Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 692

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 25

2K 76 5
By winglessbee


Tinitigan ko siya at hinintay magsalita.

"Can we talk privately?" tanong niya ulit.

Pinanliitan ko muna siya ng mga mata. "Siguraduhin mo lang na may kwenta yang sasabihin mo, ayoko ng nasasayang ang oras ko" sabi ko.

Ngumisi siya. Yung nakakainis, mas nakakainis pa kesa sa ngising aso ni Cone. Record breaker. Nyemas.

Nauna na siyang maglakad at sumunod ako. Tinawag ako ni Yanna pero hindi ko siya pinansin. Naupo siya sa bench malapit lang sa tapat ng classroom namin. Hindi na ko nag-abala pang maupo. Para saan pa? Aalis din naman agad ako.

"Anong relasyon niyo ni Trystan?" tanong niya ng hindi tumitingin sakin.

Nagtaas ako ng kilay. Sinabi ko na e, tama ang hinala ko na ang hampaslupang apa talaga na yun ang pakay nya.

"Wala" bored na sagot ko.

Tumingin siya sakin at tinaasan ako ng isang kilay. "Really?" pinaningkitan ako ng mata. "What i saw was different from what you just had said" sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Anong ibig niyang sabihin sa different? Nahihibang na ba siya? Bulag siguro.

"Yan lang ba ang gusto mong pag-usapan? Sinasayang mo lang ang oras ko" sabi ko at tinalikuran na siya.

"Wait!" sigaw niya. "You're not his type! Look at you! Disgusting! Damit ba yan ng babae?"

Pinagsasabi nito? Im not his type? Bakit? Type ko din ba siya? Kingina. Kung may problema silang dalawa wag nila akong idamay.

Hindi ko na lang siya pinansin. Masyado siyang epal, masasayang pa lalo ang segundo na tinitigil ko dito para lang makinig sa nakakadiring salitang sinasabi niya. Psh.

"San ka galing? Anong pinag-usapan niyo?" tanong agad ni Yanna pagkabalik ko sa classroom.

Sumalampak ako sa upuan ko at sumaldal. "Walang kwenta. Ayokong magkwento" sabi ko saka pumikit.

"Tell me please? Inaway ka ba niya or what?" tanong ulit ni Yanna.

Hindi ko siya sinagot. Tinatamad na akong ibuka ang bibig ko para magsalita

"Pam!" sigaw niya.

Bahala ka buhay mo.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Dumilat ako at nakita ko naman siya iiling iling habang nakatingin sakin.

"Problema mo?" tanong ko habang nakataas ang kilay.

"Sabihin mo na kasi, please? Inaway ka ba niya? Tell me! Susugurin ko yun!" sabi nito.

"Tsk. Si Apa ang habol nun, tinanong kung may relasyon kami. Kingina. Paksyet lang. Kadiri yung mga lumalabas sa bibig niya kaya iniwan ko na"

Biglang tumawa si Yanna ng malakas kaya napatingin samin ang mga kaklase namin. "Really?" hindi makapaniwalang tanong nito. Tss.

Umiling na lang ako at pumikit ulit. Hindi tumigil sa pagtatanong si Yanna pero hindi ko na siya pinansin hanggang aa dumating ang professor namin kaya natahimik ang buhay ko.

"Pam, karibal mo" bulong sakin ni Yanna nang makita namin si Ashley sa tapat ng classroom namin.

"Magtigil ka Yanna"

Tinawanan lang ako ng bruha. Hindi namin pinansin si Ashley at nilagpasan. Pagkalagpas naman namin, si LWB naman ang nakita namin na nakaabang din.

"Blockbuster ka talaga" komento ni Yanna sabay bati kay LWB.

"Hi Pamela" sabay ngiti nito.

Hindi ko siya pinansin at tuluy tuloy lang akong naglakad.

"Suplada" narinig kong sabi nito.
"Pam!"

Kinginang buhay yan.

Napahawak nalang ako sa sentido ko at tuluy tuloy nang naglakad. Wala akong pinapansin kahit sino.

"Kikay, bakit hindi mo ko hinintay?" sabi ng hampaslupang apa. "Di ba sabay tayong uuwi? Na sakin ang susi ng kotse mo" kahit hindi ko tignan alam kong nakangising aso ito.

Hindi na lang ako nagsalita. Nasasayang lang ang laway ko. Minsan gusto ko na ngang ipazipper na lang ang bibig ko para wala na silang dahilan na kausapin ako. Tss.

"Trystan.."

Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil din si Cone at tumigil din si Yanna at LWB. Tumingin ako kay Cone at tinuro si Ashley.

"Kausapin mo nga ng hindi ako ang iniistorbo, sabihin mong wala tayong relasyon para matahimik" sabi ko saka tumingin kay Ashley.

Halata sa mukha niya na kinakabahan siya. "Bakit napipi ka na ngayon? Bakit hindi itong lalaki tong ang kinokompronta mo?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at hindi rin makatingin sa amin. Tsk. Wala naman palang sinabi, magaling lang kapag ako lang ang kaharap ganun?

Nagsimula na ulit akong maglakad at ramdam ko ang pagsunod nila.

"Grabe, suitor mo ba yun insan?" rinig kong tanong ni Yanna.

"Tss. Stalker. I don't know her actually" sagot ni Cone.

"Wow! Ang gwapo may stalker!" sabi ni Yanna.

Tumawa lang si Cone at dumikit na naman sakin. "Ano pang sinabi niya sayo?" tanong nito.

Pero imbis na sagutin ko yung tanong niya, tumigil ako sa tapat ng kotse ko at nilahad ang kamay ko.

Nagtaas ng kilay si Cone saka ngumisi at umiling. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sabihin mo muna yung sinabi niya sayo?" sabi nito.

Nagtaas ako ng kilay. "Bakit interesado ka? Bakit di na lang siya ang tanungin mo?"

"I don't want to talk to her. Tss" biglang naging seryoso ang itsura niya pero hindi ko pa rin pinansin.

"Amina susi, uuwi na ko"

"No" pagmamatigas nito.

Kingina.

Nilingon ko si LWB na tahimik lang na nasa gilid. Nilapitan ko siya na ikinagulat pa niya. "Pwedeng sumabay?" tanong ko.

Unti unti din naman siyang ngumiti at tumango. "Of course!" sabi nito sabay bukas ng kotse niya.

"Pam" tawag ni Cone pero hindi ko na siya pinansin at hinila ko na si Yanna papunta sa kotse ni LWB.

Kunot ang noo ni Cone nang lagpasan namin siya. "Paano ang car mo?" tanong ni Yanna.

"Tsk. Iuuwi niya yun. Lagot siya sakin kapag hindi" sabi ko habang tahimik akong nakatingin sa kotse ko habang papalayo ang sinasakyan namin.
Tsk.

Unang bumaba si Yanna. Isang kanto lang naman ang layo ng bahay namin, pero dahil sa bagal ng patakbo ni LWB, parang bumalik kami sa eskwelahan.

"Ano ba to pagong?" naiinis na tanong ko.

Tumawa siya. "Gusto ko lang sulitin tong oras na kasama kita"
"Yuck. Magtigil ka, nasusuka ako sa sinasabi mo" kinginang yan.

"Bad mood ka, ice cream lang katapat niyan" bigla siyang nag u-turn.

"Hoy! Bakit mo niliko? Saan mo ko dadalhin?" naiinis na tanong ko.

"Papalamigin yang ulo mo" sagot niya nang hindi ako nililingon.

Sinamaan ko siya ng tingin. Napailing na lang ako dahil wala naman akong magagawa dahil siya ang may hawak ng manibela. Tsk. Kung sana nasa akin lang ang susi ng kotse ko. Nyemas.

*

"Oorder pa ba ko?"

Napatingin ako kay LWB na nasa harap ko at ngising ngising nakatitig sakin. Kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. Pero walang pinagbago ang reaksyon niya kaya binalik ko na lang ng atensyon ko sa ice cream na kinakain ko.

"You didn't answer my question Pamela" halata sa boses niya na nakangiti siya. "Do you want me order another one?"

Umiling ako nang hindi nagaangay ng tingin. Pang- tatlong servings ko na to, hindi naman ako matakaw sa ice cream. Tsk.

"What's your favorite food?" biglang tanong niya pagkataos ng mahabang katahimikan.

"Blueberry cheesecake" mabilis na sagot ko.

Nilapag ko na ang kutsarang hawak ko at tumayo. Sumunod naman siya sakin at lumabas na kami ng ice cream parlor. Tahimik lang kami sa kotse habang nasa byahe hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ko.

"Salamat" sabi ko. May manners pa din naman ako kahit papaano.

Hindi ko na siya hinintay sumagot at lumabas na ako ng kotse, pipindutin ko pa lang sana ang doorbell ng bumukas ito at lumitaw si Apa nang may nakakalokong ngiti at tingin sakin. Yung nang-aasar, yung tipong masarap sakalin kapag ikaw ang nakakita.

"Tabi!" singhal ko nang humarang siya sa gate.

Umiling siya habang nakangising aso at winawagayway pa ang hintuturo sa harap ko. "Uh-uh. Hindi pa tayo tapos Kikay, hindi ka makakapasok hanggat hindi mo sinasabi sakin kung anong sinabi sayo ni Ashley" sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nagcrossed arms siya sa harap ko habang hindi maalis alis ang nakakabwisit na ngising aso niya. "I don't mind staying here all night"

"E, kung sinasapak kita?"

"I don't mind too" nagkibit balikat siya.

Kinginang yan.

Napapikit ako at napabuntong hininga. Kailangan ko pang mag-aral kaya sige, pagbigyan. Tsk.

"Hindi daw ako ang type mo. Paksyet! Kadiri! Kaya pwede ba wag mo ng paulitin, kinikilabutan ako! Tabi nga!" sabi ko saka siya tinulak at mabilis na pamasok sa loob at hindi pinansin ang pagtawa niya. Namoka.

Tuluy tuloy lang ako sa kwarto ko at sinara ang pinto. Nahilot ko ang sentido ko. Bakit ba, padami ng padami ang mga asungot sa buhay ko? nanganganak sila isa isa. Juskolord!

Napatingin ako sa kama ko, may sobreng puti na nakalapag dito kaya nilapitan ko at kinuha.

Kinuha ko mula sa loob ang pera at binilang. Sampung libo. Kumunot ang noo ko. Wala akong matandaan na nanghingi ako ng pera kay Papa. Binuklat ko ulit ang sobre at nakita ang isang note.

Baby Pam :3 ,

This is urgent! Kailangan ni Papa na pumunta sa Singapore for business meetings. Sorry hindi ako nakapagpaalam. Use the money, it's yours, will call you later. I love you anak!

Papa <3

TSK.

Kahit sa sulat pacute pa rin si Papa. Napailing na lang ako.

Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Unti-unti nang umiinit ang ulo ko nang wala akong makitang blueberry cheesecake sa ref pero napigilan dahil sa doorbell.

Walang tao sa bahay, naggrogrocery yata si Manang kaya sapilitan akong pumunta sa gate para tignan kung sino ang bibisita sa ganitong oras. Hapon na kasi, padilim na.

"Special delivery for a very special girl" bungad sakin pagkabukas na pagkabukas ko ng gate.

Tumambad sakin ang isang box. "Blueberry cheesecake for Pamela Reyes" sabi ni LWB habang nakangiting nakatitig sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

149K 11.7K 53
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
4.8K 90 20
Jez is a girl who is willing to go to any length to get her crush, Hans, to notice her, but will she be able to keep chasing him and following his fo...
30.7K 824 43
BOOK 2 Sometimes when we experience pain and heartaches our brains can suppress a memory out of our awareness. Savannah was so lost when she wake up...
489K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...