A Wife's One-Sided Love (Publ...

By MissSONE

7.7M 74.5K 14.7K

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages store... More

PROLOGUE
Chapter 1 (Currently Revising)
Chapter 2 (Currently Revising)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 (Part 1)
Chapter 18 (Part 2)
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
A Challenge To Allison....
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue

Chapter 12

221K 1.8K 333
By MissSONE

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

Hinila ako ni Tristan paakyat sa kwarto naming dalawa.Hindi siya nagsasalita,pero base sa nakikita at nararamdam ko,alam kong galit siya.

Galit siya?Aba,baka gusto niyang masapak?

Pagkapasok na pagkapasok naming dalawa saming silid ay banas na tiningnan niya 'ko.

"Kung hindi pa kita sinundo, hindi mo pa maiisipang umakyat dito." mahinahon niyang sermon sakin habang 'yung tono niya puno ng pagdaramdam. Kung hindi ko pa siya kilala, hindi ko malalaman na nagpipigil lang siya ngayon ng galit dahil alam niyang hindi ako magpapakumbaba sa kanya at baka lalo lang kaming mag-away na dalawa.

"Pakialam mo ba kung hindi ako matulog? Bakit ba pinapakialaman mo pa pati pagtulog ko? Tatay ba kita? Diba sinabi ko naman sayo na wala na tayong pakialam sa isa't-isa! Bakit ba ang kulit-kulit mo?" napipikon na tugon ko sa kanya.

"Galit ka pa rin ba sakin hanggang ngayon, Allison?"

tila weak na tanong niya sakin na para bang wala siyang kaene-energy, ang haggard pa ng itsura niya. Ang lungkot rin ng mga mata niya.

"At anong gusto mong gawin ko? Na patawarin ka pagkatapos ng lahat ng mga masasakit na salita na sinabi mo sakin n'on? Pagkatapos mong ipamukha sakin, na mas mahalaga 'yung iba kesa sakin na sarili mong asawa, sa tingin mo ba maaatim ko pang pakisamahan ka?"

panunumbat ko sa kanya.

"Ang sabi ko espesyal, hindi mahalaga." pagtatama niya.

"Magka-iba pa ba 'yon?"

"Kaya ba iniisip mo na hindi ka mahalaga para sakin?" may hinanakit sa tono niya.

"'Yun ang ipinamumukha mo sakin."

tipid kong sagot.

Namumula na 'yung mga mata niya nang titigan ko siya, at dahil sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla akong napa-iwas ng tingin sa kanya.

Bakit pakiramdam ko naaawa ako sa kanya. Bakit parang gusto niyang ipakita na siya ang mas nasasaktan kesa sakin, siya na nga ang may kasalanan siya pa ang may ganang masaktan? Di dapat kung meron mang nahihirapan saming dalawa, ako 'yun at hindi siya dahil ako 'yung mas na-agrabyado, pero bakit pakiramdam ko siya pa 'yung mas nagsa-suffer saming dalawa?

That was an another unfair feelings.

"Kailan mo ba 'ko balak patawarin? Allison,isang linggo na tayong ganito, dalawang araw ka pang hindi umuwi dito.Nahihirapan na din ako."

"Ikaw pa ang nahihirapan?"

"Dahil 'yun ang nararamdan ko ngayon!" may hinanakit na saad niya. Hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at napagtaasan na niya 'ko ng boses.

"'WAG MO KONG SISIGAWAN TRISTAN!" ganting sigaw ko sa kanya.Napayuko siya. Naihilamos na lang niya ang kanyang mga palad sa mukha niya.

"I'm...I'm sorry. I did'nt mean to do that."

kita ang pagsisi sa itsura niya. Pansin ko ngayon na nagpapakumbaba na siya sakin. Gusto ko tuloy isipin na nag-sisisi na nga siya sa lahat ng mga ginawa niya at dahil d'on parang gusto ko na tuloy siyang patawarin, ngunit dahil inaatake na naman ako ng pride ko kaya nag-aalinlangan pa rin ako. Mas nangingibabaw pa kasi 'yung galit at sama ng loob na nararamdaman ko para sa kanya.

Sa tuwing bumabalik sa alaala ko ang mga sinabi niyang 'yon noon sakin ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na magalit at mamuhi sa kanya ng paulit-ulit.

"Matutulog na 'ko." pagkasabi ko n'on ay tumalikod na 'ko sa kanya para pumunta sa kama, ngunit nabigla na lang ako nang bigla niyang hinigit ang isang braso ko para pihitin ako paharap sa kanya.Hindi na niya 'ko hinayaang makapagsalita pa dahil agad-agad ay lumapit siya sakin at tila sabik na niyakap niya ako.

Ang higpit, at pahigpit ng pahigpit ang yakap niyang 'yon sa akin, halos hindi na 'ko makahinga, naiipit ako sa katawan niya. Pakiramdam ko ay mapipisa ako, pero sa halip na indahin ang sakit ay nakaramdam pa 'ko ng kasiyahan dahil kahit hindi man niya sabihin sakin ng harapan ay alam ko at ramdam ng puso ko ang pangungulila niya para sakin. Nakakabinging katahimikan ang nangibabaw saming dalawa. Hindi ako nakagalaw, gusto kong gantihan ang yakap niyang 'yon na siyang nagbibigay saya sa buo kong pagkatao ngunit may side ng isip ko ang nagsasabing 'huwag muna', at 'hindi pa ngayon' dahil natatakot pa rin na baka muling dumating ang araw na ulitin niyang muli 'yon at masaktan ulit ako. Gusto na siyang patawarin ng puso ko pero mariing nakikipagtalo ang isip ko.

Bago pa man madaig ng puso ko ang aking isipan ay mabilis ko nang itinulak si Tristan palayo sakin. Tila nagulantang siya sa ginawa kong 'yon dahil nang tinitigan niya 'ko ay mababakas sa itsura niya ang pagkagulat at hindi makapaniwala. Matagal niya 'kong tinitigan habang ako nama'y nagmamatigas pa rin na nakatingin sa ibang direksyon.

"A-Allison? Why are you doing this?" pinipilit niyang magpakatatag.

"Because I hate you. Because you don't care about me."

Puno ng pagkamuhing tinitigan ko siya.

"Galit ako sayo dahil hindi mo ko maintindihan. Naiinis ako dahil kahit kailan hindi mo 'ko naintindihan!"

"Kaya nga babawi ako sayo diba! Babawi ako sayo! Sa tingin mo ba ginusto kong masaktan ka? Kung nung una pa lang alam ko nang masasaktan ka, sa tingin mo ba gagawin at sasabihin ko pa 'yon sayo? "

Natahimik ako.

"Patawarin mo lang ako gagawin ko ang lahat para lang makabawi sa lahat ng mga kasalanan ko sayo! Please,ayusin na natin 'to Allison."

pagmamakaawa niya.

"Tama na Tristan! 'Wag mo nang dagdagan pa lahat ng mga kasalanan mo sakin! Ayoko nang makinig pa sayo kahit kailan!"

Ganito ba talaga ang pakiramdam ng nasaktan? Nakakalito. Bago pa man tumulo ang mga luha ko ay mabilis na 'kong naglakad patungo sa pintuan, at nang akma ko ng pipihitin ang doorknob ay maagap siyang nakasunod sakin at sa isang iglap ay mahigpit na hinawakan niya ang isa kong braso para pigilan akong umalis.

"San ka pupunta?" may pangamba at pag-aalala sa tono niya.

"Wala kang pakialam! Aalis ako kung kailan ko gusto, at pupunta ako kahit san ko gusto!" pagmamatigas ko.

"Kay Yohan ba? Sa kanya ka ba pupunta huh?" nagtitimpi niyang tinig.

"Ano naman sayo?"

Humigpit ang pagkaka-kapit niya sa braso ko.

"Aray,nasasaktan ako!"

"Sabihin mo nga sakin, mas mahalaga ba siya kesa sakin? Mas mahalaga ba siya kesa sa sarili mong asawa!" asik niya.

"Gusto mo ba talagang marinig ang sagot ko? Then fine. Oo,Tristan. Mas espesyal si Yohan, mas espesyal siya kesa sayo! Masaya ka na? So bitawan mo na 'ko dahil kapag hindi mo pa 'ko binitawan, baka kung ano na lang ang pumasok sa isip ko't sumama ako kay Yohan sa Korea at iwan ka ditong mag-isa!" pagbabanta ko sa kanya.

Pagkatapos na pagkatapos kong bigkasin ang mga matatalim na salitang 'yon ay naramdaman ko na lang ang pagluwag ng pagkakahawak ng kamay ni Tristan sa braso ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya. Paulit-ulit kong minumura ang sarili ko nang malaman ko na lang ang ibig-sabihin ng mga lumabas na salitang 'yon sa bibig ko. Pakiramdam ko nagkagulo-gulo na ang lahat ng mga neurons sa utak ko.NO! H-Hindi y'on,hindi yon totoo! SH*T!Bakit ko ba nasabi 'yon?

Sobrang nadala ako sa emosyon ko at hindi ko na namalayang nakapagbitaw na pala ako nang ganung mga salita sa kanya.I can't believe for what I've done.Hindi ako nakapagsalita.Napako na lang ang mga mata ko sa mga mata niya.

Gusto kong bawiin lahat ng mga sinabi kong 'yon kay Tristan na noo'y makikinita sa anyo ang labis na pag-hihinanakit at pagdaramdam ngunit nananatiling nakatikom ang aking mga bibig.Sa puntong 'to,alam kong pinipigilan na lang niya ang pagpatak ng kanyang mga luha mula sa mga mata niya.

Bigla siyang tumalikod, tila may kung anong emosyon pa ang gusto niyang itago mula sakin. Pigil-pigil ko ang pag-iyak ko dahil ayokong madagdagan pa ang bigat na nararamdaman ni Tristan.

"I'm...I'm sorry Allison. Please, d-dito ka na lang,'wag ka ng umalis. Kung ayaw mo kong makita, ako na lang ang aalis. Sa kabilang kwarto na lang ako na lang ako matutulog. Just stay here. Goodnight."

Bago pa man mabuo sa isipan ko na tutulan ang sinabi niyang 'yon ay huli na dahil nakalabas na siya ng kwarto. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng katahimikan sa loob ng inaapakan kong silid.

Gusto ko siyang pigilan, gusto kong mag-sorry sa kanya para matapos na 'to, ngunit ayaw makipag-cooperate ng isip at katawan ko. Gusto ko siyang sundan, pero ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Pano ko sisimulan?

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kama at umupo sa gilid n'on malapit sa sidetable. Inikot ko ang paningin ko hanggang sa mahagip n'on ang malaking picture frame na naka-kabit sa dingding sa harap ng kama. Parang tangang napangiti ako mag-isa. Litrato kasi naming mag-asawa 'yon nung ikinasal kaming dalawa. Mailalarawan don ang kasiyahan sa mga mata namin ni Tristan.

Hindi ko na namalayan na isa-isa na pa lang tumutulo mula sa mga mata ko ang luha na kanina pa gustong mag-unahan sa pagpatak. Ito ang unang pagkakataon na naglabas siya ng mga saloobin niya sakin. Sa pagkakakilala ko kasi kay Tristan, ay siya 'yung tipo ng tao na hindi nagpapakita at nagsasabi ng mga nararamdaman niya lalo na ng kalungkutan. Kung hindi kasi galit, tahimik lang siya lagi. Hindi siya emosyonal na tao. Ngayon lang. Ngayon lang talaga.

Minsan ko lang siya makitang nasaktan, at sa minsang 'yon, ay dahil pa sa akin.

Maingay. 'Yung ibang mga fans daldalan ng daldalan about sa concert. Maraming kinikilig dahil makikita na nilang magperform live ang kanilang mga bias. Karamihan sa mga napapakinggan kong topic ay tungkol kay Yohan. Napangiti na lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi nila tungkol sa brother-in-law ko.

"May girlfriend na kaya si Yohan?" -girl 1

"Sana wala pa noh! Pero nung pinanood ko 'yung interview niya sa Korea, nandito raw sa Pilipinas ang first love niya." -girl 2

"Woah! Di nga? Ay, ang swerte naman nung first love niya! Kaiinggit!" -girl 3

Pasimple kong nailingon ang ulo ko nang marinig ko ang pinag-uusapan ng isang kumpol ng magkakaibigan sa likod ko. Napakunot ako ng noo.

First love? May first love si Yohan? Hindi ko yata alam 'yun ah? Sino naman kayang malas na babae 'yon? Hay naku, itatanong ko 'yun sa kanya pagkatapos ng concert.

Bahagya pa lang umuusad ang pila dito papasok sa loob, sobra kasi ang dami ng tao. Naiinip na rin ako. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Tumatawag si Yohan.

"Oh Yohan?" bungad ko pagkasagot ko ng tawag. Napansin kong mabilis na napatingin sakin 'yung ibang mga fans nang marinig siguro nila ang pangalan ni Yohan. Ngumiti lang ako sa kanila at pagkatapos ay bahagya kong tinakpan ang bibig ko.

"Babygirl, nasan ka na?" may excitement sa tinig niya.

"Nandito, nakapila." mahinang tugon ko.

"Annyeong Ellishon!" -first unknown voice

"Hi unnie!" -second unknown voice

Nakarinig ako ng mga masasayang tawanan sa kabilang linya, may pinag-uusapan sila ang kaso hindi ko maintindihan kasi korean language ginagamit nila. 'Yun siguro 'yung mga ka-grupo niya.

"Allison, are you still there?" boses na ni Yohan.

"Oo."

"Haha! Pagpasensiyahan mo na kung may kumausap sayong mga alien! Nga pala, Babygirl, pagkabigay mo ng ticket sabihin mo 'yung pangalan mo sa kanila."

"Huh,bakit?"

"Basta."

"Ang weird mo."

Tumawa siya.

"See yah later,babygirl.'

'Yun lang at nawala na siya sa linya. Katulad nga ng sinabi niya ay sinabi ko ang pangalan ko 'dun sa employee na kumukuha ng mga ticket at sa hindi ko malaman na dahilan ay may dalawang guard ang nag-assist sakin papunta sa Moshpit section. Inihatid nila ako roon at ipinuwesto sa tabi ng stage area. Nakakahiya naman, unfair sa ibang fans na maagang pumila para lang makapwesto dito.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nag-count down na para sa start ng concert. Napuno ng nakakabinging hiyawan ang buong dome. Lalo pang lumakas ang iritan nang mamatay ang ilaw ng stage at lumabas ang mga usok-usok effect. Pagkatapos ng ilang segundo ay tila tuluyan na yatang nabingi ang tenga ko lalo na nang unti-unti ng buksan ang mga ilaw sa stage at lumabas mula roon ang mga nag-gagwapuhang miyembro ng grupo.

Ramdam ko ang kilig ng mga fans, may tumatalon, may maluha-luha at may nag-aalok na ng kasal sa bawat miyembro ng grupo. Lalo pang lumakas ang hiyawan nang lumabas na si Yohan. Hands down ako sa dami ng fans niya.

Tumagal ang concert ng ilang oras. Ilang oras din akong nakinig sa mga kanta nila na kahit hindi ko maintindihan ay masarap namang pakinggan. Ako lang yata ang hindi nakakasabay sa mga kanta nila eh, samantalang 'yung mga fans todo sabay sa kanila. Haay, FAN nga silang matatawag. Dumating na 'yung part ng concert na isa-isa nang nag-perform ang bawat miyembro, at ang kahuli-hulihan nga roon ay si Yohan. Base sa suot niya ay alam nang lahat na hindi siya sasayaw katulad nang ginawa ng ibang miyembro kanina. Kakanta siya, for sure.

"LONG TIME NO SEE MANILA!" bungad niya sa lahat habang kumakaway, dala-dala ang maraming rose. Nagsigawan at naghiyawan ang mga fans.

"It's been five years ago since I left this country. Kasabay rin ng pag-alis kong 'yon ay marami akong naiwang ala-ala dito, ngunit sa lahat ng 'yon, isa lang ang hindi ko iniwan. 'Yon ay ang mga ala-ala ko kasama ng isang taong lubos kong pinahalagahan, taong 'yon na sa paglipas ng maraming panahon ay hindi ko nagawang kalimutan. Siya ang naging inspirasyon ko para makamit ko kung ano man ang tinatamasa ko ngayon sa buhay."

Ngumiti siya ng masaya.

"So guys, let me dedicate this song to the most important person in my life. Matagal ko nang gustong gawin 'to, at ngayong may pagkakataon na 'ko ayoko ng sayangin.And now, ladies and gentleman, this is a song from my heart."

Biglang namatay lahat ng ilaw at tanging spotlight lang na nakatutok kay Yohan ang natirang liwanag. Kasabay non ang pag-intro ng isang kanta.

~You are the song playing so softly

In my heart I reach for you

You seem so near yet so far

I hope and I pray

You'll be with me someday ~

Habang kinakanta niya 'yun ay naglalakad siya sa stage para iabot sa mga fangirl yung mga hawak niyang roses.

~I know down inside

You are mine and I'm your true love

Or am I dreaming? ~

Ang lungkot naman ng kanta. Ang sakit sa dibdib.Napatungo na lang ako nang bigla kong maalala si Tristan. Kanina 'pag gising ko wala na siya sa mansion, maaga daw pumasok sa office sabi ni Manang. Siguro,galit siya sakin.

~How can I?

Each time I try, you say goodbye

You are there

You look my way, I touch the sky

We can share tomorrow and forevermore

I'll be there to love you so

You are my song

You are my song ~

Napabuntung-hininga na lang ako.Ganito na lang ba talaga kami.

~ I know for sure

That we were meant to fall in love

I look in your eyes

I know what you're thinkin' of

I try not to say the words

That might scare you away~

Napatingin ako sa stage ng may sumulpot na tatlong roses sa harap ko.Pagtingin ko bumugad agad sakin si Yohan habang iniaabot niya sakin 'yung mga bulaklak. Nagtilian 'yung mga katabi ko,kita rin kami sa bigscreen sa stage.

"Waaaah! Bakit tatlong roses 'yung kanya?"

-girl 1

"Sakin mo na lang ibigay Yohan!" -girl 2

"WAAAH! Ang super duper gwapo mo Yohan! " -girl 3

"Pakasal na tayo Yohan!" -girl 3

Nakangiting kinuha ko 'yung roses na inaabot niya sakin ngunit ganun na lang ang pagtataka ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napatitig ako sa kanya.

"Can I invite you here in stage?" pormal na tanong niya.

Lalong lumakas ang mga tilian,pano kasi gamit niya 'yung microphone kaya narinig ng lahat ang sinabi niyang 'yon. Nung una'y nag-aalinlangan pa 'ko, ngunit nang kantiyawan na 'ko ng mga katabi ko na umakyat na ko sa stage ay napilitan na rin ako. Inalalayan ako ni Yohan paakyat sa stage.

"Para kang baliw, bakit may ganto pa huh?Humanda ka sakin pagkatapos nito." pasimpleng kinurot ko siya sa tagiliran niya nang bigla niya 'kong inakbayan sa harap ng maraming tao.

~'Cause I know down inside you are mine

And I'm your true love

Please no more dreaming ~

Hindi niya 'ko sinasagot, patuloy lang siya sa pagkanta.Naramdaman ko na lang ang pahigpit na pahigpit na pagkaka-akbay niya sakin habang buhos ang emosyon at tila galing sa puso ang kinakanta niyang 'yon.

~ How can I?

Each time I try, you say goodbye

You are there

You look my way, I touch the sky

We can share tomorrow and forevermore

I'll be there to love you so

You are my song

You are my song

We can share tomorrow and forevermore

I'll be there to love you so

You are my song

You are my song ~

"Y-Yohan,haluh,ang higpit na ng ak----"

Hindi na niya 'ko pinatapos pa dahil mula sa pagkaka-akbay ay hinila niya ko papunta sa kanya, at naging mabilis ang pangyayari hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na nakakulong na sa kanyang mga bisig. Tumigil siya sa pagkanta at niyakap niya na lang ako ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

"Y-Yohan!"

puno ng pagkagulat ang tinig ko.

"Allison, please. Let me do this. Ten seconds. Ten seconds lang."

pakiusap niya sakin.

Yohan's POV

Sobrang na-miss ko siya.Ang tagal kong hinintay ang sandaling 'to, na yakapin siya sa harap ng maraming tao. Hindi ko man masabi ng harapan, sapat na siguro ang ginagawa ko para maramdaman niya na siya lang ang tanging tao na iniingatan at inaalagaan ko. Si Allison lang ang tanging babae na pinahalagahan ko ng ganito. Maraming babae ang umaaligid sakin ngunit sa huli'y mas nanaig ang kagustuhan kong makasama siya kaysa sa iba. Sa kanya ko lang natagpuan ang tunay kaligayahan na kahit kaila'y hindi ko naramdaman sa ibang tao. Sa tuwing kasama ko siya, pakiramdam ko napakalaya ko, pakiramdam ko kami lang ang tao sa mundo at pakiramdam ko nakakalimutan ko na may salita pa lang kalungkutan. Ang tagal kong nangulila sa kanya. Hindi ko alam kung pano ako nabuhay ng limang taon na wala siya, na hindi ko naririnig ni ang boses niya, hindi ko lubusang maisip kung pano ko nakayanang gumising sa umaga nang hindi ko siya nakikita.

"Hoy Yohan, kapag ako may nakita bukas na mga pakalat-kalat na picture natin kanina sa internet, tingnan mo makakalbo kita." pagbabanta ni Allison habang abala niyang nilalantakan 'yung binigay ko sa kanya kanina na korean junk food.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa isang playground na lagi naming tinatambayan non nung high school pa kami. Naaalala ko nga 'nung minsang mag-cutting class ako tapos niyaya ko siyang tumakas ng school, dinala ko siya n'on sa kagubatan kasi plano kong manghuli ng gagamba na ipapanakot ko sa mga kaklase ko. Umiyak ng umiyak si Allison n'on kasi pinahawak ko sa kanya 'yung mga nahuli kong gagamba, wala na kasi siyang choice kundi sundin ako kung ayaw niyang maiwan mag-isa. Kinabukasan nagkasakit siya dahil sa sobrang pagkatakot, at dahil sakin, nagkaphobia siya sa gagamba.

"Natural lalabas 'yun sa internet,maraming tao kanina ang nakakita so may tendency na marami ring kumuha ng pictures nating dalawa.Ayaw mo n'on sisikat ka?" biro ko sa kanya.

Umupo kami sa malapit na bench doon.

"Abnormal."

"Sino?"

"Kayong dalawa."

"Nino?"

"Kayang dalawa ng kapatid mo. Pareho kayong.... pareho kayong abnormal."

Binaling ko ang paningin ko sa katabi ko at tila nakaramdam ako ng pag-aalala nang makita ko ang gumuhit na kalungkutan sa kanyang mga mata.

"Babygirl?"

"Hmmm?"

"Malungkot ka?"

"Hindi."

"Sinungaling."

Pilit siyang ngumiti.Sumeryoso naman ang mukha ko. Malungkot na napa-angat na lang ako ng mukha habang tinititigan ang kalangitan.

Five years ago. Matagal na panahon na rin pala akong nagpa-ubaya sa kapatid ko. Ang akala ng lahat, umalis ako upang abutin ang mga pangarap ko sa Korea, ngunit tanging sarili ko lamang ang nakakaalam ng tunay na dahilan.

Umalis ako nang bansa nung malaman ko mula kay daddy ang tungkol sa Last Will and Testament ng daddy ni Allison. Nung araw na nalaman ko ang tungkol sa bagay na 'yon pakiramdam ko parang binayak sa dalawa ang puso ko. Nasaktan ako. Sobra. Ang saklap.

Umasa pa naman ako na pagdating ng araw kami ni Allison ang magsasama ngunit noon ko lang napatunayan ang lupit ng kapalaran. Nagdesisyon akong umalis para pag-aralan nang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya, umalis ako para tuluyan nang makalimot ngunit ang akala kong madaling paraan ay ang siyang lalong nag-pahirap sakin. Walang oras ang lumilipas na hindi ko siya iniisip, at walang araw at gabi na hindi ko siya naaalala. Nung una, naisip kong bumalik dito dahil gusto ko siyang ipaglaban ngunit naisip ko rin na walang ring kwenta dahil wala naman siyang nararamdaman para sakin, mahirap ipaglaban ang pagmamahal na ikaw lang ang nakakaramdam.

"Ok lang ako." garalgal ang tinig ni Allison.

Hindi ako tumitingin sa kanya dahil ang makita siyang malungkot dahil sa iba ay ang siyang bagay na ikipinaninikip ng dibdib ko. Nahihirapan ako sa tuwing nakikita ko siyang malungkot.

"Babygirl, napansin ko kahapon pa na namumugto 'yang mga mata mo, ang lalim rin ng eyebags mo para ka na tuloy panda. Magsabi ka nga ng totoo Allison, dahil ba kay kuya? Dahil ba sa kanya kaya ka nagkakaganyan?"

Hindi siya sumagot. Ilang segundo ang itinagal ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Napapikit na lang ako ng mariin ng mahagip ng sulok ng mata ko ang pagtakip ni Allison sa kanyang mukha habang bahagyang umaalog ang kanyang balikat. Naramdaman ko na lang ang panlalabo ng paningin ko dahil sa mga luhang nag-uumpisa na ring mamuo sa mata ko.

"Ang totoo niyan, hindi naman talaga ako okey eh. Ayoko lang ipakita sa iba lalo na sa mga taong malalapit sakin na nasasaktan ako dahil ayokong magalit at sisihin niyong lahat si Tristan. Hangga't maaari ayokong maging malungkot sa harap ng ibang tao, dahil ang una nilang pag-iisipan ng masama ay ang asawa ko. Ayokong kamuhian nila si Tristan." saad niya sa pagitan ng kanyang mga iyak.

Pinilit kong tatagan ang loob ko sa mga sinasabi niya sakin. Kahit masakit, makikinig ako sa kanya.

"Pasensiya na, hindi ko na kasi kaya eh. Ang sikip-sikip na sa dibdib nito kaya gusto ko nang ilabas lahat. Kahit ngayon lang Yohan, gusto kong ilabas lahat 'to. Gusto ko nang makahinga ng maluwag."

Mabilis akong humarap kay Allison,at dahan-dahan kong itinulak ang likod ng ulo niya padikit sa dibdib ko.

"Sige lang, iiyak mo lahat 'yan. Gamitin mo 'ko para mailabas mo lahat ng sakit sa dibdib mo. Ok lang kahit matuluan ng sipon at luha mo ang damit ko, ang mahalaga nakatulong ako. Nandito lang ako babygirl." pampalubag-loob ko habang hinahagod ko ang likod ng ulo niya.

Ikinapit niya ang dalawa niyang kamay sa polo ko at doon sumubsob at humagulhol. Ipinulupot ko ang isa kong kamay sa likod niya at muli ko siyang niyakap.

Nung araw na ikinasal silang dalawa, naron ako at lihim na nanonood. Kahit masakit ay um-attend pa rin ako dahil 'yun ang ipingako ko kay Allison nung mga bata pa kami, na kapag daw pareho na kaming ikinasal, ay dapat naron ang isa't-isa saming dalawa.

Nag-paubaya ako kay kuya dahil alam kong hindi niya pababayaan si Allison ngunit dahil sa nangyari ngayon ay parang gusto ko nang mamuhi sa kapatid ko. Kahit kailan, hindi ko nagawang saktan ang damdamin ni Allison,na kahit napaka-maldita niya iniintindi ko dahil mahalaga siya.

Sayang,kung ako lang sana ang mas unang ipinanganak kaysa kay kuya kung ako lang sana ang naging panganay at hindi siya,hinding-hindi ko gagawin ang ginagawa niya ngayon sa asawa niya,kay Allison.

Ngayon,wala na akong ibang choice kundi ang isakripisyo ang lahat ng meron ako ngayon para lang maprotektahan at maipagtanggol ko muli ang tanging babae na minahal ko buong buhay ko.Ayokong lalo lang siyang mahirapan at masaktan sa piling ng kapatid ko.Buo na ang desisyon kong 'to. Aalagaan ko ulit siya, ang first love ko.

Humigpit ang yakap ko kay Allison.

"Mawawala lang ako ng ilang linggo para tapusin na ang career ko sa Korea, at sa pagbalik ko, ipinapangako ko.........

babawiin na kita sa kuya ko."

Continue Reading

You'll Also Like

880K 26.6K 51
(COMPLETED) Sequel of TYMARA's Love Story. Book 1: Crush at First Sight (Completed) Book 2: My First and Last Crush (Completed) Hanggang saan mo...
6.9M 126K 46
The story depicts the game of love and desires. Clarisse De Silva was a lawyer who was famous not only for her skill but also for being a coldhearted...
1.3M 54.6K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
5.6M 118K 45
(Finished) Because of her best friend and boyfriend's betrayal, napag-isipan ni Cheska Monique Torres na magbakasyon muna sa France para makalimot. S...