After All

By wonderwall23

1.1M 14.4K 1.2K

As the song goes... After all that we've been through, it all comes down to me and you. I guess it's meant t... More

Forewords
Chapter 1: It Ended Before It Even Started
Chapter 2: Nothing Has Changed
Chapter 3: Scheming Friends
Chapter 4: Forewarning
Chapter 5: Pre-Dinner Ploys
Chapter 6: The Counter Plot
Chapter 7: His Plan
Chapter 8: Let the Games Begin
Chapter 9: Of Tricky Questions and Compromising Positions
Chapter 10: One More Chance
Chapter 11: No More Mr. Nice Guy
Chapter 12: If There's A Will, There's A Way
Chapter 14: A Morning of Oddities
Chapter 15: The Other Side
Chapter 16: Creepers
Chapter 17: Cat Fight
Chapter 18: Powerful or Powerpuff?
Chapter 19: The Jealous Type
Chapter 20: Let the "LOVE" Begin
Chapter 21: Half Meant Banters
Chapter 22: Sabotage
Chapter 23: Aspirins and Amnesties
Chapter 24: Deal or No Deal
Chapter 25: While You Were Sleeping
Chapter 26: The Show
Chapter 27: Metamorphosis
Chapter 28: It's Raining Men
Chapter 29: Redemption
Chapter 30: Suppressed Emotions
Chapter 31: The Decree
Chapter 32: Caught in Between
Chapter 33: Storm of Emotions
Chapter 34: In His Arms
Chapter 35: Beneath The Stars
Chapter 36: My Stupid Mouth
Chapter 37: Stranded
Chapter 38: Suddenly You're Mine
Chapter 39: Hungry For Love
Chapter 40: Piecing the Puzzle Together
Chapter 41: Heart's Lament
Chapter 42: Close To The End
Chapter 43: Just So You Know
Chapter 44: After All

Chapter 13: Fire vs Ice

24.2K 304 15
By wonderwall23

Kung nakamamatay lamang ang tingin ay malamang isa na kina Kathryn at Daniel. Parang magcclash ang fire at ice sa tindi ng tension sa loob ng kwarto. Isang galit na galit na Kathryn at isang cool na cool na Daniel.

*Bakit ba hindi ko agad naisip na mangyayari ito?* Galit na sigaw ni Kathryn sa utak nya.

Nararamdaman nyang anumang oras ay may lalabas na usok sa tenga nya. Hindi nya alam na possible pa pala palang mas magalit sya kay Daniel.

"Ikaw! Ikaw..." Sa sobrang galit ay hindi na sya makaisip ng bagay na pwedeng sabihin para insultuhin si Daniel.

"Teka. Before you hate my guts, pwede bang pakinggan mo muna ko?" Pigil sa kanya ni Daniel.

"Too late. I already hate your guts!"

Naisip ni Daniel na ganun talaga ang magiging reaction ni Kathryn sa ginawa nya. Kahit naman sya pag ginawa sa kanya yun ay talagang magagalit din sya. Kaya't kahit sa tingin nya ay maayos naman ang dahilan nya kung bakit nya nagawa ang bagay na yun, ay wala na syang magagawa. Dapat nga siguro ay nagpapasalamat pa sya at hindi pa sya sinampal o binato ng sapatos ni Kathryn matapos ang ginawa nya.

"Kahit na ayaw mo sa kin, pakinggan mo pa rin sana ko." Tangka ulit nyang magpaliwanag.

"Kung ito ang paraan mo para mapapayag ang mga tao sa mga propositions mo, or in this case, para tanggapin ko ang proposal mo na tumira ko sa mansion mo, then you're one hell of a brainless idiot for a so-called businessman!"

Without another word ay tumalikod na si Kathryn at kinuha ang mga gamit nya at saka ito padabog na naglakad palabas ng mansion.

Nagdaan ang ilang Segundo para macompse ni Daniel ang sarili nya. Nagulat talaga sya sa inasal ni Kathryn at sa pambihirang katigasan ng ulo nito. Pero dahil andito na sya at hindi na sya pwedeng mag give up ngayon, napabuntong hininga na lamang sya.

*If you want to play it tough, then so be it. Hindi kita papakawalan without a fight* Sabi nya sa sarili at lumabas ng lounge kasabay ng pagutos sa kasambahay na ihanda ang Dodge Challenger nya.

__________

Patuloy lamang na naglalakad si Kathryn sa gilid ng kalsada. Hindi nya alam kung san sya pupunta at kahit sobra na ang iniinda nyang sakit ng paa ay di nya iyon alintana dahil puro galit lamang para kay Daniel John Padilla ang nasa utak nya sa mga oras na iyon.

Hindi sya nagsasalita ngunit sa utak nya ay ilang beses na nyang minumura si Daniel. Buti na lamang at walang masyadong tao sa lugar na iyon kundi baka napagkamalan syang adik o mamamatay tao sa dahil mukhang kaya nyang gumawa ng krimen sa sobrang galit nya.

Bigla na lamang nyang narinig na may tunog ng kotse na malapit sa kanya at biglang bumagal ito nang makalapit sa kanya. Saglit syang tumigil para tingnan ito, ngunit nang makita nya kung sino ang driver ay ipinagdasal nyang sana ay hindi na lang nya ito nakita.

__________

"Kath!" Sigaw ni Daniel ngunit hindi sya pinansin ni Kathryn.

"C'mon Kath. Pakinggan mo naman ako!"

Patuloy lamang na naglakad si Kathryn at di man lang ito lumingon sa kanya.

Sumuko na si Daniel. Obvious namang walang plano si Kathryn na magrespond sa kanya kaya napagpasyahan nya ituloy na lang ang paliwanag kahit di pa pumapayag si Kathryn.

"Look, lahat ng plano nila to get us together is getting too intrusive. Ilang meetings na ang nacancel at nareschedule ko buong linggo dahil they keep on coming up with excuses para paalisin ako sa trabaho at para iset up sayo. Kaya naisip ko na kapag sa bahay ko ikaw nakatira, baka tumigil na sila. Siguro naman we cant get any closer than actually living under the same roof?" Litanya ni Daniel habang mabagal na nagmamaneho at sinusundan si Kathryn.

Biglang napatigil sa paglalakad si Kathryn na syang nagging dahilan para mapapreno si Daniel. Lumingon ito sa kanya at hindi maipinta ang mukha nito.

"That's it? Yang ang brilliant plan mo?! You talked the entire city para i-torture ako all night dahil nareschedule ang mga meetings mo??? How self-centered can you get?!" Bulyaw nito sa kanya at nagsimula na muli itong maglakad ng mabilis palayo sa kanya.

"Okay. So siguro ang reasons ko doesnt exactly appear justifiable to you. Pero ano bang mali? Kailangan mo ng place where you can stay, at inooffer ko sayo ang bahay ko ng libre lang."

"Mas gugustuhin ko pang tumira sa squatter's area kesa sa bahay mo!" Sinusubukan ni Kathryn na maglakad ng mas mabilis kahit sobrang sakit na ng paa nya.

"What's wrong sa pagtira sa bahay ko?" Tanong sa kanya ni Daniel na medyo binibilisan din ang pagpapaandar sa kotse nya.

"Walang mali sa pagtira sa bahay mo, but staying with you is what's so sickening!" Sigaw nya dito!

"What is this really about, Kath? Ano bang kinakatakot mo? Bakit takot na takot kang mapalapit sa kin?" Hindi na napigilan ni Daniel na mailabas ang mga katanungang iyon na bumabagabag sa kanya.

That was the last straw. Tumigil sa paglalakad si Kathryn at humarap ito sa kanya.

"Akala mo talaga lahat ng bagay ay tungkol sayo noh? Akala mo ba natatakot ako na baka magising na lang ako isang araw and I find you irresistible?" Sigaw ni Kathryn.

"Now, let me tell you something you egoistic git! Kahit matrap tayo sa isang deserted island kasama ka for a whole week ay walang magiging epekto sa kin! You can throw yourself at me o kaya maghubad ka sa harap ko and I will just YAWN!" Sabay talikod nya at sinimulan uli ang paglalakad.

Alam ni Kathryn sa sarili nya na hindi naman lahat ng sinabi nya ay totoo. Ang epekto ni Daniel sa kanya ay hindi rin nya maipaliwanag. Ngunit sa sobrang galit nya dito ngayon ay marahil ito ang nasa unahan ng listahan ng mga taong gusto nyang ipadala sa Timbuktu.

Matinding pagpipigil ang ginawa ni Daniel para hindi sumigaw pabalik. Alam nyang hindi ang pagsabay sa galit ni Kathryn ang tamang paraan para mapaamo ito. And it's so uncharacteristic of him to do that. Hindi nawawalan ng composure ang isang Daniel Padilla.

"Look. I didn't mean to make it sound that way pero hindi lang para sa kin ang lahat ng ito." Sinusubukang maging kalmado ni Daniel habang nagsasalita.

"I don't believe you." Kathryn bit back.

Unti unti ng lumuluwag ang pagkakahawak ni Daniel sa manibela.

"Fine. Eh di magstay ka sa bahay ngayong gabi. Isang gabi lang and I will let you go tomorrow."

"I don't trust you."

Konti na lang.

"Kath, will you just please just get in the car? Hindi safe sayo na naglalakad ng ganitong oras!"

Medyo tumataas na ang boses ni Daniel.

"I don't want to."

And it breaks.

"Damn it!!! Why are you being so difficult???!"

Tuluyang pagsigaw ni Daniel.

Napatigil si Kathryn. Totoo bang sumigaw si Daniel?

For some odd reason, ay sobrang natuwa si Kathryn na isang Kathryn Bernardo pala ang kayang magpagalit ng ganoon sa isang Daniel Padilla. Ilang beses na nyang sinusungitan si Daniel mula nang magbalik sya sa Pilipinas, ngunit lagi lang itong cool. Call her sadistic pero proud sya sa sarili nya sa nagawa nya.

"Dahil it takes more than coercion para mapapayag mo ako. It entails begging, hovering, wooing, those stuff. Gusto ko may fireworks, flowers and getting down on one knee para pakiusapan ako. Mahirap ba yun?"

Napasandal na lamang si Daniel sa upuan. Bakit naman nya gagawin ang lahat ng hinihiling nya? Kailangan ba yun? Simple lang naman ang gusto nyang mangyari.

Nagulat na lamang si Daniel nang marinig muli nya ang tunog ng heels ni Kath. Nakita nyang nagsisimula na naman itong maglakad pero ibang direksyon ang tinatahak nito.

"Where are you going?" Inis na tanong ni Daniel dito.

"Where do you think I'm going?" Nakangiting sagot nito sa kanya.

Naisip ni Kathryn na kahit na mas pipiliin nya pang magdive sa river na puro buwaya kesa tumira sa bahay ni Daniel, ay wala syang choice sa mga oras na iyon. Sobrang pagod na ang buong katawan at isipan nya na konti na lamang ay tingin nya ay hihimatayin na sya. She is a woman of sense and rationality - isang malaking pinagkaiba sa dating Kathryn na malamang ay di pa nagtatanong si Daniel ay pumayag na ito agad.

Sa mga oras na iyon alam nya na ang pagstay sa bahay ni Daniel sa gabing iyon ang pinaka-practical na gawin. And besides kailangan nyang ipakita dito na hindi na sya apektado sa charms ng isang Daniel Padilla.

Nang mapansin ni Daniel na naglalakad na ng mabilis si Kathryn pabalik sa mansion ay nag-Uturn na ito at sinundan muli ang dalaga.

Nakita nya na pagod na pagod na ito at tila ba ay naguilty sya sa mga ginawa nya dito.

"Gusto ko ng malaking kwarto, yung may sariling LCD TV 32 inches, entertainment system, at isang working desk. Gusto ko rin ng malaking CR na may Jacuzzi, ng sarili kong ref na puno ng mga inumin at pagkain. Maraming chocolates."

Makalipas ang ilang segundo ay narinig nyang nagsalita si Daniel ngunit hindi sya ang kausap. Nakinig sya sa usapan at tila kausap nito si Manang Fe sa cellphone at inuulit nito lahat ng requests nya at nagbanggit din ito na maglagay ng cupcakes at ilan pang sweets na paborito nya.

"Anything else?"

Nagulat sya at tinanong sya nito ngunit pinili na lamang nyang wag magsalita. Agad din namang binaba ni Daniel ang cellphone matapos ibilin na ihanda ang lahat ng iyon agad agad.

Kung nasa ibang sitwasyon sana sila ngayon ay baka kinilig pa si Kathryn na naalaala ni Daniel ang mga paborito nyang sweets, at naappreciate nya sana ang pagsunod nito sa mga gusto nya. Ngunit sa sobrang inis nya dito ay mas pinili nyang balewalain ang mga iyon.

"Kath, pumasok ka na sa kotse"

"No."

Daniel rolled his eyes. Alam nyang pagod na ito pero nagmamatigas lamang.

"Hindi safe na maglakad ka ng ganitong oras. Pano kung may mga maniac dyan na pagtripan ka?"

"Marunong akong magkarate."

*Ang tigas talaga ng ulo!* Inis na inis na si Daniel.

"Sige bahala ka na dyan!"

Pagkasabi nun ay bumilis na ang takbo ng sasakyan ni Daniel. Ngunit maya maya pa ay umikot ito at sinabayan uli si Kathryn.

"Pag may nangyari sayo, papatayin ako ni Julia M."

"Wala akong pakialam."

Napabuntong hininga na lamang sya at tila wala syang kapana panalo sa babaeng kasama nya. Wala syang nagawa kundi magpatakbo ng mabagal para sabayan ito pabalik sa bahay niya.

__________

Author's Note: Comments? Vote? Hirap na sundan! hahaha

Continue Reading

You'll Also Like

Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
135K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
3.1K 163 28
Yvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'work' more than the word 'love'. She believ...
2.7M 67.9K 65
Hindi dahil naibigay mo na ang lahat ay wala ng kulang. Minsan mas dama pa rin ang isang kulang sa ilang libong meron ka. Ang tanong? Kaya mo bang b...