FWO: Fantasy World Online (CO...

By _jammi

350K 14.2K 825

Genre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we... More

P R O L O G U E
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 1: WHAT'S THIS GAME?
CHAPTER 2: THE BASEMENT
CHAPTER 3: WELCOME TO FWO!
CHAPTER 4: TROUBLED THOUGHTS
CHAPTER 5: EXPECT THE UNEXPECTED
FWO: WORLD OF MONSTERS
[W.O.M] CHAPTER 1: THE REAL GAME HAS BEGUN
[W.O.M] CHAPTER 2: WHAT ARE YOU?!
[W.O.M] CHAPTER 3: HIDE MY IDENTITY
[W.O.M] CHAPTER 4: FIRST EVER RARE DROP
[W.O.M] CHAPTER 5: THE COOKING CONTEST
[W.O.M] CHAPTER 6: WE MEET AGAIN?
[W.O.M] CHAPTER 7: FIRST PVP DUEL
[W.O.M] CHAPTER 8: TRAINING START!
[W.O.M] CHAPTER 9: MONSTER ENCOUNTER
[W.O.M] CHAPTER 10: NEAR DEATH ENCOUNTER
[W.O.M] CHAPTER 11: SCHOOL GIRL NO MORE
[W.O.M] CHAPTER 12: SAVING A FRIEND
[W.O.M] CHAPTER 13: PECULIAR DREAM
[W.O.M] CHAPTER 14: WORLD OF MONSTERS MULTI-BOSS BATTLE
FWO: WORLD OF SWORDS
[W.O.S] CHAPTER 1: THE HEROES
[W.O.S] CHAPTER 2: TRAPPED??
[W.O.S] CHAPTER 3: ODD MISSIONS
[W.O.S] CHAPTER 4: SEA OF STORM & THE MYTHICAL CAVE
[W.O.S] CHAPTER 5: THE CURSE & GIFT
[W.O.S] CHAPTER 6: ENEMIES' TRICKS & CONFUSION
[W.O.S] CHAPTER 7: NEW ACQUAINTANCES
[W.O.S] CHAPTER 8: BEGINNING OF FRIENDSHIP (KIRO'S PAST PT. 1)
[W.O.S] CHAPTER 9: BEGINNING OF FRIENDSHIP (KIRO'S PAST PT. 2)
[W.O.S] CHAPTER 10: A HUMAN'S VULNERABLE HEART
[W.O.S] CHAPTER 11: UNINTENTIONAL DECISION
[W.O.S] CHAPTER 12: KIRO'S REALIZATION
[W.O.S] CHAPTER 13: RULES ARE MADE TO BE FOLLOWED
[W.O.S] CHAPTER 14: FINDING HER
[W.O.S] CHAPTER 15: THE GAME MASTER'S CHANGE OF PLANS
[W.O.S] CHAPTER 16: SOMEONE'S BEEN KIDNAPPED
[W.O.S] CHAPTER 17: PEOPLE'S DISAPPEARANCE
[W.O.S] CHAPTER 18: FOUND HIM
[W.O.S] CHAPTER 19: ASKY'S TRUE STRENGTH
[W.O.S] CHAPTER 20: KIRO'S CONFESSION
[W.O.S] CHAPTER 21: SILVER'S MISTAKE
[W.O.S] CHAPTER 22: SILVER'S PLAN
[W.O.S] CHAPTER 23: KIRO & HIS FAMILIAR, YURI
[W.O.S] CHAPTER 24: ASKY'S DISCOVERY
[W.O.S] CHAPTER 25: THE GUILD LEADER'S TRUE FORM
[W.O.S] CHAPTER 26: WORLD OF SWORDS FINAL BOSS BATTLE
FWO: WORLD OF FAIRIES
[W.O.F] CHAPTER 1: SHATTERED EMOTIONS
[W.O.F] CHAPTER 2: THE GAME'S NEW FEATURE
[W.O.F] CHAPTER 3: UNKNOWN CIRCUMSTANCES
[W.O.F] CHAPTER 4: KIRO'S DISCOVERY
[W.O.F] CHAPTER 5: THE CLUE
[W.O.F] CHAPTER 7: A FAMILIAR'S APPEARANCE
[W.O.F] CHAPTER 8: TO KILL OR TO BE KILLED
[W.O.F] CHAPTER 9: OVERCOMING FEARS
[W.O.F] CHAPTER 10: THE MYSTERIOUS SKY
[W.O.F] CHAPTER 11: THE ILLUSION
[W.O.F] CHAPTER 12: SILVER'S FEELINGS
[W.O.F] CHAPTER 13: ZETH'S IN TROUBLE
[W.O.F] CHAPTER 14: THEIR WORST NIGHTMARE
[W.O.F] CHAPTER 15: THE TWINS
[W.O.F] CHAPTER 16: A BEST FRIEND'S LOVE
[W.O.F] CHAPTER 17: CRUELTY & DESPAIR
[W.O.F] CHAPTER 18: A RELENTLESS BATTLE
[W.O.F] CHAPTER 19: THE DREADED REALITY
[W.O.S] CHAPTER 27: THE REVELATION
[W.O.S] CHAPTER 28: THE LOST MEMORIES
[F.W.O] FINAL CHAPTER PT. 1: THE GAME MASTER
[F.W.O] FINAL CHAPTER PT. 2: THE TRUTH OF IT ALL
E P I L O G U E
ACKNOWLEDGEMENTS

[W.O.F] CHAPTER 6: UNSOLVED QUESTIONS & THEIR OPINIONS

2.4K 112 4
By _jammi

S I L V E R

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mga mata ko. Teka anong oras na ba?

"Damn!" sigaw ko ng makitang alas-otso na ng umaga. "Nakaka-asar!" iritado kong sabi at agad akong pumunta sa kwarto ni Clyde.

*knocking sfx*

Buksan mo Clyde please, yari talaga tayo sa mga familiar.

"Buti alam mo." biglang sabi ni Rio, ang familiar ko. Patay na talaga masungit pa naman 'yung familiar ni Clyde. Mabuti naman at agad na binuksan ni Clyde 'yung pinto niya.

"Kagigising mo lang din?!" gulat na sabi niya.

"Din? Ibig sabihin ikaw rin?" tanong ko.

"Patay!" sabay na sigaw namin. Nagkatinginan nalang kami at agad na kaming nag-asikaso. Hindi na kami nag-usap pa dahil tumatakbo ang oras.

"Teka Silver, paki-puntahan nga saglit si Zeth, isa pa yung babaeng 'yun. Baka hindi pa gising." sabi niya at tumango ako.

Pagkarating ko sa kwarto niya, agad kong sinipa ang pinto. Sinadya ko talagang hindi na kumatok dahil hindi naman nagsasara at naglo-lock 'yun ng pinto niya. Pagkapasok ko, nagulat ako dahil wala ng tao.

"Nasa'n na yung babaeng 'yun?" tanong ko sa sarili ko.

"Tsk. Tsk. Tsk. Hay nako daig pa kayo ni Zeth." pagkasabi ni Rio nun, nanlaki ang mga mata ko.

"Himala." sambit ko.


*****


Kararating lang namin ni Clyde sa training field at nakita kaagad namin si Zeth na focus sa pagte-training.

"Ek skýt tuttugu smár striða. Ekku sukīto tuttūgu sumāru sutorīda" bigkas niya at may lumabas na parang maliliit na mga sinulid pero hindi siya solid. Parang hangin lang siya at tumama iyon sa poste.

*explosion sfx*

Malaki ang naging damage nito sa poste pero bumalik din ito sa dati. Isa pa ito sa mga characteristics ng training field. Bumabalik din sa dati ang mga nasisira o nawawasak. Kahit ano pa man 'yan.

Napa-palakpak kami ni Clyde pero hindi man lang siya lumingon sa amin. Nagulat pa nga kami nang makita namin na kinakausap niya 'yung hangin. Anong nangyayari sa babaeng 'to? Nakipag-apir pa nga siya eh. Bigla tuloy akong kinilabutan.

Maya-maya, nagulat nalang ako nang may biglang kumalabit sa akin. Napatingin ako sa kanan ko. Ang tanging nandun lang naman ay si Clyde.

"Wala ako sa mood para sa mga ganyang joke, Clyde." sabi ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako na parang nagtataka.

"Ano bang sinasabi mo?" taka niyang tanong.

"Kinalabit mo ako diba?" sabi ko.

"No. At bakit naman kita kakalabitin?" tanong niya. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Pero May nangalabit talaga eh!

Nakatingin lang ako ng masama kay Clyde habang patuloy parin sa pagte-training si Zeth.

"What?" tanong ni Clyde. Maya-maya nagulat nalang ako ng biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi mo naman ako kinalabit diba?" tanong niya. Talagang hindi kita kinalabit no. Magkaharap kaya tayo. Sa tono ng boses niya, parang kinikilabutan na rin siya. Isa lang ang ibig sabihin nito.

"See? May nangangalabit talaga diba? Kapag natyempuhan ko 'yun babasagin ko pagmumukha nun." inis na sabi ko. Maya-maya, nagulat nalang ako nang may biglang lumitaw sa harap namin.

"Boo!" sigaw niya at bigla kaming napa-atras ni Clyde. Napatingin ako sa taong 'yun. Ang taong 'yun ay walang ginawa kundi ang tumawa ng tumawa.

What the heck Kiro? Anong trip mo? Buti nalang ikaw lang 'yan dahil gagawin ko talaga 'yung sinabi ko pag nagkataon.

"Ayos ba?" tanong niya kay Zeth na lumapit na din sa amin. Nag-thumbs-up siya kay Kiro at nagtawanan sila.

"You should have seen your faces." sabi ni Zeth. Lumapit na ako sa kanila.

"Trip niyo kami no?" tanong ko at napatawa nalang rin ako.

"'Yan ang mga parusa sa mga taong hindi sumusunod sa usapan." sabi ni Zeth habang nakapamewang. "Buti nalang talaga maaaga akong nagigising." dugtong niya.

"Maaga daw. Naka-tsamba ka lang." asar ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako ng masama at bumalik na sa pagte-training. Tumingin ako kay Kiro.

"Ayos yung punishment niyo ah, effective. Akala ko may multo na eh." sabi ko sa kanya.

Tumango si Kiro, nginitian niya kami at pumunta na uli sa gitna. Nagkatinginan muna kami ni Clyde bago kami sumunod sa kanila.

Nakakapagtaka. Nandito na si Kiro. Diba may inaasikaso siya?


*****


"Ayos 'yung spell na ginamit mo kanina Zeth. Anong tawag dun?" tanong sa kanya ni Clyde.

"Wind Needles." sagot naman niya. "Pagkatapos bigkasin ng caster 'yung spell, may lalabas na twenty small, shining emerald needles sa fingertips ng caster. Mahihirapan ang target na iwasan ito dahil sa lawak ng area na masasakop ng attack." paliwanang niya.

"Oooh." sabi ni Clyde.

Nakatingin lang ako kay Kiro habang nag-uusap silang dalawa. Ang cool niya lang kasi habang nagte-training. Para bang walang bumabagabag sa isip niya katulad nung na-experience niya sa gubat na sinasabi niya. Nagpa-ulan lang siya ng nagpa-ulan ng mga attack spells. Lahat ng 'yun ay malalakas at ang lalaki ng damage. Seryosong-seryoso siya sa pagte-training. Tumingin ako kay Clyde at nagsimula na rin siyang magtraining. Lumapit naman ako kay Kiro.

"Pwede ko bang malaman kung ano yung ginamit mo kanina?" tanong ko sa kanya.

"Ah 'yun? I used Hollow Body. Isa lang 'yung transparency or invisibility spell." sabi niya at napatango ako. Binuksan ko 'yung libro ko at nagpalabas na din ng mga attack spells. Salit-salit lang kami sa pagpapa-ulan ng mga ito.

"Mukhang gamay-gamay mo na ang paggamit ng mga spell ah." sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot pero ngumiti lang siya.

"Siya nga pala, bakit kayo na-late kanina?" tanong niya.

"Napuyat kasi kami. Ti-nry lang namin yung mga spells kagabi ni Clyde. Nag-work naman. Madali lang pala siyang matutunan." sabi ko sa kanya.

*explosion sfx*

"Gaya ng sabi ng mga familiar, kailangan natin itong makabisado. As much as possible, bago dumating ang ikalimang araw dapat kabisado na natin ito. At, bukas na iyon." sabi niya.

*explosion sfx*

"Sabagay." sagot ko. Bukas na nga pala. "Kamusta nga pala si Zeth? Any progress?" tanong ko sa kanya.

"A lot of progress." sagot naman niya. "Nagpupursigi talaga siyang matuto. Actually, marami na nga siyang nakabisadong spells eh." dugtong niya.

Mabuti naman. Masaya ako para sakanya. At least kaya niyang maprotektahan ang sarili niya at kaya niyang lumaban mag-isa.



K I R O

Salit-salit lang kami ni Silver sa pagpapalabas ng mga spell. Buti nalang at mabilis bumalik sa dati ang training field kapag may mga bagay na nasisira dito.

Alam kong nagtataka siya sa mga kinikilos ko. May na-realize kasi ako. Kahit kailanman, hindi maalis sa isip ko si Ashe dahil 'yun ang misyon ko sa mundong 'to. Ang iligtas siya. Maya-maya, nagsalita na uli si Silver.

"Kiro." tawag niya sa akin. Isinara ko muna ang libro at niyaya siya sa labas.



W I S H (Z E T H)

"Ekskýt aftur ö--" nagulat ako ng biglang huminto si Clyde sa pagbibigkas ng spell. Nakita niya kasing papalabas sina Kiro at Silver. Susunod na sana siya pero pinigilan ko siya. Nginitian ko siya at buti naintindihan niya naman.

Nang marealize ko ang ginawa niya, agad akong nag-cast ng defense spell dahil naalala ko ang mangyayari once na-interrupt o na-mispronounce ang isang spell.

"Seā sharu rindo ashīnya, bāto eimi ōgu suverudo!" bigkas ko at may nag-form na shield barrier sa aming dalawa. Ginamit ko ang Butterfly Shield at nakalikha si Clyde ng isang malaking pagsabog.

*explosion sfx*

"Hay, buti naka-abot!" sabi ko at pinunasan ko ang pawis ko. Tumingin ako kay kuya Carl. Naka-peace sign lang siya.

"Kuya Carl naman eh. Alam mo bang pwede mong ikamatay 'yun?" sabi ko sa kanya. Once kasi na na-interrupt o na-mispronounce ang isang spell, magkakaroon ng isang malakas na explosion at magbibigay ito ng napakalaking damage sa caster na nagkamali.

"Alam ko naman. Sorry na." sabi niya. Hay kuya.

"Okay lang, wag ng mauulit sasusunod ha? Balik na tayo sa training." sabi ko at naglaho na rin ang shield.

*cough*cough*

Grabe usok!



K I R O

Nandito kami ni Silver ngayon sa itaas ng puno. Dito ko siya niyaya na mag-usap. Alam kong marami siyang gustong marinig galing sa'kin. Si Zeth naman ang bahalang magsabi kay Clyde.

Nasabi ko narin kay Zeth ang lahat at naintindihan niya naman. Sa twing nakikita ko si Zeth, naaalala ko si Ashe. Hanggang ngayon, hindi niya parin alam na nandito ang kaibigan niya. Alam kong malulungkot si Zeth kapag nalaman niya ang nangyari kay Ashe.

Nauna nang magsalita si Silver.

"Anong oras ka dumating kanina? Bakit parang ang aga mo yata?" tanong niya.

"Kanina pa ako nandun. Ginagastos ko lang ang oras ko sa pagte-training." pagkasabi ko nun, nagkaroon ng katahimikan. Maya-maya, nagsalita na uli siya.

"Kiro, wag ka sanang magagalit. Ano kasi--" hindi na niya naituloy dahil inunahan ko na siya.

"Alam ko." sabi ko sa kanya. "Alam ko na alam niyong umalis parin ako kagabi para maghanap ng mga kasagutan sa mga bumabagabag sakin." dagdag ko.

"Nag-aalala lang naman kasi kami sa'yo dahil kaibigan mo kami. Naniniwala naman kami sayo. Ako, naniniwala ako sa'yo. Pero para kasing hindi 'yun sapat na batayan para maging kasagutan sa mga tanong mo." sabi niya.

"Kahit ako, marami rin akong katanungan. Katanungan na kung buhay pa ba 'yung kapatid ko. Katanungan na kung mabibigyan ba ng linaw kung bakit nag-exist pa ang FWO. Katanungan na kung may katapusan pa ba ang lahat ng 'to." sabi niya.

"Nararamdaman ko din ang nararamdaman mo Kiro. Walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko. Sinisisi ko dahil hindi ko man lang naprotektahan si Mist. Hindi ko nga alam kung ano ba dapat ang una kong gawin para lang mahanap siya. Ni wala ngang hint kung saan sila napunta. Pero naniniwala parin ako na buhay pa si Mist. Buhay pa sila lalo na si Asky." paliwanag niya.

"Gusto kong malaman mo na hindi ka nag-iisa. Nandito kaming mga kaibigan mo para sayo. Isang grupo tayo. Magtutulungan tayong hanapin sila. Sa ngayon nangangapa pa tayo. Ang bilis nga ng panahon eh. Bukas na magsisimula ang lahat, ang totoong labanan. Isa nanamang giyera ang magaganap. Malay natin baka bukas, magkaroon na ng linaw ang mga iniisip natin. Baka lumitaw narin ang mga sagot sa mga tanong natin." sabi niya at tumingin ako sa kanya.

"Buong buhay ko, hindi ako nagkaroon ng kaibigan. Hanggang sa dumating kayong dalawa ni Mist. Salamat Silver, sa pagtanggap niyo sa akin." sabi ko sa kanya at tumingin ako sa kapaligiran. "Ganito pala ang feeling nang may kaibigan. Masaya..." sabi ko.

Namuo uli ang katahimikan at seryoso akong tumingin sa kanya.

"Bumalik ako kagabi sa gubat, alas onse ng gabi. Pilit kong hinahanap ang mga dahilan kung bakit ko ba narinig at nakita ang mga iyon. Pero hindi talaga ako pwedeng magkamali." sabi ko.

"Diba sabi mo kamo nag-flash ang langit ng WOS dito sa langit ng WOF? Pero kung ganun nga ang nangyari, malamang may gustong ipahiwatig 'yun. Tapos na ang WOS eh. Tinapos na natin. Pero bakit lumalabas ang mga ganung bagay? World of fairies na 'to. Posible kaya na..." sabi niya at huminto siya. Inintindi ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"Posible kaya na, may kaugnayan ang mundong 'to sa WOS?" pagtutuloy ko. Natahimik kaming dalawa at nag-isip ng mabuti.

"Nah. Imposible." sabi niya.

"Pero kung iisipin natin sina Mist, Asky at ang mga tao na nawala, posible yun! Naniniwala tayong buhay pa sila diba? Baka nga buhay pa sila at naiwan sila sa WOS!" sabi ko at bigla akong nabuhayan ng loob.

"Posible din kayang nakikipaglaban pa sila doon sa naiwan nating mundo kaya nakakarinig ka ng mga ganung tunog?" tanong niya.

"Exactly! That's my point!" sabi ko.

"I see. Ngayon naintindihan ko na kung bakit ganun mo nalang kagusto na mahanap ang mga sagot sa nakita't narinig mo." sabi niya.

"Sana nga ganun para may pag-asa pa tayong makita pa sila ulit." sabi ko.

"Eh paano natin mahahanap ang daan pabalik sa WOS?" pagkasabi niya nun, bigla akong napa-isip. Napatingin ako sa kanya nang may maalala pa ako.

"Silver." tawag ko sa kanya.

"Ano 'yun? May naisip ka na ba?" tanong niya.

"Wala pa, pero may sasabihin pa pala ako. Hindi ko pa 'to nasasabi sa inyo." sabi ko sa kanya.

"Matagal na 'to, unang araw palang natin dito sa WOF. There is this feeling na parang may nagmamatyag sa'min pero hindi naman namin siya nakikita. Si Yuri ang unang naka-sense sa kanya. Sinabi ni Yuri na kilala daw namin siya at kailangan daw namin makahanap ng paraan para makapag-communicate sa kanya. Posible daw na siya ang makatulong sa atin sa paghahanap sa kila Asky." paliwanag ko. "Tapos kagabi, lumitaw ang isa pang nakakagulat." dugtong ko.

"Ano 'yun?" tanong niya.

"I saw fire." sabi ko.

"Fire?" taka niyang tanong. "Wait--fire ba kamo? May naikwento ka sakin na--wait I know someone--" hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na uli.

"Nakakita ako ng isang maliit na apoy sa likod ng fountain sa isang town. Sabi ni Yuri, 'yun daw ang ginawa niyang paraan para malaman namin na nandun siya. May kilala din ako at kilalang-kilala ko kung sino lang ang gumagamit ng apoy." sabi ko at napatahimik kaming dalawa.

"Isa lang ang naiisip ko Kiro." sabi niya.

"Ako rin." sagot ko.

"Posible kayang siya si..." sabi ko at napatingin ako sa kanya.

"Yume?" sabay naming sabi.

Continue Reading

You'll Also Like

88.3K 1.9K 32
She doesn't know that some of her memories were gone. At ang dahilan ng pagkawala ng ibang ala-ala niya ay dahil sa taong nagging parte ng kanyang na...
607K 18.6K 60
Meet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot...
757K 30.6K 112
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #3 After a month they finally found their peace bu...
68.6K 3.4K 26
»Highest Rank Achieved« #14 in Science Fiction (June 15, 2018) Pagkatapos ng insidente na kinasangkutan ng Top 10 at ni Triple Unknown, naging normal...