Vampire's Pet

By FinnLoveVenn

3.3M 106K 11.3K

[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila a... More

N O T I C E
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
SPEACIAL CHAPTER
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
EPILOGUE
OTHER STORIES
| NOTICE ! MUST READ |

CHAPTER 43

41.3K 1.4K 203
By FinnLoveVenn

KAELYNN's POV

❦❦❦

Naging maayos naman ang lahat ngayon araw, busy ang mga maids sa paghahanda at paglilinis ng bahay para sa pagdating ni Sir. Danilo bukas.

Wala si ate Mila kaya medyo magulo at kahit gusto kong tumulong ay bantay sarado ako kay Danrious.

"Oy! alam mo hindi tatakbo 'yang anak mo palabas ng tiyan ko." Na tawa na lang ako kasi seryoso siya na nakatingin sa'kin at sa tiyan ko.

"Malay mo." lalo akong napatawa kasi seryoso talaga siya, medyo O.A na nga ang pagiging protective niya samin eh.

Pero masaya pa rin ako dahil siya ang ama ng magiging anak ko, hindi pumasok sa isip ko na mabubuntis ako sa edad na bente at makakapangasawa ng isang poging bampira na medyo mainitin ang ulo at isip bata.

"Ikaw anong tinitingin-tingin mo?" Tanong niya sa'kin kasi tinititigan ko rin siya. Tinaasan niya ko ng kilay at parang hindi mapakali.

"Wala baka takbuhan mo rin ako eh." binigyan niya ko ng bored na expression.

"As if naman, kulang na nga lang itali kita sa katawan ko eh." Bumabanat na naman siya kinilig tuloy ako.

"Oy! pwede ba tigilan niyo 'yang kasweetan niyo? Na iinggit ako eh, ako 'yung gustong tumakbo saka tumalon sa dagat dito dahil sa pang iingit niyo." Natawa kaming pareho kay Daniel na kumakain ng prutas at hindi pa rin hinayaang palabasin ng kwarto.

Buong maghapon ganoon ang ginawa namin ang magkwentuhan at mag-asaran, nakakamiss 'yung ganitong eksena nilang dalawa buti na lang talaga at nagbati na sila kasi hindi ako sanay makita silang hindi magkasama.

Mabilis na lumipas ang oras at panahon na para harapin namin ang papa nila, lahat kami nagtipon sa sala para intayin siya.

Umalis na rin si ate Ash at hanggang ngayon naman ay wala pa rin si ate Mila, kabado tuloy ang mga maids at hindi lang sila dahil lahat kami sa mansion ay nakakaramdam ng kakaibang tensyon.

Parang ayaw nila makita ang papa nila, bakit ganoon? Kinakabahan din tuloy ako sa pagtingin pa lang sa mga mukha nila.

"Andito na po si Sir. Danilo." pumasok sa pinto ng sala 'yung isang maid at pinagbuksan ng pinto si Sir Danilo. Tumayo silang lahat kaya sumunod ako at kabadong hinarap ang tatay nilang lahat.

Pumasok ang isang may edad na lalaki pero makikita mo pa rin sa itsura niyang malakas siya, kamukha niya si Sir Daryl pati ang expression ng mukha nila.

"Mga anak ko," bati niya dito at isa-isang lumapit sila sa kaniya. Niyakap nila ito saglit pwera kay Sir Darenn na ayaw lapitan ang papa niya.

Mahigpit 'tong na kakapit sa palda ni ate Sol at nagtatago sa likod nito. Lumapit si Sir Danilo sa kaniya at pinantayan siya ng upo.

"Bakit ayaw akong batiin ng bunso ko?" Nginitian siya ni Sir Danilo pero bakit ganoon? 'Yung ngiti niya parang katulad kay Sir Daryl pero parang mas plastik o hindi totoo ang mga ngiting iyon.

Napakunot ang noo ko sa kaniya at nilipat niya ang atensyon sa'kin, umakyat ang takot ko sa katawan ng bigyan niya ko ng ngiting iyon.

"Danrious siya ba ang mapapangasawa mo?" Tumango si Danrious sa kaniya.

"Opo papa." tinignan niya ko ng nakangiti niyang mukha at ngumiti rin ako sa kaniya kahit nilalamon na ko ng takot ko.

"Rious mana ka talaga sa'kin ano? Hahahaha, anong gagawin mo sa kaniya pagtapos?" nung sinabi niya ang salitang iyon tuluyan nang bumitaw ang pag-asa ko na magiging mabait siyang lolo para sa magiging anak namin.

Bakit ganoon? Ano bang turing niya sa'kin? Kinakabahan ako maigi at bigla hinawakan ng mahigpit ni Rious ang kamay ko.

"Pagtapos po? Edi magkaka-anak ulit kami tapos titira sa iisang bahay." matapang niyang sagot sa papa niya na nagbibigay lakas sa'kin.

"Ganoon ba?" tinignan niya ulit ako.

"Sige mamaya ulit kita kakausapin, mapunta tayo sa magaling kong anak." Tumingin siya kay Daniel at ngumiti sabay biglang sampal niya dito kahit na mahina pa si Daniel.

Tumilapon si Daniel sa sahig na kinagulat naming lahat, lalapitan ko sana siya kaso pinigilan ako ni Danrious.

"Mahal kong anak, ito ba ang isasalubong mo sa'kin pag-uwi ko?" Hawak-hawak ni Daniel ang mukha niya na may dugo galing siya ilong niya.

"Alam mo ba malaking parte ng kompanya na'tin ang mawawala dahil sa katangahan mo?" Nakangiti pa rin siya habang sinasabi iyon sa anak niya. Ngiting hindi ka matutuwa.

"Pasensiya na po papa," inalalayan niya si Daniel tumayo at hindi binibitawan ang kamay nito.

"Ayos sana eh, kung hindi lang tanga ang kuya Daryl mo," at bigla n'yang tinulak nang malakas si Daniel kay Sir Daryl kaya napasigaw na ko at sila ate Sol.

Natumba silang dalawang at humampas sa pader, na nginig ako sa takot dahil sa lakas niya. Lalong humigpit ang kapit ko kay Danrious dahil baka saktan din siya ng papa niya.

"Ate Sol ipasok mo si Darenn sa kwarto." utos ni Sir Daryl kay ate Sol pero pinigilan siya ni Sir Danilo.

"Teka lang bakit mo naman ilalayo ang bunso ko sa'kin? Ito ang welcome party niyo sa ama niyo pagtapos ng lahat hindi ba? Maganda na 'yung bata pa lang siya ay alam niya na kung kanino siya susunod." nakangiti pa rin siya habang sinasabi 'yon, hindi na wawala ang nakakatakot niyang ngiti sa mukha habang isa-isa niyang sinasaktan ang bawat isa sa anak niya.

"Daryl anak ko, akala ko matino ka? Bakit pumatol ka sa pinsan mo?" Napaiwas ng tingin si Sir Daryl sa ama niya.

"Asan na siya ngayon? Bakit hindi ako masalubong ng magaling kong pamangkin?" Walang umiimik samin kahit isa.

Puro takot at kaba ang nararamdaman mo sa bawat isa. Lalo na ng muli niyang ibalik ang tingin samin dalawa ni Danrious.

"Ms. Alberona tama ba?" Tumango ako at bigla akong tinago ni Danrious sa likod niya.

"Wala siyang kinalaman dito papa." depensa agad ni Danrious sa papa niya.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko, kinakausap ko ang munting binibini sa likod mo." inilahad niya ang kamay niya sa'kin na parang inaaya akong sumama sa kaniya pero hindi siya pinayagan ni Danrious na kinagalit ng papa niya.

"Lahat talaga kayo suwail ano? Lahat kayo nagmana sa mga ina niyo!" tahimik lang kami at siya ay palipat-lipat ang tingin sa bawat isa sa kanila.

"Ikaw Daryl, para kang si Scarlet masyadong mataas ang pangarap at gusto lahat ay sa kaniya iyan tuloy maaga na wala lahat sa kaniya." umupo ito sa sofa at masayang ipinamukha sa bawat anak niya ang kamalian nila.

"Kayong kambal, mana rin kayo sa ina niyo na walang ginawa kundi ang magpakasaya. Hindi niyo alam huling huli ko bawat galaw niyong dalawa." At Tumingin siya kay Sir Darenn na ngayon ay papaiyak na.

"At ikaw mahal kong bunso, mahal na mahal ko ang mama mo pero katulad mo sobrang ilap niya rin sa'kin. Hahaha, kaya lahat sila pinatay ko." 'yung huling salita na iyon.

Salitang umeko sa buong silid at nagbigay ng sobrang bigat napakiramdam sa bawat isa samin.

Nanginginig sa galit si Sir Daryl na tumayo at tumingin sa ama nila na kampante lang na nakaupo.

"Ikaw ang pumatay kay mama?" Sumeryoso ang mukha ni Sir Danilo at ngumiti lang ulit.

"Ako nga, akala ko gusto mo rin 'yon? hindi ba galit ka sa mama mo? Isa pa hindi niyo ba na hanap ang katawan niya sa hardin? Wag niyong sabihin hindi kayo lumalabas ng mga kwarto niyo?" Para akong na istatwa doon na hindi makagalaw at tanging tenga at mata ko lang ang parte ng katawan ko na gumagana.

Anong pinagsasabi niya?

"E-e-eh si si ma-ma?" Na ngangatog na tanong ng kambal sa ama nila at kalmado rin itong sumagot sa kanila.

"Ha? Akala niyo talaga naglayas ang mama niyo? Nasa atik lang siya ng mansion sa isang baul doon kasama ang ibang parte ng mga lalaki niya." lalong dumiin ang hawak sa'kin ni Danrious at ganoon din ako sa kaniya, alam kong nagdidilim na ang buong sistema niya at gusto-gusto niya nang saktan ang papa niya pero lahat sila walang lakas para gawin iyon.

Tahimik kaming lahat, bawat isa samin pinipigilan ang emosyon namin, galit sa lalaking nakaupo sa harap namin at pinaglalaruan kaming lahat sa palad niya.

Walang umiimik nang biglang magsalita si Sir Darenn na umiiyak.

"Ang mama 'to? Atan ang mama 'to?" Halos gumuho ang puso ko ng makita ko ang pag-iyak niya, iyak siya ng iyak at pilit na gustong lapitan ang papa niya.

Nahihirapan siya sa sitwasyon na ito lalo na't sobrang bata niya pa para mapasok sa gulong ito. Hindi na ko nagpapigil pa sa takot ko at tumakbo sa kaniya.

Niyakap ko si Darenn at umiyak siya ng umiyak. "Ang mama to atan ang mama to? Buhay pa ta eh," Pilit ko siya pinapatahan pero hindi ko magawa. Gusto niya kumawala sa yakap ko at saktan ang lalaking iyon pero masyado pa siyang maliit.

Ayokong madamay siya dito at saktan din siya ng papa nila.
"Hinahanap mo ang mama mo? hindi ba't ikaw ang pumatay sa kaniya?" Na blangko ang isip ko. Natulala si Sir Darenn.

Tumahimik ang buong kwartong iyon at tanging umaandar lang sa utak ko ngayon ay ang galit, anong karapatan n'yang sabihin iyon kay Sir Darenn! Oo ama siya ng batang ito pero wala siyang kasalanan.

"Kung hindi ka na buhay sana andito pa si Rose," sabi pa ni Sir Danilo na siyang nagpaguho sa buong isip ko.

"Anong karapatan mo? Ama ka nga nila pero hindi naman ikaw ang nagpalaki sa kanila! Ang laki ng pagkukulang mo sa gampaning bilang ama tapos ang lakas ng loob mong saktan sila ng ganito?" hingal na hingal kong sabi sa kaniya at tumayo.

"Wala kang karapatan sabihin sa kaniya na siya ang pumatay sa mama niya, sino ba ang nagsimula? Isa pa pano mo nagagawa ito sa mga anak mo? Sa mga naging asawa mo!" nag-iba ang ekspresyon niya sa mukha, 'yung nakangiting mukha niya ay sumeryoso at galit na galit na nakatingin sa'kin pero hindi ako nagpatinag sa mga matang iyon.

Siguro nga takot ako nung una pero hindi na ngayon, ayokong saktan niya si Sir Darenn. Dadaan muna siya sa'kin.

"Ikaw sino ka rin ba para pagsalitaan ako?" Tumayo siya at akmang sasampalin ako nang humarang si Danrious sa harap niya.

"At ikaw? Isa kang walang kwentang anak." sinampal niya si Danrious at na mula ang mukha nito, agad din siyang bumangon at muling humarang sa'kin.

"Wala nga kong kwenta anak pero tandaan niyo ito, mas wala kayong kwentang ama." lalong na mula ang mata niya at kinuwelyuhan si Danrious.

"Lumayas ka sa pamamahay na ito hindi na kita itinuturing na anak!" Halos na ubusan ako ng sasabihin at natulala na lang kay Danrious na nakangiti sa harap ng ama niya habang hawak-hawak nito ang leeg niya.

"Aalis naman talaga ako dito, haha, hindi ba sabi ko bubukod kami." ngumisi siya sa ama niya na nagpagalit lalo dito at hinigpitan pa ang pagkakasakal sa kaniya.

Pipigilan ko na sana sila nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si ate Mila. Napangisi si Sir Danilo sa kaniya at seryoso lang si ate Mila nakatingin dito.

"Dumating ka na pala kuya," sabi ni ate Mila na nagpagimbal saming lahat.

"Haha, ganiyan ba ang isasalubong sa'kin ng kapatid ko sa ama?" Hindi namin alam kung anong sasabihin, gulong-gulo kami sa kanilang dalawa.

At habang na kay ate Mila ang atensyon niya ay tumakbo na ko para tulungan si Danrious kumawala sa kaniya.

Tinulungan ko siyang makatayo at tinignan lang ako nang masama ng papa nila.
"Mila na wala lang ako sa mansion kung ano-ano nang tinuturo mo sa mga anak ko? At isa pa bakit late ka? Katulong ka dito hindi ba?" nagbikit-balikat si ate Mila at tumingin sa pinto.

"May gusto kasing bumisita sayo kaya sinamahan ko siya." pumasok ang isang babaeng may mahabang brown na buhok, may maputlang balat at brown na brown na mata.

Lahat sila ay na katulala dito at ako ay hindi alam kung anong sasabihin, sino siya?  Bakit parang na kakita sila ng multo ng pumasok ang babaeng 'to?

"Mama 'to." bigla akong napatingin kay Sir Darenn at tumakbo ito sa babaeng na katayo nang matapang sa harap ng isang halimaw.

"Kamusta?" Ngumiti siya at parang na kita ko na siya, bakit ganito 'yung pakiramdam ko?

"Tabi niya patay na daw itaw," umiling siya at tumingin sa'kin.

"Buhay si mama mahal kong Darenn." at ngumiti siya, ngiting pamilyar sa'kin na para akong na nanalamin.


TO BE CONTINUED 


AN: tinatamad ako huhuhu !! (ノಥДಥ)ノ︵┻━┻・/

Continue Reading

You'll Also Like

119K 5.5K 41
WATTYS 2021 WINNER A young dedicated policeman vows to find the motive behind the death of a ghost who's also the ex-master of the crime group he has...
78.7K 2.3K 52
"He is always there to save me. He is always there to be my shield." Aphaea "I need her blood,her neck,her attention and her lips" Zereph •Vampire✔ •...
534K 16.1K 45
Series 3 ZOLDIC LEGACY SERIES Highest Rank on Vampire Genre #10
1.7M 80K 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabas...