Ang Love Gurung Walang Boyfri...

By Yllianna

73.7K 888 204

WRITTEN: 2012 (approximate); edited 2013 Posible bang maging love guru ang isang taong never pang nagka-boyfr... More

synopsis
chapter 1
Chapter 1.2
chapter 2
chapter 2.2
⇜CHAPTER 3.1⇝
⇜CHAPTER 3.2⇝
⇜CHAPTER 4.1⇝
chapter 4.2
Chapter 4.3
⇜CHAPTER 5⇝
⇜CHAPTER 6.1⇝
⇜CHAPTER 6.2⇝
⇜CHAPTER 7⇝
⇜CHAPTER 8⇝
⇜CHAPTER 9⇝
⇜CHAPTER 10.1⇝
⇜CHAPTER 10.2⇝
⇜CHAPTER 11⇝
⇜CHAPTER 12⇝
⇜CHAPTER 13⇝
⇜CHAPTER 14⇝
⇜CHAPTER 15⇝
⇜CHAPTER 16⇝ ENDING
⇜SPECIAL ENTRY: New Year's Resolution⇝
Tell me what you think

⇜Special Entry: Akiezha's Date⇝

2K 30 6
By Yllianna

Ever wonder kung ano'ng ginagawa ni Akiezha pag nanonood ng laban ng team nina Soshi at Jeremy? Basahin mo ito.

                                                                    *******

            Nag-stretch ako at nag-jogging in place. Tapos nag-boxing sa hangin ng ilang beses. Then energetic na itinali ko ang pulang ribbon around my head na may nakasulat na “fight-o”. Ready for battle na talaga ako. Nag-stretch ako ulit bago umikot at saka bumira ng…

            “Ate butter popcorn nga po, yung malaki. Saka large coke,” sabi ko sa tindera. Nasa labas ako noon ng Baguio Sports Complex. May laban kasi ang basketball team ng school namin kaya ako nadito. Akala mo magma-marathon ako noh? Mehehehe

            “Anong size ng popcorn?” tanong ni ateng tindera.

            “Yung malaki nga sabi ko di ba, ate?”

            “Alin nga? Dalawa ang malaki namin, yung large saka medium.”

            I swear gusto kong batukan si ateng tindera. Dalawa daw ang malaki nila, MEDIUM at large. Okay lang sana kung sinabi niyang large at extra large di ba? Yun maiintindihan ko pa. Pero yung medium…

            “Ate, ano sa tagalog ang medium?”

            Saglit na nag-isip si ate sa biglaan kong quiz question bago sumagot nang, “Katamtaman.”

            “Katamtaman di ba? Hindi malaki. O yung malaki ang order ko hindi yung katamtaman. Gets mo?”

            Sinimangutan ako ni ateng tindera bago tumalikod para kunin ang order ko. After five minutes…

            “O eto nang order mo,” salubong ang kilay na sabi niya.

            “Galit ka ‘te?”

            Hindi siya sumagot. Naglahad lang siya ng palad para sa bayad ko. Naiinis na dumukot ako ng pera sa bulsa at ibinigay iyon sa kaniya.

            “O ayan. Keep the change,” pabalang na sabi ko sabay alis.

            “Keep the change eh singkwenta sentimos lang ang sukli mo,” reklamong pahabol ni ateng tindera.

            “O may sukli naman di ba? Eh di tama. Keep the change,” nang-aasar na pahabol ko din bago ko binirahan ng takbo papunta sa loob ng Sports Complex. Magsisimula na kasi ang laban. Kailangang makakuha na ako ng mauupuan.

            Pagdating ko sa loob kandahaba ang leeg ko sa paghahanap ng magandang pwesto. Nang sa wakas ay makakita, nakipag-unahan na ‘ko sa mga manonood na parang ngayon lang makakakita ng mga maglalaro ng basketball. May mauuna pa nga sana sa gusto kong pwesto eh. Binato ko lang ng bag kaya natigilan siya. hahahaha

            “Sorry po, may tumulak kasi sa ‘kin. Humagis yung bag ko,” sabi ko kunwari sa lalaking binato ko, sabay pulot ng bag at upo. Napatanga sa akin si kuya. I-ignore ko na lang sana siya kaso sa harap ko ba naman tumayo at tumunganga. Ano’ng mapapanood ko noon? Yung tiyan niyang daig pa nine months pregnant?

            “Kuya magsisimula na po yung laro. Baka pwedeng umalis ka na sa harap ko. You’re blocking may view kasi.”

            “Upuan ko ‘yan,” pagde-demand niya.

            “Nauna na ‘ko eh. Hanap ka na lang doon.”

            Nag-stomp ng paa si kuya na parang naiinip. Napatingin tuloy ako sa paa niyang labas ang mga daliri dahil naka-tsinelas lang siya. Napangiwi ako sa pangit na pangitain.

            “Kuya, hindi uso sa inyo ang nail cutter noh? Parang pwede nang pagtaniman ng kamote ‘yang mga daliri sa paa mo eh,” sabi ko sa kaniya. Ang haba kasi ng mga kuko niya sa paa. Tapos may mga putik pa yata sa gilid at ang iitim.

            “Nabagsakan ako ng niyog sa magkabilang paa kaya namatay ang mga kuko ko. Wag kang mapanghusga, panget,” asar na pagdadahilan ni kuyang buntis.

            Kung maka-panget ‘to akala mo naman ang gwapo niya. Eh mukha namang isang taon nang pinaglalamayan ang mga kuko sa paa.

            “Ganun po ba? Sige kuya, doon mo na lang ipagluksa ang mga kuko mo,” sabi ko sa kaniya sabay turo ng bakanteng silya sa likod. Aangal pa sana siya pero may lumapit na guard at sinabihan na siyang maupo. Wala siyang nagawa kungdi maghanap ng ibang pwesto.

            Yes. Ayos. Buti dumating si mamang guard.

            Pero sa totoo lang nag-text ako kay mamang guard. Halos parang barkada ko na rin kasi yun dahil suki ako dito. Kasi nga di ba lagi akong present sa lahat ng laban ng basketball team namin? Madalas naman dito ang laban nila eh. Lagi namang nati-tiyempong nagkakasalubong kami ni mamang guard. O di kaya siya yung nagchi-check ng ticket sa entrance. Madalas din akong awayin ng mga fan girls ni Soshi my-labs. Inaabangan ako sa labas. Kaya suki din ako ni mamang guard na ipagtanggol. Kaya ayun, nakilala na ako ni mamang guard. Naging friends na kami. Ang bait din kasi niya eh. Binigay niya pa number niya sa ‘kin para daw kung may mang-away sa akin at wala siya sa tabi-tabi ay pwede ko daw siyang i-text.

            Sinenyasan ko ng ‘okay’ si mamang guard gamit ang aking hinlalaki na sinagot niya naman sa pamamagitan ng pagsaludo. Grabe muntanga lang kami, hahhahaha.

            “Ladies and gentlemen, please welcome in the coart, the reigning kings of intercollegiate basketball from Junifer and Abbey’s Academy…the Green Hornets!”

            Napatayo ako matapos tawagin ang basketball team ng school namin sabay full energy na palakpak. Nakisabay na rin ako sa hiyawan ng mga fangirls nila habang isa-isang lumalabas papunta sa coart ang mga players. Si Soshi my-labs ang huling lumabas. Siya kasi ang captain kaya syempre pa-importansya effect. Pag labas niya lalong lumakas ang mga tiliin, nakakabingi. Pero ayos lang, isa naman ako sa mga nakikitili eh.

            Naupo na ako nang mag-umpisa ang laban. Naka-score agad si Soshi sa unang limang minuto ng laro. Grabe ang galing talaga. Super tili naman ako. Sa mga ganitong pagkakataon ako pinaka-nanghihinayang na hindi ko dala ang mga banners ko for him. Pero next time, next time mas kakapalan ko pa ang mukha. Dadalin ko na talaga ang pinakamagandang banner na ginawa ko para sa kaniya. To hell with his fangirls. Bakit, fangirl niya rin naman ako ah? May karapatan din akong maghawak ng banner para kay Soshi at lumabas ang litid sa kakatili.

            Intense ang laban ng dalawang team. Every now and then napapabilis ang subo ko ng popcorn sa sobrang tense ko. Minsan naman napapanganga na lang ako. After several hours, tie ang magkalaban: 78-78. It’s the other team’s ball pa kaya mas lalo tuloy akong kinakabahan. Bihirang matalo ang team nina Soshi. Pero every time na natatalo sila nadudurog ang puso ko. Syempre malungkot si Soshi ‘pag talo sila. Kaya malungkot din ako.

            Pumusisyon na ang lahat ng mga players. Ibinigay ng referee ang bola sa player ng kalaban na nasa labas ng linya ng coart. Last 3 minutes na lang. Pag naka-score ang team ng kalaban, mahirap nang makahabol pa ang team ni Soshi.

            Kumabog ang dibdib ko nang ipasa na ng kalaban ang bola sa ka-team mate nito sa loob ng coart. Hudyat iyon ng panimula ng last three minutes ng laro. Pinagpasa-pasahan nila ang bola habang pilit na inaagaw iyon ng team ni Soshi. Pero magaling talaga ang kalaban…magaling umiwas. Mga playboy siguro kaya sanay sa iwasan hahahaha. Joke lang.

            Nang tumalon ang isang player ng kalaban para mag-three point, tumalon din si Istorbo. At dahil palaka, mas mataas ang talon niya. Kaya nasapal niya ang bola at naagaw iyon ng isa sa mga players ng team ni Soshi. Hiyawan ang mga fangirls ng team namin.

            “Woooohooooo! Go palakaaaaa,” excited na sigaw ko. Napatingin pa sa ‘kin si Istorbong Palaka saka ‘yung ilan sa mga players. Ang lakas ba naman ng bunganga ko, parang may amplifier. Mehehehe

            Tumakbo sa kabilang coart ang mga players para habulin ang may hawak ng bola. Ang bilis niya tumakbo, parang kabayo. Ida-dunk niya na lang sana yung bola kaso biglang may lumitaw na kalaban sa harap niya. Hanep! Pati kaming mga nanonood nagulat din eh. Bigla ba namang sumulpot. Ayun, supalpal ang teammate ni Soshi na kabayo. Mabuti na lang siya din ang nakakuha ng bola. Ipinasa niya iyon kay Soshi-mylabs. Tapos tumakbo si Soshi papunta sa ring pero ipinasa ni Soshi pakaliwa ang bola kay Palaka. Kaya medyo nalito ang kalaban. Sinamantala iyon ni Jeremy. He threw the shot. Lahat kami pigil ang hininga habang parang slow motion na lumilipad ang bola patungo sa ring. Eight seconds left on the clock! Seven. Six. Five. And the ball went in!

            Hiyawan ang lahat. Lamang ng two points sina Soshi at alam ng lahat na kulang ang apat na segundo para makahabol ang kalaban. Nang tumunog ang buzzer bilang hudyat na officially tapos na ang laban, lalong lumakas ang mga sigawan at ang pagchi-cheer ng mga cheerleaders ng school namin. Napatalon na rin ako sa sobrang saya. Kaya ayun, pati ang ka-date kong popcorn nagtalunan din. Parang may confetti lang kaming popcorn ng mga katabi ko hahahahha.

            Grabe buti na lang talaga puno ng animals ang team ni Soshi. Nakahabol sila.

            “Girlfriend,” tawag sa ‘kin ni Jeremy. Nilapitan niya kasi ako.

            “Oy Palaka. Congrats,” masayang bati ko sa kaniya. “Ang galing mo, buti na lang talaga ang taas mo tumalon. Nasupalpal mo yung tira ng kalaban.”

            “Ako pa! MVP yata ‘to.”

            Nginisian ko siya.

            “Wag masyadong umasa. Pwede rin namang maging MVP si Kabayo.”

            “Sinong kabayo?”

            “’Yung nagtakbo ng bola sa coart nyo.”

            Natawa si Jeremy.

            “Nasa Sports Complex ka, Akiezha. Hindi sa Zoo.”

            “Okay lang ‘yan, Palaka. Wag ka nang mag-reklamo. Sinabihan na nga kita na magaling eh.”

            “Leche. Niloloko mo lang ako eh. Bumalik ka na nga sa perya. Mukha kang aswang,” asar na sabi niya.

            “Oh sorry na. Excited lang ako. Ang galing ng talent nyo ni Kabayo eh. Nakakabilib.”

            “Nagso-sorry ka ba talaga o nang-iinsulto?”

            “Nagso-sorry nga di ba?”

            Medyo mukhang asar pa rin si Jeremy pero iniba niya na lang ang usapan.

            “Sino’ng kasama mo?”

            “Eto,” nakangiting sagot ko sabay pakita sa kaniya ng hawak kong popcorn. Napatingin siya sa doon.

            “’Yan?” kunut-noong tanong niya.

            “Oo. Meron pa bang iba? Popcorn lang ang hawak ko di ba?”

            Biglang humagalpak ng tawa si Jeremy.

            “So popcorn ang ka-date mo?”

            Tumango lang ako. Sanay na naman ako eh. Saka popcorn lang naman talaga ng lagi kong ka-date. Magde-deny pa ba ako?

            “You’re so pathetic, Akiezha,” natatawa pa ring sabi niya. I gave him a poker face.

            “Salamat ha,” I said sarcastically. Tapos kinuha ko yung baso ng softdrinks at uminom para mabawasan ang pagkaasar ko. Nagulat na lang ako ng biglang agawin ni Jeremy yung popcorn ko.

            “Hoy! Hanggang dito ba naman nagnanakaw ka pa rin ng pagkain? Bumili ka ng sarili mong popcorn.”

            Hindi siya sumagot. Sinubukan kong agawin yung popcorn sa kaniya pero hindi ko maagaw. Tapos inihagis niya bigla yung popcorn sa tabi. Natapon lahat ang natitirang popcorn.

            Napanganga ako sa ginawa niya. Mumurahin ko sana siya pero bigla siyang bumira ng…

            “Galit ako sa popcorn mo.”

            “At baket?” nakapamewang kong tanong. Taas pa kilay ko.

          “Kase yung popcorn lagi mong ka-date. Kaya itinapon ko. Para simula ngayon, ako na lang ang ka-date mo,” seryosong sabi niya. Natigilan ako. Bumibira na naman si Istorbo. Nangti-trip na naman. Pero kinikilig ako hahaha.

            Nilapitan ko si Istorbo. Yung malapit na malapit talaga. Tapos nakipagtitigan ako sa kaniya. Medyo nakakangalay sa leeg dahil ang tangkad niya pero tiniis ko.

            “Jeremy,” parang in love na banggit ko sa pangalan niya habang nagtititigan pa rin kami.

            “Hmm?”

            “Softdrinks o,” alok ko sabay marahang abot ng hawak kong baso. Pinapungay ko talaga ang aking mga mata. Kailangang magmukhang kaakit-akit ako sa mga sandaling ito.

            “Akin na lang ‘to?” nakikipaglandian ding tanong niya.

            Tumango ako saka ngumiti. “Para ‘yan na lang ang ka-date mo.”

            “Ha? Bakit ito?”

            “Kase katerno yan ng popcorn di ba? Kahit sa panonood ng sine sila ang laging partners. Kaya mag-softdrinks ka na lang. Para match tayo. Ako ang popcorn at ikaw naman ang softdrinks.”

            Natigilan si Jeremy. Hindi niya kasi inaasahan ang tirada kong ganun. Akala niya yata siya lang marunong mang-trip bwuahahahahaha. Grabe pigil na pigil ko ang paghagalpak ng tawa.

            “Akiezha, my popcorn,” sabi ni Jeremy na agad nakabawi. Hinawakan niya ang baba ko at inilapit ang mukha sa akin.

            “Yes?”

            “Ikaw na ang pinakamagandang popcorn na nakita ko. Ang balat mo ay parang popcorn na sunog, kulubot. Ang mga jokes mo, parang popcorn na kulang sa butter, matabang. At ang mga labi mo ang pinaka-nakakabaliw sa lahat. Para silang popcorn na pink, retokado pero matamis,” bira niyang parang makata. Kumindat pa. Nailayo ko tuloy ang mukha ko nang wala sa panahon saka tingin sa kaniya na may expression na parang nagsasabing, “ows?”.

            “Nagpapakilig ka ba o nagpapapatay? Gusto kasi kitang patayin sa sinabi mo eh.”

            “Sinabi ko namang matamis ang lips mo di ba? Baket nagrereklamo ka pa?”

            “Batukan kaya kita. Sinabi mo ngang matamis sinamahan mo naman ng retokado. Bakit mukha bang fake ang lips ko?” inis na sabi ko.

            “Hindi ba?” nang-aasar na balik-tanong niya.

            Hinampas ko siya ng bag.

            “Kung ayaw mong matawag na retokado, patunayan mong hindi fake ang lips mo. Ipahiram mo sa ‘kin para ma-inspect ng mga labi ko.”

            Kyaaaaaaaa! Sheeeeeeeettt! Hanubayan. Kinikilig ang lelang mo. Guraveh. Ganyan ka lang makipaglandian sa harap ng mga strangers. Feel na feel ko, kinikilig talaga ako hahaha.

            Nabigla talaga ako nang biglang akong kabigin ni Jeremy palapit sa kaniya. Walang warmning basta bigla na lang akong niyakap sa bewang. Napatanga na naman tuloy ako sa kaniya. Tapos lalong bumilis nag tibok ng puso ko. Hanep para lang kaming nasa pelikula.

            “Akiezha,”

            “Y-yes?”

            “I dare you to pass my inspection,” sabi niyang malagkit ang tingin sa aking mga mata bago unti-unti niyang inilapit ang lips niya sa lips ko! Naririnig ko na ang mga hiyawan ng mga tao sa paligid namin. Pero kahit para silang mga timang na naghihiyawan, feeling ko mas malakas pa rin ang tibok ng puso ko. Kinakabahan kasi talaga ako. Parang seryosong-seryoso talaga si Jeremy oh. Titig na titig siya sa mga mata ko. Napapalunok na tuloy ako sa sobrang nerbiyos.  

            Diyos ko. Totoo na yata ito. Magkakaroon na ‘ko ng first kiss.

            “Jeremy,”

            “Yes?”

            “Maligo ka muna. Ikaw ang bumagsak sa inspection ko eh. Amoy pawis ka,” sabi ko kunwari para pampasira ng mood niyang mang-trip mwuahahaha. Pero syempre sabi ko lang yun. Ang bango niya nga eh kahit may pawis. Sarap magpahalik. Ay joke. Syempre hindi pwede dahil dapat loyal ako kay Soshi. Mahal ko yata yun kahit pilipit mag-Tagalog.

            Napakamot siya ng ulo.

            “Pambihira ka naman. Wala kang kwentang ka-trip,” reklamo niya. Tapos nagulat na lang kami pareho nang bigla kaming batuhin ng popcorn ng mga tao sa paligid.

            “Bad trip kayo! Bibigyan kami ng suspense tapos hindi naman pala itutuloy,” reklamo nila habang isa-isang nag-aalisan.

            “Tse! Sino ba may sabi sa inyong manood? Saka libre lang ang palabas kaya bitin.”

            Nag-about face yung lalaking mareklamo. Tapos nilapitan niya si Jeremy.

            “O etong limang peso. Halikan mo na ‘yan at kawawa naman,” sabi niya sabay abot ng five pesos kay Jeremy. Tapos umalis na siya.

            “At baket limang piso lang ba ang halaga ng first kiss ko?” asar na tanong ko.

            “Tama na ‘yan, girlfriend. Wag kang mag-alala. Kahit five pesos lang ang halaga niyan, pag nahalikan kita magiging priceless na ‘yan. Lahat yata ng nahahalikan ko gumaganda,” mayabang na sabi ni Jeremy.

            “Leche! Masyado kang mahangin. Akin na yang five pesos.” Inagaw ko yung pera sa kamay niya.

            “Oy! Sa kin binigay yan.”

            “Para sa first kiss ko ‘to di ba? Akin ‘to,” sagot ko bago ko binirahan ng alis. Lintek na mga tao yun. Pinag-trip-an ako. Ang saya-saya ng date namin ni popcorn tapos aasarin ako. Hmp! Makabili na lang cherry ball para mabato sila ng bubblegum mamaya mwuahahahhaaha.

Continue Reading

You'll Also Like

42.9K 3.2K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
395K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...