Vampire's Pet

FinnLoveVenn tarafından

3.2M 105K 11.3K

[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila a... Daha Fazla

N O T I C E
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
SPEACIAL CHAPTER
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
EPILOGUE
OTHER STORIES
| NOTICE ! MUST READ |

CHAPTER 25

50K 1.6K 300
FinnLoveVenn tarafından

KAELYNN's POV

❦❦❦

Minulat ko ang mata ko saka ako naghikab, tinignan ko ang orasan at tanghali na naman.

Ilang linggo na ang nakakalipas simula nung pasukan, na sanay na ko sa gabing buhay at nakakapag-adjust na ko sa klase namin. Salamat sa mga bagong maids ng mansion hindi ako gaano nahihirapan ngayon pwera na lang sa isang ito.

"Ate taylin bangon na." iyan araw-araw siya ang taga gising ko at tanghali na rin hindi pa siya nagpapalit ng pajama niya o naliligo.

"Okay-okay." inaantok pa ko kasi 5am na kami na kauwi tapos ngayon 9:30am pa lang ng umaga ginising na ko ni Sir Darenn.

Dapat mga 11am pa ko magigising eh, pero dahil excited siya sa birthday niya maaga niya kong ginising ngayon.

"Hindi ka na naman nagpaligo kala ate Sol?" Umiling siya at ngumuso.

"Ataw ito sa tanila," ngumiti na lang ako at binati siya ng happy birthday.

"Hahaha happy birthday Sir Darenn! Four years old kana." niyakap ko siya at niyakap niya rin ako kaso may iba akong na amoy sa kaniya kaya na tawa ako.

"Tara na nga sabay na lang ulit tayo maligo." tuwang tuwa siya at kumaripas ng takbo sa CR ko.

"Wait saglit papainitin ko 'yung tubig!" Hinabol ko siya sa loob at inayos ang ipangliligo namin dalawa.

Malamig na ang klima ngayon at panay ang ulan dahil magju-July na.
Pumunta ako sa kwarto niya at kumuha ng damit niya ganoon din sa'kin.

Pinuno ko ng tubig 'yung bathtub at pinainit ang tubig nito.

"Buti saturday ang birthday mo," sabi ko sa kaniya at tinaas niya ang kamay niya.

"Huggie!" aw, ang cute sino ba hindi papayag na yakapin ka Sir Darenn.

Kaya agad ko siyang binuhat at tinanggalan ng pajamas.

"Ano 'tong bag Sir Darenn?" May maliit kasi bag na nakasabit sa katawan niya.

"Tegalo daw ni mama takin." napatigil ako saglit, regalo ng mama niya sa kaniya?

"Sino nagbigay?" Tanong ko kasi medyo creppy.

"Te ate Mila sshh, ka lang ate taylin." si ate Mila? Ah, baka sa kaniya talaga galing sinabi niya lang nasa mama ni Sir Darenn ng galing.

Pero sa totoo lang ayaw ko nang lumalim pa ang pag-asa ni Sir Darenn na buhay ang mama niya, dahil totoo naman nito ay wala na talaga ang mama niya dahil sa panganganak sa kaniya.

Bakit tinatago pa nila kay Sir Darenn? Iniisip niya tuloy na buhay pa ang mama niya.

"Otey ta lang?" Tumango ako at inulublob na siya sa tubig, na ligo na din ako at naglaro kami sa bathtub.

"Oy! And'yan na naman ba sa loob si Darenn!" Narinig kong sigaw ni Danrious sa labas ng pinto, alam ko magrereklamo na naman 'yang kambal na iyan kaya hinarangan ko ng cabinet ang pinto.

"Naliligo kami saglit lang," sigaw ko din kaso pinagsisispa ni Danrious 'yung pinto at naririnig kong nagdadrama si Daniel.

"Kaelynn bakit! Pinili mo pa ang maliit na bata kesa sa macho naming katawan! Isa ka talagang shotacon! Huhuhu," napabuntong hininga na lang ako.

"Batit ba danun tila tuya?" Iniling ko na lang ang ulo ko, malay ko rin ba sa dalawang iyan parang mga sira.

"Ah, ate taylin ano 'to?" Sabay pindot niya sa dibdib ko kaya napatili ako.

"Kyaaaah!" agad kong hinarang ang dalawa kong braso.

"Oy anong nangyayari d'yan!" Sabi nung dalawa sa labas.

"MALAMBOT PORANG JILIACE!" sigaw ni Darenn at pilit napinipindot 'yung tyan ko at bilbil kaya na kiliti ako.

"Oy, anong malambot?!" Sigaw na naman nung dalawa sa labas at tawa pa rin ako ng tawa.

"Hahahaha, wag Sir Darenn hahaha," pinipindot niya 'yung tagiliran ko na walang kaalam-alam na nakikiliti na ako, tuwang tuwa lang siya kasi malambot.

*BLAG*

Pareho nang laki ang mata namin ni Sir Darenn nang tumumba ang pinto at iniluwa nito 'yung kambal na parang sinaniban ng masayang ispirito at pulang pula ang mata,

"Kyaaah!" lalo akong napasigaw dahil makikita nila ang katawan ko, agad din naman silang nataranta at tumalikod.

"Anong kaguluhan 'to?!" Lalo akong naghisterikal nang makita ko si Sir Daryl na pumasok na rin at na mula ng makita ako.

Jusko hindi ko na kaya ito bakit sa lahat-lahat pa kay Sir Daryl pa!? Nakakahiya naman talaga ayoko na lupa bumuka ka kainin mo ko ng buhay!

"Sorry-sorry! Dalian niyo lumabas na tayo," hila-hila ni Sir Daryl 'yung kambal na parang uusok na ang mukha dahil sa pamumula.

Napalubog ako sa tubig at feeling ko mahihimatay na ko dahil sa hiya, na kakainis! Pano ko na lang maipapakita sa mapapangasawa ko ang katawan na ito kung may nakakita ng iba.

"Ate taylin?" Inosente n'yang tanong at panay ang laro sa rubber duckling na laruan niya.

❦❦❦

Hindi kami magkatinginan apat, puno ng awkward aura ang paligid, nakakahiya hindi ko na kayang tumingin sa kanilang tatlo nakita na nila ang lahat.

Tinakpan ko na lang ang mukha ko at umiling iling, pano na ang kasal namin ng asawa ko sa future? Pag nalaman n'yang may nakakita na ng katawan ko tapos pano pagnalaman niya pang hindi siya ang first kiss ko. Waaaah kawawa naman 'yung asawa ko.

"Oy, wag ka nga magdrama diyan wala naman kaming na kita kundi flat surface." nilait pa talaga ni Danirous! Napakasama.

"Oo nga Kaelynn hindi naman namin nakita 'yung bilbil mo." ah! sige pa dagdagan mo pa Daniel.

"Wag kang mag-alala hindi ko talaga nakita 'yung pasas mo"

Pasas?

Pasas?

Wah pasas ko! Bakit sa lahat pa si Sir Daryl pa ang nakakita ng bagay na 'yon? Napakasakit bakit? Hinalintulad niya pa talaga sa pasas eh kulay pink naman ito hindi naman kulay itim! Wah, hindi ko na kaya.

"Ate taylin otey ta lang?" ah, siya ang dahilan ng lahat ng ito, pero pano ko siya masisisi kung nakapainosente n'yang bata at wala naman siyang iniisip kundi pindutin ang dibdib at bilbil ko.

Tama 'yung dibdib at bilbil ko.

"Wah, ayoko na." tawa sila nang tawa habang nag aayos ng pagkain dito sa harap ng dagat.

"Ayos lang iyan kung gusto mo para it's a tie! pakita ko rin sayo ang katawan ko," sabi ni Daniel.

"Oh, kaya sabay na rin tayo maligo, pwede mo din pindutin ang abs ko." dagdag pa ni Danrious at sumama ang tingin ko.

"Oh, hindi kaya si kuya ang gusto mong makitang hubot hubad." nagkatinginan kami ni Sir Daryl at sobra akong na mula jusco! Bakit parang gusto ko 'yon?

Sinampal ko ang sarili ko at umiling

"Pakiusap wag niyo na lang alalahanin 'yung mga nakita niyo kanina parang awa niyo na," tumawa silang tatlo.

"Yes maam," at sabay-sabay na sinabi, binura ko na lang din sa isip ko ang nangyari at nag ayos na ng handa ni Sir Darenn, tinignan ko siya at nakatingin lang siya sa kakahuyan.

Lumapit ako at bago pa ko tuluyan makarating sa pwesto niya nakita ko siyang ngumiti at kumaway.

"Bye ma!" Sigaw niya kaya kinilabutan kaming apat pero mas apektado 'yung tatlo dahil mga duwag sila.

"Si-sir Darenn?" Lumingon siya sa'kin at hinila ang kamay ko pabalik sa tent at picnic table namin.

"Blow-blow," sabi niya at masayang hinila ako papunta sa cake niya.

Patay malisiya na lang kami sa nakita namin at sinelebrate ang kaarawan ni Sir Darenn.

Pero nang matapos na at nakatulog na siya sa loob ng tent, naiwan kaming apat doon sa bonfire at tahimik na iniisip 'yung nakita namin kanina.

Ang gulo, kaninang umaga rin sabi niya sa'kin wag daw akong maingay na nakatanggap siya ng regalo mula sa mama niya eh, pano mangyayari iyon kung matagal nang patay ang mama niya at hindi lang 'yung pinaabot pa kay ate Mila?

Tapos ngayon nakita niya ang mama niya at nagpaalam pa siya?

Arrgh, medyo kinilabutan ako doon ah, ano 'yon multo? Or baka na iisip lang ni Sir Darenn? Hindi kaya dahil matagal niya nang gustong makita ang mama niya kaya na bubuo na lang sa imagination niya?

"Kinikilabutan ako," sabay na sabi nung kambal at si Sir Daryl hindi na kibo pero halatang takot na takot na rin.

"Hindi pa ba tayo papasok sa mansion? Baka mamaya andito pa 'yung nakita ni Sir Darenn?" Sumama ang tingin nila sa'kin dahil tinatakot ko sila kaya napakamot na lang ako ng ulo.

"Hahaha joke lang," sabi ko pero hindi pa rin sila mapakali.

Tumayo na ko at pumasok sa tent saka binuhat si Sir Darenn.

"Mauna na pala kaming pumasok medyo malamok na dito," mabilis silang tumayo at sinundan ako.

"Teka 'yung mga gamit?" Tanong ko sa kanila.

"Uutusan na lang namin sila ate Sol na magligpit n'yan," sabi ni Sir Daryl at sumunod sa likod ko, sunod-sunod silang magkakapatid na pumila sa likod ko at ako tuloy ang nagmukhang leader nila.

Pag sa ganitong sitwasyon talaga matatakutin ang tatlong ito, saan ka pa eh bampira sila?

Ihiniga ko sa kama si Sir Darenn at kinumutan siya, muli na namang bumuhos ang malakas na ulan, buti na kapasok na agad kami kundi maabutan kami ng ulan sa labas.

Tinignan ko 'yung bag na bigay sakaniya ni ate Mila, may lamang candy iyon pero wala nang iba.

Gusto ko sanang tanungin si ate Mila pero umalis na siya para umuwi sa kanila tuwing sunday. Maaga siyang bumabyahe para makarating sa kanila.

Hindi tuloy mawala sa isip ko yung kababalaghan na nangyari ngayon, umiling na lang ako at pumasok nasa kwarto ko.

Nagbihis na din ako ng pantulog at humilata. Pero hindi ako makatulog kaya bumangon ako at nagbasa-basa ng libro.

Nakalimutan ko 'yung pinapadala samin nung professor namin, kung may cellphone lang sana ako para maitext si Red eh.

Kung maki-text kaya ako sa kambal? Kaso baka mamaya pagtripan pa nila 'yung number ni Red ako pa na lintikan sa best friend ko.

Kinakabahan din ako pagnalaman ni Red ang lahat, ano kayang gagawin niya? Matatanggap niya rin kaya agad? Kung maari lang wag niya munang malaman eh para matapos niya ng maayos ang pag-aaral niya at sure ako ilalayo niya ko sa magkakapatid eh, napamahal na rin ako sa kanila.

Ngayon June 30 four years old na si Sir Darenn, tapos sa July 7 ako naman ang magtu-twenty, hindi ko sinabi sa kanila 'yung birthday ko para sana macelebrate namin ni Red kasi laging ganoon kami magbest friend, ayaw niya ng may kasama kaming iba pagbirthday ko. Goodluck na lang samin lalo na ngayon na andito ang kambal.

Tapos sunod naman 'yung kambal twenty na rin sila, buti pa sila malapit na grumadute samantalang ako nag-uumpisa pa lang hays, pero okay na rin ito kesa sa hindi na kakapag-aral hindi ba.

Parang ang bilis ng panahon, hindi ko maisip na ganito ang mangyayari sa'kin sa mansyon na ito. Medyo maluwag na ang turing nila sa'kin dito at hindi ko na naiisip na kulungan ko ito. Oo alaga pa rin nila ako pero 'yung alagang inaalagaan na talaga.

Ang sarap isipin na parang parte na rin ako ng pamilya nilang apat, isama mo pa 'yung mga bagong maids na nakakausap ko na at mababait sa'kin.

Perfect na ang lahat, 'yung kay Red na lang ang iniintindi ko eh natatakot ako na pagnalaman niya may gawin siyang hindi ikabubuti ng magkakapatid pagnang-yari iyon masisira ang plano kong ayusin ang mansion na ito.

Napapikit na ko at nagbuntong hininga, ang dami kong iniisip at pinoproblema tapos sa susunod na taon si Sir Darenn naman ang papasok sa school.

Pag iniisip ko iyon para akong nanay niya na natatakot kung pano niya haharapin ang buhay, mga panibagong tao o kaya kauri niya. Pano pag na hatak siya sa maling dereksyon?!

Ay maloloka ako hindi pwedeng maging bully ang alaga ko eh mahal na mahal ko iyon at ayokong mawala sa mukha niya ang bakas ng pagiging mabait at inosente.

Dati na siyang makulit at matigas ang ulo pero salamat na rin at nagbago na siya ngayon.

Napapangiti na lang ako pagnaiisip ko 'yung unang pasok ko sa mansion na ito eh, halos para akong nasa impyerno dahil sa pagpapahirap nila pero actually na hihirapan pa rin naman ako dahil sa kambal pero na sanay na rin ako kaya okay na.

Sana tuloy-tuloy na ito, sana wala ng problema pa para naman pag oras na at iiwan ko na sila.

Maayos na nilang mahaharap ang iba, hindi na sila katulad ng dati na walang iniisip kundi ang uhaw nila sa dugo at ang galit nila sa magulang nila.

Hahaha, para akong nanay nila.
Feel na feel ko naman ang role ko kaya masaya na talaga ako.

Bukas sunday, pahinga na.

TO BE CONTINUED

NEW STORY PROMOTION:

K I S S T H E W I N D

Story Description:

Nagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya.

Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang alaala kaya naman hinayaan siya ng kaniyang pamilya na tumira sa isang bahay kung saan siya makakapag-isip mag-isa.

Pero hindi niya alam na hindi lang pala memorya niya ang kaniyang mahahanap sa pagtira sa bahay na 'yun, kung hindi si Kristal- isang multo.

Multong hindi makatawid sa kabilang buhay dahil wala rin siyang maalala sa buhay na mayroon siya noon.

Anong kaguluhan kaya ang mangyayari sa dalawa kung titira sila sa iisang bahay?

Mahahanap ba ni Darrel ang memoryang nawala sa kaniya?

Makakatawid ba sa kabilang-buhay si Kristal sa pagdating ni Darrel sa buhay niya?

O may iba pa silang bagay na mahahanap sa tulong ng isa't isa?

Dalawang pusong naligaw ngunit nahanap ang isa't isa.

Kiss the Wind.


Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

4.5K 1.3K 18
【 TAGALOG w/ ENGLISH STORY 】 Azami Silas is a senior high student that nearly became a victim when she and her friends went out during the Halloween...
13.5K 448 24
❝I'm back bitches and I'll hunt you down❞ She is the Royalty's Duchess and she's back from the dead. Royalty Series 1: Duchess Started: February 1, 2...
14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
1.8M 42.5K 58
Eve Henderson-a troublemaker, a tricky devil, a short-hot-tempered girl, a bitch with a heart, a bullyhater, a notorious hacker, a Mafia Heiress, a r...