Beki Daddy on Duty

By kweenlheng

1.1M 35.7K 6K

Beki Daddy On Duty..... More

BDOD #1
BDOD #2
BDOD #3
BDOD #4
BDOD #5
BDOD #6
BDOD #7
BDOD #8
BDOD #9
BDOD #10
BDOD #11
BDOD #12
BDOD #13
BDOD #14
BDOD #15
BDOD #16
BDOD #17
BDOD #18
BDOD #19
BDOD #20
BDOD #21
BDOD #22
BDOD #23
BDOD #24
BDOD #25
BDOD #26
BDOD #27
BDOD #28
BDOD #29
BDOD #30
BDOD #31
BDOD #32
BDOD #33
BDOD #34
BDOD #35
BDOD #36
BDOD #37
BDOD #38
BDOD #39
BDOD #40
BDOD #41
BDOD #42
BDOD #43
BDOD #44
BDOD #45
EPILOGUE
BDOD #46
BDOD #47
BDOD #48
BDOD #49
BDOD #50
BDOD #51 (For my TeamBruh)
BDOD #52
BDOD #53
BDOD #54
BDOD #55
BDOD #56
BDOD #57
BDOD #58
BDOD #59
BDOD #60
BDOD #61
BDOD #63
BDOD #64
BDOD #65
Fin
Special Chapter #1
Special Chapter #2
Special Chapter #3
Special Chapter #4
Special Chapter #5
Instagram
Instagram 2
Instagram 3
BDOD
Instagram 4

BDOD #62

15.7K 467 91
By kweenlheng

"Hoy buksan mo kaya 'tong pinto!" sigaw ni Vice mula sa labas ng kwarto nilang mag-asawa. Kauuwi lamang niya mula sa taping ng GGV at laking pagtataka niya nang pagdating ay bigla na lamang siyg sinalubong ng mga lumilipad na damit niya. "Mommy, ano bang problema? Pag-usapan naman natin 'to. Wala naman kasi akong natatandaan na ginagawa kong mali."

"Ang panget mo! Umalis ka na. Iwanan mo na 'ko." sigaw pabalik ni Karylle. Lalo namang napakunot ang noo ni Vice dahil hindi niya maintindihan ang dahilan ng asawa.

"Pinapalayas mo 'ko sa sarili kong bahay dahil lang sa napapangitan ka sa 'kin? Ana Karylle, wala namang personalan!" nangingiting pang-aasar ni Vice habang patuloy parin sa pagkatok sa pintuan ng kwarto nila. "Papasukin mo na 'ko, mommy please! Tinanggal mo pa 'yung mga damit ko sa closet. Nakakaloka ka!"

"Umalis ka na, tutal mukhang mas gusto mo namang magsuot nalang ng Tangga!" sigaw pa ulit ni Karylle.

"So 'yung suot ko pala kanina sa taping ang issue natin dito? Karylle, it's work." this time ay nagturn na sa pagiging serious si Vice. "Mommy, papasukin mo naman na ako please. Pagod na 'ko from taping oh. Gusto ko ng magpahinga,"

Hindi agad nakakuha ng sagot si Vice mula sa asawa. Tinatamad itong yumuko upang maabot ang dalawang maleta kung saan nakabalunbon lahat ng damit niya. Naiiling nalang siya at natatawa at the same time dahil naccute-an siya sa inaasta ng asawa. Hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan at sumalubong ang nakakunot noong asawa.

"Sorry na. Sa susunod hindi ko na susundin 'yung utos nila na mag-tangga ako. I'm sorry," paglalambing ni Vice na nagmadaling ipinasok sa loob ng kwarto ang mga damit niya. Pagkatapos noon ay nilapitan na niya ang asawa at hinalikan ito sa ulo. "Kumain ka na ba?"

"Oo." tipid na sagot ni Karylle sabay talikod at upo sa gilid ng kama. Naroon parin ang pagkaka-kunot ng noo at pagka-haba ng nguso nito.

"Pinapahirapan ka nanaman ba ni, baby?" nakangiting tanong ni Vice as he kneeled in front of Karylle. Hinawakan nito ang tummy ng asawa at marahang hinagod. "Anak, wag mo namang pahirapan si Mommy. Si Daddy ang nasesermonan eh,"

"Ayaw niya ng naka-tangga ka," naka-pout parin na sabi ni Karylle. Tuluyan ng natawa si Vice na umangat ng kaunti upang mahalikan sa labi ang asawa. "Wag mo 'kong tinatawanan, Jose Marie kung gusto mong lumaki 'tong anak mo sa puder mo!"

"Ito naman! Nagbibiro lang eh," agad na pananahimik ni Vice.

Tatlong buwan na simula nang malaman ng dalawa na nagdadalang-tao si Karylle. Noong panahon na nalaman ni Vice na buntis ang asawa ay hindi ito agad nakapagsalita sa sobrang tuwa at wala ng ibang nagawa kundi ang tumalon na lamang ng tumalon habang umiiyak. Ibang-iba ang tuwang naramdaman ni Vice noong mga panahon na iyon dahil hindi naman niya inakala na madagdagan pa ang anak nila ni Karylle.

Nang malaman na madadagdagan na ang bilang ng pamilya nila, minabuti ni Vice na pauwiin na muna ang ina mula sa Los Angeles upang may makasama si Karylle habang nasa trabaho siya, na hindi naman tinanggihan ng matanda. He also commanded his spouse na magpahinga muna from sa Showtime. Aside from that, tinanggihan narin muna niya ang ilang mga offers ng management dahil gusto niyang maglaan ng mas mahaba-habang oras para sa mag-ina. Isa na roon ang Free Concert for LGBT members na gaganapin sa Davao. Ito ang isa sa mga issue na kinahaharap ngayon ni Vice dahil samu't-saring komento ang kaniyang natatanggap sa social media.

Wala pang nakakaalam na buntis si Karylle aside from their families at mga kaibigan sa Showtime. Gusto kasi ni Vice na tahimik lamang ang buhay ni Karylle habang nagbubuntis ito. He doesn't want her to get stressed dahil lang sa mga posible niyang mabasa kung saan-saan. Purong excitement at tuwa lamang ang nararamdaman ni Vice. Kung kaya nga lamang niyang pabilisin ang ikot ng oras ay gagawin na niya makasa lang ang bagong baby nila.

Madalas pa ngang magtalo sila Vice at Anne sa Lounge Area patungkol sa gusto nilang gender ng bata. Vice wants a baby boy habang si Anne naman ay ipinagpipilitan niyang gusto ulit niya ng babae para dalawa na ang aayusan niya. Sa puntong iyon ay pinagtatawanan na lamang sila ng ibang hosts at staffs.
















Naanyayahan si Vice na mag-guest sa Magandang Buhay, bagong morning talk-show ng mga kaibigang sila Karla Estrada, Melai at Jolina Magdangal. Hapon ang naging taping na nasabing show kaya dumiretso na lamang doon si Vice after ng Showtime. Inintroduce ng tatlong hosts si Vice by showing three pictures mula noong college siya hanggang ngayon na may asawa na siya.

"Hoy nakakaloka naman 'tong itsura ko dito. Mukha akong science project!" natatawang sigaw ni Vice habang tinuturo ang picture na hawak ni Melai.

"Ganito ka namin kamahal. Kinakalkal namin lahat lahat ng tungkol sa 'yo," sagot ni Karla na hinila na si Vice paupo sa isang Sofa. "Magandang buhay, mare!"

"Magandang Buhay sa inyong tatlo. Infairness ang ganda ng set niyo ha," puri ni Vice habang inililibot ang paningin sa buong set ng programa. "Bakit niyo ba 'ko pinapunta dito? Pauwi na sana ako e. Istorbo 'tong mga 'to!"

"Ito naman, minsan na nga lang tayo magkatsikahan oncam mukhang ayaw mo pa!" singit naman ni Jolina kaya natawa lalo si Vice.

"Oo na nga! Sige na, simulan na natin 'to. Ano bang ganap?" pagsakay na lamang ni Vice upang makapagsimula na.

"Mare, kasi gusto namin na ikaw naman ang mismong magshare sa 'min nung mga experiences mo sa pagiging ama. Iba parin kasi 'yung ikaw pa na hindi naman namin inakalang magkakapamilya ang magkukwento ng mga kulitan moments niyo ng asawa at ng anak mo," sagot ni Karla sa kaibigan. "Sa social medias lang kasi namin nakikita 'yung mga bondings niyo so mas maganda naman siguro kung ikaw mismo ang magsasabi sa amin,"

"Naiintindihan ko, kailangan talaga paulit-ulit?" pambabara ni Vice kay Karla kaya akma siya nitong hahampasin ng cue card.

"Paano ba nangyare? I mean, plinano mo bang magkaanak?" pang-uusisa ni Jolina dahil hindi naman niya alam ang naging takbo ng buhay ni Vice.

"Hindi. It was very unexpected and unplanned moment. Walang kahit na sino ang mag-aakalang makakabuntis si Vice Ganda, kahit mismo ang sarili niya." Vice answered honestly. "Showtime Family went to Hawaii kasi and after nung show namin doon, we all decided na lumabas, as a gift narin para sa mga sarili namin dahil sobrang successful ng show. Napakaraming tao. We went to a famous bar doon tapos party party. Eh kilala ako ng lahat bilang party animal. Pag sinabing party, party talaga. Kailangang sulitin so uminom ako ng uminom kasi kampante naman akong safe ako since I was with the whole Showtime Family at alam kong hindi nila ako pababayan lalo na ni Billy. I got drunk and after that, wala na akong maalala."

"So everything that happened, wala kang maalala?" paglilinaw ni Jolina.

"The last thing I remembered was the moment we enter the room tapos blurred na lahat ng nangyari sa loob," naiiling na sabi ni Vice.

"Anong reaction mo kinaumagahan?" Melai asked.

"Normal lang naman siguro sa baklang katulad ko na magreact ng hindi maganda lalo na kung paggising mo makikita mo nalang 'yung sarili mo na nakahiga sa iisang kama, nakahubad habang may katabing merlat." natatawang pag-amin nito.

"So nagwala ka? Anong reaksyon ni Karylle?"

"Hindi naman ako nagwala pero kakaiba 'yung reaksyon ko. Naaligaga ako tapos binalot agad ako ng takot para sa mga susunod na mangyayare. Hindi ko siya pinansin ng ilang linggo but she kept on reaching me out,"

"Babae pa talaga ang nag-reach out sa 'yo? Nakakahiya naman!" Karla laughed out loud after siyang bigyan ni Vice ng death glare. "What happened next? Paano kayo naging okay?"

"Naawa kasi ako. Bukod dun, narealized ko din na ang laking bagay nung nawala sa kaniya. Mas bigdeal sa kaniya 'yun kesa sa 'kin na lalaki parin naman. Mas masakit para sa part niya bilang babae 'yung maramdaman na parang ginamit lang siya so kahit ang awkward, pinilit kong i-save yung friendship namin," sagot nito.

"When you found out na she's already pregnant, paano mo hinandle 'yung sitwasyon?" usisa pang muli ni Jolina sa kaibigan.

"At first para akong nakalutang eh. Hindi agad ako nakapagsalita pero nung sinabi niya na kaya naman niyang buhayin 'yung bata without my support, tinablan ako ng hiya. Ginawa namin 'yun ng magkasama so dapat samahan ko din siya sa pagpapalaki nung bata,"

Sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga audience dahil sa pinakitang honesty ni Vice. Kahit na sino ay hindi inaakalang magiging ama si Vice at kahit ngayon nga'y may mga hindi magagandang komento parin siyang naririnig patungkol sa pagiging ama niya. Hindi na lamang niya iyon pinagtutuunan ng pansin dahil alam naman niyang ginagawa niya ang lahat upang maging isang huwarang tatay sa anak.

"Ano namang masasabi mo na sobrang daming natutuwa sa anak mo?" Karla asked him. Natawa naman si Vice dahil imposible naman talagang walang matuwa sa kasutulan ng anak. "Her videos sa facebook at instagram mo, grabe ang likes ha! Tinalo ka pa,"

"Pinagsama ba namang confidence ng ama at kaweirduhan ng ina eh," tumatawang sagot ni Vice. "Thank you. Thank you sa lahat ng natutuwa sa anak ko. Thank you sa lahat ng supports and prayers for Ana Klarisse,"

"Gusto mo ba siyang pumasok din ng show business katulad niyong mag-asawa?"

"Wag muna ngayon. Kailangan niyang makatapos ng pag-aaral dahil kung hindi, kakalbuhin ko siya." pabirong angil ni Vice sa mga kausap. "Lagi ko namang sinasabi sa kaniya na ayoko muna siyang ma-expose sa kung anu-anong tv shows kasi bata pa siya eh, she has the right to have a private life. Enjoyin niya muna ang pagiging bata,"

"Naku po! Paano 'yan eh kasama natin ngayon 'yung anak mo?" kunot noong tinignan ni Vice si Melai dahil hindi niya alam kung seryoso ba ito oh nagbibiro lamang ngunit nakita nga niya ang anak na tumatakbo na papalapit sa kaniya. Nakasuot ito ng taekwando suit at nakapusod ang buhok into bun.

"Walang bihis-bihis anak? Kagagaling lang from school, diretso agad dito?" nakangiting sabi ni Vice na nagspread ng mga kamaya para ma-hug ang anak. Nagtiptoe naman si Klang at hinalikan ang ama sa labi nito. "How's school?"

"I got stars again," pagbibida nito sabay pakita ng stars sa kamay. "I also got a pewfect shcore po sha dwowing,"

"Gusto niyo munang magkuwentuhan mag-ama? Kami na ang mag-aadjust para sa inyo," poker face na saad ni Karla na siyang nagpatawa sa lahat. "Show namin 'to hoy."

"Kasalanan niyo 'to. Kung hindi niyo binulahaw ang buhay naming mag-ama edi sana hindi naka-hang 'tong taping niyo. Charot!" pambawi naman ni Vice.

"Hi Baby Girl, ako nga pala si Tita Jolens!" pagpapakilala ni Jolina sa bata. Lumapit naman si Klang dito at inabot ang kamay para makapag-mano. "Ay ang bait naman nito. Anong name mo?"

"Ana Kyawisse Tatwonghawi Vicewal," buong sagot nito.

"Ano ulit pangalan mo?" pag-uulit ni Melai.

"Ana Kyawisse Tatwonghawi Vicewal," pag-uulit din na sagot nito.

"Anong pangalan mo ulit?" pang-aasar na ni Karla kaya hinampas na ito ni Vice sa hita.

"Anak, wag mo ng sagutin. Niloloko ka nalang nito," Vice said as he pulled Klang at kandungin ito.

"Sobrang cute niyo pala tignan mag-ama no?" naaaliw na sabi ni Jolina na tila hindi na magawa pang kumurap para lang mapagmasdan ng maigi ang mag-ama.

"Si ate Jolens amaze na amaze sa inyo talaga," singit naman ni Melai na may kakaiba paring ekspresyon ng mukha.

"Mewon ako baon dito po, Daddy Bays!" Klang said habang dumudukot sa bulsa ng taekwando pants niya. Inilabas niya ang isang plastik na naglalaman ng pancake na nakabalot sa papel. "I'm hungwy na,"

"Hala nagugutom na pala 'yung anak ko hindi niyo manlang pinakain. Walang hiya kayong mga bakla kayo," sita ni Vice sa mga kaibigan na nakatayo lamang sa gilid. Tila wala naman ng pakialam si Klang at binuksan na lamang ang papel na nakabalot at kinain ang pancake.

"Hindi ba matanong na bata si Klang?" tanong ni Karla sa kaibigan.

"Matanong. Sobrang matanong nito."

"Hindi naman niya kinukwestyon 'yung mga galaw mo or 'yung suot mo minsan?"

"Hindi siya nagtatanong pero nagagalit nalang siya bigla kapag nakasuot ako ng pang-girl na outfit. Sasabihin niyan, 'nibabakla nanaman ikaw'" panggagaya nito sa laging sinasabi ng anak.

"Baby, bakit ayaw mong magsuot si Daddy Bays ng pang-babae na damit?" malambing na tanong ni Melai ngunit tinignan lamang siya ni Klang but hindi ito sumagot. "Ay deadma!"

"Wag mo ng subukang kausapin lalo na pag may kinakaing pancakes. Mapapahiya ka lang," pagbibigay impormasyon ni Vice.

"Vice maraming nakakapansin na parang Showtime, GGV at PGT nalang ang ganap mo? Wala pa bang ibang projects na ibinibigay sa 'yo?" si Karla.

"Actually marami. Meron pa ngang concert abroad kaya lang tinanggihan ko muna," pag-amin nito.

"Pati 'yung Davao Concert mo na naging issue nanaman. Nakakaloka ang mga tao. Kung makapag-react. Kesyo wala daw bayad kaya hindi mo tinanggap," dagdag pa ni Karla.

"Tao lang din naman po ako. May mga personal na bagay akong dapat unahin bukod sa trabaho. Kailangan kong maglaan ng mas mahaba-habang oras para dito sa batang 'to lalo na kay Karylle na tatlong buwan ng buntis," nakangiting pag-amin na lamang ni Vice. Gustuhin man niyang maging pribado ang pagbubuntis ng asawa ay hindi niya mapanindigan dahil kailangan din naman niyang magbigay ng magandang dahilan kung bakit hindi niya magawang tanggapin ang offer ng management sa kaniya.

"Congratulations para sa new baby. Nakakatuwa naman!" Jolina said.

"Magdadalawa na pala ang anak mo, hindi ba dapat doon ka magdoble kayod?" tila walang muwang na sabi ni Melai.

"Ayoko na ulit mawalan ng anak kaya hangga't maari, hangga't kaya ko, mas gusto kong 24/7 akong nakabantay sa mag-ina ko." dire-diretsong sabi ni Vice dahilan upang mapa-gasp ang mga tao. Walang sinuman ang nakakaalam ng pinagdaanan ni Karylle maliban sa pamilya at mga kaibigan nila sa Showtime.

"Paanong nawalan? Uhm, I'm sorry to ask you this, Vice but, anong nangyari?" nag-aalinlangang tanong ni Jolina.

Saglit na nanahimik si Vice dahil muli nanaman niyang naalala 'yung panahon na pakiramdam niya ay napakalaki ng pagkukulang niya sa mag-ina.

"M-mahina 'yung hearbeat ng bata and kinailangan ni Karylle na mamili kung isesave ba niya oh pakakawalan niya. She wanted to save the baby but unfortunately, si baby na 'yung nag-give up," hindi naiwasan ni Vice ang maluha habang ibinabahagi ang karanasan. "Masakit mawalan ng anak pero mas masakit kasi 'yung... wala nanaman ako sa tabi ni Karylle nung mga panahon na kailangan niya 'ko. Dapat nandun ako eh. Dapat hindi ako umalis,"

Napalook-up si Klang sa ama at nang mapansin na may luhang umaagos sa pisngi nito ay mabilis siyang lumuhod sa upuan at pinunasan ang pisngi ni Vice. Lalo namang naguilty si Vice dahil sa ginawa ng anak.

"I'm sorry. I'm sorry sa lahat ng pagkukulang ko bilang ama mo. I'm sorry sa lahat ng mga bagay na hindi ko nagagawa para sa inyo ng mommy mo. I'm so sorry sa lahat," humihikbing sabi ni Vice habang patuloy lang si Klang sa pagpunas ng luha niya. "May mga pagkukulang man ako bilang lalaki sa pamilya, pinapangako kong mamahalin ko kayo ng sobra-sobra."

"Nimamahal din ikaw ni Klang," pabulong na sabi ng anak habang hawak-hawak ang dalawang pisngi ni Vice.




















Ilang buwan pa ang lumipas, hindi pumalya si Vice sa pagsama sa check-up ni Karylle with her doctor. He made sure na alam niya lahat ng nagiging resulta ng bawat check-up, maging ang lahat ng mga pangangailangan nito sa pagbubuntis. Ibang uri naman ng kaligayahan ang nararamdaman ni Karylle dahil ngayon lamang niya naranasan ang mga bagay na hindi nagawa sa kaniya ni Vice noong una niyang pagbubuntis. Vice wants to make sure na okay si Karylle at ang bata sa sinapupunan nito.

Hanggang sa...





















wag patola...

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 163 29
Para sa mga pusong nag-liliyab, kilalanin si Milagros Joy Dy Mapili na isang Lesbian na walang ibang ginawa kundi magalit sa mundo at kailan man hind...
38.7K 1.2K 36
Could ex lovers become ex-tra ordinary friends?
131K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...