The Ice Breaker [COMPLETED]

By keizaki56

56.9K 1.3K 403

Follow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If... More

The Ice Breaker (On-Going)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
SP

Chapter 18

966 25 6
By keizaki56

A/N : Oh eto na , Shin . Ito na ang requested character mong si Shena na ip-play ng requested mong si Tiffany Hwang . Wag mo na akong awayin kasi maganda ka naman ! HAHAHA . . .

Shena Salcedo ------------------>

(Tiffany Hwang)

----------------

“Congrats Ice . Nakita ko kanina sa Bookshop , nandun na nakadisplay na yung Kiss Angel .”

Ngumiti ako kay Royce . Nandito ako sa UP kasi inutusan ako ni Sir Greg na mag survey tungkol sa upcoming Visual Arts Competition na gaganapin dito na kasali ang mga University students na interested . Gusto kasi ni Sir Greg na makakuha ng bagong ideas ng designs sa mga ito kasi daw fresh pa ang mga utak at laging may bagong ideas kesa daw sa mga bukbukin at inaagiw na utak ng mga senior graphic designers sa office . Shempre hindi ako nakailag kasi kasali ako sa mga inaagiw na ang utak . Tapos na ako mag survey at nakasalubong ko si Royce sa pathway .

“Onga . Kaya nga paspasan ako sa pag gawa sa volume 2 noon e . Baka sakaling mag boom daw , at least handa sa book 2 .” sagot ko .

“Sus . Ikaw pa ! For sure , bebenta yan . Salamat nga pala kasi inilagay mo ang pangalan ko sa acknowledgement .”

Sinipa ko ang maliit na baton a nakaharang sa dadaanan ko . “Naman . Shempre ilalagay ko pangalan mo dun . Napakasama ko naman kung sa akin lahat ng credits . I’m sure hindi yun magiging ganun kung hindi dahil sayo .” sabi ko .

Nagulat ako ng bigla itong nagtago sa likod ko na parang bata .

“Shit ! Ano na namang ginagawa nito dito ?” sambit nito habang nakasilip sa ilalim na awang sa kilikili part ng shirt ko .

“Huy ! Ano ginagawa mo jan ! Umalis ka nga jan !” naiinis na sabi ko dahil parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng humawak sya sa bewang ko .

“Ssshhh ! Wag ka maingay !”

Kunot noon a tumitig ako sa kanya . “Ano ba problema mo ?”

As if on cue , bigla akong may narinig na boses ng isang babae .

“Hi Royce ! ! !”

Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses .

“Shit na buhay !”

Paparating ang isang babae . Teka , ito yung babae from last time ! Yung parang manika na sunod ng sunod kay Royce .

“Hi !” Sabi nito ng makarating sa harapan ko . Pero hindi sya sa akin nakatingin . Nakasilip ito sa likuran ko at kumakaway pa kay Royce .

Tumayo si Royce at pinagpagan ang pantalon nya . “Hi , Shena .”

Kumapit ito sa bisig ni Royce . “Anong ginagawa mo ? Bakit ka nakaluhod ?”

Napakamot sa noo si Royce . “Ano . . .”

“Nananalangin sya . HAHAHA .” sabi ko .

Lumingon ito sa akin . Naningkit ang mata nito at tinitigan ako .

Shit ! Onga pala , nakita na ako nito noon ! Sana lang hindi nya ako maalala . Feeling ko naman hindi kasi wala kong wig , make up at girly clothes . Naka usual get up ako – ripped jeans , shirt at sneakers . Sana lang talaga hindi nya ako mamukhaan .

“Hi ! Alam mo may kamukha ka !” sabi nito .

Mejo nakahinga ako ng maayos . At least hindi nya ako nakilala .

Ngumiti ako . Ngumiti rin sya .

“I’m Shena ! Ikaw ?” sabi nito na nakalahad ang kamay .

Tinanggap ko ang kamay nya . “Ice . Hi Shena .” sabi ko .

Tumikhim si Royce . “Ano , Shena . Naaalala mo si Ilyza ? Yung nililigawan ko ? Yung nameet mo nung isang araw ? Kapatid nya si Ice .” sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko .

Putek na Royce to ! Bakit nya sinabi yon !

“Ahh ! Kaya pala ! kaya parang familiar ang mukha nya !” sabi nito .

Maka eskapo na nga . Hayaan ko na tong dalawang to .

“Ah , sige , Shena . Aalis na ako ah . Nice meeting you . Prof , bye !” sabi ko .

“Bye ! ! ! Nice meeting you too !” sabi ni Shena na kumakaway pa .

“Saglit Ice ! ! !”

“Bye” Hindi na ako lumingon kahit tinatawag pa ako ni Royce .

Bahala na sya . Ang gulo nya .

***

Nakatitig ako sa nakapatong na copy ng Kiss Angel sa table . Nakataas ang kilay ko habang nakangiti na ipinatong ni Chester ang isang marker .

“Autograph timeeeee !” nakangiting sabi nito .

“Chester , bakit meron ka na agad nito ? Kahapon lang ito naging available ah .” sabi ko .

“Duh ! Alangan namang magpahuli ako ! Saka diba sabi ko sayo , magpapadeliver ako ng 200 copies para i-display sa bookshop ko . I’m sure marami akong customers na bibili nyan . Lalo na at ipinaskil ko na sa labas ng bookshop ko na may book signing ka once na madeliver ang in-order ko na 200 copies !”

Napanganga ako . “ANO !”

Nagulat naman ito at napapitlag . “Aray !” sabi nito habang nakahawak sa tenga nya .

“Chester ! Sinong me sabi sayo na magkakaroon ako ng book signing sa bookshop mo ? ! ?”

Nagpout ito . “Sige na naman Kuya . Wag ka namang KJ . Ayaw mo nun , sisikat ka na , marami pa akong magiging customers ? Give and take process tayo Kuya . Tulungan ba !”

Napatayo ako sa kinauupuan ko . Naknampetiks naman talaga tong batang to ! ! !

“Aaarrggh !” Naiinis na sabi ko . Nakasabunot ang kamay ko sa buhok ko .

Dinuro ko sya . “Ikaw ! Ugggghhhh ! Ano ka ba ! Bakit hindi ka man lang nagtatanong muna sa akin bago ka gumawa ng mga ganyan !”

Nagpout ito . “Ayaw mob a ? Sorry na ! E kasi na excite lang naman ako e ! Ipinagyabang ko na nga sa mga kaklase ko na housemate ko ang author nyan e !”

Mejo natuwa naman ako kasi ipinagmamayabang nya ako sa mga kaklase nya . Proud din sya sa akin kahit papaano ?

Nag squat ako sa sahig . Naka upo sya sa silya kaya nakatingala ako sa kanya .

“Chester , na-aappreciate ko naman yun . Ang kaso , hindi kasi ako pwedeng basta basta gumawa ng mga ganyang hakbang na walang permit galing sa boss ko . Naiintindihan mob a ako ? Ha ?” tanong ko sa kanya .

Tumango naman ito na parang bata . “Kuya , sa tingin mo ganun ako ka-tanga para hindi malaman yun ? Shempre before ko pagawin ito , nakausap ko na ang boss mo . Actually pumayag na sya .”

Nalaglag ang panga ko . “H-ha ? ? ?”

Ngumiti ito bago ni-pat ang ulo ko . “Wag kasi OA magreact . Cute sana Kuya . Wag lang sobra . Ha ? HIHIHI .” sabi nito bago tumayo at dumukwang sa table .

Iniabot nya sa akin ang copy ng Kiss Angel .

“Pero bago pa silang lahat , shempre , gusto ko ako ang pinaka una .” Nag wink pa ito .

Napailing na lang ako at kinuha ko nay un sa kamay nya at pinirmahan ko .

“Yey ! Thanks Kuya !”

Hinablot nito ang libro at hinalikan ang cover .

Napatawa na lang ako .

***

Sa loob ng tatlong araw ay naging super busy ako . Pinagsasabay ko ang pag gawa ng volume 2 at ang pagp-prepare sa book signing event na ginawa ni Chester . Naka-display na rin ang mga copies ng Kiss Angel sa bookshop nya . Nakakatuwa kasi parang feeling ko , ang special ng treatment sa akin ng mga tao lalo na ng malaman nilang ako ang gumawa ng Kiss Angel .

Pagod na pagod ako . Ang dami dami naman kasing ginagawa . Buti na lang hindi ako nagkakasakit at humihina ang resistensya ko .

Nakahiga ako sa bed dahil kakarating ko lang from work . Narinig ko ang pagbukas ng front door at narinig ko ang boses ni Chester . Pero hindi lang boses ni Chester kundi na rin ng isang pamilyar na boses pa .

Dali-dali akong lumabas kasi parang ayaw maniwala ng tenga ko sa naririnig .

At nung makalabas na nga ako , halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko .

“Shit ka , Tito Bogs ! Bat andito ka !” sigaw ko at niyakap ko si Tito Bogs .

Muntik na nga kaming matumba . Hindi ko man lang alam na uuwi sya !

“Nakanangtipaklong Ice , BINATA ka na lalo ah !” sabi nito na ikinatawa ko . Never naman kasi akong tinawag na dalaga nito .

“Musta Tito ? Namiss kita ah ! Loko ka may pag surprise ka pang nalalaman ah ! Wala ka man lang pasabi !”

Tumawa ito at inakbayan si Chester . “Sabi kasi nitong alaga mo e , i-surprise daw kita . E sumunod lang naman ako kaya ayan , andito na ako .”

“Paano naman kayo nagkakilala ? Paano kayo nagkakausap ?” naguguluhan kong tanong .

“SECRET ! ! !” nakangiting sagot ni Chester . Kumindat pa ito kay Tito bogs at nag high five pa sila . O e di sila na ang close . HAHA .

Umupo na si Tito Bogs at ipinatong ang paa sa center table ko . “Ice , kayo na bahala nitong tsikiting na ito na magbukas nyang box . May mga food items jan . Kumuha ka na kasi bukas pupunt akong Batangas . I-susurprise ko ang Inay .”

Napalingon ako sa kanya . “Agad-agad ? Hindi ka man lang mags-stay muna ng ilang araw dito ? Sabay na lang tayong dumalaw kay Lola pag hindi na ako busy .” sabi ko .

“Hindi pwede . 2 weeks lang ang binigay na bakasyon sa akin ng company boss ko .”

“Ay . Sayang naman . Akala ko matagal ka dito e . May book signing pa man din ako sa isang araw . Kala ko makakasama ka .” sabi ko habang ginugupit ng gunting ang nakatali sa box .

Humikab ito . “Onga pala no , sumisikat ka ng hinayupak ka . HAHA . E wala naman ako magagawa e . Miss ko na ang Inay . Sumunod ka na lang dun pag hindi ka na busy .”

“Kelan ka babalik dito ?” tanong ko . Nabuksan ko na ang box . Naghalungkat agad si Chester . Tinampal ko ang kamay nya . 

“Basta babalik ako before ng flight ko . Tutulog muna ako dito .”

“Goooood .” sabi ko at nakipagsabayan nan g pagkuha ng goodies sa loob ng box . Pesteng Chester to , inunahan pa ako !

***

Hindi ako makapaniwala na maraming bumili ng Kiss Angel at nakapila sila sa harapan ko ngayon dahil papipirmahan nila ang binili nilang copy . Nakakatuwa na sa dinami-dami ng paghihirap ko bago matapos ito , worth it naman pala talaga .

Punong-puno ng tao ngayon itong maliit na bookshop ni Chester . Hanggang labas na ang pila at sold out na sya agad . Wow lang .

Nangangawit na nga ang pisngi ko sa kakangiti at pawis na pawis na ang kamay ko kakapirma pero hinayaan ko na lang . Patience is a virtue . Hehe .

“Next po .” sabi ko at iniabot na ang copy nung batang babae .

“Thank you po ! ! !” sabi nito at umalis na .

“Next . . .” Napatigil ako at napatawa ng makita ko kung sinong kasunod sa pila .

“Naks ka ha . Big time ka na !”

Nakangiti sina Kuya Baste at Ate Lizelle habang iniaabot ko sa kanila ang signed copy ng Kiss Angel . Ever supportive talaga sila sa akin kaya mahal na mahal ko ang dalawang ito e .

“Later tayo magchika , alam naming busy ka !” sabi ni Ate Lizelle .

Tumango ako at ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko .

Hanggang sa halos lahat ay matatapos na .

“Hi !”

Napanganga ako sa nasa harapan ko ngayon . Napakamot sa ulo si Royce habang nakangiti naman si Shena na nakakapit na naman sa bisig ni Royce .

“Pa-autograph ! Cool ka pala no , Kuya ?” Nakangiting sabi nito .

KUYA ? Naman e ! ! ! Si “Ilyza” lang ba talaga ang mukang babae ?

“Hehe . Hi . . .” Ngumiti na lang ako at pinirmahan ko ang isang copy ng Kiss Angel .

“Excuse me ! ! !”

Nabulabog ang buong bookshop sa lakas ng sigaw na narinig ko sa gilid namin .

Pag lingon ko , nakita ko na nakapameywang na nakatayo si Cherish at nakataas ang kilay nito .

“Cherish .” sabi ni Royce .

“Royce ! Nandito ka pala ? Hindi mo man lang sinabi sa akin . Sino sya ? Pinsan mo ? Pamangkin mo ? Kapatid mo ?” Sarkastikong sabi ni Cherish habang nakatitig kay Shena .

Oh no , cat fight !

Tumaas din ang kilay ni Shena . “Excuse me ? Ako bay un ? Well if ako yun , hindi nya ako pamangkin or pinsan or kapatid or whatever ! Future wife nya ako .” Mataray na sabi nito .

Nakita ko na nakatingin na ang lahat ng tao sa kanilang dalawa . Lumingon ako kay Royce at nakita kong pinagpapawisan sya . HAHA . Dale mo . Habulin ka kasi masyado e .

Hinanap ng paningin ko si Chester . Nung Makita koi to ay sinenyasan kong awatin ang Ate nya dahil nagawa na sila ng eskandalo . Nakakahiya , ang daming tao . Baka mamaya , mawalan pa ng gana ang mga ito at hindi na bumili .

Lumapit naman agad si Chester .

“What ? Nagpapatawa ka naman yata masyado , Miss . Ikaw ? Future wife nya ? Duh !” sagot ni Cherish at nag flip pa ito ng hair sa hangin . Taray ! ! !

Nakita kong kumalas na sa bisig ni Royce si Shena . Lumapit ito ng kaunti kay Cherish .

“Sino ka ba ? Ha ?” matapang na tanong nito .

“Maldita ka . Gusto ko yan . . . Ako ba ? Sino ako ? Ako lang naman ang present girlfriend ni Royce . Excuse me !” sabi ni Cherish .

Nagtitigan silang dalawa . Pero lumingon sa akin si Shena after a few seconds .

“Ows ? Eh ang sabi nila , yung kapatid daw ni Kuya Ice ang nililigawan ni Royce . Yung si Ilyza na di hamak na mas maganda naman ako !”

Napangiti ako . Walangjung babae tong Shena na ito . Amazona ah ! Tapang ! Di bale , maganda naman kasi talaga sya . Ako e tama na sa description na pogi , masaya na ako dun . HAHA .

Tumaas ang kilay ni Cherish . “What ? ? ? Sinong Ilyza ? ? ?” Tumingin it okay Chester na nasa tabi nya na at hinihila sya palayo . “Chester , diba sabi mo , ang tunay na pangalan ni Ate Ice ay ILYZA ?”

Lumingon ako kay Chester at Cherish . tapos tumingin ako sa reaction ni Shena na nakatingin din sa akin . Huli ay tumingin ako sa mukha ni Royce na parang na-engkanto .

“ATE Ice ? ILYZA din ang name ? ? ? WHAT !” sigaw ni Shena .

Shittybeans . Patay na ako neto . Nagbubulungan na ang mga tao .

Lumapit sa akin si Shena . “Tell me , ikaw ba at ang babaeng ILYZA na nameet ko last time ay iisang tao ? ? ?”

Napalunok ako . Tumingin ako kay Royce . Saklolo utang na loob ! ! !

-----------------

:))

Continue Reading

You'll Also Like

897 282 7
Lists of all the wattpad stories that I have read and still reading on wattpad. . . .
131K 6.2K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
389K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.7K 81 71
--- Virgo Castillo has been deprived with so many things. Being an unwanted child by both parents made her realize that love truly never exist, its o...