Will you be his BABY . . .MAK...

Por Khira1112

24.5M 250K 26.7K

UNEDITED VERSION. Maraming errors. Maraming wrong grammar at maraming emoticons. Read at your own risks. Mais

PROLOGUE
WYBHBM~~ Chapter 1
WYBHBM ~~Chapter 2
WYBHBM ~~ Chapter 3
WYBHBM ~~ Chapter 4
WYBHBM ~~ Chapter 5
WYBHBM ~~ Chapter 6
WYBHBM ~~ Chapter 7
WYBHBM ~~ Chapter 8
WYBHBM ~~ Chapter 9
WYBHBM ~~ Chapter 10
WYBHBM ~~ Chapter 11
WYBHBM ~~ Chapter 12
WYBHBM ~~ Chapter 13
WYBHBM ~~ Chapter 14
WYBHBM ~~ Chapter 15 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 15 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 16
WYBHBM ~~ Chapter 17
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 4
WYBHBM ~~ Chapter 19
WYBHBM ~~ Chapter 20 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 20 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 21
WYBHBM ~~ Chapter 22
WYBHBM ~~ Chapter 23
WYBHBM ~~ Chapter 24
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 2
WYBHBM ~~Chapter 25 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 4
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 5
WYBHBM ~~ Chapter 26
WYBHBM ~~ Chapter 27
WYBHBM ~~ Chapter 28 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 28 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 28 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 29
WYBHBM ~~ Chapter 30
WYBHBM ~~ Chapter 31
WYBHBM ~~ Chapter 32
WYBHBM ~~ Chapter 33 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 33 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 33 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 34 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 34 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 35
WYBHBM ~~ Chapter 36
WYBHBM ~~ Chapter 37
WYBHBM ~~ Chapter 38
WYBHBM ~~ Chapter 39
WYBHBM ~~ Chapter 40
WYBHBM ~~ Chapter41
WYBHBM ~~ Chapter 42
WYBHBM ~~ Chapter 43
WYBHBM ~~ Chapter 44 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 44 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 45 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 45 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 45 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 46
WYBHBM ~~ Chapter 47
WYBHBM ~~ Chapter 48
WYBHBM ~~ Chapter 49
WYBHBM ~~ Chapter 50 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 50 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 50 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 51
WYBHBM ~~ Chapter 52
WYBHBM ~~ Chapter 53
WYBHBM ~~ Chapter 54
WYBHBM ~~ Chapter 55 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 55 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 55 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 56
WYBHBM ~~ Chapter 57 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 58 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 58 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 58 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 59
WYBHBM ~~ Chapter 60
WYBHBM ~~ Chapter 61
WYBHBM ~~ Chapter 62
WYBHBM ~~ Chapter 63
WYBHBM ~~ Chapter 64
WYBHBM ~~ Chapter 65
WYBHBM ~~ Chapter 66
WYBHBM ~~ Chapter 67
WYBHBM ~~ Chapter 68
WYBHBM ~~ Chapter 69
WYBHBM ~~ Chapter 70 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 70 part 2
WYBHBMM ~~ The Last Chapter
WYBHBM ~~ EPILOGUE
"Will You Be His Baby. . .Maker?!" is published under Life Is Beautiful (LIB)

WYBHBMM ~~ Chapter 57 part 2

173K 2K 272
Por Khira1112




HEIRA POV


Shock.


Nayanig ang buong pagkatao ko ng sabihin ni Aling Lei ang sekretong matagal na itinago ni Papa saken. Hindi na naman ako makahinga. Sobrang dalas ko na ngang maramdaman ang paninikip ng dibdib ko nitong mga nakaraang araw. Kung nakakaapekto man ang dulot na sakit ng mga nangyayari saken, hindi ako magtataka kung magkakaroon ako ng sakit sa puso balang-araw.


Hindi ako makapag-salita. Ni isang bigkas ay di ko magawa. Wala na bang katapusan ang mga pasakit?


Sana panaginip lang. Sana lahat ng ito ay isang mahaba at masamang panaginip.


"Heira,hija. . ."


Napatingin muli ako kay Aling Lei. Hindi ko alam kung ano bang dapat na maging reaksyon ko.


"Hwag ka muna sanang magtanim ng galit sa ama mo. Hayaan mong ikwento ko muna sayo ang buong pangyayari."


"Aling Lei. . .natatakot po ako." wala pang isang oras pagtapos kong umiyak sa labas ng bahay ni Aling Lei, eto na naman ako at umiiyak sa harap mismo ng matanda.


"Naiintindihan ko,hija. Ang takot ay normal sa ganitong sitwasyon. Kung nalaman mo kaagad ang tungkol sa sekretong ito ay baka iwan mong mag-isa ang tatay mo."


Hinawakan nyang muli ang mga kamay ko.


"Anak ka daw ng mahigpit na katunggali ng kanyang amo."


"p-po?"


"Nagtrabaho ang Papa mo sa ibang bansa labing-siyam na taon na ang nakalipas. Sa hotel ay may sikat na restaurant at doon sya nagtrabaho bilang waiter. Magdadalawang-taon na sya doon ng malipat sya sa ibang hotel at napromote."


"ang linipatan nyang hotel ay katunggali ng may-ari ng dating hotel na pinapasukan nya. Hindi naman nya binibigyang timbang ang bagay na yon nung una ,ang mahalaga may trabaho sya. Pero isang araw,nahuli niyang may kausap na tao ang bagong amo niya at binabalak na kidnapin ang isa sa mga anak ng dati niyang amo."


"Hindi malaman ng Papa mo kung anong gagawin. Hindi nya balak masangkot sa gulo ng mayayamang tao pero hindi kinaya ng kanyang konsensya na pabayaan na lang na may mga inosenteng batang manganganib ang buhay gayong may alam sya at may tsansang mailigtas ang bata."


Nanlalaki ang mga mata ko habang nakikinig sa kwento ni Aling Lei. Para akong batang kinukwentuhan ng kababalaghan. Ang kaibahan nga lang, hindi kathang-isip ang ibinabahagi ni Aling Lei saken. Isang sekreto. Sekretong may kinalaman sa tunay kong pagkatao.


"nanaig ang pagiging makatao. Hindi madali para sa isang ordinaryong trabahador na tulad nya ang makiusap ng kahit sampung segundo sa dati nyang amo dahil mayayaman ang mga ito. Hindi na sya nagkaroon ng pagkakataong sabihin sa mga ito na nanganganib ang buhay ng kanilang mga anak. Wala syang ibang nagawa kundi puntahan ang napagusapang lugar kung saan ka dadalhin pagtapos kang kidnapin. Nais kang ipapatay para maghinagpis ang mga magulang mo pero bago pa yun magawa ng taong nautusan patayin ka ay dumating ang Papa mo at nakipaghamok para lang hindi matuloy ang tangkang pagpatay sa sanggol."


"sa kasamaang palad, napatay ng papa mo taong iyon."


"oh my god!" napatakip ako ng bibig. Hindi ko inaasahan. Hindi ko alam na ganto kalala ang sekretong may kinalaman sa akin.


"Hindi nya alam kung ano ang kanyang gagawin. Pagtapos ng nangyari ay dinala ka nya sa apartment na tinutuluyan nya. Ilang araw syang nag-isip. Natatakot syang masistensyahan. Mananagot sya sa batas. Hindi nya magagawang maipagtanggol ang sarili nya lalo na't nasa ibang bansa sya. Magiging kahihiyan sya sa lahat. Ang pagmamalasakit nya ay naging pabigat pa sa kanya."


"Noong una, hindi nya alam kung ibibigay ka nya sa mga magulang mo. Wala syang mabibigay na rason. Baka sya pa ang mapagbintangang kidnapper. Natatakot din syang malaman ng iba na nakapatay sya ng tao. Patuloy syang pumapasok sa trabaho para lang hindi mahalatang may kinalaman sya sa nangyari. Pero makalipas ang isang buwan, nagpasiya syang magresign at umuwi ng Pilipinas kasama ka."


"ilang taon na po ako noon? Hindi ko po natandaan kinidnap ako. Wala po akong maalala. . ."


"buwan pa lang,Heira.Anim na buwan sanggol ka palang ng mangyari iyon."


"B-bakit hindi na ako binalik ni papa sa tunay kong pamilya? Nasabi nya po ba sa inyo ang dahilan?"

"sya ang nagsilbing ina at ama sayo,Heira. Pinalaki ka nya na parang tunay nyang anak. Sa paglipas ng panahon ay napamahal sya sa sanggol na iniligtas nya. Bagama't may tusok ng konsensya ang bawat alaala ng makuha ka nya, sinabi nyang hindi sya nagsisising iniligtas ka nya. Malaking kasalanan nya sa Diyos ang pagkitil nya sa buhay ng isang tao pero hindi nya yon sinasadya. Pinagtanggol lang nya ang isang walang malay na sanggol. Mabuti syang tao,Heira. Alam kong alam mo yan."


Oo. Mabuting tao ang amang kinalakihan ko. Kahit kailan,hindi nya ako pinagbuhatan ng kamay. Hindi nya gustong maramadaman ko ang masmahirap na buhay kaya ganun na lang ang sikap nya noon sa pagtatrabaho. Pinipilit kong suklian yon sa mga simpleng bagay. Sa matataas na markang nakukuha ko, nasa isipan ko ang mukha ni papa. Ang taos pusong pasasalamat sa pagmamahal at pagaaruga nya saken. Kaya ganun na lang ang bigat ng loob ko ng maaksidente sya at nanganib ang buhay nya.Hindi ko pa noon matanggap na ang isang taong laging andyan para saken ay bigla na lang mawawala.


My father worth my sacrifices. Ang pagpayag ko na maging baby maker para lang madugtungan ang buhay nya. Utang ko sa kanya ang buhay ko. . .


He sacrifice for me. Ibinahagi nya ang buong buhay nya sa isang taong di nya kadugo at inarin tunay na anak.


Walang patid ang aking pag-iyak. Parang wala ng bukas. Gusto kong sabihin kay Papa kung gaano ako nagpapasalamat sa lahat.


"Sinekreto nya ang buong pagkatao mo para na din sa kaligtasan niyong dalawa. Sana'y wag kang magtanim ng sama ng loob sa papa mo dahil lang sa hindi nya nasabi ang totoo sayo." hinahagod-hagod ni Aling Lei ang likod ko . Hindi nya ako pinapatahan. Siguro nga'y gusto nya ding ilabas ko lahat nararamdaman ko sa pagkakataong 'to.


"May isa pang hindi nasabi sayo ang papa mo."


Napatingin akong muli sa matanda. Halos di ko na sya makita dahil sa mga luhang umaagos mula mga mata ko.


"bago pa ang aksidente, may sakit na syang iniinda. Leukemia. Nasa huling stage na ang sa kanya. Kukunin din sya agad kahit pa hindi nangyari ang aksidente."


Maslalo kong naramdaman ang bigat ng pagkagulat. Mas nadagdagan ang sakit. Bakit ang daming tinago saken ni papa?


Bago pa ako magtanong ay inunahan na ni Aling Lei ang pagpapaliwanag.


"Wala na tayong magagawa,hija. Para sa akin, ang buhay ay nakatakda na. Planado ng Diyos ang bawat detalye ng buhay natin. Hindi man pinalad ang papa mo, pinalad ka namang malaman ang katotohanan. Sandali lang at may ibibigay ako sayo."


Biglang tumayo si Aling Lei at iniwan ako sa kusina. Wala akong kaide-ideya kung ano ang ibibigay nya.


Ilang sandali lang at bumalik din sya at may dalang isang kahon.


"Binigay nya saken ito dati pa. Unang araw pagtapos nyang malaman na may malubha syang sakit." inilapag nya ang kahon sa harap ko.


"humingi sya ng pabor.Ipinaubuya nya saken ang pagpapaliwanag. Ang pagsasabi sayo ng katotohanan. Napaghandaanan nya ang lahat,Heira. Maaga lang syang kinuha ng Diyos." nagbuntong hininga ang matanda at tumitig sa akin.


"ang hindi ko lang inaasahan ay ang pagkawala mo ng ilang buwan. Hinanap ko kayong mag-ama sa mga kalapit na ospital. Nakakalungkot man ang balitang inihatid mo sakin sa muli natin pagkikita, nagagalak naman ako para sayo dahil nalaman mo ng ang totoo mong pagkatao. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon mo ukol dito pero sana'y naging malinaw ang pagpapaliwanag ko." inilapit nya sa akin ang kahon.


"Hindi ko pinakialaman ang laman ng kahon na yan bagama't nasabi sa akin ng yumao mong ama ang mga nilalaman nyan. Nasasayo na ang sagot sa mga natitirang katanungan." ngumiti si Aling Lei.


"darating ang oras na matutuyo ang luha. Pag nangyari yon, sana'y matangpuan mo ang bakas ng tunay na kasiyahan."


Malalim ang mga salita ni Aling Lei pero malinaw para sakin ang gusto nyang iparating. Parang isang palaso na tumagos mula sa puso ko hanggang buong pagkatao.Apektado ang buong sistema ko.Mabilis ang mga pangyayari.May panibagong suliraning nakahain sa kinabukasan ko pero kagaya ng sinabi ni Aling Lei,nasa akin na ang susi sa mga natitirang katanungan.


-


"sigurado ka bang dito ka magpapalipas ng gabi?"


"opo. Masyado na ho kasing gabi. Natatakot na ho akong bumyahe."


"sabagay. Sigurado ka bang ayos ka lang jan ? Walang kutson ang kamang yan. Sasakit ang katawan mo. Magpalit na lang tayo ng higaan."


"ay hindi na po. Okay na po ako dito." humiga na ako para wala n masabi sa Aling Lei. Nginitian ko sya at niyakap ang unan. "Goodnight po."


"Ikaw talagang bata ka." ngumiti din sya pabalik. "matulog ka ng mahimbing. Mugto na mugto ang mga mata mo oh. Ipahinga mo na yan."


"opo."


Pinatay ni Aling Lei ang ikaw at sinara ang pinto.


Nang dumilim ang paligid. Nawala din ang mga ngiti sa aking labi. Bact to being me. Yung Heira na magaling magpanggap.


Nagpapalit-palit ako ng pwesto. Hindi ako makatulog. Ramdam ko ang pagod pero hindi ako inaantok.


Bumangon ako at binuksan ang ilaw.


Napadako ang tingin ko sa kahon na ibinigay ni Aling Lei. Nakatali yon. Bigla akong na-curious kung ano ba ang laman ng kahon. Mga gamit ba yon ni papa o mga gamit ko?


Nag-aalangan pa ako nung una kung bubuksan ko o hindi. Kasama din kasi ng curiousity ang takot. Takot na malaman ang buong katotohanan.


Curiousity won. Dahan-dahan kong kinalas an tali. Kasabay non ang patahip ng dibdib. Nangmakalas ang tali, unti-unting binuksan ang kahon.


Naglalaman iyon ng isang notebook, passport, brochure, passbook, photoalbum. Ang agad nakaagaw ng atensyon ko ay ang sobreng nasa pinakaibabaw.


Si likod ng sobre nakalagay ang 'para sa pinakamamahal kong anak.'


Sulat-kamay 'to ng Papa ko. Hindi ako nagkakamali. Sulat nya 'to para sa akin. Huminga ako ng malalim. Sumisikip na naman ang dibdib ko. Ano bang gamot dito?


Binuksan ko ang sobre at binasa ng tahimik ang nilalaman ng papel sa loob non.


-


Heira,


Sigurado akong wala na ako habang binabasa mo itong sulat ko. Pasensya ka na kung naglihim si Papa sayo. Mahal na mahal ka kasi nya at ayaw nyang maiwan mag-isa.


Anak, humihingi ako ng tawad sa pagiging makasarili ngunit hindi ko pinagsisisihan ang pagkupkop at pag-aalaga ko sayo.

Napakabuti mong bata. Minsan ma'y di ka naging sakit sa ulo. Habang lumalaki ka ay ramdam ko ang pagmamalaki bilang ama kahit hindi ko dugo ang nananalaytay sa bawat ugat mo.


Sa sandaling 'to, alam mo na ang totoo. Sana'y mapatawad mo ako. Mas malalagay ako sa tahimik kung bukal sa loob ng anak ko ang pagpapatawad nya saken.


Tandaan mo,anak, na kahit hindi ako ang tunay mong ama. Ikaw lang ang nag-iisa kong anak. Nais kong maging masaya ka kahit wala na ako. Hanapin mo ang tunay na magulang mo. Ipagpatuloy mo ang mga pangarap mo. Kapag nakamtam mo na ang kasiyahan, magiging masaya din ako kahit wala na ako sa mundo. Pasensya ka na kung naging duwag ako at ipinaubaya sa iba ang pagpapaliwanag ng tungkol sa pagkatao mo.


Anak, maging matatag ka. Madami ka pang mapagdadaanan. Kilala kita, mabait kang bata. Alam mo kung ano ang tama. Umaasa akong kahit wala na ako para gabayan ka, matututunan mong maging masaya sa sarili mong paraan.


Hanggang dito na lang ang aking liham. Ang lahat ng kinakailangan mo ay nasa kahon na ito.


Nagmamahal,

Papa

Continuar a ler

Também vai Gostar

72.4K 2.2K 23
CROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All...
19M 202K 76
This story is now published under Summit Media's SIZZLE. Available in all leading bookstores and stores nationwide.
Mine Again Por JTSOTIC

Ficção geral

3.8M 2.5K 2
Kathryn Delos Santos has amnesia. She forgot all the important things that she got even his fiance that she used to love. Because of an accident, eve...
924K 56.6K 93
Hello Duology, Book #1 || Just when I thought I got over from the ghost of the past, another person started haunting me.