Beki Daddy on Duty

By kweenlheng

1.1M 35.7K 6K

Beki Daddy On Duty..... More

BDOD #1
BDOD #2
BDOD #3
BDOD #4
BDOD #5
BDOD #6
BDOD #7
BDOD #8
BDOD #9
BDOD #10
BDOD #11
BDOD #12
BDOD #13
BDOD #14
BDOD #15
BDOD #16
BDOD #17
BDOD #18
BDOD #19
BDOD #20
BDOD #21
BDOD #22
BDOD #23
BDOD #24
BDOD #25
BDOD #26
BDOD #27
BDOD #28
BDOD #29
BDOD #30
BDOD #31
BDOD #32
BDOD #33
BDOD #34
BDOD #35
BDOD #36
BDOD #37
BDOD #38
BDOD #39
BDOD #40
BDOD #41
BDOD #42
BDOD #43
BDOD #44
BDOD #45
EPILOGUE
BDOD #46
BDOD #47
BDOD #48
BDOD #49
BDOD #50
BDOD #51 (For my TeamBruh)
BDOD #52
BDOD #53
BDOD #54
BDOD #55
BDOD #56
BDOD #57
BDOD #58
BDOD #59
BDOD #60
BDOD #61
BDOD #62
BDOD #64
BDOD #65
Fin
Special Chapter #1
Special Chapter #2
Special Chapter #3
Special Chapter #4
Special Chapter #5
Instagram
Instagram 2
Instagram 3
BDOD
Instagram 4

BDOD #63

14.3K 476 95
By kweenlheng

Hanggang sa...









Dumating ang araw na pinakahihintay ng pamilyang Viceral. September 26 ng isugod si Karylle sa hospital dahil sa pagputok ng panubigan nito; senyales na manganganak na siya. Naaaligaga namang kumilos si Vice na siyang nagmamaneho habang si Karylle ay nasa backseat kasama ang biyenan. Hindi mo makikitaan ng kaba ang mukha ni Karylle dahil she feels safe naman because of Vice. Tumatagaktak ang pawis ni Vice nang makarating na sila sa tapat ng hospital. He immediately call for assistance at agad namang lumabas ang tatlong nurse while pulling Trolley bed. Isinakay doon si Karylle habang tumutulong naman si Vice sa paghila nito papunta sa delivery room. Nakasunod lang naman ang matanda sa kanila.

"Sir, hanggang dito lang po muna kayo." one of the nurses kaya napakunot naman ang noo ni Vice.

"Bakit hindi? Don't you have policy here na pwedeng sumama ang husbands sa loob? Paano kung kailangan ako ng asawa ko?" pakikipagtalo naman ni Vice. Tuluyan ng naipasok sa loob ng delivery room si Karylle habang naiwan naman ang isang nurse to talk to Vice.

"Dra. Gonzales isn't around po kasi so si Dr. Kurt po ang magpapaanak kay Mrs. Viceral and sorry to say this Sir, but he's not allowing anyone to come inside aside from his assistants,"

"I'll report that-

"Anak, magiging okay ang asawa mo. Kumalma ka nga," pagpapakalma ng matanda sa malapit ng magwala na si Vice. "Wala naman tayong magagawa kung 'yun ang gusto niya,"

"Pero natatakot kasi ako 'nay. Baka kailangan ako ni Karylle sa loob. Baka natatakot siya. Baka kailangan kong hawakan 'yung kamay niya para matulungan siya sa sakit. Baka maulit 'yung nangyari noon na wala ako sa tabi niya. Baka-

"Anak! Baka ikaw naman 'tong ma-coma dahil sa takot! Kumalma ka nga. Magiging okay si Karylle. Magiging okay sila ng anak mo. Magdasal ka," nangingiting sambit ng ina habang hinahagod ang likod ni Vice.

"Sorry, sir. I'll update you nalang po," hinging paumanhin ng nurse. Papasok na sana ito ng delivery room when Vice speaks.

"Miss," Vice called. Napalingon naman muli sa kaniya ang nurse. "Do everything just to make sure na magiging okay ang mag-ina ko. Please," nangingilid luhang sabi nito.

"Gagawin po namin ang lahat," the nurse answered back.

Nang tuluyan nang makapasok ang nurse sa loob ng delivery room ay wala ng ibang nagawa si Vice kundi ang maupo. Nanginginig na ang tuhod niya dahil sa takot na baka maulit ang mga nangyari noong wala siya sa tabi ng asawa to help her and to say that everything's gonna be alright. Natatakot siya na baka hindi nanaman niya makasama ng ilang taon si Karylle.

"Wag naman sana," he grumbled while burrying his face on his palms. "Jusko iligtas niyo po ang mag-ina ko,"

"Karylle is a strong woman. Makakaya niya 'yan. Makakaya nila ng anak mo," pagcocomfort ng ina sa kaniya.
















Mahigit twenty-minutes na ang lumilipas ngunit wala paring lumalabas mula sa delivery room kaya lalo namang binalot ng takot si Vice. Hindi ito matigil sa paglalakad dahil sa inip at kaba. Kaunti na nga lang ay pipilitin na niyang buksan ang room upang makita kung ano na ba ang nangyayari sa asawa. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na mula sa delivery room ang Doctor. Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya. Hindi naman mabasa ni Vice ang ibig sabihin ng tingin nito. Maya-maya pa'y...

"Congratulations. It's a baby boy," may tipid na ngiting turan ng doctor sabay abot ng kamay kay Vice for a handshake. "Your wife got unconscious after giving birth but don't worry, it's just normal. Gigising din naman siya maya-maya. For now, we'll transfer the baby sa nursery to do some tests and your wife sa room 017. One of my assistants would send you the papers na kailangan niyong i-fill out."

"Maraming maraming salamat po," walang mapaglagyan ng saya na pasasalamat ni Vice.

"Walang anuman, Mr. Viceral. If you need to ask something about your wife and your baby's condition, don't hesitate to call a nurse to pick me," tugon nito. Bahagya namang tumango si Vice as an answer kaya tuluyan ng umalis ang doctor.

"Lalaki 'yung anak ko," pabulong na sabi ni Vice na kahit mahina ay hindi parin nakalagpas sa pandinig ng ina. "Nay, lalaki 'yung anak ko!"

"Congratulations! May bago na tayong tatawaging tutoy," nakangiting sagot ng matanda while tapping Vice's shoulder.
















Habang inililipat si Karylle sa room nito, Vice decided na dumaan muna sa maliit na chapel upang magdasal at magpasalamat. He really doesn't know what could be the exact word to define what he really feels right now. Basta ang alam niya, walang kahit na ano ang hihigit pa sa sayang nararamdaman niya ngayon. Hindi rin naman niya ipinagkait ang magandang balita sa mga trabaho kaya't tinawagan na niya agad ang bestfriend na si Billy upang i-share ang goodnews na ikinalat naman ng huli.

"Jusko, salamat po sa lahat lahat!" mataimtim na pasasalamat ni Vice habang nakaluhod ang nakapikit. "Alam ko pong hindi sapat ang salitang salamat to show how thankful I am dahil hinayaan niyo akong maging ama sa pangalawang pagkakataon. Help me, lord. Tulungan niyo po akong maging isang mabuting padre de pamilya. I want to keep my family complete. Sila na po ang buhay ko, and I can't afford to loose them. Ikamamatay ko po,"

Matapos magdasal at magpasalamat ay tumayo ng muli si Vice at ngumiti sa pigura ni Hesus na nasa harap ng altar. He slowly turned his back at lumabas ng chapel upang makabili na muna ng pagkain para sa asawa at sa ina. Pagbalik ay naiayos at nailipat na si Karylle sa kwarto nito kaya doon na dumiretso si Vice. Pagkapasok na pagkapasok ay nakita niya ang asawa na gising na at nakangiti sa direksyon niya.

Napakagat-labi na lamang si Vice nang makita ang ngiti na iyon. Ngiti na nagsasabing hindi nga panaginip ang lahat. Ngiti na nagsasabing nasa mabuti siyang kalagayan, kaya hindi na niya kinakailangan pang mag-alala. Vice immediately placed all the foods sa table at nagmamadaling lumapit sa asawa upang mahalikan ito sa labi.

"Thank you! Thank you so much," nagpipigil luhang pasasalamat ni Vice. Pagkatapos pupugin ng halik ang asawa ay hinayaan nitong magrest ang mukha sa leeg ni Karylle. "Thank you,"

"Umiiyak ka ba?" Karylle chuckled. "Baklang bakla ka nanaman! Isusumbong kita sa panganay mo,"

Nang mag-angat ng ulo si Vice ay mabilis niyang pinunasan ang luha at bahagyang natawa sa narinig from Karylle. Nakangiti lang naman silang pinagmamasdan ng matanda sa gilid na nagbabalat ng mansanas para sa manugang. Vice sat down sa stool sa gilid ng hospital bed at madiing hinawakan ang kamay ng asawa.

"May bunso na tayo," pabulong na sabi ni Vice.

"Yeah! And you won, lalaki nga siya." natatawang sagot ni Karylle. "Have you seen him already?"

"Not yet. Dumaan pa kasi ako ng chapel then bumili din ako ng pagkain so hindi ko pa napupuntahan si bunso sa nursery pero okay lang, they will bring him here naman daw mamaya. Mas okay na 'yung sabay natin siya makikita." he grumbled as he squeezed her hand. "Pogi siguro 'yun no?"

"Panigurado. Inisin mo ba naman ako ng inisin noong buntis ako, i'm sure kamukhang kamukha mo 'yun. Little Vice na pinaglihi sa sama ng loob," pang-aasar ni Karylle sa asawa.

"Ah talaga ba, mommy?"

Sasagot na sana si Karylle nang bigla silang makarinig ng katok sa pintuan. Both of them looked sa direksyon na iyon at lalo namang napahigpit ang hawak ni Vice sa kamay ng asawa nang makita ang dalawang nurse na papasok. One of the nurses ay hawak-hawak ang baby while yung isa naman ay hawak-hawak ang papers na ififill-out ni Vice.

"Congratulations po," turan ng nurse habang iniaabot ang baby kay Karylle. Bigla namang nag-make ng sound ang baby at ngumanga. "Aww, I guess he's hungry na po."

"Thank you, miss." Karylle said. Nginitian lang naman siya ng nurse at tinanguan.

"We made some tests na po and wala naman pong nakita na kahit ano so you're free na daw po to bring him home tommorow." sabi pa ng isang nurse na nag-abot naman ng mga papel kay Vice. "You just have to fill-out that papers, Sir para po sa records ng baby."

"Can I pass this later? Pag-uusapan pa kasi namin ni Karylle 'yung ipapangalan sa bata," tanong ni Vice na mabilis namang tinanguan ng nurse. Nagpaalam na ang dalawa to give time for Vice and Karylle.

Palakas ng palakas ang sound na nanggagaling sa bata hanggang sa tuluyan na itong umiyak so Karylle decided na padedehin nalang ang anak dahil baka nga nagugutom na ito. Hindi naman siya nagkamali dahil mabilis din itong tumahimik at bumalik sa pagtulog. Nakapangalum-baba silang pinagmamasdan ni Vice. Naaaliw itong pagmasdan ang mag-ina.

"I want to give him my name," out of the blue na sabi ni Vice. Napatingin naman sa kaniya si Karylle. "I mean, naalala ko kasi si tatay. Lagi niyang sinasabi sa 'kin noon na kapag nagka-anak ako ng lalaki, dapat isunod ko sa pangalan ko. Uhm, pero... okay lang naman sa 'kin kung ayaw mo."

"Okay lang naman sa 'kin, daddy. Walang problema." nakangiting pagsang-ayon na lamang ni Karylle bago muling ibalik ang tingin sa anak. "Jose Marie Viceral. Mukhang may future ang baby ko,"

"Karylle naman," natatawang sabi ni Vice. Yumuko na lamang ito at sinimulang sagutan ang mga tanong sa papel.

"I love you daddy," ani Karylle while using baby voice. Kinikilig naman na napa-look up si Vice sa asawa.

"I love you too, so much!" he grumbled while looking directly on her eyes.
















Nagising si Klang nang makarinig ng ingay sa kabilang kwarto. She opened her eyes at inilibot ang paningin sa kabuuan ng room niya and she realized na wala parin siyang katabi until now. Napagod na lamang siya kahihintay kay Vice last night kaya hindi na nahirapan pa ang mga bakla na patulugin siya. Dahan-dahang bumaba si Klang sa bed at isinuot ang slippers niya.

She went out of her room at tumayo sa labas ng kwarto ng mga magulang. Bukas ang pintuan ng room kaya pinili niyang itago ang sarili sa labas at sumilip na lang ng kaunti. She saw his Daddy Bays na may buhat-buhat na baby habang ang Mommy Karylle naman niya ay nakahiga sa bed habang kausap si Anne na nakaupo sa gilid ng kama.

"Gising ka na pala?" Klang looked back at nakita ang Lola Rosario niya na may dala-dalang tray. "Bakit hindi ka pumasok sa loob? Naghanda si lola ng milk and pancakes for you oh,"

"Baka magishing 'yung baby nila po, doon nayang po ako sa woom ko." mahinang sabi ng bata. Tumalikod na ito at naglakad pabalik sa kwarto niya.

Napangiti na lamang ang matanda dahil sa tinuran ng apo. Halata sa mukha ng bata na nagseselos ito lalo na ngayong may bago ng pinagtutuunan ng pansin ang mga taong sa kaniya lamang nakatuon ang atensyon noon. Sinundan niya ang apo hanggang sa makapasok na sila sa kwarto nito. She placed the tray sa ibabaw ng bed nito. Mabilis din namang umakyat ang bata sa kama.

"Thank you po," walang ganang sabi ni Klang habang hinahalo ang gatas na nasa baso.

"Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka ha?" ani matanda. Mabagal namang tumango si Klang.

Paglabas ng matanda ay sinimulan narin ni Klang ang pagkain na ihinanda ng lola niya. Kung madalas ay hyper siya everytime na nakakakita ng pancakes, this time ay tila wala siyang gana. Dinudutdot lamang niya ang pancakes using her fork. Uminom lamang siya ng kaunti sa milk na nasa baso niya bago muling bumaba at bumalil sa room ng mga magulang. Nakita niyang nakaupo na si Vice sa gilid ng kama habang ang baby brother niya ay nakahiga na sa tabi ni Karylle at himbing na natutulog. Kaliwa't-kanan naman ang pagfflash ng mga cellphones dahil sa pagkuha ng mga pictures ng baby.

"Mukhang may nagseselos," pang-aasar ni Vhong na tumayo sa gilid ni Klang na nakasilip lang sa pinto. He took a pee kasi at nadatnan niya nalang ang bata na nasa labas at tila nagmamatyag. "Mukhang hindi ka na love ng daddy at mommy mo,"

"Wove kaya nila ako po," mahinang sabi ni Klang.

"Love ka nila? Bakit hindi ka na nila pinapansin?" pang-aasar pa lalo ni Vhong. Hindi naman na nagsalita si Klang at tuluyan ng pumasok sa loob ng kwarto ng parents para magpapansin. Natawa naman si Vhong sa ginawa ng bata.

"Daddy Bays!" sigaw ni Klang sabay lapit sa ama.

"Ana Klarisse, wag ka munang maingay. Natutulog si tutoy," suway ni Vice sa anak. "Dun ka muna kay Ate Camille mo, nasa baba. Makipaglaro ka muna dun,"

"Sowwy," bulong ni Klang as she looked at her mom.

"Tara dito, anak bilis. Picture kayo ni baby o." pag-aaya ni Karylle sa anak. Dahan-dahan namang lumapit si Klang sa ina. Inalalayan siya nitong umakyat sa kama upang hindi magising ang baby. Bahagyang ngumiti si Klang sa gilid ng kapatid. Matapos mapicturan ni Karylle ay mabilis na bumaba si Klang sa kama.

"Mommy, can I bowwow your phone?" kahit nagtataka ay hindi naman na nagtanong si Karylle at ibinigay na lang ang cellphone sa anak.

Walang salitang nilisan ni Klang ang kwarto nila Vice at Karylle habang dala-dala ang cellphone ng ina. Bumaba ito ng hagdan at pinuntahan ang pinsan na si Camille na nasa Sala. She gave the phone to her na ipinagtaka naman ng huli.

"Anong gagawin ko dito?" tanong ni Camille sa bata.

"Tawag mo shi momsie ko po," sagot nito habang ikinukuyakoy ang mga paa.

Agad namang sinunod ni Camille ang utos ng pinsan. Dinial nito ang number ng nanay ni Karylle at nang mag-ring ay mabilis ding ipinasa ang telepono kay Klang. Mabilis na tumayo ang bata at lumabas ng bahay para makipag-usap sa momsie niya.

"Karylle?"

"Momsie!" tili ni Klang nang marinig ang boses ng lola niya. "Momsie! Ana Kyawisse po here!"

"Hahaha! Hi baby girl, bakit ka po napatawag?" tanong nito.

"Nasaan ikaw po?"

"Nasa taping pa si momsie eh! Bakit?" napabuntong hininga naman si Klang na sumalampak na ng upo sa damuhan. "Kamusta nga pala 'yung baby brother mo?"

"Cute siya po," maiksing sagot nito. "Pewo mas cute si Kyang po,"

"Aww! I'll visit you tommorow okay? May taping pa kasi si momsie kaya hindi pa 'ko makapunta ngayon, I love you okay?" mabilis naman na napatango si Klang.

"Nimamahal din ikaw ni Kyang!"

"Oh sige na baby, kailangan ng mag-work ni momsie. See you tommorow!"

Nang ibaba na ng lola ang linya ay tumayo nalang si Klang at binalikan ang pinsan na busy naman sa pagcecellphone. Bilang hindi sanay na tahimik lang siya ay naghanap si Klang ng makakausap oh mapaglilibangan. Hinanap na lamang niya ang mga alaga na sila Meng at Lucky. She found Meng sleeping sa ilalim ng mesa sa loob ng kusina.

"Meng, gishing ikaw dali! Ushap tayo!" panggigising niya sa pusa habang kinakalabit ang ulo nito. "Tanghali na, Meng! Wake up na ikaw!"

"Meow!" tanging usal ng pusa bago tumayo at lumipat ng higaan upang makalayo kay Klang.

"Pati ba naman ikaw, di mo na 'ko wove? Bad kayo sa 'kin ah!" nakapout na sabi ni Klang na hindi na napigilan ang mapaiyak.






Continue Reading

You'll Also Like

112K 1.9K 71
"I thought you were my hope, or was it just my thought?"
12.4K 254 6
Malalaman ni Ybrahim ang nangyari kina Amihan at Lira sa Lireo, at ang kanyang pagnanais na mailigtas sila mula sa kamay ni Pirena.
708K 22.3K 58
47.8K 3.1K 79
Si Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang pa...