"What?! Yvon naman umpisa pa lang ng klase may nakaaway ka na agad," nag hi-hysterical na sigaw ni Kaye dito sa loob ng dorm room namin.
"Will you please shut up Kaye," mahinahong sabi ko kay Kaye.
Mula kaninang natapos ang weirdong klase at ng naikwento sa kanya ni Cass ang nangyari sa classroom ganyan na siya kaingay.
Umupo naman siya sa sofa na kaharap ko.
"Yvon, kasi naman pwede bang pahinga ka muna sa pakikipag away."
I looked at her.
"Hindi ako ang nakipag away, you know me Kaye I never make the first move."
"But you're always the one who makes the move to end it. Either die or live like a dead," she said.
I just shrugged at her. "Ginusto nila iyon and I don't have any choice."
"You always have a choice," sagot niya.
"Pero may kadikit na consequence ang bawat choices na 'yon."
That made her stopped.
Tumayo ako at nag lakad palabas sa dorm room namin.
"Yvon! saan ka nanaman pupunta?"
"Mag iikot-ikot," hinawakan ko ang doorknob.
She stood up at halatang pipigilan niya ako
"You can't Yvon, nasa rules 'yan sa handbook. All students of AMC should be inside their dorm room at eight o'clock pm," she explained.
At wala sa plano ang sumunod sa kahit anong rules sa mundong to.
"Don't worry Kaye, no one can see me," I just said saka tuluyan ng lumabas.
Wala ng bukas na ilaw sa loob ng Magica Coloris Dormitorium. Mas okay 'to para walang makakita saakin, dahil sa dilim sa labas ng dormitoryo wala ka talagang makikita.
I'm lucky dahil sanay ako sa presensya sa dilim.
Nag lakad ako papunta sa malaking pintuan ng dormitory house, but unfortunately naka lock na ito. Madali ko lang sana mabubuksan kung simpleng kandado lang ang nakakabit, pero mukhang may halong mahika ang pagkakalock sa pintuan.
So I guessed mag iikot-ikot nalang ako sa loob ng dormitorium. Sa paglalakad ay napadpad ako sa pinaka tuktok kung saan isang malawak na silid ang natagpuan ko.Hhinawakan ko ang mga gamit... library? Puro book shelves ang nahawakan ko at mga nagsisilakihan at makakapal na mga aklat. Pinakiramdaman ko ang paligid kung may tao... but something is strange ngunit di ko na lang pinansin.
Nang nasigurado kong wala nga ay binuksan ko na ang flashlight at ginamit itong liwanag sa buong paligid.
Hinanap ko ang libro na sa tingin ko pwedeng mag bigay ng clue sa pagkamatay ng mga magulang namin.
"The Bellator," iyan ang unang aklat na nahagilap ng mata ko.
Kinuha ko saka binitbit sa pinaka dulong parte ng library. Umupo ako sa sulok at inumpisahang basahin
Medyo nahirapan akong basahin dahil sa liit ng sulat nito. Sinabi lang sa unang pahina na ang mga bellator ang nag silbing armas at sundalo ng mga reyna, hari, at princeps noon. Itinalaga silang Bellator ng mga God at Godesses dahil sa kanilang taglay na lakas, bilis sa pagkilos, at ang pagiging maparaan at mautak...
"Breaking the rules huh?" a man's voice said behind me.
Agad kong sinara ang librong hawak. Madali ko lang siyang natanaw dahil may hawak din siyang flashlight gaya ko. A guy with black hair.
I know him, he's the friend of that Airos at siya yung katabi kanina nung lalaking nakabanga ko.
I looked at him and raised my eyebrow, "Really? Edi parehas pala tayong breaking the rules."
He just laughed at what I said, saka umupo sa tabi ko. "Alam mo bang galit na galit sayo ang kaibigan ko?"
"I know, and I don't care," maikising sagot ko.
Alam ko namang maraming nagagalit saakin but I don't fucking care because I don't even wanted to be like by others.
I'm Yvon San Agustin kadikit non ang mga taong gusto na kong maglaho sa mundo.
"Mukhang nakahanap na ng katapat ang bestfriend kong si Ash ah," he said while smiling like an idiot.
"I don't effin care."
I heard him giggled. "What are you doing here by the way?"
I looked at him with boredom. "Reading I guessed?" I said in a sarcastic tone.
"Nang madilim?" natatawang tanong niya.
"Why are you asking me too many questions na sa tingin ko ay dapat sarili mo ang tinatanong mo?" I asked him coldly.
"This is my favorite place in AMC. Mahilig ako magbasa, baka nga lahat na ng libro dito nabasa ko na," he said, smiling from ear-to-ear.
Bakit ang hilig nitong tumawa at ngumiti? May nakakatuwa ba sa pinag-uusapan namin?
Tumayo na ako at pinagpag ang soot kong white dress. Sa tingin ko lumang library itong pinasukan ko at hindi napupuntahan kaya sobrang agiw na ng mga libro
"Where are you going?" nagtatakang tanong niya.
I turned around to face him. "This place is not for me, masyadong maingay."
Why did I bother to answer him?
Naglakad na ako paalis.
"You can always stay here. Wala ng kasing tahimik itong lugar na 'to... at sigurado akong walang makakakita sayo dahil walang may gustong pumunta dito bukod saakin," he said.
Napatigil ako sa paglalakad. "No one dare to go here?"
And again he smiled like an idiot! "May multo daw kasi dito at marami daw kababalaghan ang nababalot sa library na 'to..."
Napa ngiwi nalang ako sa sinabi niya. "Are they insane? that's big bullshit."
"Yeah I know, ang totoo niyan ako ang naglagay ng mga spell dito sa loob ng library para walang makapasok. Gusto ko kasi ng tahimik na lugar," he said, silently laughing with his own words.
"But that spells you put are nonsense."
Nang pumasok ako sa library na 'to naramdaman ko ng may kakaiba... may umiiyak, may naririnig pa nga akong humihingi ng tulong pero ng nakalampas na ko sa bandang gitna ng library na wala na lahat ng naririnig ko. Kaya hindi ko nalang din pinansin.
Naaalala ko kasi ang sinabi nila Mommy nung bata pa ako. "Kailangan ngayon palang hindi kana natatakot sa kahit anong bagay dahil kapag itinalaga ka na bilang Mafia Queen, dapat sa kahit anong laban na papasukin mo alam mo sa sarili mong ni isang katiting na takot ay wala kang nararamdaman, dahil madalas dahil sa takot na 'yan dyaan ka matatalo."
"That's the reason why I am letting you come here anytime. Ikaw lang kasi ang nakalampas sa spell na ginawa ko," he explained with a smile.
Ganon ba kahirap ang spell niya para walang makapasok dito dahil sa takot nila?
"So childish," I mumbled.
"I'm Axelle Pearce Fiel pwede din namang Axe para maiksi. Paano ba yan friends na tayo?" naramdaman kong tumayo siya sa pwesto niya at lumapit saakin.
"No... friends is just a waste of time," I said to him kahit nakatalikod ako ay alam kong nakangisi siya.
"Hindi mo ba kaibigan yung Cassandra?"
"No, she's my cousin," and for me, she's my sister like Kaye.
Naglakad na ako paalis dahil hanggang hindi ako umaalis dito hindi titigil ang Axe na 'yan kadadaldal.
"You're my friend now even you don't like to be my friend!" he shouted ng tuluyan na akong makalabas sa library.
Napailing nalang ako sa sinabi niya. Nakikita ko sa paguugali niya si Cass.
Don't trust anyone ayan ang isa sa rules na sinusunod ko simula ng naging Mafia Princess ako at ngayon ay dapat Mafia Queen na.
At anng pakikipag kaibigan ay kaduktong 'non ang pagtitiwala.
----------
Axelle Fiel in the media content above.