I Think I'm Falling (ongoing)

By decemberbabyy

4.9K 99 48

Nagpapanggap si Kara at Jeffrey na "sila" para pagselosin at makipagbalikan si Bianca, ang ex-girlfriend ni J... More

Chapter 1 (No Prologue)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 27 Chapter 27
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 28

88 2 0
By decemberbabyy

KARA'S POV


♪♬ I've been spending all my time
Just thinking 'bout you
I don't know what to do
I think I'm falling for you♪♬




Nagising ako dahil biglang nag ring ang phone ko.


Kinuha ko ito at agad akong napabangon nang makita kung sino ang tumatawag.


Jeffrey calling...



*lub dub lub dub*



♪♬ I've been waiting all my life
And now I've found you
I don't know what to do
I think I'm falling for you♪♬


"Hello?"


"Good morning, my engot girlfriend!"


"Kung maka engot ka, 'wag mo nga 'kong tinatawag na girlfriend 'pag tayo lang ang nag-uusap!"


"Eh gusto mo naman."


"Anong sabi mo?!"


"Wala! Ba't ba ang aga-aga, sungit mo na? Meron ka?"


"Eh ba't ang aga-aga, tumatawag ka? Ang sarap na ng tulog ko eh."


"Eh kung magpasalamat ka kaya muna sa 'kin?"


"Huh? Bakit?"


"Dahil 8am na at may klase ka pa! Maligo ka na, engot!"



"Gosh! Oo nga pala! Bye!"


Agad kong binaba ang phone call at nagmadaling maligo at magbihis. Naman ohhh! 'Di ako nagising sa alarm ko!


Woooosh! I'm done!


Dali-dali akong lumabas ng bahay, 'di na rin ako nakapag almusal. Bahala na nga.


"Manang, si Manong?"


"Inutusan ko munang bumili ng mga flashlight at baterya dahil may brownout daw mamaya. 'Wag kang mag-alala, may ibang sumundo sayo." sabi ni Manang sabay kurot sa tagiliran ko.



"Ho? Sino?"


♪♬ I've been spending all my time
Just thinking 'bout you
I don't know what to do
I think I'm falling for you♪♬


Jeffrey calling...


"Jeff? Ikaw ba sumu---"


[ENGOT! LATE KA NA!]


"Ayy oo nga pala! Manang, alis na po ako!"


"Oh sige, ingat!"


Takbo takbo takbo! Agad akong pumasok sa kotse.


Nung nasa loob na ako, napansin kong parang natatawa si Jeffrey.


"Hoy, ano? Tara na! Late na 'kooooo!"


Pinaandar na niya ang kotse pero tawa pa rin ng tawa, hinayaan ko nalang. Maya maya, may inabot siyang supot.


"Oh, I know you didn't eat your breakfast again." sabi niya habang nakatingin lang sa kalsada.


"Wow! Tamang-tama, gutom na 'ko!"


"Halata nga." sabi niya habang tumatawa, napahampas nalang ako sa braso niya.


"Hmmm, ang bango naman nito! Egg omelet! Si Tita ba nagluto nito?"


Umiling lang siya.


"Ay, siguro si Manang."


Umiling lang siya ulit.


"Eh sino? Imposible naman sigurong ikaw, di ba?"


Napalingon lang siya sa 'kin at ngumiti.


*lub dub lub dub*


"Kailan ka pa natutong magluto?"


"Kanina lang. Mamaya mo na tikman, 'pag wala na 'ko. Baka i criticize mo pa sa harap ko."


"Eto naman, 'di naman ako ganon kasama. Tsaka gutom na 'ko!" sabi ko sabay subo, tingin siya ng tingin habang nag iintay sa reaksyon ko.


"Ano? Masarap ba?"


Kumunot lang ang noo ko.


"Ay, panget ba ang lasa? Sabi na eh. 'Wag mo na kainin 'yan, bibilhan nalang kita ng iba 'pag may madadaanan tayong drive-thru."


"Okay."


Napalingon ulit siya sa 'kin habang nakafrown.


Binuksan ko ulit ang lunchbox at pinagpatuloy ang pagkain.


"Oy! 'Wag mo ng kainin sabi!"


"Joke lang naman eh! Masarap kaya! Hmmm nomnom! May potential ka pala sa pagluluto ha."


"Sus. Sinasabi mo lang yan para hindi ako ma offend. Oka---"


"Alam mo, ang OA mo talaga! Sinabi ngang masarap! Oh eto, tikman mo." sabi ko sabay sinubuan siya.


Napangiti naman siya.


"Kitams?"


Napangiti lang siya ulit. Pinagpatuloy ko na ang pagkain hanggang sa makarating na kami ng school.


"Burp! Thank you sa breakfast at sa pagsundo! Lalabas na ko---"


"Hep hep!"


"Ano? Dali! Malalate na 'ko!"


"Lalabas ka ba talagang naka ganyan?" tanong niya habang tumatawa at may tinuturo sa ulo ko.


Napakapkap ako at "Gosh! Andito pa pala 'tong tualyang 'to? Kaya mo pala ako pinagtatawanan kanina!"


"Haha! Ang kyut nga eh! Mauna ka na! Late ka naaaa!"


"Oo nga! Bye!"


"Bye! See you later!"

-------


Sana 'di pa 'ko late. Sana late din ang teacher.

*silip silip sa classroom

Hay, salamat! Malamang late na naman si Madam!


Lumakad na 'ko papunta sa upuan ko. Napansin kong nakatungo lang sa desk sina Queenie at Jimmy. Hmmm, may tampuhan pala kami.


"Good morning, Kara."


"Hi, Kean." sabi ko sabay upo sa desk.


Napansin ko agad na may nakasulat sa desk ko.


"SORRY :( bati na tayo?"


Awwe. Napalingon ako sa alam kong may bigay nun pero nakatungo pa rin sila sa desk. May toblerone pang kasama pero nakabukas kaya chineck ko at kulang ng dalawang bars.


"Kumuha ako, kanina pa 'ko naglalaway sa chocolate. Late ka!" -Queenie


"Ako din pala! Hihi!"


"Anubayan, magbibigay na nga lang, kulang pa!" sabi ko sabay tawa hanggang sa napatawa nalang kaming tatlo.


"Awwe! Na miss ka namin, Kara! Sensya na talaga, girl ha!"


"Mas namiss ko kayo noh! Okay lang noh. Pikon lang din naman kase ang friend niyo! Haha!"


Nagtatawanan nalang kami habang isa-isa kong silang niyakap.


"Kara,"


Napalingon ako sa tumawag sa 'kin, "Hmm?"


"Nag breakfast ka na ba? Kasi kung hindi pa, dinalhan kita ng hotdog bun." sabi niya sabay abot ng bun.


"Naku, nag abala ka pa. Thank you pero tapos na 'kong mag breakfast eh."


"Ah ganon ba."


"Oy ako! 'Di pa 'ko nakapag almusal! Akin na 'yan!" sabi ni Queenie sabay hablot ng bun. "Nomnom! Libre na 'to ha? Thank you, Kean!"


Napatawa nalang kaming dalawa ni Kean hanggang sa dumating na ang teacher.


----


"Class dismissed."

"Kara, pwede ba 'kong sumabay umuwi sa'yo? Kung okay lang? 'Di daw ako masusundo ni Mama ngayon eh." tanong ni Queenie habang papalabas kami ng classroom.

"Oh sure." sabi ko sabay ngiti.

"Ay hindi, Queen. Sa 'kin kana sumabay, makakasira ka lang ng moment eh." biglang sabat ni Jimmy.

"Huh?" sabay naming react ni Queenie.

"Kara dear, hindi si Manong ang sundo mo ngayon. Iba, ayun oh." sabay nguso niya sa taong nakaupo sa bleachers.

Napalingon naman ako at nakita ko si Jeffrey na ngumiti at kumaway. Tumayo ito sa pagkakaupo at lumakad papunta sa 'min.

*lub dub lub dub*

At teka, bakit parang may nakatago sa likod niya?

"Kara engot!" pasigaw niyang sabi pagkalapit sa 'min.

"Engot mo mukha mo."

"Sungit nito. Ako na maghahatid sa'yo pauwi."

"Ikaw ulit? 'Di ka ba nagsasawa sa mukha ko eh tayo nalang palagi ang magkasama?"

"Ba't naman ako magsasawa?"

*lub dub lub dub*

Biglang nagtilian ang mga kaibigan ko habang ako, pinipigil ngumiti.

"Nahiya naman kaming dalawa sa inyo! Ang sweet! Kung makapag usap parang wala kami dito!" natatawang sabi ni Jimmy.

"Jeff, ano 'yang nasa likod mo?"

"Ah eto ba," sabay pakita niya ng hawak niya at inabot sa 'kin.

"At may flowers pa! Eh di kayo na!"

"Ewan. Uwi na nga tayo." 

Para sa 'kin na ba 'tong bouquet na 'to? Eto ata ang first flowers na natanggap ko galing sa kanya.

----

"Hoy, engot. Kanina ka pa tahimik dyan ah?" tanong ni Jeff.

"Eh kasi naman ba't ang traffic?"

"Bakit? Nagmamadali ka ba? May assignments ka pa?"

"Wala naman."

"Oh eh bakit ka atat makauwi?"

"Basta lang."

"Sabihin mo na!"

"Yoko nga! Nakakahiya! Ugh, bakit ang traffic?! 30 mins. na tayong stuck dito!"

"Eh bakit nga---"

"Kanina pa ako natatae!"

Bigla namang siyang napatawa sa sinabi ko.

"Siguro may nilagay kang something dun sa omelet na binigay mo sa 'kin noh? Kanina pa masakit tyan ko!"

"Sinisi mo pa omelet ko. Takaw takaw mo kasi eh!"

"Ewan! 'Wag ka nalang magsalita! 'Di ka naman nakakatulong!"

Huhu.

Bigla niyang pinark ang kotse niya sa gilid.

"Labas tayo." sabi niya sabay labas ng kotse.

"Oy, san tayo pupunta?!"

"Basta, labas na diyan!"

Eto namang tiyan ko, ang galing tumiming!

Lumabas naman ako. Bigla niyang hinablot ang kamay ko at hinila ako sa,

"San ba tayo pupunta?"

"Hanap tayo ng malapit na mall."

"Maglalakad lang tayo? Malayo pa malls dito!"

Bawat hakbang ko, feeling ko matatae na 'ko! Ano ba 'yan!!!

"Hindi mo na kaya?"

"Ewan! Nakakainis--- HOY!" bigla akong napasigaw nang bigla niya kong buhatin, yung lover's carry. "JEFFREY! IBABA MO 'KO! Andaming tao nakakahiya!"

"Aish! Kanina ka pa dada ng dada."

"Ibaba mo nga kasi ako! Kaya ko namang maglaka---"

"Isang salita mo pa, hahalikan na kita."

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya sabay takip ko sa bibig ko.

"Eh di natahimik ka rin." sabi niya sabay tawa. "At pwede ba engot, mag diet ka na. Ambigat mo na!"

Hinampas ko lang siya sa braso niya at tinatakot akong bibitawan ako ng pabigla na akala ko mahuhulog na 'ko!

"JEFFREY!!!" at ayun, pinagtawanan lang ulit ako.

-----

"Andito na tayo sa mall! Baba mo na 'ko! Andami ng nakatingin sa 'tin!"

"Yaan mo sila, inggit lang 'yang mga 'yan. Ang gwapo kaya ng kumarga sa'yo."

"Yabang."

Nung malapit na kami sa CR, saka na niya 'ko binaba.

"Hintayin mo nalang ako dito."

Tumango lang siya.

Lumakad na 'ko papuntang CR at wow, ang haba ng pila! Huhu. Konting tiis nalang, Kara!

Nakita kong biglang pumunta sa harap ng pila si Jeffrey. Ano na naman ang gagawin nito?

"Excuse me, ate. Pwede bang mauna muna ang girlfriend ko? Saglit lang naman?" pakiusap niya habang nagpapacute sabay turo sa 'kin na ikinagulat ko naman.

"Kanina pa po kami pumipila dito." mataray na sagot ni ate.

"Saglit lang po talaga, please? Kailangan niya na pong makapag CR dahil kailangan na naming umalis. Malelate na po kasi kami sa appointment namin ng doctor niya, buntis po kasi siya."

WHAT. THE?! GINAWA PA 'KONG BUNTIS?! LAGOT KA SA 'KIN MAMAYA!!!

"Ay ganon ba, oh sige, miss. Mauna ka na."

"Mauna ka na, miss."

"Ikaw na daw, ate."

Napatingin ako kay Jeff at nakita ko siyang nag wink. 

Dali-dali naman akong pumasok ng cubicle at sa wakas, nailabas din ang masamang espirito. 

Lumabas na ako ng CR pagkatapos ng ritual.

"Miss, andun yung boyfriend mo naghihintay oh."



"Ang swerte mo naman sa boyfriend mo, napaka caring."

"At ang gwapo pa!"

"Pretty mo din, ate! I'm sure ang cute ng magiging baby niyo!"

"Oo nga. Best wishes sa baby niyo!"

Baby?! 

"He he. Salamat po." nahihiya kong sabi sabay lakad ng mabilis palabas ng CR at hinahanap si Jeffrey.

"Oh ano, okay ka na?" tanong niya sa 'kin.

Bigla ko siyang hinampas sa braso, "Ano ba naman yung dinahilan mo sa kanila? Kadiri."

"Arte nito, eh nakatulong naman! Mag thank you ka nalang!"

"Fine. Thank you."

Ngumiti lang siya sa 'kin.

*lub dub lub dub*

___________________________

*to be continued

Continue Reading

You'll Also Like

35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
100K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
625K 39.2K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...