The CEO's Heart (COMPLETED)

By EyeShield03

1.2M 27.8K 790

Haciendero Series V The Zein Aguire and RC Joaquin Story More

Prolonge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Epilogue- 1
Epilogue- 2
Special Chapter

Chapter 20

35.6K 836 26
By EyeShield03

A/N: nag'back read ako sa previous chap, ang dami ko palang wrong grammar.. hahaha.. pero kasi tinatamad na akong mag'edit eh kaya pasensyahan nyu nlng.. wag nyu na pansinin kung pwd.. ;) I'm not perfect.. ;)





Zein's POV





Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kami pinagsasama ni Mama ngayon.. Dalawang araw na ang dumaan mula noong hinalikan ko siya sa pool.. I don't know what got into me, pero nang makita ko siyang naglalakad patungo sa pool area at hinubad ang roba na suot ay hindi na ako mapakali.. Nasa beranda kasi ako nang gabing yun at umiinom ng beer para pampatulog sana..






I should ignore her and go to bed.. Pero hindi naman ako makatulog lalo pa at rinig na rinig ko ang ingay ng tubig dahil sa kanyang paglangoy.. That's why it happens, and to my surprise, tinugon niya ang halik ko.. It brings so much emotions in me the moment that my lips touches hers.. Para akong isang time bomb na biglang sumabog dahil punong puno na ako sa sobrang kasabikan sa kanya.. But at the same time I'm still hurting.. Hurting because I know hindi kami para sa isa't isa.. At hindi ko makakalimutan ang ginawa niya six years ago.. She choose money over me.. And that's the reason why I still hate her.. I hate her..






Nalaman kong bukas pa pala ang meeting na gagawin dapat ni Mama dito.. Napatawag ako rito para sabihin iyon pero binigyan niya lang ako nang kung ano anong rason.. Kung hindi ko lang sana alam na hindi gusto ni Mama para sa akin noon pa man si RC, iisipin ko talagang sinasadya nitong magsama kami rito.. But I know my mother still hate her.. I think.. Kaya wala akong nagawa kundi ang manatili nalang sa villa..






Kumuha ako nang tubig sa kusina, wala naman kasi kaming katulong rito sa villa.. Tanging caretaker lang ang siyang namamahala dito.. Babalik na sana ako sa office nang mapansing nakatayo si RC sa veranda.. Nakatayo lang siya at tinatanaw ang buong lugar.. Nakalugay na naman ang buhok niya and this time naka simpleng white shirt at faded jeans lang siya.. Just like the woman I fell in love with, before.. Ipinilig ko nalang ang ulo.. Hindi ko na dapat iniisip ang ganun.. Lumapit nalang ako sa kinaroroonan niya at humawak din sa railings ng veranda.. Alam kong nagulat siya pero wala naman akong narinig galing sa kanya.. Napansin ko pa ang nakasukbit na dalawang baril sa magkabilang gilid niya..





" This villa is safe dahil wala namang makakapunta dito unless they will use chopper or yatch.. So you don't have to bring your gun always.. " sabi ko habang nakatingin lang sa malawak na tanawin.. Alam kong nakakunot noo siyang nakatingin sa akin.. Kitang kita ko sa gilid ng mata ko..





" That's a protocol Sir, hindi naman kasi ako nagbabakasyon lang dito.. Nagtatrabaho ako.. At kahit pa safe itong lugar hindi parin tayo nakakasiguro.. Anything can happen.. " sagot naman niya.. Napailing nalang ako.. She's still annoying.. Tiningnan ko siya at siya namang umiwas ng tingin sa akin.. Hanggang ngayon may mga what if's parin akong naiisip.. What if we fought for my love for her? What if she didn't go away?






" How are you, RC? " bigla siyang napatingin sa akin na parang hindi siya makapaniwala sa naging tanong ko or should I say hindi niya inaasahan ang tanong ko.. Kahit ako hindi ko rin inaasahan na tatanongin ko siya ng ganito.. Matagal bago siya nakasagot.. Agad pa siyang nag'iwas ng tingin sa akin.. Gustong gusto kong tanungin sa kanya kung bakit niya ako nagawang ipagpalit sa pera.. But maybe this is not the right time to ask..






" Okay naman.. Wala namang nangyaring kakaiba sa loob ng anim na taon.. " sagot niya pero hindi naman makatingin sa akin.. Nandyan na naman ang seryuso niyang mukha.. Hindi ko mabasa kung ano man ang nararamdaman niya dahil hindi naman niya ako tinitingnan ng diretso sa mata..







" You look fine.. " sabi ko pa.. Nakita ko ang bahagya niyang pagngiti sabay tingin sa akin..







" Dapat lang naman siguro.. At kailangan kong maging maayos dahil may mga tao pang nakadepende sa akin.. " hindi ko maintindihan kung bakit may nararamdaman akong pait sa bawat salita niya.. Pero naroon na naman ang sakit na nararamdaman ko dahil mabuti pa siya maayos na.. Samantalang ako nandito parin, nakakulong sa nakaraan.. Nagpatango tango ako..







" Good for you.. At least may maganda rin palang kinahinatnan ang nangyari noon.. Sana lang talaga hindi ka nalang bumalik pa.. " hindi ko na siya hinintay pang makasagot pa dahil umalis na ako roon at bumalik na sa kwarto ko.. Sana lang talaga matapos na ang meeting bukas ng maayos para makauwi na kami sa manila.. And I won't be near her again, ever..







RC's POV







Napaka'vipolar talaga ng lalakeng yun.. Akala ko naghimala na ang langit dahil nakipag'usap na siya sa akin ng mahinahon.. Pero bigla bigla na naman siyang naging seryuso at pinagsalitaan na naman ako ng kung ano ano.. Bigla ba naman akong tinalikuran.. Ang tindi talaga niya.. Kinuha ko nalang ang phone ko sa bulsa at dinial ang numero ni Zayn.. Miss na miss ko na talaga ang anak ko..








" My! " isang ring pa lang pero sumagot na agad ito.. Napangiti ako..








" Hi baby.. Kumusta kana? " agad nagtubig ang mga mata ko.. I really miss him.. Kapag kasi galing akong trabaho at pagod na pagod akong uuwi, isang halik lang nito sa akin napapawi na ang pagod ko.. He's really a blessing to me.. Siguro kung hindi ito dumating sa buhay ko nang maghiwalay kami ni Zein baka nabaliw na ako.. Ito lang ang nagiging lakas ko araw araw..








" I'm so good My, kailan ka po uuwi? " sagot naman nito na ikinangiti ko.. Actually my son raise as independent.. Pwede ko itong iwan sa bahay ng ito lang mag'isa kapag may bibilhin ako sa grocery.. Lumaki itong alam na ang ibig sabihin ng responsibilidad.. Kaya mas nagiging proud ako dahil doon..











" Soon baby.. Ginagawa ko lahat para madaling matapos ang work ko dito para makauwi na ako dyan.. Because I really miss you.. " sagot ko naman sa tanong nito.. Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng luha sa mata ko.. Ngayon ko lang din kasi napagtanto na hindi pa pala talaga ako naka'move on sa ama nito.. Aaminin kong mahal ko parin siya.. Pero hindi na pwede.. Hindi na talaga..








" Okay, I love you mommy.. Bye.. " napakagat labi ako para pigilan ang hikbing umalpas sa bibig ko.. Ayoko namang mag'alala ito..







" Okay baby.. I love you too.. " ibinaba ko na ang phone pagkatapos kung taposin ang tawag.. Pero napapitlag nalang ako bigla nang may marinig na pagkalabog sa loob ng bahay.. Agad akong pumasok.. At nakita ko ang isang vase na nasa sahig na at basag.. Nagpalingon lingon ako.. Pero wala namang kakaiba.. Nagkibit balikat nalang ako.. Baka may nakapasok na pusa..








Wala kaming imikan habang naghahaponan.. Ang awkward pa dahil tanging kami lang dalawa ni Zein ang kumakain ang mahabang mesa.. Mamaya na raw kasi kakain si Kuya Mac.. Gusto ko nga rin sanang mamaya nalang din kumain pero nakakahiya naman sa kanya.. Pilit kong nilalagay ang atensyon ko sa pagkain pero hindi ko naman mapigilang pasimplehan siyang tingnan.. Para pang slow motion na nginunguya niya ang kinakain..









Bakit ba ang gwapo gwapo ng lalakeng 'to? Ni wala man lang akong makitang pwedeng ipintas sa mukha niya.. Sa ugali meron, pero sa mukha, wala talaga.. Para bang nang magsabog ng kagwapohan ang Diyos ay sinalo niya lahat.. Bahagya pa akong napanganga ng binasa ng dila niya ang labi niya! Shocks, nauuhaw tuloy ako..









" Anong nangyayari sa'yo? " agad kong itinikom ang bibig ko nang makitang nakatitig na siya sa akin.. Gustong gusto kong suntokin ang sarili ko dahil hinayaan kong mahuli niya ako sa pagtitig sa kanya.. Nag'isip tuloy ako bigla ng idadahilan sa kanya..








" A-ahm may itatanong lang sana ako sa'yo.. " sabi ko bigla.. Kumunot ang noo niya.. Isip agad RC!








" I thought you're drooling again while staring at me.. " sabi niya na may kalakip pang nakakalokong ngiti.. Bigla tuloy nag'init ang pisngi ko.. Ang kapal naman niya nho para paglawayan ko.. Eh ano nga ba RC? I mentally rolled my eyes sa naisip ko.. Hindi na ako teenager para maramdaman ito.. Ghad! " You have question, right? " sabi pa niya.. Humugot muna ako nang hangin bago sumagot..








" Pagkatapos ba nang meeting mo bukas uuwi naba tayo? " what a lame question RC! Nakita kong dumilim ang mukha niya habang nakatingin sa akin.. Nakita ko pang ibinaba niya pa ang mga kubyertos sa ibabaw ng plato niya.. Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa klase ng tingin niya ngayon sa akin.. Napatiim bagang pa siya..








" Ganun kana ba talaga ka'atat para matapos ang trabaho mo, ha RC? For what? For you to go back where you from para makasama mo na yung Baby mo? " napakunot noo ako dahil sa mapanuya niyang sabi sa akin at sa pagdiin pa niya sa salitang baby.. At doon ko narealize ang kanyang sinabi.. Did he hear me earlier?








" H-hindi naman ganun ang ibig kong sabihin- "








" Sorry but that's what I see it.. Alam mo pwede mo namang iwan ang trabahong ito eh.. You can go back to where you came from and leave us here.. Doon ka naman magaling diba, ang iwan nalang basta lahat dahil isa kang makasarili.. " napaawang ang labi ko dahil sa mga sinabi niya.. Hindi ko inasahan iyon kaya hindi ako nakapagsalita.. Saan niya naman kinuha ang hugot niyang yun? At ako, makasarili? Saan at kaila? Bigla nalang siyang tumayo kaya napatingin ulit ako sa kanya.. Muli niya akong tinitigan ng masama.. " You can resign on this job if you don't want it.. Ako nang bahala kay Mama.. Pwede ka nang makauwi at pwede mo na akong iwan dito.. Sanay na ako.. " dagdag pa niyang sabi sabay ang pag'iwan niya sa akin doon.. Bakit pakiramdam ko may pinaghuhugotan siya sa mga nakalipas na panahon? Bakit nararamdaman ko ang sakit ng bawat salitang binitawan niya? Naitakip ko nalang ang dalawang palad ko sa mukha ko.. Mas lalo lang yata akong nagugulohan sa lahat ng mga sinabi niya.. Para kasing may mali.. Parang may nag'uudyok sa akin na alamin kung ano man iyon..









-----------------------------------------------------
Ang gulo nila.. hahahah.. sorry bitin na naman ba? Ganun talaga eh.. may anak kasi akong sobrang kulit at hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko.. Maraming salamat po ulit.. Mahal ko kau.. ;)

Continue Reading

You'll Also Like

28K 856 43
Si Cassandra Castiglione, half filipino-half Italian. Lumaki sa Italy at bunso sa tatlong anak ng mag asawang Daniel at Veronica Castiglione. Madalas...
627K 6.8K 57
The title says it all! This story is not suitable for all ages. there are scenes or chapters that may contain words or actions na hindi dapat sa mg...
114K 6.5K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
91.7K 1.2K 59
"Kung alam ko lang na paglalaruan mo ko. Eh di sana nakipaglaro na lang din ako sayo! " Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig. Kaya mo bang paglarua...