Pretending with the Snob (Pyx...

By swaegmonster

142K 5.8K 2.2K

(Completed) Even in her wildest dreams, Alisson never thought na mangyayari sa kanya ang nangyayari lamang sa... More

Prologue
Pyxis
Dedication
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
15.1
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
20.2
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
28.3
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Alisson Moretta
Self-Publishing!

Chapter 15

3K 121 34
By swaegmonster


Chapter 15 - Nightmare


Bwisit na Orange 'yon! Does he have to do that? Pwede niya naman akong gantihan sa ibang paraan! Why does he have to attack me like that? Marupok ako Orange so don't me! Charot! Pero seryoso, subukan niya lang ulitin 'yon sasamain na siya sa'kin.

Hinampas hampas ko ang puso ko. Ang bilis pa rin ng tibok, e!

Nagtungo na lang ako sa pool. Baka sakaling mapakalma ng malamig na tubig ang puso ko. I stop on my tracks because June and Jacin are already there. Mukhang seryoso din ang pinag-uusapan nila. Ayoko namang maka-istorbo kaya naglibot libot muna ako sa paligid ng villa. Ang daming mga halaman at magagandang bulaklak. It reminds me of the greenhouse in Luxford, marami rin kasing roses ang nakatanim dito. There are lavender roses too.

At ang bwisit kong puso, nagwala na naman.

Muli akong sumilip sa pool. Wala na 'yung dalawa, kaya tumakbo ako at pa-cannonball na nagdive sa pool.

Midnight swimming is the best! It's very calming too, dahil puro tunog lang ng kalikasan ang naririnig ko. The buzzing sounds of the insect, the dancing leaves and the waves of the sea.

What a perfect night.

Nang mapagod akong lumangoy, I spread my arms and legs at saka nagpalutang. Just casually lying on the water. Isa ito sa mga paraan ko para makapag-relax, I do this every time na nasosolo ko ang pool.

I close my eyes. Dito na lang kaya ako matulog? Hindi naman siguro ako magkakasakit.

And then I feel a minty air in my mouth, to my throat. Umulit pa ulit. Hindi ako makahinga ng maayos!

Pagdilat ko, ang sobrang lapit na mukha ni Orange ang nakita ko. Hinahalikan niya ako! Habang nakapisil sa ilong ko!

My fist clench at agad ko siyang binangasan sa mukha. "Are you trying to kill me?!" habol ang hiningang sigaw ko sa kanya. Sa halip na sa tubig, sa surface sa gilid ng pool na ako nakahiga. Nasa tabi ko si Orange na naka-sapo sa pisngi niya.

"I'm saving you, stupid! You were drowning!" ganting sigaw niya.

Bumangon ako at umurong palayo sa kanya, "No, I'm not! Natutulog ako!"

"Are you really that stupid? Who on their right mind will sleep on the fucking water?! Magpapakamatay ka ba?!"

"I was relaxing!"

"You're on the fucking water looking lifeless! It doesn't look relaxing to me! And you weren't fucking moving while I was taking you to the surface! What do you want me to fucking think?!"

Kung makapagmura! Daig pa kami ni Charlie!

"May time na malalim akong matulog, e! You should've checked my pulse before kissing me! I mean bago ka nag-mouth to mouth!" King ina, first kiss ko 'yon!

"Oh, I apologize for not thinking this through because I thought you fucking drowned!" Tyler frustratingly runs his fingers through his wet orange hair. Totoong galit na siya.

Hindi ko naman kasalanan e! Nagre-relax lang naman talaga ko. Masyado lang siyang nag-panic! Still, I can't help but feel guilty. Kahit si Mama noon, akala nalunod ako o ano kapag ginagawa ko 'yon.

I open my mouth to speak but he looks at me with fear and it renders me speechless.

"Stop scaring me, Moretta." He pleads and whispers. Tumayo siya at walang lingon-likod na pumasok sa loob ng villa.

Nasundan ko na lang siya ng tingin, feeling guiltier than ever.


~*~


"I'll apologize to him tomorrow." sabi ko sa sarili ko habang pabalik ng kwarto ko. Kakatapos ko lang mag-shower at ready na ulit ako matulog. But when I open the door, agad akong napatigil. I can sense and smell it. There's an enemy inside my room! I turn on the lights and quickly scan my room.

And there it is, sa nakabukas na bintana sa likod ng headboard: may ipis. Pwedeng pwede siyang gumapang papasok, at tumambay sa malambot kong higaan. Or worse, lumipad!

Ito kasi ang pinakadulong kwarto kaya puro mga puno at halaman ang katabi nito. Napabuntong hininga na lang ako at muling isinara ang pinto.

Looks like I'm sleeping in the leathered couch tonight.

Ang bilis nga naman ng karma.

Hindi naman ako nahirapang matulog. Malaki at komportable ang couch, sakop na sakop ang buong katawan ko. Like it is made para lang tulugan ko ngayong gabi.

I even have this really funny dream kung saan nagising daw ako dahil nilalagyan ako ni Orange ng unan. Tapos umupo pa raw siya sa marbled floor at sumandal sa couch na hinihigaan ko. Hindi siya nagsasalita, he just keeps staring at me habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mahahabang daliri niya. Sa gulat ko pa raw, ngumiti siya. Natawa tuloy ako, hindi naman kasi ako nginigitian ni real-life Orange.

"Is this... a dream?" pipikit pikit na tanong ko. Kahit sa paniginip, antok na antok ako.

Tumango naman si Orange.

"Sabi ko na e." natawa na naman daw ako. Ginaya ko ang ginagawa niya, I stare at his face and stroke his soft orange hair. Hindi man lang siya nag-reklamo. This orange is really fake. "Umalis ka nga sa panaginip ko. Ayoko ng fake orange. I want the real one."

Tumawa si Orange, "But I'm the real one."

"Kahit kasing gwapo ka niya, hindi ikaw ang orange ko. Masungit 'yon e."

He smiles at lalong inilapit ang mukha sa'kin. "I'm the real one." bulong niya. They even have the same minty breath, pero hindi ako magpapaloko. "You want proof?"

I smile and nod.

He covers my mouth with his palm then kisses the back of it. "Is that enough proof?"

I pout, thinking hard. "No." I say, still pouting.

"Didn't I tell you? Don't test me." He caresses my cheeks gently while looking intently into my eyes. He looks into my lips next... before kissing them softly.

Nabilang ko pa nga kung ilang seconds. Five seconds.

Tapos hinalikan niya ulit ako, mas matagal. Siguro mga ten seconds, this time with his eyes closed.

Hindi ko na nabilang kung gaano katagal 'yung pangatlong halik niya, dahil pumikit na rin ako. Grabe nga 'yung pagwawala ng puso ko. Ramdam na ramdam ko. Panaginip pa lang 'yon ha? Paano pa kung nagkatotoo—which will never happen by the way. I won't let it!

Hindi ako kasing rupok ng Alisson Moretta sa panaginip ko na hindi man lang nagreklamo habang hinahalikan ni Orange! Kung ako 'yon, siguradong nabugbog ko si Orange.

Pero kingina, 'yung tibok ng puso ko. Ang bilis bilis pa rin. Ang gaan-gaan din ng tiyan ko, na para bang may mga lumilipad na mga paru-paro sa loob. Syet! Am I getting butterflies because of that dream?!

Hell, no!

And geez, what is this giddy feeling? Kinikilig ba ako?!

No way in hell!

Tinakpan ko ng unan ang ulo ko. I want to scream! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Nababaliw na ba 'ko?

At teka sandali.

Unan? Kailan pa ko nagka-unan? Hindi ko maalala na nagdala ako ng unan dito. Maliban na lang doon sa panaginip ko... na si Orange daw ang naglagay.

Tinawanan ko ang sarili ko. No, it can't be. Isa siguro sa mga maids ang naglagay nito, nakita siguro nilang kailangan ko talaga ng unan. Right. That's it.

Bumangon ako at umayos ng upo. Maliwanag na sa labas.

At sa katapat kong couch, nakahiga at natutulog si Orange. He doesn't look that comfortable dahil lampas ang paa niya sa couch. He looks so cute while sleeping, mukha siyang bata. He's even pouting slightly! Geez, mukha siyang angel. Pwede kayang ganyan na lang siya forever?

Aba, teka nga ulit.

Bakit dito rin siya sa living room natutulog?!

At ang damit niya... iyang iyan din ang damit niya sa panaginip ko!

Fuck, was it really just a dream? Or it happened for real?

Umiling iling ako because, no. as in, N.O.

Why would he kiss me? Is he out of his mind? And why didn't I resist? Parang tinanggap ko lang na hinahalikan niya ko.

HAHAHAHAHAHAHHA.

Kasi nga panaginip lang 'yon!

Ano ngayon kung nagkaroon ako ng unan at parehas ang suot niya sa panaginip ko? That doesn't mean it happened for real! It's Orange we're talking about, he would never do that! Hindi niya nga ako hinalikan noon sa tapat ni Aubree, e. And I would never let him kiss me, too! End of story.

It's just a dream.

A nightmare.

Kaya pwede ba, heart? Umayos ka. Nahihirapan na kong huminga.

Kumuyom ang mga kamay ko. Kung hindi lang tulog si Orange, baka nasuntok ko na siya. Nakakagigil! Why did I even dream of that?

And dreams... are in our subconscious, right? BAKIT NASA SUBCONSCIOUS KO NA HINAHALIKAN AKO NI TYLER?!

Halos masabunutan ko ang sarili ko.

I take a deep breath.

It's just a dream, Alisson. Calm the hell down.

Humalukipkip ako at saka nag-Indian seat sa couch. Hihintayin ko siyang magising para mabato ng mga tanong.

Orange does wake up just after a few minutes...

And it's the cutest shit ever. His eyes, nose and lips, actually his whole face is puffy! Ang gulo rin ng orange hair niya. It's my first time seeing him like this! He looks so innocent like a baby.

Pinilig ko ang ulo ko. I shouldn't be admiring his face! I should be asking him questions!

Orange sits up, yawns and stretches his arms. Mukha talaga siyang baby!

"Bakit dito ka natulog?" tanong ko bago pa mapariwara ang isip ko.

He glares before rubbing his eyes (cutely), "None of your business." He answers hoarsely.

See?

SEE?!

This is real life Orange! Doon pa lang alam ko na ang sagot. It's a solid proof that it really is just a dream!

Lumipas ang maghapon, pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang panaginip ko. It just keeps flashing in my mind's eye! Nakakairita na!

"Okay ka lang, Ali?" Miles asks,

Ngumiti na lang ako, "Yup."

But in truth, I'm still pissed.

He chuckles. "You sure? Kanina pa nakakunot ang noo mo. Nahahawa ka na ba kay Tyler?"

Lalo akong nainis dahil sa pangalan na 'yon, hindi ko lang pinahalata kay Miles.

Thankfully I get a bit distracted dahil sa sinabi sa'kin ni June. Pinilit namin siya ni Sam na magkwento tungkol sa pinag-usapan nila ni Jacin sa pool kagabi. And I am really surprised, though I already have a feeling that it might actually happen.

Para tuluyang mawala si Orange sa isip ko, niyaya ko 'yung dalawa na mag-movie marathon. May mga TV sa piling kwarto, at saktong meron ang napiling kwarto ni Sam kaya doon kami nanood. Doon na rin kami nakatulog.

Kinabukasan, sa beach naman kami nag-swimming. At ako na naman ang trip nila. Hinagis na naman nila ako sa dagat. Mga gunggong na Pyxis! Bwisit!

But what pisses me off the most is that, hanggang dito kailangan naming magpanggap ni Orange. Well, not like when Aubree's around... but we have to be together all the time. Sam and June know we're a real couple so...

Of course I feel guilty! I consider them my friends now, even if I don't know if they feel the same. One of these days I'll tell them about this pretend thing, pero hindi pa ngayon. I'm not ready to explain everything.

Kinagabihan, we gather again by the beach. Pinalibutan namin ang bonfire at nagkwentuhan ng nakakatakot. Gusto ko sanang takutin ulit si Tyler, pero naalala ko 'yung sinabi niya sa'kin sa pool noong isang gabi.

"Stop scaring me, Moretta."

I remember his eyes too... he was really scared that night. He probably thought that he was too late to save me, tapos malalaman niya na natutulog lang pala ko. And I just... don't want to see him like that again.

Nagkwento pa rin ako ng nakakatakot, pero hindi ko na inasar si Orange.

Nalaman ko din kung bakit sa living room siya natulog noong isang gabi, when it's his turn to tell a scary story, he says that he overhears the maids talking, na may nagpapakita raw na nakaputi doon sa kwarto niya tuwing gabi.

I know I shouldn't be like this, but he's just really cute when scared. Sa kabila ng napaka-sungit na attitude niya, hindi mo aakalaing takot siya sa mga multo.

Nang nagkakatakutan na, nag-aya na silang bumalik na sa villa. But then natanawan ko 'yung cave hindi kalayuan sa'min. Masyado akong na-curious kaya nag-aya akong pasukin 'yong loob. Pumayag si Leader Noah, kaya gumora kami.

It's time for an adventure!

Via jack en poy kami nag-decide kung sino ang unang papasok sa loob.

Jacin and June first, followed by Orange and me, then Sam and Miles, and lastly, our four single gents: Aiden, Hunter, Ice and Noah.

Ilang minutes matapos pumasok 'yung dalawa, we hear June's loud screams.

Tyler, Miles and Hunter flinch in sync.

Pinigilan kong matawa.

That's our cue.

"Come on sugar pie. It's our turn." I say wrapping my arm around Tyler's.

"Why the fuck are we even here? Aren't we heading back to the villa? Why the fuck am I here?" He sounds like he's questioning and regretting his seventeen years of life decisions.

"Don't worry, Ty. I got this. I'll protect you."

"You and you're fucking stupid ideas." Gigil na bulong niya.

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Hinatak ko siya sa loob bago pa siya makatakbo. I doubt it though, I have this feeling na kahit pa natatakot siya, hindi niya ko hahayaang pumasok mag-isa sa kweba. Masungit lang talaga 'tong si Orange, pero deep inside... well, hindi siya gaanong masungit. Anyway, it's just a feeling.

Hinawakan ko ang kamay niya, it's shaking!

"Orange, relax!"

"I'm fucking trying, but it's too fucking dark!"

Not true, we're using his iPhone X Max as flashlight.

Humawak na din siya sa kamay ko, ng sobrang higpit. "Fuck this cave, just fuck."

His hands are big and soft. His long and slender fingers are perfectly filling the voids of mine.

"Tyler." Hindi talaga ko sanay na tawagin siya sa pangalan niya. Mas bagay sa kanya ang Orange.

"What?"

"I'm sorry about last night." sa wakas ay sabi ko, "Actually, thank you for trying to save me. Basta ngayon alam mo na, kapag nakita mo kong ganon, alam mo nang nag-rerelax o natutulog lang ako."

He stops walking, kaya napahinto din ako. I can't see his face because it's too dark, ayoko naman itapat ang flashlight sa mukha niya. He's probably about to say something when we suddenly hear screeching sounds above us.

That's when Orange loses it. He screams so loud, and so manly I just have to laugh.

"Orange, they're just bats!"

"Don't fucking laugh at me!"

"C-can't help it!" I say in between my laughs.

"Fuck this place! Let's get out of here!"

"No, Tyler! We can't!" hinahatak na niya ko pabalik, hinahatak ko naman siya pa-abante."Maganda raw sa dulo nitong cave!"

And indeed it is. It's beyond what I imagine. The rock formations are just unrealistically superb, walang mag-aakalang ganito kaganda ang dulo ng nakakatakot na kweba.

Matagal-tagal ang naging hatakan namin ni Orange bago kami nakarating dito sa dulo. Naabutan pa nga kami ni Sam at Miles, who both scream on their way too.

"There's a funny myth about this cave..." Jacin says, "If you and your partner reached this end of the cave, you'll never be apart... something like that."

"There's an addition to that," Sam says, "Your bond will also be stronger than ever... the butler told us earlier."

I smile, "The butler also says that it works for lovers, family and friends."

Bigla akong napatingin kay Tyler, na nakatingin na pala sa'kin. "Tinitingin-tingin mo?" bulong ko.

He answers with his usual, "Tch."

Continue Reading

You'll Also Like

258K 17.5K 83
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.8K 160 42
"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." ×××××××××××××××××××××× Kapag sinabi mong second best, si Mavis Colleen ang unang-una na papasok s...
31.8K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
64.2K 2.4K 30
Ulap. Araw. Buwan. Mga Planeta. Mga bituin. Iilan sa mga bagay na imposibleng maabot ng isang ordinaryong tao. Pero kahit imposible, dumarating pa ri...