This is the look on Chester's face ---------------->
---------------
Hindi ako makagalaw ng ayos sa sarili kong pamamahay dahil kahit saan ako magpunta , nakabuntot sa akin ang tulala at nakakaasar na hitsura ni Chester . Gaya na lang ngayon . Nandito ako sa table at nagsisimula na ng volume 2 ng Kiss Angel . Pero nakatanghod ito sa akin . Matindi sya kung maka titig . Simula kasi ng makita nya ako kahapon wearing that stupid outfit , naging ganito na sya . Tsk .
“Hoy !” sita ko sa kanya kasi nakatitig sya sakin na para bang walang bukas .
“Kuya . . . Ang ganda ganda mo . . .”
-_- Yan yung kahapon nya pang pinapaulit ulit na sinasabi . Halos wala ng nalabas sa bibig nya kundi yun . Kakainis .
Tinitigan ko sya . “Chester , isa lamang iyong ilusyon . Gets mo ko ? Yung nakita mo kahapon , imagination mo lang yun . Ok ?”
Ngumiti ito . “Sana makita ulit kita na ganun ang look . Kahit pahabain mo lang ang hair mo Kuya , ok na ok na !”
“Psh . HAHA . Mangyayari siguro yun pag nakita ko na lalaking-lalaki ka na , maiksi na ang buhok mo at hindi na blonde . Yun . Baka yun pa .” sabi ko at itinuon na ulit ang tingin ko sa ginagawa ko . To be fair , mas madali na ako makagawa ngayon ng scenes sa volume 2 .
“Hmp . Siguraduhin mo lang na hindi ka aatras kung mangyari man yun .”
Umiling-iling na lang ako . HAHA . Yeah as if you can make me .
“Kung ako sayo , matulog ka na . Kasi bukas papasok ka na . Diba ?”
Nagpout ito . “Ang aga aga pa e ! Mamaya na lang . Saka tinitingnan ko pa kung paano ka magdrawing . Turuan mo nga ako minsan Kuya . Bulok ako sa mga ganan e .”
“Next time . Pag natapos ko na lahat ng dapat kong gawin . Ok ?”
“Ok ! HIHI !”
***
First time kong makita ang genuine na ngiti sa labi ni Sir Greg . Nakangiti sya sa akin . “Good job , Ice . Ready to be delivered na ang first published English manga mo . Congratulations !”
Napatalon ako sa tuwa . Narinig ko naman ang sigawan ng mga co-workers ko .
“Sir thank you po ! Thank you po talaga !”
Naramdaman ko na binuhat ako sa bewang ni Kuya Baste .
“Congrats Ice ! ! !” sigaw nito .
Tawa naman ako ng tawa habang nagpapalakpakan ang iba . Nakaka touch naman ! Hehe .
“Guys , I want all of you to join . I want to celebrate this moment ! Ok , Ice ? Ano , guys ? Lahat kasama ok ?” sabi ni Sir Greg .
Wow ! Aykenatbilibit ! Si Sir Greg mismo nag imbita ? Shete nakakatuwa naman talaga !
Nagsigawan ang mga co-workers ko . “Yeah !”
“Ok , prepare your things guys . We’ll leave in about 30 minutes .” sabi ni Sir Greg .
Nagsigawan ulit ang lahat . Ngumiti si Sir at pumasok na sa office nito .
“Lakas mo , Ice ! Ikaw na !” sabi ni Erin .
Ngumiti ako . “HAHA di naman .”
“Yes ! Inuman na itoooo !” sigaw ni Windell saka nakipag fist bump kay Kuya Sammy .
Natatawa ako sa mga reaction nila .
***
Sa Sbarro kami pinakain ni Sir Greg . Grabe ang busog ko . Punong puno ang tiyan ko e ! At hindi pa nakuntento si Sir , pumunta pa kami sa bar at eto na nga , nag iinuman na halos lahat . Akala ko hindi marunong mag bar hopping si Sir . Marunong din pala . HAHA .
“Guys , order up . Iiwan ko lang kayo sandali . Babalik din ako .” sabi nito at tumayo galing sa pagkakaupo .
“Thank you Sir ! The best ka !” sigaw ni Kuya Sammy .
Napatawa ako sa kanila . Iilan na lang kami na nandito . Kasi yung karamihan , lalo na yung pamilyado na e umuwi na .
Hindi ako masyadong umiinom kasi nga ayokong lasing na umuwi . Bawal magkalat sa Zinnia . Baka mamaya madisiplina pa ako .
Ang lakas ng tawanan at asaran namin ng may biglang mahagip ang mga mata ko . Kahit mejo madilim , pinilit kong tinitigan ang taong nakita ko na nakikipagharutan sa dance floor . Inubos ko ang laman ng shot glass ko at tumayo ako .
“San ka , pre ?” tanong ni Windell .
“Jan lang . May kakamustahin lang .” sabi ko at dire-direcho akong lumapit sa dancefloor .
Hinila ko sa kwelyo ang taong pakay ko .
“Hey !” sita nung babaeng mukang paa na kasayaw nya . Hindi ko lang ito pinansin .
Lumingon sya sa akin . “Oh ! Hi !” sabi nito at ngumiti pa .
“Hi-yin mo ang mukha mo ! Para kay Chester ito , g*go !”
Hindi ko na kasi naisip ng matino kung anong mga ginagawa ko kaya huli nan g mapagtantong inundayan ko pala ng suntok si Tres .
Natumba ito sa sahig at sumigaw naman ang ilang babae na nasa malapit .
“F*ck ! Anong problema mo !” sigaw ni Tres habang sapo-sapo ang panga .
Itinuloy ko na ang nasimulan habang hindi pa ito nakakatayo . Pinasundan ko ng ilan pang suntok ito . Wala na akong pakealam kung saan man sya tamaan . Basta ang gusto ko ay saktan sya . Gaya ng ginawa nyang pananakit kay Chester .
Naririnig ko ang sigawan at nararamdaman ko rin na may mga kamay na pumipigil sa akin . Yung totoo , pagod na pagod na ako sa ginagawa ko . Hindi naman ako basagulero , hindi ako sanay sa away . At lalong hindi ako boksingera . Pero dala marahil ng matinding inis sa taong ito samahan pa ng kaunting tama ng alcohol , hindi na ako nakakapag isip ng matino ng mga oras nay un .
“Ice ! Tama na ! Tama na ! ! !” tila nagising ako ng marinig ang pamilyar na boses ni Karina .
“H-huh ?” Napalingon ako . Hinahanap ko ang tinig nya .
“Ok , ok . Awat na rin sa wakas . Pasaway itong batang ito .” Napalingon ako sa isang lalaking maskulado na nakahawak sa akin . Bouncer ? ? ?
“Ito Sir yung nanggugulong bata !”
“Ice !”
“Sige i-report nyo muna yan .”
“H-huh ?”
Wala na akong masyadong naintindihan sa mga pinagsasasabi nila . Halo-halo na ang mga boses nila sa utak ko . Kaya nung hilahin ako kung saan at isakay sa isang patrol car , sumunod na lang ako .
***
Nakatungo ako habang nagsasalita si Sir Greg . Nasa pinakamalapit na presinto kami at tapos na ang pagkuha ng statement sa akin . Sober na ako . Medyo ok na at hindi na ako masyadong lutang sa ere .
“It was supposed to be fun ! Umalis lang ako para sunduin ang best friend mo ; thinking you’ll be happy to celebrate your soon success with her pero anong dinatnan ko pag dating ko ? Nakipag basag ulo ka ! What in the world got into you , Ice ?” sabi ni Sir Greg na nagtitimpi .
Hindi ako makasagot . Nahihiya ako sa nangyari . Hindi ko naman kasi inakala na magiging matindi pala ang epekto ng ginawa ko .
Katabi ko si Karina at nakayakap ito sa akin . Tahimik lang din ito . So tama nga na narinig ko kanina ang boses nya . Or was it kagabi ? Ewan . Hindi na ako aware sa surroundings ko kung umaga na ba o gabi o madaling-araw .
Kaming tatlo na lang ang nandito na naiwan . Inayos ni Sir Greg ang pagreport sa akin ng may ari ng bar . Nandito rin si Tres sabi ni Karina . May sasabihin daw sa akin .
“Mr . Liwanag , ok na . Pwede na syang lumabas .” sabi nung isang police officer . Tumingin ito sa akin . “Wala ng next time , Miss Lim ok ? Nakakagulat at babae ka pa man din pala .”
Nakagat ko ang lower lip ko at tumango na lang ako .
Hinila na ako ni Sir Greg . “Salamat po , Sir . Aaalis na po kami .” paalam nito sa pulis .
Pag labas namin , nakita ko agad si Tres na nakabantay sa gate . May benda ang parteng kilay nito at putok ang labi .
Naningkit ang mata ko sa pagbangon ng inis . Parang kulang pa yata ang ginawa ko e !
“Ice , alam kong galit ka sa ginawa ko kay Chester at iginanti mo lang sya . I’m really sorry . Nung time nay un , I was high ! Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya nangyari yun ! Pero I swear , nagsisisi ako ! Isa pa , dinalaw ko sya noon sa ospital . Nagsorry na ako sa kanya . Pinatawad nya na naman ako e . I’ll be in rehab soon . Pasensya na kamo sa kanya .” mabilis na sabi nito .
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan . Tahimik naman pareho sina Sir Greg at Ice sa tabi ko .
Nagkibit-balikat na lang ako . “Hindi ako nagsisisi na sinuntok kita . Ayaw ko ng ginawa mo kay Chester at hindi yun mababago . Pero kung sya nga na napatawad ka ng mabilis , sino ako para magmalaki ? Sa akin , wala ng kaso iyon . Basta wag na wag mo ng uulitin ang ginawa mo sa kanya dahil oras na gawin mo ulit iyon sa kanya , hahabulin mo si kamatayan . Naiintindihan mo ba ako ?” seryoso kong sabi . Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng sinasabi . Ang alam ko lang , ayaw na ayaw ko na masasaktan na ulit si Chester .
Tumango ito at ngumiti . “Fair enough for me . Don’t worry . I’ll try my best to be a better person from now on . Thank you for reminding me .”
Tumango na lang ako at umalis na kami ng walang imik .
***
Dahil nga inumaga na kami sa presinto , nag decide si Sir Greg na mag off daw muna lahat . Pati na sya . Kasi daw nai-stressed daw sya sa akin . Si Karina naman , pinauwi ko na rin muna kasi ayaw ko na magtatanong sya sa nangyari kahit alam kong concerned sya sakin . Mas nasasapawan kasi ng pagkamakulit nun ang lahat ng good traits nya . Hehe .
Kaharap ko ngayon si Chester na nakatitig sa akin , nakahalukipkip at seryoso ang mukha . Ngayon ko lang sya nakitang ganito .
Kakarating ko lang , inihatid ako ni Sir Greg at Karina . Nakaupo ako sa couch . Amoy alak pa ako , magulo ang buhok at gusot gusot na ang polo shirt at jeans ko .
“Wala kang pasok ? Male-late ka na !” nakangiting sabi k okay Chester .
Hindi naman natinag ito . Umupo ito sa tabi ko pero poker faced pa rin .
“Shooo . Mabaho pa ako . Dun ka na .” sabi ko tapos itinulak ko sya ng kaunti .
Pero hinagip nya lang ang kamay ko na ikinagulat ko naman . Nakatitig sya sakin .
“Kuya bakit mo ginawa iyon ?” bigla ay tanong nito .
Ngumiti ako ng alangan . “Ang alin na naman ?”
Seryosong seryoso ang mukha nito . Hindi ko mawari kung anong gusting iparating ng mga mata nya . Parang may bahid ng galit , concern , worry at relief na magkakahalo .
“Kuya , nacheck mo ba ang phone mo ? Ilang beses akong tumawag sayo . Hindi ka sumasagot . Yun palakung ano anong ginawa mo .”
Napatungo ako . Kanina kasi nung inihatid ako nina Karina at Sir Greg , narinig kong ibinulong ni Karina sa kanya ang ginawa ko .
“Alam mo bang hindi ako natulog dahil punong puno ng kaba ang dibdib ko ?”
Napatingin na ako sa kanya . Nakita ko ang emosyon sa mga mata nya .
Nakatitig sya sa akin na para ba akong puzzle na binubuo nya .
“Kuya , sagutin mo ang tanong ko . Bakit mo ginawa iyon ?”
Kinagat ko ang lower lip ko . Nagiging habit ko na yata ito ah . “Ano kasi . . .” Kinamot ko ang baba ko . “Alam mo na , mejo lasing ako e . Hindi ko alam yung ginagawa ko . Yun . Saka kasi nung nakita ko sya , nainis ako e . Naalala ko yung mga ginagawa nya sayo noon . Saka yung ginawa nya sayo two weeks ago . E nagsama sama na , yun . Na-ano . . . Basta yun . . .” Nauubusan ako ng paliwanag na ibibigay sa kanya .
Nakatingin ito sa akin ng mataman . Tapos bigla nya akong niyakap .
Nagulat ako , shempre . Hindi agad ako nakagalaw .
“Kuya , wag mo na ulit gagawin yun please . . . Kahit pa magalit ka sa kanya , nonsense lang . Nangyari na ang nangyari kaya hayaan mo na lang sya . Isa pa , ok na naman lahat .”
Kumalas ako sa pagkakayakap nya . Hindi ko kasi makayanan ang mabilis na pagtibok ng puso ko . Estupido ! bakit may ganun akong nararamdaman ? Shittybeans !
“Onga , onga . Ok na nga .” sabi ko na hindi nakatingin sa kanya .
Sinapo ng palad nito ang pisngi ko at ipinihit paharap sa kanya ang mukha ko .
“Dapat lang ! Kasi pag nakulong ka , wala na akong Kuya ! Hmp ! Wala ng magtatanggol sa akin sa mga giant spidermen , sa mga freaky evil things at wala ng gagawa ng comics na ako ang bida ! Kaya umayos ka !” sabi nito habang pinipisil ang pisngi ko .
Natawa ako sa sinabi nya . Nawala ang kakaibang nararamdaman ko kanina sa dibdib ko .
Tinampal ko ang kamay nya . “Muka mo . Akala mo naman ililigtas pa kita sa mga phobias mo . Asa ka! HAHAHA .”
Nag pout ito at humalukipkip na naman .
“Sige na , papasok na ako . Behave ka jan Kuya ah ? No more mischief , ok ?”
Tumango ako . “Ona , ona . Kala mo kung sinong matanda magsalita . Chupii !”
“May waffles sa oven . Nagtimpla din pala ako ng milk . Bahala ka na jan ah .”
Akmang sisipain ko sya kunyari . “Shooo ! Ona , ona alis na !”
Tumawa ito . “Bye Kuya !”
Kinuha na sa sahig ang bag nya at lumabas ng pintuan .
Naiwan ako na nakatingin sa saradong pintuan . Kinapa ko ang phone ko at ni-check ito .
Bumalik ang kabog sa dibdib ko ng makita kung ilang beses na tumawag ito at hindi ko nasagot .
47 missed calls . 23 text messages . Lahat galing sa kanya .
----------------------
:))