian ?” sabi nito .

Nanlaki ang mga mata ko . “No ! Ehurm . . . Hindi ako lesbian ok .”

Sumimangot ito . “Pero tunay ban a nililigawan ka nya ? Bakit kasi once lang kita nakitang naka damit pambabae ? Don’t tell me , bigla na lang nagbago ang sexual preference mo in a matter of few days ?”

Napakamot na naman ako sa ulo .

“Nope . Hindi ako lesbian . Hindi nya ako nililigawan . Ito talaga ako . Ganito talaga ako . Yung nakita mong Ilyza last time , hindi yun ang tunay na ako . Napagtripan lang ako ng bestfriend ko . Ito talaga ang totoong ako . As for Royce , sya na lang ang kausapin mo kung bakit nya sinabing nililigawan nya ako . Better if kayong dalawa ang mag uusap .” sabi ko .

I moved forward kasi ako na ang magbabayad . Inilagay ko ang mga pinamili ko at pinadaan sa cashier .

“Ok , I’ll do that . T’was nice talking to you !” sabi nito .

Tumango ako bago ko kinuha lahat ng pinamili ko matapos magbayad .

***

Nakakakalahati na ako sa volume 2 ng Kiss Angel . Ang bilis ko no ? 3 weeks pa lang since ng publication ng 1st volume pero malapit ko na matapos ang pangalawa .

Nakatitig ako sa mukha ni Ren . Naisip ko na lagyan na rin ng itim ang anit ng ulo nito dahil yung blonde hair ni Chester , nagf-fade na .

Awtomatikong napahawak ako sa sarili kong buhok na mejo humahaba na . Pwede ko na nga ulit syang iipit ng kaunti . Grabe , pati buhok ko , nakalimutan ko na ipagupit dahil sa sobrang busy these days .

Nag ring ang phone ko . Sinagot ko agad dahil si Tito Bogs ang tumatawag .

“Hello Tito Bogs ! Akala ko uuwi ka na ngayon dito ?”

“Naknamp*cha Ice , hindi na nga siguro ako makakapag spend ng time jan kahit 2 days before my flight . Naglalambing ang Inay e . Ayaw pa ako pauuwiin jan at namiss nya daw ako . Dadaanan na lang kita sa trabaho mo before ako lumipad .”

Nagpapadyak ako . “Ang dayaaa ! Sabihin m okay Lola ang daya nya !”

Tumawa ito . “Wag ka na magreklamo ! Tajakan kita jan e . Uuwi ulit ako . Next time , papa-extend ako para mahaba ang bakasyon ko .”

Ngumiti na rin ako . “Sige na nga ! Pramis yan ah !” sabi ko .

“Oo na . Sige , bye na at ngumangawa na ang Inay , kakain na daw kami .”

Nagpaalam na rin ako at in-end call ko na .

Sakto namang bumukas ang pintuan at pumasok si Chester . Nakangiti ito ng malapad habang ibinababa ang gamit sa sahig .

“Hi Kuya ! Masaya ako ngayon !” sabi nito . Duh , halatang halata nga .

“O talaga .” sarkastiko kong sagot . Hindi ako nakatingin sa kanya kasi focused na ulit ako sa ginagawa ko .

“Yep .” Lumapit ito at umupo sa bakanteng silya opposite of me . “Na-realize ko kanina na matagal na pala akong may crush sa isang tao ! Tapos ang tanga ko lang kasi hindi ko agad narealize yun ! HAAHAHA !”

Napatingin ako sa kanya . Nakangiti pa rin ito . Natawa tuloy ako sa kanya .

“May crush ka na ? Ayos yan , dalaga ka na .” pang aasar ko .

Nagpout ito . “Hmp ! Kainis ka talaga ! Kaya ayaw ko ikwento sayo e ! Napaka pang asar mo !”

“HAHAHA . Talaga ? E teka , tao ba naman yan ?”

“Duh !” sabi nito .

“Gwapo ba ?” pang aasar ko pa rin .

“Ano ka ba Kuya ! Babae sya ok ! Actually , matagal ko na pala syang crush , hindi ko lang alam . Tapos kanina narealize ko , hindi ko lang sya basta crush . Gusto ko na sya .”

Napatawa na naman ako . Ginulo ko ang buhok nya . “HAHA . Sino naman ? Ipakilala mo naman sakin !” sabi ko sa kanya .

Tinampal nito ang kamay ko . “Hmp ! Ayoko nga ipakilala sayo ! Baka awayin mo lang ! Saka ko na sya ipapakilala sayo kapag nasabi ko na sa kanya na gusto ko sya . HIHI . Papatulong ako sayong manligaw Kuya ah .” sabi nito .

“Ugh ? Kinamalayan ko sa panliligaw ? Sapatusin kita jan e !” sabi ko na lang para matakpan ang uneasiness na bigla ay naramdaman ko ng banggitin nya ang word na ligaw .

“Sige na naman ! Ang damot nito !” sabi nya saka hinila-hila nito ang kamay ko .

“Chester ano ka ba , babae ako ! Malay ko paano manligaw ?”

Ngumiti ito . “E di sabihin mo na lang sa akin kung anong type ng mga babae . Like , mga tips ba para magustuhan ako ng isang babae .”

Natawa ako . “Seryoso ka , sa akin ka hihingi ng tips ?”

Nagpout ito . “Oo . Pwede naman ah ?”

“Ok .”

Nanlaki ang mga mata nito . “Talaga Kuya ? Weeee !” Tumayo ito at lumapit sa kinauupuan ko at niyakap ako ng mahigpit . “Thank youuuu !”

“Oo na . Alis na at maligo ka . Ambaho mo na , amoy kalye ka . Para kang aso !”

Tumawa ito saka kumalas sa akin . “Yey ! Itetext ko pala sya ngayon ! HIHI ! Masaya ako e !”

Natawa na lang ako sa kakulitan nya . Pumasok ito sa kwarto . Maya-maya ay nagvibrate ang phone ko . Binasa ko ang text message . Galing kay Chester .

-Thanks Kuya ! I owe you one ! I just texted her . HIHI !-

Napangiti ako . Ibinalik ko na ang cellphone sa bulsa ko at ipinagpatuloy na ang ginagawa ko .

***

Masama ang tingin na ipinupukol ni Royce sa akin ngayon . Nandito kami sa labas ng office . Maaga pa lang kanina ay tinawagan nya na ako at sinabing pupunta sya dahil kakausapin nya daw ako .

Ilang minuto na syang tahimik na nakatingin lang sa akin . Hindi naman ako nagsasalita . Hinayaan ko lang sya na titigan ako .

May tumigil na taxi sa harapan namin . Lumabas si Tito Bogs . Ngumiti ako ng malapad at tinawag ito .

“Bakit nasa labas ka ? Uumbagan kita , nagcu-cut ka ng hours no !” bungad nito sa akin .

“HAHAHA ! OA mo talaga Tito !” Iniwan ko si Royce sandali at hindi ako nagpaalam . Bahala sya jan . Arte arte nya .

Niyakap ko si Tito . “Kanina pa ako nag aantay sayo ! Ang tagal mo ! Male-late ka na sa flight mo !” sabi ko sa kanya .

Pinitik nito ang tiyan ko . “Ungas . Hindi ako aalis na hindi nagpapaalam sayo .”

Tumawa ako . “Ayyyiiieee ang sweeeet !” pang aasar ko .

Ito ang gusto ko dito kay Tito Bogs e . Kahit hindi halata sa kanya , alam ko naman na mahal na mahal ako nito . Sya na kaya ang naging nanay at tatay ko simula ng mawalan ako ng magulang . Kahit na ang bata-bata nya pa nung time na yun . 17 lang sya noon pero hindi nya ako pinabayaan kaya mahal na mahal ko rin to e !

“Gagu ! Sige na aalis na ako . Dumalaw ka sa Inay ha ! Kukurutin ko singit mo pag hindi ka dumalaw doon !” sabi nito .

“HAHAHAHA . Ona nga . Shooo alis na at baka maiwan ka ng eropleyn mo !”

Yumakap ulit ito sa akin bago sumakay ulit sa taxi .

Binalikan ko si Royce na nakatingin lang sa amin kanina .

“Kuya mo ?” tanong nito .

Umiling ako . “Tito ko . Anyways , ano ba yang sasabihin mo kasi may tinatapos pa akong trabaho sa loob .” sabi ko .

Tumitig ito sa akin bago nagsalita . “Ice , sinabi sa akin ni Shena na ikaw daw ang nagsabi sa kanya ng totoo . Bakit mo ginawa yun ? Alam mo namang iniiwasan ko ang babaeng yun at ikaw lang ang shield ko sa kanya ?”

Ah . Iyon pala ang ipinagpuputok ng pwet ng isang ito .

“Eh kasi naman , pwede mo naman sabihin na lang sa kanya ng maayos na hindi mo sya gusto . Simpleng ganun lang hindi mo pa magawa ? Lalaki ka ba talaga ? Bakit mo tinatakasan ang problema mo at ako ang ginagawa mong shield ?”

Bumuntong hininga ito . “Ice , hindi mo kasi ako naiintindihan e .”

Pinutol ko ang sinasabi nito . “Wala akong balak intindihin ka . Basta ang gusto ko lang , makalas na ako sa sabit ko sayo . Isinali mo pa kasi ako sa kalokohan mo , ako ang nahihirapan Royce . Kaya hangga’t hindi pa malalim ang kasinungalingan mo , pinutol ko na . Isa pa , ayaw ko na rin naman na makonekta sa buhay mo . Ang gulo mo kasing tao .” sabi ko . Prangka na kung prangka pero ako kasi ang nahihirapan .

Nagpipigil ito , halata ko . “Ice , bakit ba napakahirap ipaintindi sayo ng gusto kong iparating ?”

“Bakit ? Ano ba ang gusto mong iparating ?” naiinis na tanong ko sa kanya .

“Mahirap bang intindihin na kaya ako lapit ng lapit sayo , na kaya ako laging nagpapapansin sayo kahit mukha na akong tanga , na kaya ikaw ang pinili kong tumulong sa akin kahit na andami naman jang iba na pwede , mahirap ba talaga iparating sayo ang nararamdaman ko ?”

Natameme ako . “H-huh ? Nararamdaman ?”

“Manhid ka ba o nagtatanga-tangahan ka lang ?”

Nagkibit balikat ako . Malay ko ba ? “Ano ba kasi talaga ang ipinaparating mo ? Pakilinaw !”

“Gusto kita ! Gusto kita at ayaw ko ng iba !”

----------------------

:))

A/N : Ansabe ni Royce ! Chos ! HAHA . Pic beside is Ice's reaction from Royce's confession . . . Aruchuchu rhyme ! HAHAHA . . . 

Continue lendo

Você também vai gostar

August and Apple De Reynald

Ficção Adolescente

1.1M 25.5K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
97.3K 4.7K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
623K 15.8K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
Brave Hearts De HN🥀

Ficção Adolescente

1.9M 95K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...