CHAPTER 4

4.3K 147 12
                                    

I rolled my eyes.

Pag minamalas ka nga naman. Sa dami ng pwedeng makita, bakit ito na namang si LWB pa?!

Kinginamels.

"Anong kelangan mo?"tanong ko.

"Woah! Aga aga ang sungit mo. Im here for Mr Louie Reyes"

Kumunot ang noo ko. He knows my father?

"Anong kelangan mo sa kanya?"

"Bibigay ko lang to, pinabibigay ng mommy ko" tinaas pa niya yung dala niyang paper bag para ipakita sakin.

Nilahad ko ang kamay ko para hingin sana yung paper bag at paalisin na siya ng biglang dumating si Papa.

"Ikaw na ba si Ian?" tanong ni Papa.

"Yes sir, ako po yung nautusan ni mom na dahil ho ito sa inyo"

"Nako, wag mo na kong i-sir, just call me tito and this is my daughter Pamela. Come in and join us, we're having our breakfast"

Hindi ako umimik. Tss. Bakit kasi kailangan pang ipakilala ako? Ngayon na alam na niya ang bahay ko, for sure guguluhin ako nito. Isungalngal ko kaya sa kanya ang iphone niya!

Packing tape.

"Hindi na po tito, my lakad pa po kasi ako e. Maybe next na lang po" nakangiting tanggi nito.

Mabuti naman, kung hindi ingungudngod ko siya sa tiles.

"Ganun ba? Sige, i'll invite you again next time" sabi ni Papa.

"Sige po tito. Mauna na po ako. Nice meeting you po, ikaw din Pa-me-la" nakangisi niya sabi. At talagang diniinan niya pa ang Pamela. Sapakin ko yan yang LWB na yan e.

"Umalis kung aalis na" sabi ko.

"Pam" saway ni Papa kaya umirap na lang ako saka pumasok ng bahay.

Badtrip na nga ako lalo pa akong nabadtrip. Lintik yan.

"Wow! Feel na feel mo dito a?" sabi ko nang makita ko si apa na hanggang ngayon ay nakain pa rin at dessert na ang nilalantakan. Kinginang yan.

"Pam. Bakit ganyan mo tratuhin ang bisita mo?" pagalit na tanong ni Papa.

"Hindi ko bisita yang apang yan"

"Apa?"nagtatakang tanong ni Papa.

"Yes pa! Apa as in Cone sa english! Hahahaha" natatawang paliwanag ko.

Ang weird kasi, sino bang matino ang makakaisip ng ganung pangalan? Masabi lang na kakaiba? Edi sana ginawa na lang icecream! Hahaha. Leche yan!

"Really? I thought you are Trystan?" Baling ni Papa kay Cone.

"Yeah, im Trystan Cone Papa" sagot niya ng nakangisi.

Nanlaki ang mga mata ko. Anong sabi niya?

"Anong Papa?!" sigaw ko.

Biglang tumawa si Papa kaya naman sinamaan ko din ng tingin si Papa.

"Sigurado ka bang hindi ka talaga boyfriend ng anak ko?" nakangiting tanong ni Papa.

"Asa Pa!" sigaw ko pero hindi niya ko pinansin at inaabangan ang sagot ng hampaslupang apa yun.

"Hindi po, we're friends and friends treat each other like brothers and sisters therefore i'll call you the way she calls you, friends are siblings from different parents Papa" paliwanag ni Cone na nagpatawa ng malakas kay Papa at nagpainit pa lalo ng ulo ko.

Kinginamels! Kelan pa ko nagkaroon ng kaibigan na abnormal?

"Kelan pa kita naging kaibigan?" pinanliitan ko siya ng mga mata.

"Kahapon! Nung oras na tinulungan mo ko, kaibigan na kita non!" painosente niyang sagot.

"Okay, gusto ko yan! Welcome to the family son!" biglang singit ni Papa sabay tapik sa balikat ni apa.

"Papa!" i hissed.

"Bakit anak? Anong masama? Pangarap kong magkaron ng anak na lalaki at gusto ko tong si Cone"

"Thanks Pa!" nakangisi naman si Cone "Pero mas matutuwa ho ako kung Trystan ang itatawag ninyo sa akin"

"Alright then Trystan.. My son"

What the hell?!

Sinamaan ko ng tingin si Cone at saka ko itinaas ang kamay ko at nagdirty finger nang hindi nakikita ni Papa.

Nanlaki ang mga mata niya at sandaling nawala ang ngiti pero maya maya lang at ngumisi naman habang iiling iling pa.

Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagkain habang silang dalawa ayon! Busy sa pagkwekwentuhan ng kung ano ano.

Kesyo, pag may time daw mag one on one sila sa basketball. Tss. Marunong naman akong magbasketball bakit naghahanap pa sya ng ibang kalaro?! Tsk!

Hanggang sa natapos na kaming kumain at umalis na si Papa para magtrabaho samantalang ako ay umakyat na sa kwarto ko.

"Anak ng! Nandito ka pa rin?!" sigaw ko ng makita ko siya sa sala na prenteng nakaupo habang nanonood ng tv.

Tumingin siya sakin saka ngumisi. Hindi ko na siya pinansin at nagpunta na ko sa kusina para kumuha ng cheesecake.

Favorite ko ang cheesecake at nagagalit ako kay Papa kapag nauubos ang stock ng cheesecake sa ref kaya naman araw araw siyang may uwi nun.

Nag-iisang slice na lang ang cheesecake kaya kinuha ko na saka ako umakyat at bumalik sa kwarto ko.

Pero may humarang sa pinto nung isasara ko na ito.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy! Hindi ka pwede dito!" sigaw ko sa hampaslupang apa.

"Tss. Someone's calling" sabi niya saka pakita ng iphone.

Iphone yun ni LWB at wala akong pakelam sa kanya kaya hindi ko na lang pinansin si apa at umupo na lang ako sa kama ko at kumain.

Sumunod siya sakin at ang walanghiya, naupo din sa kama ko kaya tinulak ko siya.

"Ouch!" daing niya.

Ang arte! Parang bakla! Psh.

"Hoy! Sino may sabi sayong sumunod ka at maupo sa kama ko!?" Galit na tanong ko.

"Nothing. I just feel like sitting there.. beside you" tapos ngumisi siya.

Eew! Kadiri naman ngumisi!

"Well, i dont like you sitting here beside me kaya makakaalis ka na. Chupi!" pagtataboy ko sa kanya.

Sasagot sana siya pero tumunog ulit yung iphone ni LWB.

"Kanino ba to?" tanong niya.

"Kay LWB. Kung gusto mo, itapon mo na o kaya sayo na lang" walang gana kong sagot.

"LWB?" Nagtatakang tanong niya.

"Lalaking walang balls!"

"Pffft. HAHAHAHA. Nice!" tatawa tawa siya. Psh.

"Umalis ka na nga!" taboy ko sa kanya sabay bato ng unan.

"Sandali! Nagtext si LWB. Pffftt."

"O? Pakelam ko?"

"Taray. Magkita daw kayo sa Ocean Park. Bukas. Same time. Ituloy niyo na daw ang date niyo"

Good To YouWhere stories live. Discover now