FWO: Fantasy World Online (CO...

By _jammi

350K 14.2K 825

Genre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we... More

P R O L O G U E
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 1: WHAT'S THIS GAME?
CHAPTER 2: THE BASEMENT
CHAPTER 3: WELCOME TO FWO!
CHAPTER 4: TROUBLED THOUGHTS
CHAPTER 5: EXPECT THE UNEXPECTED
FWO: WORLD OF MONSTERS
[W.O.M] CHAPTER 1: THE REAL GAME HAS BEGUN
[W.O.M] CHAPTER 2: WHAT ARE YOU?!
[W.O.M] CHAPTER 3: HIDE MY IDENTITY
[W.O.M] CHAPTER 4: FIRST EVER RARE DROP
[W.O.M] CHAPTER 5: THE COOKING CONTEST
[W.O.M] CHAPTER 6: WE MEET AGAIN?
[W.O.M] CHAPTER 7: FIRST PVP DUEL
[W.O.M] CHAPTER 8: TRAINING START!
[W.O.M] CHAPTER 9: MONSTER ENCOUNTER
[W.O.M] CHAPTER 10: NEAR DEATH ENCOUNTER
[W.O.M] CHAPTER 11: SCHOOL GIRL NO MORE
[W.O.M] CHAPTER 12: SAVING A FRIEND
[W.O.M] CHAPTER 13: PECULIAR DREAM
[W.O.M] CHAPTER 14: WORLD OF MONSTERS MULTI-BOSS BATTLE
FWO: WORLD OF SWORDS
[W.O.S] CHAPTER 1: THE HEROES
[W.O.S] CHAPTER 2: TRAPPED??
[W.O.S] CHAPTER 3: ODD MISSIONS
[W.O.S] CHAPTER 4: SEA OF STORM & THE MYTHICAL CAVE
[W.O.S] CHAPTER 5: THE CURSE & GIFT
[W.O.S] CHAPTER 6: ENEMIES' TRICKS & CONFUSION
[W.O.S] CHAPTER 7: NEW ACQUAINTANCES
[W.O.S] CHAPTER 8: BEGINNING OF FRIENDSHIP (KIRO'S PAST PT. 1)
[W.O.S] CHAPTER 9: BEGINNING OF FRIENDSHIP (KIRO'S PAST PT. 2)
[W.O.S] CHAPTER 10: A HUMAN'S VULNERABLE HEART
[W.O.S] CHAPTER 11: UNINTENTIONAL DECISION
[W.O.S] CHAPTER 12: KIRO'S REALIZATION
[W.O.S] CHAPTER 13: RULES ARE MADE TO BE FOLLOWED
[W.O.S] CHAPTER 14: FINDING HER
[W.O.S] CHAPTER 15: THE GAME MASTER'S CHANGE OF PLANS
[W.O.S] CHAPTER 16: SOMEONE'S BEEN KIDNAPPED
[W.O.S] CHAPTER 17: PEOPLE'S DISAPPEARANCE
[W.O.S] CHAPTER 18: FOUND HIM
[W.O.S] CHAPTER 19: ASKY'S TRUE STRENGTH
[W.O.S] CHAPTER 20: KIRO'S CONFESSION
[W.O.S] CHAPTER 21: SILVER'S MISTAKE
[W.O.S] CHAPTER 22: SILVER'S PLAN
[W.O.S] CHAPTER 23: KIRO & HIS FAMILIAR, YURI
[W.O.S] CHAPTER 24: ASKY'S DISCOVERY
[W.O.S] CHAPTER 25: THE GUILD LEADER'S TRUE FORM
[W.O.S] CHAPTER 26: WORLD OF SWORDS FINAL BOSS BATTLE
FWO: WORLD OF FAIRIES
[W.O.F] CHAPTER 1: SHATTERED EMOTIONS
[W.O.F] CHAPTER 2: THE GAME'S NEW FEATURE
[W.O.F] CHAPTER 3: UNKNOWN CIRCUMSTANCES
[W.O.F] CHAPTER 4: KIRO'S DISCOVERY
[W.O.F] CHAPTER 5: THE CLUE
[W.O.F] CHAPTER 6: UNSOLVED QUESTIONS & THEIR OPINIONS
[W.O.F] CHAPTER 8: TO KILL OR TO BE KILLED
[W.O.F] CHAPTER 9: OVERCOMING FEARS
[W.O.F] CHAPTER 10: THE MYSTERIOUS SKY
[W.O.F] CHAPTER 11: THE ILLUSION
[W.O.F] CHAPTER 12: SILVER'S FEELINGS
[W.O.F] CHAPTER 13: ZETH'S IN TROUBLE
[W.O.F] CHAPTER 14: THEIR WORST NIGHTMARE
[W.O.F] CHAPTER 15: THE TWINS
[W.O.F] CHAPTER 16: A BEST FRIEND'S LOVE
[W.O.F] CHAPTER 17: CRUELTY & DESPAIR
[W.O.F] CHAPTER 18: A RELENTLESS BATTLE
[W.O.F] CHAPTER 19: THE DREADED REALITY
[W.O.S] CHAPTER 27: THE REVELATION
[W.O.S] CHAPTER 28: THE LOST MEMORIES
[F.W.O] FINAL CHAPTER PT. 1: THE GAME MASTER
[F.W.O] FINAL CHAPTER PT. 2: THE TRUTH OF IT ALL
E P I L O G U E
ACKNOWLEDGEMENTS

[W.O.F] CHAPTER 7: A FAMILIAR'S APPEARANCE

2.4K 109 5
By _jammi

C A R L (C L Y D E)

(Time: 8:00 P.M.)

Katatapos lang ikuwento ni Zeth sakin ang lahat ng sinabi sa kanya ni Kiro. Masaya ako para sa kanya dahil naintindihan niya na rin ang lahat.

Nandito parin kami sa training field, nagpapahinga. Ang dami na naming na-perfect na spells. Ang saya-saya nga eh.

"Pa'no ba yan? Talagang wala ng makakapigil doon. Mangyayari na nga talaga ang lahat bukas." sabi ni Zeth habang nakatitig sa water bottle na hawak niya.

"We're in a game at hindi naman natin ito kontrolado kaya wala na talagang makakapigil doon." sagot ko naman.

"Hays. Well, all we need to do is enjoy our last day." sabi niya. "Come to think of it, ano naman kaya ang mga makakalaban natin bukas?" tanong niya.

"I have no idea. Parang nakalaban na nga natin lahat eh." sagot ko sa kanya. Maya-maya, may naramdaman akong kakaiba. Parang may mangyayaring mali bukas at hindi namin ito magugustuhan. Sabihin na nating lahat naman ay hindi namin nagustuhan pero iba 'tong nararamdaman ko ngayon.

"Kuya, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Zeth. Tumingin ako sa kanya.

"Ah--oo, okay lang ako." sabi ko at nginitian ko nalang siya. Alam ko namang mag-aalala siya kaya hindi ko nalang sinabi sa kanya. Maya-maya, bumalik na din sina Kiro at Silver. Kung titingnan mo ang mga mukha nila, parang ang lalim ng iniisip nila. Tumabi sa akin si Silver at tumabi naman kay Zeth si Kiro.

"Uy, guys, ayos lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Zeth sa kanila. Hindi sila sumagot ngunit tumingin lang sila sa amin.

"Clyde, totoo ang mga sinabi ni Kiro." biglang sabi ni Silver sakin. Biglang nag-iba ang mood ko sa sinabi niya. Diba tapos na ang usapang 'yan?

"Ayan nanaman ba tayo? Hindi parin ba tapos 'yan?" tanong ko sa kanila.

"Makinig ka muna kasi Clyde." sabi ni Silver.

"Uy teka lang. Wag naman tayong mag-away. Last day na nga natin eh." sabi ni Zeth. Hays. Hindi naman kami mag-aaway eh. Ewan ko ba kung bakit ba ayaw nilang tantanan 'yan.

"Hindi naman kami mag-aaway Zeth." sabi sa kanya ni Silver at tumingin siya sa akin. "Please Clyde." sabi niya.

"Fine. Sige na, I'll listen." sabi ko sa kanila.

"Salamat." napatingin ako kay Kiro nang magsalita siya.


*****


Pilit kong inintindi ang mga sinabi nila sa'kin. Pati tuloy ako napa-isip. Ngayon ko lang naintindihan kung ano ba 'yung talagang point ni Kiro. Masyado akong naging selfish. Hindi ko man lang inisip kung ano ba 'yung mararamdaman niya.

"I'm sorry, Kiro. Ako nga ang pinakamatanda dito pero hindi ko man lang binuksan ang isip ko para pakinggan ka. Pasensya na sa mga sinabi ko sa'yo nung nakaraan." sabi ko sa kanya. Nagulat siya sa mga sinabi ko pero ngumiti naman agad siya.

"Tapos na 'yun Clyde. Ang mahalaga, pinakinggan mo ako. Salamat din pala sa pag-aalala." sabi niya at nag-ngitian nalang kami. Napatingin ako kay Zeth dahil parang ang lalim ng iniisip niya.

"Anong iniisip mo?" tanong ko sa kanya.

"Iniisip ko lang na, posible nga 'yung mga sinabi nila. Pero pa'no nangyari na may kaugnayan ang WOF sa WOS?" taka niyang tanong.

"'Yun na nga eh. Sa ngayon, 'yun palang ang naiisip naming dahilan ni Kiro. Pero hindi pa namin alam kung pa'no." sabi ni Silver.

"Teka, sa tingin mo Kiro ikaw lang kaya ang nakakita't nakarinig nun?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam Clyde." sagot naman niya.

"Pero ito pa ang pinag-iisipan naming mabuti ni Kiro at ni Yuri." sabi ni Silver. "Hindi kami sigurado pero siya lang ang naiisip naming gumawa nun." dugtong niya.

"Ano? 'Yung maliit na apoy kinuwento niyo kamo?" tanong ni Zeth.

"Yes." napatingin kami sa singsing ni Kiro nang biglang sumagot si Yuri. "Matagal ko na 'yun nase-sense. Pero isa lang ang malinaw sakin. Kakampi siya at kilala namin siya. Kilala natin siya. Hindi lang namin matukoy ni Kiro kung sino." dugtong niya.

"Diba sabi niyo kamo kilala niyo siya pero hindi niyo lang alam kung sino? Eh sino lang ba ang kilala nating gumagamit ng apoy?" tanong ni Zeth at nagkatinginan kaming lahat.

"Ang familiar ni Asky. Si Yume. Posibleng siya si Yume." sabi ni Yuri.



K I R O

"Ang familiar ni Asky. Si Yume. Posibleng siya si Yume." pagkasabi ni Yuri nun, nagulat kami ng bigla siyang nanahimik.

"Yuri, bakit?" tanong ko sa kanya sa isip ko.

"Tinatawag niya ako. Lumabas tayo Kiro." malakas na sabi ni Yuri.

"Huh? Sino naman?" takang tanong ni Zeth. Hindi na kami nag-usap at agad na kaming lumabas. Pagkalabas namin, dine-activate ko na agad yung training field. Maya-maya, nagsalita nanaman si Yuri. Pero hindi na nila naririnig ang usapan namin.

"Kiro nandun sa sa may cliff na pinuntahan natin noon. Kung saan natin siya unang naramdaman." pagkasabi niya nun, agad kong tinuro sa kanila ang daan papunta sa lugar na iyon.


*****


(Time: 9:00 P.M.)

"Kiro, anong ginagawa natin dito?" tanong ni Zeth sa'kin at tumingin ako sa kanya.

"Dito ang lugar kung saan namin siya unang naramdaman ni Yuri." sagot ko sa kanya. Pansin kong nililibot nila ang mga mata nila.

"Saan? Wala naman akong nakikitang familiar dito." sabi ni Zeth. Pumunta ako sa dulo ng cliff at pinikit ko ang mga mata ko.

"Yume... ikaw ba talaga yan?..." sabi ko sa isip ko. Maya-maya, nagulat nalang ako ng biglang sumigaw si Zeth.

"K-Kiro! Tumalikod ka!" pagkasabi niya nun, agad akong tumalikod at humarap sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko. May lumabas na limang maliliit na apoy na nakapabilog at walang tigil sa pag-ikot. Maya-maya, isa-isang namatay ang mga apoy.

"Anong nangyari--ano 'yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Clyde.

"Bakit nawala?" tanong naman ni Zeth. Sinenyasan sila ni Silver na tumahimik at lumapit ako kung saan lumitaw ang mga apoy.

Alam kong ikaw 'to. Naniniwala akong ikaw 'to.

"Yume." bigkas ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Kahit sila ay nagulat din.

It's you, Yume. I'm so glad its you.

Nasa harapan namin siya ngayon pero hindi 'yung physical niyang katawan. Para siyang malabong hologram at nagi-glitch pa. Bumuka ang bibig niya na para bang may sinasabi siya. Wala akong naririnig na boses pero nabasa ko sa bibig niya ang sinabi niya. Binanggit niya ang pangalan ko.

Nakatingin lang ako sa kanya. Parang may halong lungkot at pag-aalala sa mga mata niya.

"Pa'no tayo makikipag-communicate sa kanya Yuri?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Pasensya na Kiro... pero hindi ko alam." pagkasabi ni Yuri nun, parang gusto kong nalang yakapin si Yume.

"Wait! Maybe we can help." biglang sabi ni Zeth. Tumingin siya kay Clyde at pumwesto sila sa magkabilang gilid ni Yume. Pumikit silang dalawa. May binanggit silang kakaibang salita at biglang dumilim ang paligid.

Nakikita ko ngayon ang figure ng tatlong familiar. Si Zephyn, Cameron at si Yume.


(FAMILIARS' POV)

"Cameron, sa tingin mo ba magagawa pa natin 'yun?" tanong ni Zephyn kay Cameron.

"We need to try. Nagawa natin yun sa WOM kaya sana magawa parin natin ngayon. Let's do our best para matulungan ang mga master natin at lalung-lalo na si Kiro." sabi ni Cameron kay Zephyn.

Nakatingin lang kami ng maigi kay Yume.

"Yume, naririnig mo ba kami?" tanong ni Zephyn kay Yume at tumingin siya sa kanya.

"Yume, sumagot ka kung naririnig mo kami." sabi sa kanya ni Cameron. Maya-maya, nagulat kami nang bigla siyang umiling at yumuko. Tumingin si Zephyn kay Cameron.

"No! We can't give up. We will not give up!" sabi ni Cameron. "Wala tayong magagawa kundi ang gawin iyon." dugtong niya.

"Do it." natigilan kami ng marinig namin ang sinabi ni Zeth at Clyde. Tumingin kami sa isa't-isa at nagtanguan. Pinagdikit namin ang dalawang kamay namin at pinagsama namin ang wind at light element. Nakapikit kaming dalawa habang nagco-concentrate.

"Yume!" sabay na sigaw namin at nag-echo 'yun sa buong paligid. Idinilat namin ang mga mata namin at tumingin kami kay Yume. Lumayo kami ng konti at ginawa naming solid sphere ang pinagsama naming wind at light element. Nasa loob ng sphere na 'to si Yume.

Nakatingin lang kami sa kanya. Nagtataka kami kung bakit nakapikit siya.

Nakaramdam kami ng panghihina. Ngayon lang namin ginawa ito. Isa ito sa mga pinakamahirap na ability naming mga familiar. Pero hindi lahat kayang gawin ito. Nagkataon lang na parehas kaming may skill nito. Malaking lakas namin ang mababawas dahil dito. Ito ang nag-iisang exception na dapat o pwedeng gawin kung meron mang bagay na hindi kaya sa simpleng paraan. Malaki ang magiging epekto nito sa mga master namin. Fifty percent lang ang chance nitong mag-work.

"Please..." sabi ni Zephyn.

"For Kiro and for all of us. Please..." sabi ni Cameron.

Maya-maya, dumilat na si Yume. Inangat niya ang dalawang kamay niya at may lumabas doon na tig-isang maliit na apoy. Pinag-mamasdan lang namin iyon. Pinagsama niya ang dalawang maliit na apoy kaya naging isa nalang ito. Lumaki ito ng lumaki hanggang sa pumalibot ito doon sa solid sphere na pinagsama naming wind at light element.

Nanghihina na kami. Hindi na namin kaya.

"Salamat Zephyn, Cameron..." nagulat kami nang marinig na namin si Yume.

"N-nagsalita siya..." bigkas ni Zephyn.

Then everything turns black.



K I R O

"Zeth, Clyde!" sabay naming sigaw ni Silver nang makita namin silang bumagsak.

"Seā firra heiragūru ausutoru, burotto subāru bāni" cast ko at napuno na uli ang HP nila. Malaki ang naging damage sa kanila ng ginawa nilang pakikipag-communicate kay Yume. Mukhang malakas ang kapangyarihan na ginamit nila kaya hindi nila nakayanan. Buti nalang at na-agapan ko kaagad dahil nasa red na at malapit ng maubos ang HP nila.

"Wala na tayong dapat ipag-alala. Kailangan nalang nila na magpahinga." sabi ko kay Silver at umupo ako sa gitna nila.

"Salamat." bulong ko sa kila Zeth at Clyde. Tumayo ako at napatingin sa malaking bagay na nasa gitna. 'Yung solid sphere na kaninang ginawa nina Zephyn at Cameron, nagliliyab ito.

Nagkatinginan kami ni Silver at unti-unti kaming lumapit dito. Tinitigan ko iyong mabuti. Maya-maya, nakita ko ang isang tao na matagal ko nang gustong makita.

*sword flashes*

Napatulala lang ako. Napatitig lang ako dito. Nagulat ako nang makita ko rin si Mist kaya napatingin ako kay Silver.

"B-buhay siya..." halos maluha-luhang sabi ni Silver. "Kiro, buhay sila!" lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Buhay sila Silver." sabi ko sa kanya at tinapik ko ang likod niya. Kumalas siya sa pagkayakap.

"Kailangan nating gumawa ng paraan para makabalik sa WOS. Nakikipaglaban sila Kiro! Kailangan nila ng tulong." sabi niya.

"Oo Silver, gagawa tayo ng paraan. Ngayong sigurado na tayong buhay nga sila, ngayon tayo dapat na gumawa ng paraan." sabi ko sa kanya. Alam kong mahihirapan kami dahil wala naman kaming clue kung paano makakabalik sa WOS.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Natutuwa dahil buhay nga sila at nagagalit dahil sa sitwasyon nila ngayon. Dahil naiwan sila sa WOS at nakikipaglaban.

Bakit ba nangyari 'to?

Maya-maya, unti-unti nang humihina ang apoy hanggang sa tuluyan na itong mamatay.


*****


(Time: 5:00 A.M.)

"Done." sabi ni Zeth pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya at mga gamit niya.

"Tapos na rin ako Kiro." sabi naman ni Silver.

"Are you guys ready?" tanong sa amin ni Clyde.

"Always." sagot naman ni Silver.

Lalo kaming ginanahan na harapin ang mundong 'to. Dahil alam naming may patutunguhan ang lahat ng gagawin namin. Alam naming may kasiguraduhan na ang lahat. Tatapusin namin ito ng magkakasama. Babalik kami sa WOS ng matagumpay. Ililigtas namin ang mga tao at ang mga taong importante sa amin. Ang mga taong mahal namin. Tatapusin namin kung sino man ang nasa likod nito.

"Let's face this." sabi ni Yuri.

"Let's finish this world." sabi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

935K 36.2K 54
Here is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? ...
1M 27.2K 69
She's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL...
88.3K 1.9K 32
She doesn't know that some of her memories were gone. At ang dahilan ng pagkawala ng ibang ala-ala niya ay dahil sa taong nagging parte ng kanyang na...
2025 By boss ni wawie

Science Fiction

584K 38.3K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...