Chapter 11

35.6K 819 9
                                    


A/N: salamat po sa mga ngcomment ;).. hindi nyu lang po alam kung gaano nyu ako pinapasaya.. At dahil dyan, may update!!. Hahaha.. Love u all my readers!!..




RC's POV






Umuwi kami kinahaponan sa mansyon.. Kahit kasi anong pilit ko sa kanyang pumasok sa trabaho hindi na niya ginawa.. Tumawag na nga si Madam kanina at masasabi kong ang galing niyang magdahilan dahil napapayag niya naman ang Mama niya.. Sabi pa kasi niya kailangan niya raw ng kunting pahinga dahil alam niyang magiging busy na siya sa mga susunod na araw as the new CEO of Aguire Empire.. Totoo rin naman.. Noong mga nakaraan pa nga lang na pinag'aaralan pa lang niya ang pagpapatakbo halos hindi na siya makapagpahinga papano pa kung ngayong siya na talaga amg mamamahala..







Agad kaming sinalubong ni Madam sa entrada pa lang ng bahay.. Humalik siya sa pisngi ng Mama niya at yumuko naman ako.. May kakaibang titig ang ginawad sa akin ni Madam.. Kinabahan man ako ay nananatili parin ang ekspresyon ng mukha ko.. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan.. Hindi ko alam kung para saan ang makahulugang titig na iyon.. Alam na kaya niya?







" By the way Zein may bisita tayo mamaya.. Gusto kong nandoon ka dahil may sasabihin akong importante.. " sabi nito na walang ka'ngiti ngiti pero hindi naman galit ang ekspresyon ng mukha.. Muli na naman niya akong tiningnan pero ibinalik niya rin ulit ang tingin sa anak..







" Okay Ma.. But let us rest first okay.. " sabi ni Zein at hinalikan ulit si Madam sa pisngi.. Tumango ito pero nasa sa akin parin ang tingin.. Halos lalabas na talaga ang puso ko sa sobrang kaba.. Hindi ko maintindihan kung para saan iyon.. " C'mon RC.. " napaigtad pa ako ng magsalita si Zein.. Nagpapalit palit pa ako ng tingin sa kanya at sa Mama niya na ngayon ay bahagya ng nakakunot ang noo.. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko..







" A-ahm pupunta lang muna ako sa kusina.. Iinom lang ako ng tubig.. M-magpahinga kana Sir.. " sabi ko habang halos hindi makatingin kay Zein.. Mamaya talaga siya sa akin.. Hindi ba niya alam na dahil sa ginagawa niya makakahalata ang Mama niya? Nakita kong kumunot ang noo niya at nang tumingin ang Mama niya sa kanya ay pinandilatan ko siya ng mata.. Sana lang makuha niya ang ibig kong sabihin.. Hindi na ako naghintay ng sasabihin niya, agad na akong nagpunta sa kusina habang nagdarasal na sana hindi makakahalata ang Mama niya.. Ayoko pa namang matapos ang nangyayari sa pagitan namin ni Zein.. Kahit alam kong iyon din naman ang patutungohan ng lahat ng ito..







Binabaybay ko na ang hallway patungo sa kwarto ko pagkatapos kong magkunwaring iinom ng tubig sa kusina.. Narinig kong umalis na si Madam dahil pupunta raw ito sa salon para magpaayos para mamaya.. Paniguradong espisyal na mga bisita ang darating dahil nakita kong abalang abala ang lahat sa paghahanda.. Baka isa sa mga investor ang pupunta kasama ang pamilya.. Ganun naman ang mga mayayaman eh..








Papalagpas na ako sa kwarto ni Zein ng bigla iyong bumukas at hinila niya ako sa loob.. Agad niya akong isinandal sa nakasarang pinto at agad niyang sinakop ang labi ko.. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat.. Nakakarami na talaga siya sa paghalik sa akin.. Hindi ko alam kung papano niya ako napatugon sa paghalik basta pagkatapos ng halik na iyon ay nanatili lang na nakapikit ang mga mata ko habang nakadikit ang mga noo namin.. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.. Ang isa niyang kamay ay nakasandal sa may pinto habang ang isa ay nasa baywang ko at humahagod.. Siya lang talaga ang nakakagawa sa akin ng ganito..








" Bakit hindi ka sumabay sa akin paakyat dito sa kwarto ko? " narinig kong tanong niya.. Idinilat ko ang mga mata ko nang bahagya siyang lumayo sa akin pero nanatili parin ang mga kamay niya kung saan iyon nakapwesto.. Ang mga kamay ko ay nakahawak din sa magkabila niyang baywang na ngayon ay wala na namang pang'itaas na saplot..








The CEO's Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon