Epilogue- 2

38.2K 829 51
                                    

A/N: mukhang na' misinterpret po yata ng lahat yung sinabi kong part two.. sorry po.. ✌
What I mean po is ang epilogue po ang may part two.. hehe.. honestly pinag'iisipan ko pa kung gagawan ko ba ng 2nd gen ang haciendero series.. depende nlng po yun sa mga demands.. 😊

Epilogue 2


Zein's POV





May ganun pala talaga no, hindi pala imposibleng maramdaman ang nag'uumapaw na pagmamahal.. Pagmamahal na para sa iisang babae lang.. Para sa asawa ko lang.. Dalawang buwan ko ring pinlano ang wedding surprise ko para kay RC.. She deserve it.. Ingat na ingat pa ako sa pasimple kong mga tanong sa kanya kung ano ang mga gusto niyang mangyari kapag ikinasal kami ulit.. Nagpapasalamat nalang talaga ako nang hindi man lang siya nakahalata.. Kinuntyaba ko rin ang kapatid niya, si Mama, si Kuya Mac, at ang mga bata.. They're really supportive.. Ramdam ko ang suporta nila sa akin.. Kahit ang damit na isinuot ni RC ay si Amara ang pumili.. Sabi pa nito sigurado raw na magugustohan iyon ng Mommy niya.. And indeed, nagustohan nga ni RC.. Hindi naman iyon sobrang gara na katulad ng isang wedding gown.. Pero nang makita ko na siyang suot iyon ay hindi ko na napigilang mas lalo pang humanga.. Ang ganda niya talaga..






Habang nakatingin ako sa malawak na siyudad mula sa balkonahe dito sa honeymoon suite namin ni RC ay muli kong binalikan ang lahat ng nangyari sa buhay ko.. The first time I saw RC in front of our door.. Ang siyang unang araw din nang pagtatalo namin.. I never thought that the same woman I hate that day is the same woman I love now.. I am in love with her.. So much in love na para bang mawala lang siya sa paningin ko ay ikamamatay ko na.. Yeah it sounds cheesy, but what can I do? Mas mahal ko pa yata siya kisa sa mahal niya ako.. Natigil ako sa pag'iisip nang may naramdaman akong mga bisig na pumulupot sa baywang ko mula sa likod.. Hindi ko na kailangang lingunin kung sino ang yumakap sa akin.. Amoy pa lang niya kilalang kilala ko na.. Napangiti nalang ako.. I'm half naked kaya ramdam ko rin ang balat niya sa likod ko.. Bra at panty niya lang yata ang suot niya..







" Hey, it's cold here.. Baka magkasakit ka.. " sabi ko sa kanya na bahagya lang siyang nilingon.. Nanatili parin siyang nakayakap sa likuran ko.. I remember, minsan niyang sinabi sa akin na gustong gusto niyang sumandal sa likod ko.. Minsan pa nga kapag natutulog na kami pinapadapa niya ako sa kama at sumasampa siya sa likod ko at doon hihiga.. Hindi naman siya mabigat kaya hinahayaan ko nalang.. Maramdaman ko nalang na nakatulog na pala siya..






" It's okay.. Mainit naman ang katawan mo eh.. " sabi pa niya na mas lalong nagpangiti sa akin.. Mas lalo pa niyang ibinaon ang mukha sa likod ko..







Minsan nakokontento nalang kaming ganun.. Hindi man kami nag'uusap pero sapat na yung magkasama kami.. Diretso agad kami rito sa penthouse pagkatapos ng kasal namin kanina.. Ang mga bata naman ay iniwan ko muna kay Mama.. Bumuntong hininga ako, I am also glad that we're okay now.. Tulad nga ng sabi ni RC mahal lang ako ni Mama kaya niya nagawa ang lahat nang nangyari noon.. May pagkakataong manghihinayang sa mga taong nasayang, pero satuwing nakikita ko si RC at ang mga bata doon ko na marerealize na hindi na importante ang nakaraan.. Ang importante ang ngayon..






" What was that for? " narinig kong tanong ni RC.. Humarap ako sa kanya at kunot noo siyang tinitigan na para bang nagtatanong kung ano ang ibig niyang sabihin.. " Yung buntong hininga mo.. Para saan yun.. " dagdag niya pa.. Ngumiti ako at hinawi ang hibla ng buhok na tumabing sa mukha niya nang umihip ang hangin..







" Wala lang naman.. Naisip ko lang na how lucky I am to have you and the kids in my life.. Thank you so much RC.. " sagot ko.. Pumulupot ang mga braso niya sa leeg ko.. Hinawakan ko naman siya sa kanyang baywang.. Tinitigan niya ako sa mga mata..







" Dapat lage mo ring isipin na maswerte din kami dahil minahal mo kami ng walang kondisyon.. We're both not perfect mahal ko, pero ang pagiging hindi namin perpekto ang nagpapatibay sa pagsasama natin.. That's why we're both lucky.. We deserve all of this.. Hindi naman natatapos ang mga problema eh, alam ko may mas malalaki pang problema at pagsubok ang darating, pero alam ko, alam nating dalawa na kakayanin natin ang lahat basta magkasama lang tayo.. Wag lang nating kakalimutan na mas mananaig parin ang pagmamahal natin sa isa't isa.. "






Hindi ko mapigilang pumatak ang mga luha sa mga mata ko.. Yes, hindi ko ikakahiya ang pag'iyak ko dahil hindi naman ako naiiyak dahil lang sa nasasaktan ako.. Naiiyak ako dahil sa masaya ako.. Sobrang saya.. Naramdaman ko ang pagpunas niya sa mga luha ko kasabay naman ang pagdampi ng labi niya sa labi ko na agad ko namang tinugon.. Kinarga ko siya at pumulupot naman ang mga binti niya sa baywang ko.. I can't get enough of her.. At siya lang ang makaka' satisfy ng pangangailangan ko dahil siya lang naman ang gusto kong mag' satisfy sa akin.. No one else..





RC's POV



3 months later......




" Zein!!! " sigaw ko.. Nasa loob ako nang banyo.. Tatlong subok na namin ito para magka' baby ulit.. Hawak hawak ko ang pregnancy test at ika'tlong subok ko rin ngayon para makasigurado.. Agad bumukas ang banyo at kitang kita sa mukha niya ang pag'aalala habang nakatingin sa akin.. Pero unti unti ring napanganga nang pinasadahan ng tingin ang kabuoan ko.. Tanging bra lang kasi ang suot ko at wala akong underware dahil nga nasa kalagitnaan ako nang pagti'test.. " Zein naman! " muli kong sigaw kaya bumalik ang tingin niya sa mukha ko..







" What? What do you expect my love? Bigla bigla ka nalang sisigaw tapos mapapasokan kita nang ganyan lang ang suot? " pagdadahilan pa niya.. Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ito malamang tawa na ako ng tawa.. Pero iba ito eh, may sasabihin akong importante tapos kung saan saan siya nakatingin.. Lumapit siya sa akin..







" I want you to see this.. " sabi ko sabay abot sa kanya ng PT kit.. Kunot na kunot pa siyang inabot iyon.. " Kapag isa negative, pero kapag dalawa positive.. " sabi ko habang nakatitig siya doon sa aparato.. Nakita ko ang unti unting pamimilog nang mga mata niya nang mag sink in na kung ano ang ibig sabihin nang sinabi ko.. Nagpapalit palit pa siya nang tingin sa akin at sa PT kit.. Parang gusto kong maiyak sa reaksyon niya.. Napatakip pa ako sa bibig ko.. Matagal na namin itong hinihintay..







" Positive.. " tanging salitang nabanggit niya.. Pareho pa kaming naiyak.. This is it.. Bigla niya akong niyakap at kinarga.. Tawa lang ako nang tawa habang umiiyak.. Inikot ikot niya pa ako doon sa loob ng banyo.. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan niya.. Dahan dahan niya akong ibinaba sabay ang paghalik niya sa labi ko.. Kumalas naman siya at lumuhod sa harap ko.. Idinikit niya ang tainga sa flat ko pa namang tiyan..







" Hi baby, I'm your Daddy.. I can't wait to see you.. I love you so much.. " sabi niya habang lumuluha.. Naluluha din ako habang may ngiti sa labi.. Pagkatapos niyang halikan ang tiyan ko ay tumayo siya at muli akong niyakap.. " Thank you so so much my love.. I love you.. " sabi pa niya..







" I love you more my love.. " sagot ko naman..







Kompleto na talaga ang pamilya namin.. I couldn't ask for more dahil sobra sobra na ang ibinibigay ni Zein sa akin.. The kids and him is my life already.. And now na madadagdagan na naman kami ang siyang nagpapakompleto na nang lahat.. My CEO now has a heart.. My CEO now is complete.. And My CEO's Heart is mine.. Mine only..





-------------------------------------------------------
Yeeeyy!!!.. done na talaga siya.. sobrang salamat po sa lahat ng mga nagtitiis na maghintay ng update.. sa mga umiintindi sa akin kapag hindi ako nakakapag'update, at sa lahat ng sumusuporta sa My CEO's Heart.. kayo po talaga ang inspirasyon ko.. 😘😘😘😘😘

Next: Rein's Story.. Escape..

PS: special chapter will posted depends on your demands.. 😊😊😊😊😊

Maraming maraming salamat po!!.. 😉😉😉😉

The CEO's Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon