After All

By wonderwall23

1.1M 14.4K 1.2K

As the song goes... After all that we've been through, it all comes down to me and you. I guess it's meant t... More

Forewords
Chapter 1: It Ended Before It Even Started
Chapter 2: Nothing Has Changed
Chapter 3: Scheming Friends
Chapter 4: Forewarning
Chapter 5: Pre-Dinner Ploys
Chapter 6: The Counter Plot
Chapter 7: His Plan
Chapter 8: Let the Games Begin
Chapter 9: Of Tricky Questions and Compromising Positions
Chapter 10: One More Chance
Chapter 11: No More Mr. Nice Guy
Chapter 12: If There's A Will, There's A Way
Chapter 13: Fire vs Ice
Chapter 14: A Morning of Oddities
Chapter 16: Creepers
Chapter 17: Cat Fight
Chapter 18: Powerful or Powerpuff?
Chapter 19: The Jealous Type
Chapter 20: Let the "LOVE" Begin
Chapter 21: Half Meant Banters
Chapter 22: Sabotage
Chapter 23: Aspirins and Amnesties
Chapter 24: Deal or No Deal
Chapter 25: While You Were Sleeping
Chapter 26: The Show
Chapter 27: Metamorphosis
Chapter 28: It's Raining Men
Chapter 29: Redemption
Chapter 30: Suppressed Emotions
Chapter 31: The Decree
Chapter 32: Caught in Between
Chapter 33: Storm of Emotions
Chapter 34: In His Arms
Chapter 35: Beneath The Stars
Chapter 36: My Stupid Mouth
Chapter 37: Stranded
Chapter 38: Suddenly You're Mine
Chapter 39: Hungry For Love
Chapter 40: Piecing the Puzzle Together
Chapter 41: Heart's Lament
Chapter 42: Close To The End
Chapter 43: Just So You Know
Chapter 44: After All

Chapter 15: The Other Side

23.1K 256 15
By wonderwall23

*Hmm... so ayaw nyang nalalate at ayaw nyang naaabala ang meetings nya* Nirereview ni Kathryn ang mga bagay na iyon sa utak nya habang naglalakad sa kainitan ng tanghali.

Iniisip pa rin ni Kathryn kung panong nangyaring nagging isang workaholic si Daniel. Sa naaalala nya, isa itong napaka-happy go lucky guy. He was fun-loving at isang certified social animal. Anong nangyari dito? Saan na napunta ang kilala nyang Daniel?

*Ay bakit ko ba iniiisip yun? Pakialam ko ba sa kanya?*

Pinapagalitan nya ang sarili nya sa mga tanong na gumagambala sa kanya. Nagmumukha tuloy syang concerned sa existence ni Daniel. Hindi pwedeng mangyari yun. Hindi na ulit.

Okay naman ang mga bagay na nangyayari sa kanila ngayon. Kahit na sobrang lamig ng pakikitungo nila sa isa't isa, ay mas mabuti na iyon. Pinabayaan na lamang nyang pasukin ng ingay ng mga busina ng sasakyan ang isipan nya upang tuluyan nang makalimutan ang mga iniisip nya tungkol kay Daniel.

Pero narealize nyang mahirap gawin iyon. Isang internal battle ang nangyayari sa kanya ngayon.

*I bet hindi naman talaga sya completely anti-social. Syempre pano naman nya nakukuha ang mga babaeng nilalandi nya kung anti-social sya? At bakit kasi may mga tangang malalanding babae ang pumapayag na makasama yung lalaking yun? Ano bang meron sa kanya? Siguro nga he's such a sweet-talking Prince with a disarming smile...pero pero... I still don't get it...*

Obviously, she lost that internal battle.

__________

Ilang minute ang nakalipas ay nakarating sya sa isa sa mga modernly and voguishly contrived stores sa Greenbelt 4. Katabi ito ng mga internationally renowned labels gaya ng Louis Vuitton, Gucci, atbp. Tiningnan nya ang signage dito and she silently pronounced the name to herself.

Glitz.

A hot, new Manhattan clothing line na recently ay bida sa New York and even in the fashion district of the world - Paris.

Pumasok si Kathryn sa glass door at agad syang binate ng mga nakangiting salesclerks. Agad naman syang ngumiti din sa mga ito bago pa man sya tumungo sa mga clothes racks at tiningnan ang mga ito. Mga damit na sya mismo ang nag-design.

Ito ang isang parte ng buhay nya na hindi alam ng mga barkada nya dito sa Pilipinas, kahit si Julia M. Kilala sya bilang si Chandria - the fresh, young, hotshot in the fashion world.

Designing has always been her little secret hobby. Kung may choice lamang sya ay kumuha sana sya ng degree sa Fashion Design kaysa sa Business Management. Pero dahil isa syang mabait na anak, mas pinili nya ang makakabuti para sa pamilya.

Hindi naging madali para sa kanila ang buhay sa California. Nahirapan ang kanyang Papa na makapagtayo ng business at dumating pa nga sa isang point kung saan ay muntik nang bumagsak ang business na itinayo nila. Mabuti na lamang ay may isang mabuting loob na kaibigan sila na nagpahiram ng pera para sa puhunan at tinulungan silang makabawi - si Mr. Cesar Loyzaga.

Dahil sa mga nakitang paghihirap ng magulang ay pinilit ni Kathryn na mag-aral ng mabuti upang isang magaling na business woman, ngunit di pa rin nya nakakalimutan ang pangarap na maging isang fashion designer.

Minsan ay nagddrawing sya ng mga designs ng damit sa mga scratch paper kapag bored sya. Isang beses ay nakita ni Diego, nag-iisang anak ni Cesar Loyzaga, ang sketches nya at nakitaan sya nito ng potential. Dahil isa ring businessman si Diego ay inofferan sya nito na maging official designer ng Glitz isang taon na ang nakakalipas.

Noong una ay nagdadalawang isip syang tanggapin ang offer nito dahil hindi nya sigurado kung kaya nyang hawakan ang dalawang trabaho pero kinausap rin sya ng Papa nya at sinabihan syang ituloy nito ang pangarap. That gave her enough motivation para ipagpatuloy ang pagdedesign.

And the rest, as they say, is history.

Napagpasyahan ni Kathryn na wag nang sabihin kay Julia M. ang bagay na ito dahil kahit sya ay nagulat sa biglaang pagsikat nya sa fashion industry. Pero alam nyang di magtatagal ay malalaman din naman nito ang tungkol sa sikreto nya.

Masaya si Kathryn sa narinig na maganda ang turnout ng sales sa shop nya, at kahit badtrip sya sa mga nangyari sa kanila ni Daniel kahapon ay pinipilit nyang wag idamay sa bad mood nya ang mga empleyado nya. Pero alam nyang napapansin ng mga ito na medyo hindi sya masigla tulad ng dati.

"Miss Chandria?" Tawag sa kanya ng isa sa mga saleslady nya.

"Yes?"

"Nasa line po si Sir Diego. Gusto ka daw po nyang makausap."

Pagkarinig ng pangalang iyon ay bahagyang bumuti ang pakiramdam nya. Yun na ata ang isa sa mga magandang nangyari sa kanya sa loob ng ilang araw na pamamalagi nya sa Pilipinas.

"Hello?" Bati nya dito.

"Hey, beautiful. Kamusta na?"

"Hey yourself. Okay naman ako. Pano mo nalaman na andito ako?" Nagtatakang tanong nya dito.

"Lucky guess."

Natawa si Kathryn sa sagot nito. Nawala ng kaunti ang tension na nararamdaman nya.

"Kamusta naman ang conference?" Tanong nya kay Diego.

"Ayos lang. The usual. Hindi worth it para mamiss ka ng ilang araw. Pero ano pa bang magagawa ko? A man's got to do, what a man's got to do." Sagot nito na parang wala lang.

Napaka-laid back talaga nitong si Diego. Seryoso ito sa trabaho pero hindi nya pinapahalata. Sobrang kabaliktaran ni Daniel.

"Saang hotel ka nagsstay?"

Natahimik si Kathryn sa tanong na iyon. Anong dapat nyang isagot? Alam nyang hindi magandang magsinungaling dito dahil napakabait ni Diego sa kanya. Hindi nya deserve na pagsinungalingan. At napapagod na rin syang magsinungaling.

"Hindi ako nagsstay sa hotel." Sagot nya dito habang iniikot ang cord ng telepono sa mga daliri nya.

"Oh. Where are you staying then?"

"With a friend." Simpleng sagot nya kasabay ang dasal na sana ay hindi na ito magtanong ng kahit ano pa.

"Yung kaibigan mong si Julia Montes?"

Tough luck.

And the time bomb goes tick-tock.

Ano bang dapat nyang isagot?

Yes?

No?

"Yes."

Pagkasabi noon ay napapikit sya ng mariin dahil alam nyang isa yong kasalanan. Hindi naman talaga nya gustong magsinungaling. Pero alangan naming sabihin nyang nakatira sya sa bahay ng renowned businessman and playboy na si Daniel Padilla na ex nya?

"I see. Iniisip ko kasi na baka bisitahin kita minsan."

Uh-oh.

"Hindi mo naman na kailangang gawin yun. Alam ko namang busy kang tao. Okay lang ako dito. Promise."

Ramdam nya ang kabog ng dibdib nya habang sinasabi ang mga iyon.

"Okay, but...I..." Nagsimulang maging choppy ang kabilang linya.

"Hello?Diego?"

"Yeah...I...problem...signal...I'm...road..."

"What?"

"Can you hear me now?" Tanong muli ni Diego nang mas malinaw.

"Oo. Anong nangyari?"

"Sorry. Nagddrive kasi ako at hindi masyadong okay ang signal. Btw, I hate to say this pero may conference na naman akong kailangang attendan at mukhang hindi kita matatawagan ng madalas." Medyo choppy pa din si Diego ngunit naintindihan naman ni Kathryn ang mga sinabi nito.

"Ayos lang. Naiintindihan ko." Nakaramdam sya ng relief sa narinig.

"Ingatan mo ang sarili mo dyan, Kath."

"Okay. Ikaw din."

"...miss... you... I... you..."

"Diego? Hello? Hello?"

Nang marealize na nadisconnect na ang linya ay ibinaba na ni Kathryn ang telepono.

Nakausap nya ang isa sa mga pinakamalapit na tao sa kanya. For a moment, nawaglit sa isip nya ang mga bagay na pinoproblema nya. Sayang at napakasandaling oras lamang ng itinagal ng paguusap nila.

At bigla na lamang ay bumalik sa isipan nya si Daniel. Ang lalaking responsible sa mga kaguluhan sa buhay nya. Ang lalaking kinamumuhian nya. Kasalanan nito na kinailangan nyang magsinungaling sa dalawang matalik nyang kaibigan - sina Julia M. at Diego. At kasalanan nito kung bakit sya nakokonsensya ngayon.

Buo na ang loob nya. Kailangan nyang makawala kay Daniel kahit anong mangyari.

__________

Author's Note: Dahil uso ang pagpaparamdam ng bagong characters, makikisabay ako sa uso. Anong ganap ni Diego? Comments please?

Continue Reading

You'll Also Like

328K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
37.2M 775K 65
(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Busi...
1.3K 92 54
[COMPLETED ||UNEDITED] (1.0 - 1.25) Dear Ayesha, I like you po. Kaso di ko masabi ng direkta kaya sasabihin ko nalang through letters habang wa...
2.5M 3.1K 3
Yssabelle Dizon asks for 50 days to be with her ex-boyfriend, Kyle Joshua Cristobal. This man used to love her so much, but something bad happened be...