Chapter 25

36.3K 843 22
                                    




Zein's POV






Hindi ko alam kung papano ko nalampasan ang dagok na dumating sa buhay ko.. Hindi ko alam kung papano ko natanggap ang lahat.. Siguro naisip ko nalang na God Will ang lahat nang nangyari kaya unti unti ko ring natanggap ang lahat..



Dalawang taon na naman ang lumipas mula nang nangyari ang araw na nabaril si RC.. Five gun shot pala ang natamo niya nang araw na yun.. At ang mas malalang natamo niya ay ang tama niya sa dibdib malapit sa puso.. Wala akong ibang sinisi kundi ang sarili ko dahil kung sana nasa tabi niya ako nang araw na yun baka sinalo ko lahat ng bala.. Di bale ng ako ang masaktan wag lang siya..






Mga ilang araw lang noon ay nakilala ko na ang anak ko.. Si Zayn.. He really looks like me.. Noong una hiyang hiya pa itong lumapit sa akin pero kalaunan ay naging madaldal narin ito.. Nakita ko pa ang pag'iyak ni Mama nang makita ito saka nito niyakap ang apo.. Hindi ko rin naman mapigilang pangilidan ng luha.. Maybe may maganda ding sinapit ang nangyari sa amin ni RC noon.. Dahil ngayon naiintindihan ko na si Mama.. Napatawad ko narin ito dahil alam kong ginawa lang nito ang nangyari noon para sa akin.. Ito rin naman ang gusto ni RC, ang magkaayos kaming mag'ina..




" Nag'iisip kana naman.. " napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Mama na nakangiting nakatingin sa akin.. I smiled back.. Lumapit ako rito at hinalikan ito sa pisngi.. I must say na mas naging close pa kami ngayon ni Mama lalo na sa pagpapalaki kay Zayn.. " Iniisip mo na naman ba si RC? " muli pang tanong nito na siyang nagpabigat muli sa nararamdaman ko.. Muli akong napatingin sa malawak na syudad na kitang kita lang naman mula sa opisina ko..





" I can't help it Ma.. I missed her.. " sagot ko.. Muli ko na namang naramdaman ang kirot sa puso ko.. Humugot nalang ako nang malalim na hangin saka ibinulsa ang mga kamay ko.. Naramdaman ko ang paghawak ni Mama sa balikat ko..





" Si RC ang pumili nito, we should respect her decisions son.. " narinig kong sabi nito na siyang nagpatango sa akin.. " Zayn misses her too.. Pero alam mong ikaw ang lakas ni Zayn ngayon lalo pa at nasanay siyang nandyan palagi si RC sa tabi niya.. Mas kailangan ka niya ngayon anak.. At kailangan ka rin ni Amara.. " dagdag pa nito.. Muli akong tumango saka ito nginitian.. Tinapik lang ako nito sa balikat at lumabas na ito sa opisina ko.. Muli akong napabuntong hininga.. Tama si Mama, desisyon ito lahat ni RC at dapat ko iyong irespeto.. Lalo pa at sa akin niya inihabilin si Zayn.. At si Amara, syempre nasa akin ang costudy ng bata lalo pa at ako ang kinilala nitong ama.. Kahit pa napatunayang hindi talaga ito akin pero wala namang kinalaman ang bata sa kasalanan ng nanay nito..





Kinahaponan ay umuwi na ako nang bahay.. I miss my kids.. Pero dumaan muna ako sa paborito nilang fastfood chain para bumili ng paborito nilang pagkain.. Iyon pa naman agad ang hahanapin ni Amara kada uwi ko sa bahay.. Amara is now 3 years old at sobrang bibo na.. Si Zayn naman ay magna' 9 years old na.. Sobrang bless lang ako dahil nakikita kong alagang alaga ni Zayn ang kapatid niya.. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay isang cute na cute ang agad na sumalubong sa akin.. Kasunod nito ang Kuya Zayn nito na nakasuot na naman ng salamin niya..






" Dad! " sigaw agad ni Amara at ng tuluyan na itong nakalapit sa akin ay agad itong nagpakarga.. Ang bigat na ni Amara.. Humalik ito agad sa pisngi ko pati narin si Zayn..






" Kumusta kayo rito? Hindi ka ba sakit sa ulo sa Kuya mo baby girl? " tanong ko kay Amara..





" Hindi po Dad, naglaro lang naman kami ni Kuya sa park kanina.. " sagot naman nito na siyang ikinangiti ko.. Bumaling naman ang tingin ko kay Zayn.. Habang lumalaki ito ay kitang kita na ang pagkakahawig sa akin.. Minsan pa nga eh nakikita ko itong sobrang seryuso na sabi pa ni RC ay kuhang kuha raw sa ugali ko..






" How about you Zayn, how's your school? " tanong ko naman rito.. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kusina para ipahanda sa mga katulong ang dala ko..






" Nothing's special Dad.. Nag quiz lang naman kami.. " sagot naman nito.. Pinaupo ko na sila sa dining table saka ko iniutos sa isang katulong na ihanda na ang pagkaing dala ko.. Nang kumakain na sila ay nagpunta na ako sa kwarto para makapagbihis.. Balak ko kasing ipasyal sa park ang mga bata ngayon..






As much as possible naglalaan ako nang oras sa kanila dahil alam kong doon lang naman ako nakakabawi.. Lalo pa at halos ako na talaga ang namamahala sa lahat ng negosyo dahil matanda narin naman si Mama.. Balak nga sana nitong mag travel around the world na sinang'ayonan ko naman.. She deserve that.. Gusto nga rin sana nitong isama kami ng mga bata pero naisip kong saka nalang kapag kompleto na kami..






Naligo lang naman ako saglit at nagsuot ng maluwang na shirt at board short.. Habang nagpapatuyo ako nang buhok gamit ang tuwalya ay hindi ko napigilang titigan ang malaking picture frame na nakasabit sa ibabaw ng dingding ng kwarto ko.. It was RC.. Nakatalikod siya pero nakalingon naman siya sa likod habang nakangiti sa camera.. She is so beautiful.. Wala na akong mamahalin pa na ibang babae bukod sa kanya.. She is my life.. Ang nakakalungkot lang ay wala siya sa tabi ko.. Bago pa ako maiyak ay nagdesisyon na akong bumaba.. Malamang tapos nang kumain ang mga bata..






Pareho kaming nagba'bike ni Zayn samantalang si Amara naman ay nakaangkas sa harap ng bike ko.. Papunta kami ngayon sa malaking park sa subdibisyon.. Nakabili kasi ako nang bahay dito dahil narin para malapit lang sa opisina.. Masyado na kasing malayo kung doon pa kami uuwi sa malaking bahay..





Agad na naglaro si Amara kasama ang yaya nito habang kami naman ni Zayn ay parehong nakaupo sa bench na nasa park.. Umiinom ito nang baon naming tubig.. Nangingiti lang ako habang nakatingin sa dalawang taong napaka special sa buhay ko ngayon..





" Ahm Dad nakalimutan ko palang sabihin kanina, tumawag po si Mommy.. Sabi niya tumawag ka raw sa kanya kapag nakauwi kana.. " napangiti ako sabay tango rito.. Hindi na ako nag'aksaya pa nang oras at agad na de'nial ang numero ng babaeng sobrang miss na miss ko na talaga.. Finally..








" Ghad Zein bakit ngayon ka lang tumawag? Ano tong nabalitaan ko na nagpapa'cute ang sekretarya mo sayo? Naku Zein ha, sinasabi ko sa'yo makakauwi ako nang wala sa oras dyan sa pilipinas.. " hindi ko maiwasang mapangiti habang nakikinig sa kanya.. Kung ibang lalake siguro ay maiirita na sa kanya dahil sa sobrang daldal niya.. Pero ako, araw araw kong pinapanalangin na marinig muli ang boses niya kahit pa puro pangangaral lang ang naririnig ko sa kanya.. I will trade the world just to hear her voice.. " Oh hindi kana nakaimik dyan.. " I just chuckled..






" I missed you so much my love.. Come home now, please.. "









--------------------------------------------------------
A very short UD.. gusto ko lang itawid 'to..

Nakakatuwa po talaga ang sari saring reaksyon sa last chapter.. Salamat po sa lahat ng sumubaybay.. Mga 2 chaps nalang siguro ito at makakatapos na naman ako ng isang story.. Babawi po ako sa next chapter.. Ngarag lang ang lola nyu ngayon.. hehe.. gee bye!!.. Love u all!!.. ;)

The CEO's Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon