Vampire's Pet

By FinnLoveVenn

3.2M 105K 11.3K

[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila a... More

N O T I C E
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
EPILOGUE
OTHER STORIES
| NOTICE ! MUST READ |

SPEACIAL CHAPTER

43.8K 1.3K 162
By FinnLoveVenn

NANA's POV

❦❦❦

Inikot ko ang paningin ko sa buong room pero wala na naman siya dito, napabuntong hininga na lang ako at napabulong sa sarili ko.

"Hay, kawawang Red." nakakaawa talaga si Red at na wala na 'yung love team na pinaka kinakikiligan ko.

Hindi lang 'yun, na wala rin 'yung unang kaibigan na meron ako sa school na 'to, bakit ganoon ang bilis umalis ni Kaelynn? Hindi man lang namin na enjoy ang college life katulad ng mga na papanood at na babasa kong novels.

Siya 'yung nagbigay ng pag-asa sa'kin, pag-asa na hindi ako nag-iisa na kaya kong makihalubilo sa tao. Binigyan niya ko ng tiwala sa sarili ko para hindi mahiya at wag pigilan ang gustong sabihin ng puso ko sa iba.

Kaya sobrang na lungkot din ako nang malamang hindi na siya makakapasok pa, buti na lang okay daw siya sabi niya sa sulat niya pero fifty-fifty ako sa sulat na 'yun. Hindi ko alam kung maniniwala ba ko.

"Hay—" muling pagbuntong hininga ko at binuhat lahat ng libro ko at sinukbit 'yung bag ni Red sa balikat ko at sinuot 'yung body bag ko.

Sure ako na sa roof top na naman siya, simula nang matapos 'yung birth day ni Kaelynn nagkaganiyan na siya, parang laging seryoso at ang lalim ng iniisip.

Hirap na hirap akong umakyat sa hagdan at binuksan 'yung pinto, na kita ko siyang nakaupo malapit sa railings at ang layo ng tingin.

Ito ang tinawag nilang love sick! Pwede ko siyang idagdag sa story na ginagawa ko, na pangisi ako at the same time hirap na hirap akong basahin ang iniisip niya.

"Uy," kinalbit ko siya at tumingin siya sa'kin na parang walang gana, binigay ko 'yung bag niya at nag thank you siya sa'kin.

"Di pa tayo uuwi?" Tanong ko dahil hindi ko talaga alam kung saan mag uumpisa. First time kong maranasan ang ganitong scene sa buong buhay ko.

Excited na nga akong bigyan siya ng advice kasi ganito 'yung na sa drama hindi ba? Broken 'yung kaibigan mo then hihingi siya ng advice sayo. Na e-excite lang ako dahil first-time kong gawin 'to, kaso parang ang hirap pala lalo na pagkaibigan mo 'yung na sa sitwasyon.

Maaawa ka talaga sa itsura niya, nililipad 'yung pula niyang buhok kasabay ng malamig na hangin.

"Nana." sinilip ko ang mukha niya at nagtanong.

"Bakit?" Tumingin siya sa'kin at bigla akong kinabahan.

"Bakit kailangan may masasaktan pag dating sa pag-ibig?" Oh my gosh! Ito na ito na 'yung iniintay kong friend to friend advice! Mararanasan ko na siya at dahil doon makakapag-sulat ako ng tungkol sa ganitong scene.

"Ah eh hmm," ay patay wala akong alam, isip tayo ano ba laging sinasabi ng kaibigan ng broken hearted?

"Ah alam ko na!" Nagulat siya sa'kin at ipinaliwanag ko naman 'yung na alala ko.

"Alam mo kasi hindi mo matatawag na love 'yan kung hindi ka masasaktan, kasi ang failure sa love ay isang way para mahanap mo ang perfect match mo!" Gosh! ang galing ko para akong pro sa mga ganitong bagay.

"Ganun? Ilang failure pa ba bago marating 'yun?" Napasimangot ako dahil biglang tinamaan ako ng sakit na nararamdaman niya.

"Sorry hindi ko alam," sabi ko sa kaniya at tinapik-tapik ang balikat niya.

"Siguro madami? siguro unti? Pero ayos lang i-try mo ng i-try hanggat makita mo 'yung the one," sabi ko sa kaniya, galing 'yun sa puso ko payo para sa kaibigan ko at hindi ko na hinugot sa mga nababasa o napapanood ko.

"Yung the one? Pano kung gusto ko siya na 'yung the one? Wala ng iba?" Napa-isip ako at niyakap ang tuhod ko saka binaon ang mukha ko doon.

"Kaya ka na sasaktan kasi pinipilit mo sa maling tao 'yung feelings mo, sabi nga nila wag kang tanga." hindi ko alam na makakapag-advice ako ng ganito sa kaniya ngayon dahil first time ko ito at kusang lumalabas sa bibig ko ang mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya.

Importante na sa'kin si Red dahil siya at si Kaelynn ang naging kaibigan ko sa school na 'to, kaya pagnalulungkot sila feeling ko malungkot na rin ako. Ganito pala ang feeling ng pag may pinapahalagahan ka.

"Parang pag ginawa mong shampoo 'yung sabon? O pag nagkamay ka ng may sabaw ang kanin?" Ngumiti ako sa kaniya.

"Yap parang ganun sobrang mali," nagbuntong hininga siya at sumandal sa railings.

"Bakit ba kasi nagtitiis siya sa mansion na 'yun? Bakit hindi na lang siya tumira kasama na'tin? Bakit ba kasi ang bait-bait niya na kulang na lang eh maging anghel siya." ngumiti lang ako sa kaniya.

Ganun niya nakikita si Kaelynn sa mga mata niya, isang anghel. Kinikilig na naman tuloy ako.

"Para sa'kin angel talaga si Kaelynn," sabi ko sa kaniya at kumunot ang noo niya.

"Tsk, mas mukha kang anghel doon, walang anghel na nangungurot ng pino no!" na tawa ako sa kaniya.

"Hahaha eh pano naman ako naging mas mukhang anghel? May anghel ba na naka salamin?" Tumitig siya sa'kin at nilapit ang mukha niya nang bigla siyang na mula saka umiwas ng tingin.

Teka bakit? Anong meron sa mukha ko?

"Hmm? Wala nga siguro isa pa ang clumsy mo masyado para maging anghel at laging kinikilig sa love life ng iba. Cupid pwede pa." mabilis niyang sabi na parang na iilang kaya tumawa na lang ako sa kaniya.

"Cupid? Kung pupwede lang eh, pinana na kita sa taong deserving sa pagmamahal mo." nakangiti kong sabi sa kaniya na kinagulat niya.

"Talaga gagawin mo 'yun?" Tumango ako.

"Kung cupid ako, para naman hindi ka na syadong mahirapan mahanap 'yung tamang tao para sayo." na payuko siya at akala ko umiiyak pero maya-maya na rinig ko siyang tumawa.

"Hahaha, hindi bagay sayo. Pero mas bagay tayo." kumunot ang noo ko.

"Ano?" Tumawa na naman siya at nag-unat ng katawan niya.

"Alam mo malabo na nga mata mo bingi ka pa." at tumawa na naman siya, tumayo saka sinilip ang ground floor mula dito sa roof top.

"Sorry hindi ko talaga na rinig eh." tumayo na rin ako at tinabihan siya.

"Nana, pano kung 'yung kaibigan mo gusto mag move on tutulungan mo ba siya?" Ngumiti ako at tumango-tango sa kaniya, syempre tutulungan ko siya kasi kaibigan ko siya hindi ba.

"Eh pano kung sabihin ng kaibigan mo na tulungan mong umibig sa iba ang puso niya?" Tumingin din ako sa baba at pinagmasdan ang mga istudyante na naglalakad pauwi.

"Edi tutulungan ko siya pwede ko naman siya ireto eh," nagbuntong hininga siya.

"Eh pano kung ikaw ang gusto niya hindi 'yung iba?" Ngumiti ulit ako sa kaniya at hindi ko alam ba't parang kabado siya.

"Edi tutulungan ko ng buong makakaya ko!" nanlaki ang mata niya sa'kin ng hindi ko alam ang dahilan.

"Bakit? May na sabi ba ko mali Red?" Napatawa siya at umiling.

"Nah wala, tingin ko mas dense ka sa kaniya." nagtaka na naman ako, ang gulo niya kausap.

"Hindi ko kamo maintindihan 'yung mga pinagsasabi mo," umiling siya at ngumiti lang sa'kin.

"Wala-wala wag mo nang isipin 'yun, thank you nga pala Nana" ngumiti lang ulit ako sa kaniya.

"You're welcome." pinat niya ang ulo ko at yumuko sa railings ng rooftop.

"Pero may itatanong ulit ako sayo." tumango lang ako sa kaniya.

"Tingin mo may tiwala si Kaelynn sa'kin? Tingin mo may tiwala ka sa'kin?" Napatingin ako sa kaniya at seryoso na muli ang mukha niya.

"Kung may tiwala ako at si Kaelynn sayo? Oo naman," sabi ko sa kaniya at nagbuntong hininga siya saka ngumuso.

"Bakit may nililihim kayo sa'kin? Kahit naman hindi niyo sabihin malalaman ko pa rin." Tumingin siya ng daretsyo sa'kin na kinagulat ko.

Oh my! Baka alam niya na bampira kami? hindi kaya? Kinakabahan ako.

"Di ba kung may tiwala kayo sa'kin sasabihin niyo, masakit kasi malaman pa sa iba 'yung katotohanan na dapat kayo ang unang magsasabi sa'kin." napayuko ako, ayoko magsalita ng ano man kasi hindi ako sigurado sa tinutukoy niya.

Baka madulas ang dila ko at may masabi pa, hindi ko alam ang iniisip niya ngayon pero ramdam ko 'yung pagkawalang gana niya sa sitwasyon.

"Sorry Red, kung ano man 'yang sinasabi mo sure ako ginawa namin 'yun dahil pinoprotektahan ka naming." seryoso pa rin ang mukha niya at tinitigan ako maigi, ako naman ang nahiya at na gulat na lang ako ng hilahin niya ko at yakapin.

"Gano ba ko kahina para protektahan ng dalawang babae? Kahit kaunti naman sana sabihin niyo sa'kin para may magawa ako. Hayaan niyo kong kayo naman ang protektahan ko." 'yung scene na ito! Hindi ko ine-expect! Rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya at 'yung paghinga niya.

Amoy na amoy ko naman 'yung pabago niya na medyo humalo na sa amoy ng katawan niya, ba't parang nag iinit ang mukha ko? Anong feelings ito?

"Oy! Nana magsalita ka naman, ang dami kong hinugot na lakas ng loob para sabihin 'yun sayo." umiling ako dahil hindi ko alam ang sasabihin sabay yuko dahil ayoko makita niya ang puladong mukha ko.

"Re-Red?" Sabi ko sa kaniya dahil hindi siya bumibitaw sa yakap niya sa'kin.

"Aaahh! Sorry-sorry." tumango ako sa kaniya saka tumakbo at pinulot 'yung libro ko.

"Una na ko!" Tumakbo ako sa pinto sabay baba ng hagdan.

Katulad ng una namin pagkikita, nagkadikit din ang katawan namin nung nagkabanggaan kami at ito ako ngayon tumatakbo dahil muli na naman nangyari 'yun pero dahil niyakap niya na ko.

Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan at nagkahulog-hulog na ang mga librong dala ko pero hindi ko pinansin 'yun at dare-daretsyong tumakbo ng mabilis katulad ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

Ano ito? Bakit ganito ang na raramdaman ko!


CHAPTER 41

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 273K 54
Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see f...
1.2M 33.2K 79
Highest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone s...
1.9M 51.3K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...
208K 3.5K 11
She's not a vampire but she's fast and strong. Not a werewolf but sometimes acts as one. Not a witch but has powers nor a ghost but can disappear fro...