Secretly Married (Completed...

By forgottenglimmer

93.8M 1.1M 174K

Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop F... More

Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)
Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)
Chapter 03 - They're married? (July 8, 2011)
Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)
Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)
Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)
Chapter 07 - Jealous? (July 9, 2011)
Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)
Chapter 09 - Secret girlfriend (July 12, 2011)
Chapter 10 - Let's talk (July 17, 2011)
Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)
Chapter 12 - I do (July 20, 2011)
Chapter 13 - Storm (July 21, 2011)
Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)
Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)
Chapter 16 - Square (July 26, 2011)
Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)
Chapter 18 - Tit for Tat (July 29, 2011)
Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)
Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)
Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)
Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)
Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)
Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)
Chapter 25 (August 06, 2011)
Chapter 26 (August 07, 2011)
Chapter 27 (August 08, 2011)
Chapter 28 (August 08, 2011)
Chapter 29 (August 09, 2011)
Chapter 29.5 - BS
Chapter 30 (August 11, 2011)
Chapter 31 (August 12, 2011)
Chapter 32 (August 13, 2011)
Chapter 33 (August 14, 2011)
Sorry
Chapter 34 (August 16, 2011)
Chapter 35 (August 16, 2011)
Chapter 36 (August 18, 2011)
Chapter 37 (August 20, 2011)
Chapter 38 (August 20, 2011)
Chapter 39 (August 22, 2011)
Chapter 40 (August 24, 2011)
Chapter 41 (August 26, 2011)
Chapter 42 (August 29, 2011)
Chapter 42.5 - Ang Mahiwagang Hagdan
Chapter 43 (September 04, 2011)
Chapter 44 (September 06, 2011)
Chapter 45 (September 09, 2011)
Chapter 46 (September 11, 2011)
Chapter 47 (September 15, 2011)
Chapter 48 (September 18, 2011)
Chapter 49 (September 21, 2011)
Chapter 50 (September 23, 2011)
Chapter 51 (September 26, 2011)
Chapter 52 (September 29, 2011)
Chapter 53 (September 30, 2011)
Chapter 54 (October 02, 2011)
Chapter 55 (October 05, 2011)
Chapter 56 (October 08, 2011)
Chapter 57 (October 11, 2011)
Chapter 58 (October 12, 2011)
Chapter 59 (October 15, 2011)
Chapter 60 (October 15, 2011)
Chapter 61 (October 19, 2011)
Chapter 62 (October 22, 2011)
Chapter 63 (October 25, 2011)
Chapter 64 (October 25, 2011)
Chapter 64.5 - Shower
Chapter 65 (October 29, 2011)
Chapter 67 (November 05, 2011)
Chapter 68 (November 09, 2011)
Chapter 69 (November 13, 2011)
Chapter 70 (November 14, 2011)
Chapter 71 (November 18, 2011)
Chapter 72 (November 21, 2011)
Chapter 73 (November 22, 2011)
Chapter 74 (November 27, 2011)
Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)
Epilogue (December 09, 2011)
SM special update 1 (February 06, 2011)
SM Special update 2 (March 04, 2012)
SM Special Update 3 (April 28, 2012)
SM Special Update 4 (June 03, 2012)
SM Special Update 5 (July 22, 2012)
Secretly Married- Partial Delivery Updates
SM Special Update 6 (July 01, 2014)
Final Author's Note...

Chapter 66 (November 02, 2011)

920K 11.3K 1.7K
By forgottenglimmer

DATE POSTED: November 02, 2011


Chapter 66

Itinapon ni Elisa ang hawak na bouquet sa basurahan ng waiting room niya.

"OH? Why??" nagaalalang tanong ni Ann, manager niya. "Sayang ang ganda pa naman." Nanghihinayang ito sa mga bulaklak na ibinigay kay Elisa kanina.

Humarap si Elisa sa malaking salamin at nagretouch. Doon siya tumingin sa repleksyon ng manager niya at nagsalita habang inaayos ang kolerete.

"Ano ba yang flower na yan kasi, poon ba ako? Altar? Hindi man lang pumili ng classy?! Sometimes ang cheap din nitong mga talkshow eh."

"Ni-rush mo naman kasi Elisa... This morning mo lang pina-arrange ang debut special mo at movie promotion. Buti nga pumayag sila dahil big celebrity ka naman. Kaya siguro hindi masyado napaghandaan ang flowers." Paliwanag ng manager.

Ang totoo kasi ay hindi naman talaga nakaschedule sa afternoon show ang early birthday celebration ni Elisa. Siya lang talaga ang nagpumilit magschedule nito sa mga producers.

"Kahit na nuh!"

Sa sandaling iyon biglang bumukas ang pintuan ng waiting room.

"A-ah.. Kent... Maiwan ko muna kayo.." Sali-daling lumabas ang manager ni Elisa.

Si Kent ay naiwang nakatayo at nakatingin sa direksyon ni Elisa na kasalukuyang nagaayos pa rin sa harap ng salamin.

"Missed me?"

Kumunot ang noo ni Kent.

"What do you think you're doing? Kelan pa ako naging escort ng debut mo?"

"Simple... Publicity stunt for the movie." Nakangiting sagot ni Elisa. "And... bakit hindi ka umangal kanina? Habang sinasabi ko?"

"Elisa, you've said that live in national television. How can I argue?!" nanggigigil na tanong ni Kent.

"Just think of this as a favor from me. Maraming nago-offer sa akin na maging escort sila." Tapos na si Elisa magayos sa harap ng salamin. Umupo na ito sa isang stool at humarap kay Kent. Crosslegs.

"Eh bakit hindi sila ang yayain mo?" tanong ulit ni Kent

"Escort lang eh, What is so wrong with that?"

"THIS IS POINTLESS!!"

Lalabas na sana si Kent ng waiting room ni Elisa dahil sa tingin niya ay useless naman ang makipagtalo dito. Pero bago niya pa magawa iyon ay biglang bumukas ang pintuan at nagpasukan ang isang host ng magazine show, kasama ang isang cameraman.

"Wow! Look who's here?" sabi ng host at tuluyan na itong pumasok sa kwarto.

"HI TINA!!" maluwang ang ngiting ibinigay ni Elisa sa host habang si Kent naman ay hindi maipinta ang itsura. Tuluyan na siyang naipit sa sitwasyon.

"We are about to conduct aan ambush interview sana dahil sa naalapit na debut mo... to you only." Turo nito kay Elisa "Pero good thing nandito naman ang escort."

Goddamnit... Really Naisip na lang ni Kent nang magsimula na ang interview.

**

"Anak... Abangan mo na lang ang paguwi niya..." sabi ni manang habang nakatayo sa likod ni Phoebe na tumatawag ngayon sa telepono

"Sagutin mo sagutin mo!!! Kanina pa tapos ang show hindi mo pa rin sinasagot???!! Grabe ka naman!!!" pero hindi nakikinig si Phoebe kay manang Lourdes, patuloy lang ito sa pagredial ng number ni Kent.

"Phoebe... anak... " hinahaplos-haplos ni Manang ang likod ni Phoebe. "uuwi naman yun mamaya eh... Hwag ka nang mag-alala diyan..."

"Manang hindi naman ako nagaalala! Naiinis po ako! Nakakainis si Kent! Ang sama niya!!!"

"Makinig ka muna sa paliwanag niya mamaya... Hintayin mo muna yung pagdating niya. Dito naman uuwi yun eh. Sigurado ako, may magandang paliwanag si Kent" pampalubag loob ni manang Lourdes sa kanya.

"Ehhh..."

Pinakalma ni Phoebe ang sarili. Alam niyang kaya sila nagaaway ay dahil sa mga misunderstanding. Pero kahit anong gawin niya. Naiinis siya. Lalo pa ngayon na hindi sinasagot ni Kent ang tawag niya.

"Magpahinga ka na lang diyan. Ipahinga mo ang sarili mo pati ang utak mo. Alam mo kung anong mabuti sa kalagayan mo Phoebe."

"Opo..."

"Igagawa kita ng meryenda... Ano bang gusto mo?"

Nag-isip si Phoebe.

"Wag na lang po manang... Aalis po muna ako."

"Aalis? Eh saan ka naman pupunta?" nagaalalang tanong ni Manang.

"Baka kina Jhone po... Maglilibang. Sige na po please... Magiingat naman po ako eh..."

Di na siya nagabalang umakyat para magbihis. Naglakad na siya palabas. At alam niyang hindi lang siya pinigilan ni manang dahil wala naman na itong magagawa. Tinext niya na si Jhone.

|Jhone... nasa bahay ka ba? Naglalakad na ako papunta diyan. TT_________TT|

Maya-maya ay nagvibrate ang telepono niya. Sa isip niya, umaasa pa rin siya ng kaunti na si Kent yun. Pero hindi na siya nabigla ng si Jhone pala ang tumatawag.

"Hello?" sagot niya dito.

"NASAN KA? NAGALAKAD KA BA?!!? BAKIT KA NAGLALAKAD? SABIHIN MO KUNG NASAAN KA. EKSAKTONG LUGAR HA! WAG KANG GAGALAW! SUSUNDUIN KITA!!!"

Inilayo niya ang cellphone sa tenga niya. Napakalakas ng boses ng kaibigan.

"Ang ingay naman!! Oo naglalakad ako. Exercise na din.  Wag ka ngang sumigaw!"

"NASAN KA NGA?!!! NAPANUOD MO YUNG INTERVIEW NUNG BRUHA NUH?!! HAY NAKAU FRIEND! WAG KANG MAGPAAPEKTO! WAG KANG MAGIISIP NG MASAMA!"

"Oo napanuod ko. Wag ka nang magabala. Malapit lang naman yung sa inyo eh." Sagot niya habang hinihimas ang tenga.

"HINDI BASTA! BAKA MAPAHAMAK KA PA KALALAKAD MO SAAN KA??"

Sinabi na nga ni Phoebe kung nasaan siya. Huminto muna siya sa isang bus stop at maya-maya na lang ay nakita niya nang humaharurot ang sasakyan ni Jhone papunta sa kinaroroonan niya.

"GURL!!!!!!" patakbong lumabas ng sasakyan si Jhone kasabay ng pagyakap kay Phoebe.

"Ahh! Ang lakas mo pa rin magsalita!!! Okay naman ako! Mas nagpapanic ka pa kesa sa akin eh!" sabi ni Phoebe.

"EH KASI NAMAN FRIEND!!!" inakay na siya ni Jhone sa shotgun seat habang isinusuot sa kanya ang seatbelt. "ANO BA KASI YUNG ASAWA MO... BUNTIS KA NA NGA'T LAHAT LAHAT EH TULOY PA RIN SA PAKIKIPAGKASUNDO SA MGA KAGUSTUHAN NI ELISA!!"

Tuluyang nanlumo si Phoebe.

"Hayaan mo na nga... Hindi naman siya nagsalita sa interview eh." Pinipilit ni Phoebe maniwala na wala talagang kinalaman si Kent sa mga pangyayari sa TV kanina.

"EHH ANONG HINDI NAGSALITA?! NAPANUOD MO BA YUNG KASUNOD NA SHOW?!?! MAGKASAMA PA SILA SA WAITING ROOM NI ELISA... AT DOON... SI KENT NA MISMO ANG NAGSABI NA SIYA ANG NAGYAYA KAY ELISA NA MAGING ESCORT! KUNG HINDI KA NGA NAGTEXT BAKA NATAPOS KO NA YUNG PINAPANUOD KO"

"Ha?!" wala kasi siyang clue sa sinasabi ni Jhone. Pinatay niya na agad ang TV pagkatapos ng birthday special ni Elisa.

"ah... hindi mo ba napaunod?" napahina ang salita ni Jhone.

"Kaya pala siya... hindi sumasagot sa telepono... Ang sama niya naman... Talagang..." tumingin na lang si Phoebe sa labas ng bintana. "... talagang sinabihan niya pa akong manuod ng TV..."

"EHHH?! SINABI PA NI KENT YUN? NA MANUOD KA NG TV??"

Tumango si Phoebe. Pinunasan ang tumulong luha.

"Friend..." saad ni Jhone.

Naramdaman na lang ni Phoebe na inihinto ni Jhone ang sasakyan. Pero nanatiling nakalagay ang dalawang palad sa mukha niya.

"HELLO! HELLO PHILIP!!!!"

Narinig ni Phoebe na may tinatawagan ang kaibigan.

"PHILIP!!  HINDI BA PWEDENG NGAYON NIYO NA LANG ILABAS YUNG VIDEO? HINDI BA PWEDE YUN?!!......... BAKIT HINDI PWEDE?!!! NGAYON NA KASI!!!...... SA DEBUT PA??....... PERO HINDI BA PWEDENG SABIHIN MO KAY HARLEY NGAYON NA LANG AS IN NGAYONG ARAW?!?!?!...... MASYADONG NAIISTRESS SI PHOEBE!!! HINDI NIYA NA KAYA ANG PINAGGAGAGAWA NI ELISA!!! HAY!!"

Maya-maya ay tumahimik na si Jhone.

"Friend. Hwag ka magalala... Kayanin mo lang... Para sa baby mo... Sa baby niyo... Hwag kang magpapaapekto ng sobra."

"Yun na nga eh... May baby na nga kami eh pero ganito pa rin kami... Ang gulo-gulo... Ni hindi ko pa nasasabi kina papa... Tapos wala pang nakakaalam sa school. Isipin mo na lang yung kahihiyan. Katatapos ko lang sa mapanuring mata ng press. Ngayon na naman, buntis na ako. Pero si Kent kung anu-anong kalokohan ginagawa... Feeling binata pa rin."

"Maayos din yan Fibboy..." pinakakalma niya ang kaibigan. "Fibboy??! Phoebe!!!"

"Ahh...

Nakita niya kasing pinagpapawisan si Phoebe.

"Ansakeet..."

""NANG ALIN?!!!!!!" nagpapanic na si Jhone. Nakahawak kasi si Phoebe sa tyan nito.

"Parang nagka-cramps...... Tumitigas yung puson ko."

"WAIIIT!!!! OMYGOOSSSH!!! MASAMA YAN!!!! DADALHIN KITA SA OSPITAL! SAAN BA YUNG OB MO?!!"

Nagmamadaling kinuha ni Jhone ang phone telepono at tumwag.

"BWISIT KA KENT SAGUTIN MO! AISHHH!!!"

Habang nagddrive si Jhone, panic na tinatawagan naman niya si manang.

"MANANG!!!!..... manang pumunta po kayo dito.... Dito sa.... San ba malapit na ospital??? Dito sa may St. Peter's street?!!!! Si Phoebe po ehh...OPO!!! Sige po bye!" tumingin ito kay Phoebe.

"Relax lang gurl may malapit na ospital dito..."

"Hindi wala na okay na... Baka normal toh!" mahinang sabi ni Phoebe.

"HINDI PWEDE!!! PUPUNTA PA RIN TAYO!" nagmaneobra si Jhone paliko ng U-Turn.

**

Alam ni Kent na marami siyang haharaping problema. Hindi na sila masyadong magkasundo ng manager niya dahil sa issue ng kontrata. Hindi niya rin alam ang gagawin dahil hindi niya napasubo siya sa ambush interview nila kanina ni Elisa. At ngayon may ilang missed calls pa siya galing kay Phoebe. Hindi niya ito tinawagan, minabilis niya na lang ang pag-uwi para makapagpaliwanag dito.

"Manang!!! Phoebe!!!" tawag niya ng nakita niyang madilim ang bahay. Binuksan niya ang ilaw.

"Nasaan yung mga yun??" tinignan niya ang cellphone niya at nakita niyang may mga  missed calls din si Jhone.

Tumungo siya sa may ref. Pagod na pagod at uhaw na uhaw na kasi siya. Pero bago niya nabuksan ang fridge may nakita siyang note na nakadikit dito.

KENT,


NASA OSPITAL SI PHOEBE. SA MAY ST. PETER. SUMAKIT YUNG TYAN NIYA KANINA.


-MANANG L.


"WHAT?!!?!?"

Naramdaman ni Kent ang adrenaline at dali-daling bumalik sa sasakyan para puntahan si Phoebe.

**

"You know pregnancy cramps are very dangerous. Masakit pa ba?" Tanong ng doctor kay Phoebe na kasalukuyang naga-undergo ng pelvic exam.

"Medyo masakit po sa lower abdomen. Pero dahil lang po siguro sa cramps kanina." Sagot ni Phoebe.

Tumayo ang doktora at umayos na rin si Phoebe ng upo. Inayos niya ang patient gown niya at humarap sa doktora.

"Usually, we conduct pelvic examinations at 36 weeks." Seryosong sabi ng doctor. "Pero since you have experienced abdominal cramps a while ago, tinignan ko, if I can locate pain, tenderness or mass in your abdomen."

Kinakabahan si Phoebe. Hinintay niyang ipagpatuloy ng doktora ang pagsasalita.

"Pero you're still 3 weeks pregnant, even in the ultrasound, it may be hard to detect complications. We have conducted a human chorionic gonadotrophin test, of hCG test a while ago and please go back after 2-3 days and let's hope na madoble ang hCG mo to ensure viable pregnancy okay? "

Naguguluhan si Phoebe. Masyadong maraming sinasabi ang doktora na hindi niya maintindihan.

"B-bakit po?"

"As of now reresetahan muna kita..." kinuha ng doktora ang prescription pad at nagsulat. "Duvadilan 2 tabs (20 mg) 3-4 times daily after meals. Para yan sa abdominal cramps."

Marami pang sinabi ang doktora na pilit niyang ipinapasok sa utak niya. Pinababalik din siya nito after 2-3 days for another hCG test.

Pagkalabas niya ng diagnostic room. Nakita niyang nagaabang sina Jhone, Manang Lourdes at pati na rin si Kent.

"Okay ka na hija anong nangyari?"

"ANO GURL?? NORMAL NAMAN BA?!!"

"Baby ko..."

Sabay-sabay ang mga ito nagsalita.

"Let's go home.." sabi niya lang at nagpauna na siya maglakad.

Ang daming tumitingin sa kanila sa paglalakad dahil na rin sa presensya ni Kent. Pagdating sa parking sa sasakyan siya ni Jhone pumunta.

"Gurl... may sasakyan si Kent..." bulong nito sa kanya nang akmang papasok na siya sa loob ng kotse nito.

"Tsk..."

"Please... Si manang na lang ang isasabay ko para makapagusap kayo. Tara manang!!!???" nilakasan ni Jhone ang salita.

Maya-maya ay naiwan na lang sila ni Kent sa parking.

"Tara na Phoebe..." sabi ni Kent ilang saglit matapos makaalis ang sasakyan ni Kent na lulan na rin si manang Lourdes.

Tahimik siyang umupo sa passenger seat.

"Anong sabi? Akala ko naman... Kung ano na..." sabi ni Kent habang papalabas na sila sa parking ng ospital.

"Bakit? Nasayang ba ang effort mo sa pagpunta? Natatakot ka ba na kumalat ang balita sa showbiz na nagpunta ka sa ospital?" seryosong tanong ni Phoebe.

"Hindi naman sa ganun Phoebe. Nagaalala lang ako sayo. Anong sabi ng doktor. Hindi mo naman ako pinakausap eh."

"Pinabababalik ako sa makalawa. Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi niya. May pinapainom na gamot." Matipid na sagot ni Phoebe.

Bumuntong-hininga si Kent.

"So wala kang balak na magpaliwanag? Ha? Ganun na lang yun?" di makatiis na tanong ni Phoebe. "Masarap siguro talagang maging ESCORT!"

"Phoebe wala akong kinalaman doon. Hindi na lang ako makatanggi dahil live kami! I was caught offguard!"

"Caught offguard?? Sige nga ipaliwanag mo nga sa akin kung sino ang kausap mo sa labas ng kwarto mo kaninang umaga? At ipaliwanag mo kung bakit ayaw mo na akong pakasalan?? Bakit? Kayo na ba ni Elisa?!!  Magsasama na ba kayo at inuunti-unti mo na akong hiwalayan? Talagang pinapanuod mo pa ako ng guesting niyo ha?!"

Nagulat si Kent. Hindi niya alam na narinig pala ni Phoebe ang lahat kaninang umaga.

"Phoebe makinig ka..." inumpisahan niya ang paliwanag.

"Ano??!" pinipilit tatagan ni Phoebe ang loob kahit hindi siya sigurado sa isasagot ni Kent.

"We are married... And you know that. Lalo pa ngayon na magkakababy na tayo, wag ka nang mag-isip ng masama. Si Mel ang kausap ko. Drop Elisa to that issue!"

"EH ano? Si Mel naman ngayon? Kent wag kang magdahilan."

"Diba sabi mo makinig tayo sa isa't isa para hindi tayo magaway?" Patuloy ang pagmamaneho ni Kent pero tumitingin-tingin ito sa kanya.

"Pero ayaw mo naman sa akin ipaalam."

"You know I'm bound by contract to the company. I can't marry someone while I'm under our label. As it turns out, ang kasal natin ay void under Philippine circumstances. Kaya hindi ako madedemanda."

Hindi alam ni Phoebe ang patutunguhan ng usapan pero nakinig siya.

"And if we get married, I'll get sued. So Mel is asking me to move our wedding. Less damages."

"Yun lang?" tanong ni Phoebe.

"Kaya okay lang ba? Na imove natin? 6 months na lang naman Phoebe."

"Pero... 6 months... Malaki na ang tyan ko nun..." sagot ni Phoebe.

Bumuntong-hininga lang si Kent.

"Grabe! Napakatapang mo talaga! Buti pa si Harley" di maiwasang magcompare ni Phoebe.

"Don't ever compare me to that dufus!"

"Dufus??" makahulugang tanong ni Phoebe. "Dufus pa ba siya ng lagay na yun? He sacrificed his career for me! Wala siyang pakialam kung anong sasabihin ng tao sa kanya para lang sa akin. Pero ikaw ano? Lagi mo na lang inaalala ang career mo! Basta sa trabaho mo, okay lang ako ma-take for granted!"

Sumasakit ang kalooban ni Kent. Alam niyang totoo ang sinasabi ng asawa.

"Phoebe, wag mo naman akong papiliin..."

"Bakit?" naninikip na ang lalamunan ni Phoebe. Nasasaktan siya sa mga salita ni Kent. "Kung ganyan ka rin naman magsalita. Alam ko na kung ano ang pipiliin mo!" hinawakan niya ang knob ng pintuan at binuksan iyon. "SANA MAGING MASAYA KA!!!

"PHOEBE!! GOD DAMN IT!" ipinreno ni Kent ang sasakyan. "ANO KA BA PHOEBE! BALIW KA BA AT MAGPAPAKAMATAY KA? BABABA KA NANG UMAANDAR ANG SASAKYAN SA HIGHWAY??! HINDI KA NAAWA SA SARILI MO... BABY MO??!!!"

Pero hindi ito sumagot. Nakayakap ito sa sarili nito at nakayuko. Humihikbi at halatang umiiyak na.

"I'm crazy... Baliw ako... Di ko alam gagawin ko pag nawala ka. Lagi na lang si Elisa... Lagi na lang ang trabaho mo... Pero pag sa akin... least priority... lagi ka lang nagagalit..." umiiyak na siya. Sinabi niya iyon sa pagitan ng mga impit na hikbi.

"Oh god Phoebe wag kang umiyak..." naiinis siya sa sarili niya pag umiiyak ang asawa.

"Palagi na lang akong mag-isa, palagi na lang akong huli... Masaya ka lang at sweet pag nasa kama tayo... Maybe you're just using me to satisfy your----"

Nagulat si Phoebe ng hinalikan siya ni Kent.

"Hindi yan totoo. I'm sorry." Sabi ni Kent at may kinuha sa bulsa. "Will you make me the happiest man alive?" tanong ni Kent habang isinusuot kay Phoebe ang infinity ring na binili nito sa Paris.

"A-akala ko..."

"I said Mel I'll ask you kung papayag ka... Pero ngayong alam kong ayaw mo talagang i-move. I'll choose you. Patapusin mo muna ako magsalita Phoebe. Hindi ko sinabing career ang pipiliin ko. Let's spend the rest of our lives together."

*later*

Continue Reading

You'll Also Like

1M 22K 43
He's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fel...
284K 8.9K 44
Alexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating g...
252K 13.3K 97
Pare-parehas silang tanga sa pag ibig. [ FINISHED] [ WILL EDIT IT SOON] Title: Stupidly In Love By; roosseeey Date Started: May 7 2020 Date Finished:...
23.9M 356K 41
MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014