He's a Kidnapper (Book Versio...

By alyloony

699K 20.6K 1.9K

Whenever I am with him, I feel safe. I never thought that he's the one who's going to bring me in danger. More

Important Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 6 (Final Chapter)

81.3K 2.8K 476
By alyloony


Chapter 6 (Final Chapter)


"Carlo, bakit mo siya binaril? Anak mo siya!" rinig kong sigaw ni Manong Alfred.

"Hindi ko anak ang bastardong 'yan, kaya wala akong pakialam kung mamatay 'yan! Ikaw, sumunod ka sa akin kung ayaw mong matulad sa gagong 'yan! Iwan niyo muna ang bangkay diyan! Hanapin na muna natin 'yung babae!"

Narinig kong nagtakbuhan na sila palayo sa kinalulugaran ko. Nang wala na akong marinig na kahit ano'ng ingay, lumabas na ako sa drum na pinagtataguan ko.

Halos hindi ako makagalaw nang makita ko na nakahandusay na sa damuhan si Dash. Punong puno ng dugo ang bandang tyan niya at wala siyang malay.

"D-dash..." tumulo ang luha ko habang dahan-dahan kong nilalapitan ang katawan niya. "Dash... dash," napaluhod ako sa tabi niya at niyakap ko siya. "Please, Dash gumising ka! Wag ka namang ganyan oh. Your mom needs you. 'Di ba ipapa-opera mo pa siya? Aalagaan mo pa siya? Paano na lang siya pag nawala ka? Dash, please! Wake up, please! Your mom needs you! I—I need you!"

Sunod-sunod ang luhang tumutulo sa mata ko. Gustuhin ko mang isugod siya sa ospital, wala akong kakayahan. Ni-hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng saklolo. Ayoko ring iwan si Dash dito dahil alam kong babalikan nila si Dash.

I feel so helpless. Nasa harap ko na ang lalaking mahal ko. Inamin na niya sa akin na mahal niya ako. Ngayon, wala akong magawa kundi ang panuorin na lang siyang mag agaw buhay. Ni hindi ko nasabi na mahal ko rin siya.

Ang sakit.

"Skye Bernardo."

Napalingon ako bigla nang marinig ko ang boses na 'yun. Sa harapan ko ay nandoon si Manong Alfred, may hawak na baril na nakatutok sa akin.

"Sabi ko na, hindi ka pa nakakalayo eh. Sumama ka sa akin."

Hindi ako kumilos sa kinalulugaran ko. Wala akong planong sumama sa kanila. Mas gugustuhin ko nang mamatay dito kesa gawin nila sa akin ang mga plano nila.

Tinitigan ko ang mukha ni Manong Alfred. Isa rin ba siya sa gustong gumalaw sa akin? Sa tagal naming magakasama, pinag-iisipan ba niya ako palagi ng masama?

Kinikilabutan ako sa kanya. Hindi ko akalaing magagawa niya 'to. Dalawa't kalahating taon na siyang nagtatrabaho sa amin bilang driver pero napalapit na kami sa kanya.

Maamo ang mga mata ni Manong Alfred. Lagi siyang nakangiti sa amin. Parang wala siyang dinadalang problema at parang palagi siyang masaya. Ayun ang pagkaka-kilala ko rito. Ibang iba sa taong nasa harap ko na may hawak na baril at hindi nag-aalangang paputukin ito.

Napatingin ulit ako kay Dash na nakahandusay. Bigla kong naaninag sa may back pocket niya ang isang baril. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Agad kong binunot 'yon tapos tumayo ako at itnutok ko kay Manong Alfred ang baril.

"Wag mo kong biruin, Skye. Alam kong hindi mo kayang paputukin ang baril na 'yan."

"Beats me." Kinasa ko 'yung baril at itinutok ko ulit 'yon sa kanya. "Manong Alfred, baka nakakalimutan mo na madalas kaming pumunta sa shooting rink ni Daddy? Ilang beses kang nakasama sa amin at para ipaalala ko sa 'yo, pag ako ang bumaril, laging bull's eye."

"Maaring kaya mo ngang iputok ang baril na 'yan, pero makakayanan mo kayang manakit ng tao? Kilala kita."

Napahawak ako ng mahigpit sa baril. "Bakit?! Kilala rin naman kita, eh! Hindi mo kayang manakit ng tao! Hindi mo magagawang kidnapin ang amo mo na halos itinuring kang isang kapamilya! Pero mali ang akala ko, right?! Ibig sabihin, pwedeng mali rin ang akala mo sa—!!!"

Natigilan ako nang makarinig ulit ako ng putok ng baril. Hindi ito nanggaling mula sa akin o mula kay Manong Alfred. Nabitiwan ko bigla ang hawak-hawak kong baril. Napahawak ako sa kanang braso ko at nakita kong may tumutulo na ritong dugo. I feel a burning pain from my right arm. Bigla akong nahilo at napaluhod.

"Boss! Nandito 'yung babae! Kasama na ni Alfred!" dinig kong sabi nang isa sa mga kasamahan nila na bumaril sa akin.

Lumapit si Manong Alfred at itinayo ako.

"Nahuli ko na siya!" sigaw nito at hinawakan ako ng mahigpit sa kabilang braso.

"Hahaha! Ayan na si Ms. Beautiful! Grabe ba't ka kasi tumakas? Kating kati na ko sa 'yo eh," sabi nung isa.

Nagpupumiglas ako sa hawak ni Manong Alfred. "Bitiwan mo ko! Ano ba, pakawalan mo ko! Hayop ka! Pinagkatiwalaan ka namin!" Tumulo ang luha ko. Alam ko na kung ano'ng kahahantungan ko rito. "Bitiwan mo ko! Please! Please... pakawalan niyo na ko. Maawa na kayo sa akin. Please..."

"O, Alfred, bitiwan mo na 'yan at dalhin sa akin si Ms. Beautiful!"

Tiningnan ako ni Manong Alfred at hinigpitan ang pagkakahawak niya sa braso ko. Ikinagulat ko nang husto ang sunod niyang ginawa. Itinutok niya ang baril doon sa kasamahan niya at pinaputok ito. Halos maubusan ako ng hininga nang makita kong bumagsak ito sa harapan ko.

"M-manong Alfred..."

"Skye, tumakbo ka na hanggang sa makalayo ka. Paparating na rin ang mga pulis dito. Wag kang titigil sa pag takbo!"

"P-pero b-bakit--?!"

"Hija, salamat sa lahat. Tsaka—patawad."

"Alfred!"

Napalingon kaming pareho at nakitang paparating na ang iba pa nilang kasamahan.

"Tumakbo ka na!" itinulak ako ni Manong Alfred at tumakbo ako papalayo.

Nakarinig ako ng mga putok ng baril. Hindi ko alam kung kanino nanggaling o kung sino ang tinamaan. Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Halos manlabo ang mata ko dahil sa mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo. Bigla na lang akong nakaramdam ng hilo. Umikot ang paningin ko hanggang sa magdilim ito. Hindi ko na kinaya ang hilong nararamdaman ko kaya naman napa-bagsak na lang ako sa damuhan.

Gusto kong tumayo at tumakbo papalayo pero hindi ko na magawa. Napahiga na lang ako doon at napapikit habang may umaagos na luha sa mata ko. Maya-maya lang, nakarinig ako ng mga boses at yapak ng mga taong papalapit sa akin. Naramdaman kong may humawak sa braso ko at binuhat ako. Hindi ko alam kung sino 'to o kung saan ako dadalhin. Bigla na lang akong nawalan ng malay.

~*~

"Skye... Skye! Mom and Dad are here. You're out of danger now, darling. Please open your eyes! Please... please..."

Napadilat ako at nakita ko si Mommy at Daddy sa harap ko. They all look worried-sick.

"M-mom..." bigla na lang akong naiyak. Agad nila akong niyakap.

"Skye!!! Anak! You don't know how worried I am!" Humiwalay sa pagkakayakap si Mommy sa akin at nakita kong umiiyak siya. Pinunasan niya ang luha sa mata ko. "You're safe now. Wala na sila, nahuli na sila. Hindi na namin hayayaan na may gawin sila sa 'yo."

Hinawakan ni Daddy yung kamay ko. "Anak, I'm so glad you're okay! I'm so so so glad..." My dad's voice broke. Niyakap ko ulit silang dalawa.

Akala ko hindi na darating ang araw na mayayakap ko ulit sila. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. I am so relieved.

Bigla akong napahiwalay nang may maalala ako.

"W-wait! Paano ako napunta dito? Where's Dash?! S-si Manong Alfred, ano'ng nangyari sa kanya? Nasaan sila?! Ma, Dad, what happened to them?!"

They looked away. "Manong Alfred is dead."

"D-dead? Pero bakit...?" tumingin ako kay Daddy at hinawakan ko siya sa braso. "Please dad, explain everything to me! I need to know!"

Hindi nagsalita si Daddy instead, inabutan niya ako ng kapirasong papel. I unfolded it at unang tingin pa lang, na-recognize ko na agad ang hand writing ni Manong Alfred . Binasa ko ang naka sulat dito.

~~~

Patawarin niyo sana ako sa nagawa ko. Isa ako sa mga dumukot kay Skye pero maniwala kayo, hindi ko ito ginusto. Alam niyo kung gaano ko kamahal ang bata na halos ituring ko rin siyang isang tunay na anak. Nagpapasalamat ako at sa inyo ako nagtrabaho. Kahit malayo ako sa mag-ina ko, naging masaya ako dahil napakabubuti niyong mga tao. Kaya ko 'to nagawa ay dahil pinagbantaan nila ang buhay ko at ang mag-iina ko. Hindi ako naniwala sa kanila nung una kaya naman pinatay nila ang mag-ina ko. At ngayon naman, buhay ko na ang isusunod nila pag 'di ako pumayag sa gusto nila. Patawarin niyo sana ako kung nagpakaduwag ako. Meron itong kasamang mapa. Doon niyo makikita kung saan ang hideout namin. Hanggang dito lang ang kaya kong gawin. Patawad.

Maaring hindi na tayo magkitang muli dahil malapit na rin akong sumunod sa mag-ina ko. Pero ang tanging hiling ko, sana magawa niyo akong patawarin

- Alfred

~~~


Bigla na lang akong napahagulgol ng iyak dahil sa nabasa ko. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman. Si Manong Alfred, katulad ni Dash, nablackmail din siya. Bakit kailangang gamitin pa nila ang mga taong malalapit sa akin para gawin ito?! Nakatakas nga ako, pero yung sugat sa puso ko, alam kong matagal bago maghilom ito.

"T-teka... eh si Dash?! Ano'ng nangyari sa kanya?! Nasaan siya?!"

"Anak," hinawakan ni Mommy ang kamay ko. "The young man you're talking about is currently in the operating room."

"Will he be alright?"

"He's fighting."

~*~

Tiningnan ko ang lalaking nakahiga sa kama ng operating room. Ang putla-putla niya. Sabi nila, ang daming dugong nawala sa katawan niya. Kulay papel din ang labi niya. Nakakaiyak. Pero kahit ganoon, ang ngiti na yata sa labi niya ang pinaka-matingkad na nakita ko.

"Hi," bati niya sa akin.

Nilapitan ko siya at agad kong hinampas ang braso niya.

"Oww! A-alam kong galit ka pa sa akin, pero tsaka mo na ako bugbugin pag naka-recover na ako. Baka mamatay ako rito, eh. Gusto pa naman kitang ligawan," hinang-hina niyang sabi sa akin.

"I hate you! Alam mo ba kung gaano mo ako pinakaba, ha?! Akala ko namatay ka na, eh! Hindi ka pwedeng mamatay hangga't 'di mo pa nababayaran lahat lahat lahat lahat ng kasalanang ginawa mo sa akin."

He gave me a crooked smile. "I know. Kaya wag mo na muna akong gulpihin, okay?"

"At ano 'tong liligawan mo ako, ha?! Tingin mo papayagan kita?!"

Nawala ang ngiti sa labi ni Dash at napaiwas ng tingin sa akin. "Basted na ako agad? K-kung sabagay, naiintindihan ko naman. Sino ba namang matinong babae ang magpapaligaw sa lalaking naglagay sa kanya sa kapahamakan?"

"Tama! At sino bang matinong babae ang hindi sasagutin agad-agad ang lalaking buwis buhay siyang iniligtas?" Nakita kong napaangat ulit ang ulo ni Dash.

"Idagdag mo pa na 'yung lalaking 'yun ay 'yung matagal na niyang gusto--at ang hot-hot pa niya."

Biglang bumalik ang ngiti sa labi ni Dash. "T-then, tayo na?"

"Magpagaling ka muna."

"M-magaling na ako!"

Sinubukan niyang umayos ng pagkakaupo kaya lang, napahawak siya sa may tagiliran niya kung saan tumama ang bala. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nginitian.

"I love you," sabi niya sa akin.

I kneeled beside his bed at hinawakan ko ang kamay niya. "Thank you for keeping me safe. I love you too."

~*~

Apat na araw naming ipinagluksa si Manong Alfred. Binigyan namin siya ng isang marangal na libing. Marahil mali nga ang ginawa niya, but in the end, siya ang nagligtas sa buhay ko at ni Dash.

Nakulong na ang mga kidnappers. It turns out na marami na silang nabiktima at napatay na tao kaya naman nasampahan sila ng habang buhay na pagkakabilanggo. Hindi nila ikinulong si Dash dahil tumestigo ako na hindi siya kasama sa mga kidnappers at siya ang nagligtas at tumulong sa akin na makatakas.

Dahil sa ginawa ni Dash, tinulungan sila ni Daddy at Mommy. Ipinasok nila ang Mama ni Dash sa restaurant namin as kitchen helper. Si Dash naman, dahil daw matangkad at may itsura, nakakuha siyang mag-part time sa amin bilang server.

All in all, okay na kaming lahat. It's been three months since mangyari ang lahat ng 'yun. Sa loob ng tatlong buwan, kahit papaano, medyo nakamoved on na 'ko. Buti na lang at nandiyan sina Charm at Arly, pati na rin ang mga magulang ko para tulungan ako.

My parents even enrolled me in a taekwondo class para kahit papaano eh matuto ako ng self-defense. Lagi naman akong sinasamahan nina Charm at Arly doon, at kahit silang dalawa rin ay nag-enroll na sa class na 'yun. Bukod sa natututo kami, nakahanap na rin kaming tatlo ng bagong pagba-bondingan.

As for me and Dash...

"Skye, sigurado ka ba talaga sa gagawin mo? As in talagang lahat ng 'to ay ibebenta mo?" tanong ni Dash sa akin habang tinitingnan ang samu't saring bags, sapatos, at mga damit na nakahilera sa isinet-up kong "garage sale."

"Alam mo, even Arly and Charm are going ballistic over this. Masama na bang mag-garage sale?"

"Pero sabi mo, buhay mo na ang mga gamit mo na 'yan. Why all of a sudden, ibebenta mo ang lahat ng 'yan? Hindi ka naman tag-gipit sa pera."

"I'll be donating my earnings sa charity."

Lumapit si Dash sa akin at hinawakan ang noo ko, "hindi ka naman nilalagnat. You look perfectly fine. Ay teka, hindi lang pala basta fine, ang ganda-ganda mo pa. Pero ano'ng problema mo?"

Itinulak ko siya palayo sa akin. "Ewan ko sa 'yo!" I looked away. "Naalala ko kasi 'yung sinabi mo sa akin nung na-kidnap ako. 'Yung kung naranasan ko na bang maghirap. Sa totoo lang, hindi pa talaga. But after all that had happened, marami akong na-realize. Isa na doon ay nalaman ko kung gaano ako ka-swerte. Hindi pa naman huli para tumulong 'di ba?"

Bigla akong hinila papalapit ni Dash sa kanya at niyakap ng napakahigpit.

"Alam mo bang mahal na mahal kita at dahil sa ginagawa mong 'to, mas lalo pang nahuhulog ang puso ko sa'yo? Akala ko masyado nang malalim ang pag mamahal ko, pero pwede pa rin palang lumalim nang lumalim ito."

Napangiti ako, "kahit 'yung mga times na nagta-tantrum ako at inaaway kita? Kahit ang spoiled ko? Kahit maldita ako? Kahit ang arte ko?"

"Oo. Kahit nadatnan kita isang araw na gulo-gulo ang buhok at may muta pa sa mata, na-iinlove pa rin ako."

Hinampas ko siya sa braso. Natawa na lang siya.

Oo, kami na ni Dash Esguerra—ang kidnapper ko. Ang weirdo ng istorya kung paano kami naging malapit at kung paano kami umamin sa isa't isa. Napaka-weird at creepy na isipin na ang boyfriend ko ngayon ay 'yung mismong taong dumukot sa akin noon.

Pero, paki ko ba? Love itself, is creepy and weird.

Humiwalay si Dash sa pagkakayakap sa akin. "U-uhmm, may ibibigay sana ako sa 'yo. Kaso medyo nakakahiya."

"Ano 'yun?"

Binuksan niya ang back pack niya at may kinuha siya sa loob. Isang balot ng chocnut. Inabot niya ito sa akin at ako naman, takang taka na kinuha ito.

"Uhmm, ano 'to?"

"Chocnut. Masarap 'yan," sabi niya na medyo nahihiya-hiya pa.

"Alam kong masarap 'to, pero bakit mo ako binibigyan ng chocnut?"

Napakamot siya sa ulo niya. "S-sabi nila kasi, dapat bigyan man lang daw kita ng something sweet. Sorry ah, a-ayan lang nakayanan ko."

Napangiti naman ako sa kanya. "Hindi mo naman kailangang gawin 'to eh."

Napailing siya. "No. Sabi ko babawi ako, eh. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil hindi ko maibigay sa 'yo ang lahat ng gusto mo. Hindi kita madadala sa isang mamahaling restaurant. Hindi rin kita mabibilhan ng mga mamahaling bagay at hanggang chocnut lang ang chocolate na mabibili ko para sa'yo. Pero hintayin mong makaipon ako, promise, papasiyahin talaga kita."

"Alam mo ba ang favorite kong chocolate?"

"Ha?"

Tiningnan ko ang binigay niya sa akin. "Chocnut. Tapos, sawa na 'kong pumunta sa mga mamahaling restaurant kaya mas preferred ko ang karinderya pati na rin mga fastfoods. Another thing is, I'm not really fond of bouquets. Mas gusto ko 'yung mga flowers sa garden namin. About naman sa stuffed toy, sus, punong puno na ang room ko nun and there'll be no space for a new one."

"Skye..."

"One more thing, alam mo ba kung ano ang nagpapasaya sa akin? " tiningnan ko siya at nginitian. "Ikaw."

"Skye, salamat sa pagtanggap mo sa akin."

Bigla akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya at binatukan ko siya ng malakas.

"Ouch, para saan na naman ang batok na 'yun?"

"Eh kasi nakaka-bad trip ka! Ano'ng salamat?! Sana I love you na lang ang sinabi mo at hinalikan mo ako! Salamat your face! Kung alam mo lang kung gaano kita pinagnanasahan dati pa! Ang hot-hot mo kaya! Tapos ang lakas makalaglag ng panty ng ngiti mo! Tapos ngayon sasabihin mong salamat dahil tinanggap kita?! Pakshet! Kung alam mo lang! Kahit pa—," hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil bigla-bigla na lang akong hinalikan ni Dash.

"Gustong gusto ko talaga pag umaatake ang pagiging nagger mo. Nagkakaroon ako ng dahilan para halikan ka just to shut you up," natatawa-tawang sabi ni Dash. "I love you, Skye." Again, he leaned forward and closed the gap between us.

Ngayon ko lang na-realize na this guy is really a kidnapper. Siya ang kumidnap ng marupok kong puso.

At kahit pa sobrang nakaka-trauma ang napagdaanan ko sa masasamang taong 'yun, nagpapasalamat pa rin ako kay God dahil ibinigay niya si Dash sa akin.

And with him at my side, I feel safe.

END

Aly's Note:


Hi guys! Sana na-enjoy niyo po ang story ni Skye and Dash! Available pa po ang book nito sa mga bookstores or pwede kayong um-order online sa psicompublishing.com :) Php150 lang po. Salamat po sa pagbabasa! :D

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 60K 20
haveyouseenthisgirlstories.com - That Girl 1: Eh paano kung isa kang babaero at isang araw may babaeng sumulpot sa buhay mo at sinabing ikaw ang boy...
1.2M 28.3K 12
(COMPLETED) Bago mo bitawan ang isang bagay, siguraduhin mo munang kaya mong makitang hawak hawak yun ng iba. ~Bob Ong
2.5K 185 11
In this world full of "Sana All" kind of relationship, mayroong dalawang taong pilit pinapipili ng tadhana-pag-ibig o pangarap. College pa lang sila...
13.7M 479K 42
Book 2 of She Who Stole Cupid's Arrow