HEARTS & BULLETS (COMPLETED)

Від raidenredux

365K 15.9K 1.5K

Sa mundo na ang pag ibig ay walang kinikilalang batas, posible bang mag tagpo ang dalawang taong may kanya ka... Більше

PREAMBLE
CHAPTER #1
CHAPTER #2
CHAPTER #3
CHAPTER #5
CHAPTER #6
CHAPTER #7
CHAPTER #8
CHAPTER #9
CHAPTER #10
CHAPTER #11
CHAPTER #12
CHAPTER #13
CHAPTER #14
CHAPTER #15
CHAPTER #16
CHAPTER #17
CHAPTER #18
CHAPTER #19
CHAPTER #20
CHAPTER #21
CHAPTER #22
CHAPTER #23
CHAPTER #24
CHAPTER #25
CHAPTER #26
CHAPTER #27
CHAPTER #28
CHAPTER #29
CHAPTER #30
CHAPTER #32
CHAPTER #31
CHAPTER #33
CHAPTER #34
CHAPTER #35
CHAPTER #36
CHAPTER #37
CHAPTER #38
CHAPTER #39
CHAPTER #40
CHAPTER #41
CHAPTER #42
CHAPTER #43
CHAPTER #44
CHAPTER #45
CHAPTER #46
CHAPTER #47
CHAPTER #48
CHAPTER #49
FINALE (Part 1)
FINALE (Part 2)
FINALE (Part 3)
AUTHOR's NOTE

CHAPTER #4

7.5K 356 26
Від raidenredux

Bago mag 1pm ay nasa QCPD na si Glaiza. May konting salo salo muna sila bago ang welcoming program at turn over of command.

Dinaluhan iyon ng ilan sa mga Heneral ng pulisya.

"Pano ba yan? Magkatrabaho nanaman tayo tsong..."

"Oo nga Chyns. Masaya ako at kasama na uli kita sa trabaho at iisang unit na tayo. So what do I need to look forward dito sa sakop nyo?"

Usapan nina Glaiza at Chynna habang kumakain.

"Well, hindi naman nalalayo sa laging problema ng komonidad. Rape, hold-ups, stealing cases. Illegal activities, drugs..."

"Sino ang matunog na operator ng drugs dito?"

"Tatlo Cha, yung Monteverde sa east, Villarama sa timog at ang pinakabago, ang Tanchingco"

"Tanchingco? Langya! Napasok na nila dito? Saka bat padami??? Anong ginagawa ng hepe niya bat di man lang nababawasan?!" Mejo tumaas ang boses ni Glaiza na syang bahagyang nakakuha ng atensyon ng mga kasalo nila sa mesa.

"Im sorry" sabi nito saka binalik ang atensyon sa usapan nila ni Chynna

"Anong aksyon ni Mateo dito? Wla?"

"I can't question him naman Cha, his my superior. What can I do diba?"

"No! Not because you have a little voice e wala ka right to be heard... Mahiya naman tayo sa tiwala ng mga mamamayan satin tapos wala naman pala tayong nagagawa. Ano, hihintayin pa ba natin na masira ang maraming buhay dahil sa droga na yan? Hindi Chyns, hindi ako papayag." Pabulong pero nagngingitngit na sabi ni Glaiza.

"Sana lang Cha, sana lahat ng kapulisan e kagaya mo mag isip. Kaya I'm looking forward to a safe, lawful Quezon City sa ilalim ng pamumuno mo sa pulisya." Naka ngiting sambit ni Chynna

"Excuse me saglit, kuha lang ako ng tubig" sabay tayo nito at iniwan saglit si Glaiza sa mesa.

.

.

.

.

"Maam Chyns, magkakilala na agad kayo?" Tanong ni Mike

"Nino?"

"Ni bagong hepe..." Singit ni Benjamin

"Ah yun, Oo... Magkaibigan kami since high school."

"Talaga? So alam mo na pala noon pa na sya ang papalit dito?" -Mike

"Tapos di mo man lang nakwento samin Maam." -Benjamin

Inirapan ng babae ang dalawa.

"Anong akala nyo sakin, si Lola Basyang? Mahiling magkwento... Si Charo Santos? Palibhasa kasi ka lalaki nyong tao ang hilig nyo sa chismis e."

Napakamot batok na lamang ang dalawang lalaki saka umalis.

Ikaw kasi e, dinadamay mo pa ako sa pagiging chismoso mo e.

Anong chismoso? Gusto ko lang naman makilala ee.

Naririnig pa ni Chynna ang murmur ng dalawa habang paalis kaya napailing na lang ito.

.

.

.

.

Rhian's POV

"Hello Pat?"

"Yes baby?"

"Yuck! Baby your face!"

Isang hagalpak na tawa lang ang narinig ko sa kabilang linya. Hayyyy! Kahit kelan talaga lagi akong pinagtitripan nitong si Patty.

"Hoy huminga ka din kaya, baka ikamatay mo yang pagtawa mo" taray ko sa kanya.

"At least, namatay ng masaya.! Hahaha! O, napatawag ka? Miss moko? Parang di lang tayo magkasama kagabi at tabi matulog habang magkayakap"

"Yuck! Malisyosa ka! I hate you!"

"Oppps! Hate agad? Grabe sya o... Nagbibiro lang, ito naman... So ano nga ang pakay mo Magandang dilag?"

"Tseeee! Ewan ko sayo Patrice! Anyway, anong oras uwian mo? Gala tayo, namiss ko mag Malling"

"4pm. Sure, game ako jan..."

"Great! So see you later after class. Makikisakay nalang ako sayo ha, I let the driver take my Car."

"Yeah sure... See you then"

Pagkatapos namin mag usap ay pumasok nako sa room for my next subject.

.

.

.

.

Glaiza's POV

Ng matapos na ang ceremony ay nagsi alisan na ang mga opisyal namin. Pinatawag ko ang mga kinatawan ko dito.

"Magandang hapon uli sa lahat... Ako si Inspector Glaiza Galura, ang bago ninyong commanding officer sa unit na ito... Simple lang ang gusto at hinihiling ko, maging tapat sa serbisyo at tungkulin. Batas bago ang sarili. Dahil mula ng niyakap natin ang propesyong meron tayo, pag aari na ng inang bayan ang mga buhay natin... At sa ilalim ng pamumuno ko sa unit na ito, ayoko ng late. Tutulog-tulog sa oras ng duty, ayokong may nag huhubad ng uniporme sa loob ng presintong ito. At simula bukas, I am giving you all a 1week duration para magpasa sa akin ng inyong Drug test Result and its compulsory... Walang kakilala, walang kaibigan, walang excuse. Am I clear?!"

"Maam YES Maam" kuro ng mga pulis sa harapan ko.

"Mainam kung ganon. Tayo ay naturingang alagad ng batas kayat marapat lang na bago natin ito ipatupad ay wala tayong pananagutan dito. Malinis ang ating mga konsesensya. Dahil malaman at mahuli ko lang ang isa sa inyo na nakikipag ugnayan sa illegal na gawain, hinding hindi ako magdadalawang sisip na buhayin ang Artikulo Uno at sampolan sa inyo."

Lumapit ako sa isang pulis na medyo may edad na.

"Sir, mawalang galang na po. Maari mo bang sabihin sakin kung ano ang artikulo uno?" Tanong ko dito

Saglit itong napaisip at tila hindi sigurado sa sagot.

"Ang hindi sumunod sa utos ng nakataas na opisyal ay tatanggalan ng rangko, at ipapapatay ng walang paglilitis ng hukuman." Sagot ng lalaki

"Salamat" sabi ko habang palakad lakad at iniikutan ang mga nakahanao na lalaki.

"Maam Chyns, hindi mo naman sinabi na apo pala ni Heneral Luna itong kaibigan mo" bulong ng isang lalaki kay Chynna


Nilapitan ko sya.

"Pwede mong lakasan ang boses mo Sir, ng marinig din naman ang sinasabi mo. Pakiulit nga..."

Umiling iling ito.

"May sinasabi ka e..."

"Maam wala po Maam"

Pero narinig ko yon pero papalampasin ko na muna.

Bumalik ako sa mesa ko.

"Kung iniisip nyo na hayahay kayo dahil babae ang hepe nyo. Itigil nyo ang isiping yan. I'm looking forward na makipagtrabaho sa inyo ng maayos sa susunod na mga araw. Wag kayong mag alala... As long as ginagawa nyo ang inyong mga tungkulin, wala tayong magiging problema."


"Sige, maaari na kayong lumabas at bumalik sa inyong mga gawain. Maiwan ka muna Maam Ortaleza."

Pagkasabi ko ay isa isa nang nagsilabasan ang labin lima kong kinatawan.

.


.


.

.

"Parang nanliliit yung atay ko sayo kanina tsong" natatawang sabi ni Chynna nang kami na lang ang naiwan sa loob ng opisina ko.

"Inuunahan ko lang sila Chyns, in other word, tinatakot... Alam mo naman na sa panahon ngayon e, lumalakas ang loob ng mga kriminal na yan dahil sa mga back up nilang pulis..."

"Kung sabagay, tama ka... Bat mo pala ako pinaiwan?"

"Well, ayon na nga,.. Magpapa brief ako sayo ng backgrounds ng cases dito. Although I have some records,.. Ano ang focus nyo nitong mga nakaraan?" Tanong ko

"Sa WCPD, mejo moderate lang ang cases na hawak ko. Minor complaints lang mula sa mga battered wife at iilang mga batang natutulungan ng mga kapitbahay dahil minamaltrato ng mga magulang... Nung nakaraan mejo tumaas ang rate ng hold-upan at carnaps at ngayong dumadagsa ang bintahan ng droga, pinaplano nilang magconduct ng undercover patungkol doon"

Matiim akong nakinig sa mga sinabi ni Chynna, lalo na at drugs ang focus ko...

"We will work on that. Maraming salamat." Tipid kong sagot habang nakatuon sa mga files ang mga mata ko

"Paminsan minsan, try mo din ngumiti Cha, nagkaka wrinkles ka oh... Napagkakamalan ka na tuloy na apo ni Antonio Luna e." Biro ni Chynna kaya bahagya akong natawa at naalala ko ang binulong nung lalaki sa kanya kanina.

"Sino yun?"

"Ha? Sino?"

"Yung bumulong sayo kanina at nagsabing apo ako ni Heneral Luna?"

"Ah yun? Si Alves yun. Benjamin Alves. Bakit type mo?" Ngiting aso ang binigay nito sakin.

"Tssss. Malabo..." Sagot ko.

Nanlaki ang mga mata ni Chynna sabay takip ng bibig nya

"What?!" Kunyari naiinis kong tanong.

"Wag mong sabihing natuluyan kana... Antagal nating di nagkakausap ng mga personal things kaya mejo wala na akong masyadong idea sayo... Babae naba type mo?"

"loko ka! Hahaha!!! Porke malabong type ko yung Alves e babae na agad ang type ko? No. It's just that, hindi lang sya ang tipo ko..."

"Ah. Ok...." Tatango tangong sagot ni Chynna.

"Pero di talaga babae ang type mo?" Hirit uli nito...

"Hindi nga... Ang kulit nito, never pa naman ako nakaramdam ng ganon and I'm straight. Malabo din..." Ngiti ko sa kausap ko

"Ay sayang..."

Biglang napaarko ang kilay ko. I look at her as per saying na I need an explanation sa sinabi nya.

"Type pa naman kita!" Sambit nito.


"Langya! Yuck! Hahaha! Ikaw di ka pa din nagbabago... Loko loko ka pa din e." Napailing ako

Saglit pa kaming nagkausap ni Chynna. Konting catchy-catchy, tawanan at lokohan habang break time pa namin.

.


.


.


.

Rhian's POV

Nauna ang dismissal ni Patty kesa sakin kaya mejo nabagot ito ng antay at humahaba nanaman ang nguso nito sa pagka badtrip.

"Wag na kaya tayo magdala ng sasakyan, hussle lang yun sa traffic. May nakita na akong paraan" sabi ko ng makalapit ako sa iniipuan nitong table sa canteen.

"Ano naman?" She asked.


"Tumulay na lang tayo jan sa nguso mo... Ang haba na e, oh... Abot na hanggang MOA to, " sabay kurot at pisil ko sa pisngi ni Patty.


"So ganon? After moko pahintayin ng kalahating oras, iinsultuhin mo lang ako? Ganonan?" Kunyare naiinis at pagtataray ni Pat.

Nilapitan ko ito at umupo sa tabi nya.

"Asus! Tampo kunyari... Mag smile ka nga, di bagay sayo yang long and sad face na yan... Nagmumukha kang alligator." Saka tumawa ako ng malakas pero kumunot pa lalo ang noo nito.

"Cge kawawain mo pako, magkakalimutan talaga tayo...!" Pagbabanta nito


"Aba, aba... Matapang... If I know magtetext ka sakin after 2 days ng I miss you. Di mo un kaya..."

Di umimik si Patty, talagang inirapan lang ako.

"Hoy! Seryoso... Nagtampo ka kaagad?!"

"Tara na nga" sabi nya.

Grabe lang sa mood swing ha... Pansin ko, mas madalas pa magka mood swing ang mg lesbians kesa sa mga straight. Tsssk.

.


.


.

GLAIZA'S POV

Dismiss nako ng 5pm. Bukas pa mag uumpisa ang regular duty ko kaya maaga akong makakapag chillax ngayon.

Mall muna ako saglit... Matagal tagal na din ng huli akong nakagala sa sobrang busy sa trabaho.

The reason why I always keep clothes in my car is because ayokong pakalat kalat sa daan na nakauniporme kapag tapos na ang duty ko cause I know that ano man ang maling magawa ko, it will reflect to my association. But in case, handa akong umaksyon if there's some trouble kahit saan.

Naisipan kong pumunta ng UP Town Center kay itenext ko ang pamangkin kong si Michael na dun na lang sya makipagkita sakin para after namin kumain ay sabay na kaming umuwi.

Ng biglang...

"Aaawwww.!" Sambit ko dahil narampadam ko na biglang may natapon sakin na kung anong mainit.


"Im sorry... Im sorry... Im sorry!" Natatarantang sabi ng babae na di malaman ang gagawin.

Teka! Si ano to ah...! Ano na nga pangalan nya?

Ay! Di ko pala alam.. Basta si Ms. Unknown.


"Its Ok Miss... Its fine." Sabi ko sabay hawak ko sa kamay nya para pigilan sya sa ginagawa nya. Pinupunasan nya kasi ang damit ko.

Pero imbis na bumaling sakin ay hinarap nito ang kasama.

"Yan kasi e, sabing tama nang pangingiliti e. Nakabangga tuloy ako... Ang kulit mo kasi..." Paninisi nito sa isang babae.


"Miss it's OK. Dont worry..." Sabay pisil ko sa kamay nya na hawak ko pa din para makuha ang atensyon nya.


At napalingon na nga din ito.

Nanlaki ang mga mata nya ng humarap sya sakin. Yung tipong gulat na gulat at parang nakakita ng multo sabay sapol nito sa kanyang bibig.

Pagkatapos ay lumipat ang mga mata nya papunta sa mga kamay namin. Don ko lang din napagtanto na magkaholding hands pala kami...

Pero bago ko pa mabitawan ang kamay nya ay biglang pumagitna ang kasama nitong babae sabay agad ng kamay na hawak ko.

"Pwedeng iconsider as sexual harassment yan" sabi nito sakin.

I feel my Blood rushed into my face and suddenly nang init ang pisngi ko. I don't get why it happen pero siguro masyado akong nahiya sa ginawa ko.

Honestly, di ko talaga yun na realize 😣

But seriously? Sexual Harassment? I smiled.

"I-Im sorry, sambit nya ulit."

"It's really fine. Kung tutuusin kwits na tayo... (Sabay ngiti ko) Again, Im Glaiza..." And I offer my hand for a handshake.

Pero imbis na si Ms. Unknown ang tumanggap sa kamay ko, mabilis na pumagitna uli ang kasama nito.


"Im Patty,.. And this is Rhian... We're BEST FRIENDS" sabi nito at diniin pa ang huling kataga sabay tinitigan ako ng mata sa mata...



I was like,..

'Aw! Handshake ba to o bunong braso? Ang sakit ng pagkapiga sa kamay ko ha... So Rhian pala ang pangalan nya. Beautiful'

Bahagya akong napangiwi... Hindi sa sakit ng kamay ko kundi sa biglang tumakbo sa isip ko...



"Pat! Easy..."

Narinig ko ang pabulong na saway ni Rhian kay Patty.

"Please to meet you Glaiza, for the 2nd time...and I'm sorry for being rude last time at tinalikuran kita. I lost my mind..." At ito naman ang nag abot ng kamay

We shook hands and I cant help but to look at her beautiful face. Mukha syang living mannequin. Kung hindi ako nagkakamali, magkasintaas lang kami. Balingkinitan ang katawan... A pair of captivating eyes. A perfect lips. Such a perfect handmade of God.


There's something in her eyes that makes me hold my breath. Ung tipong nakasakay ka sa Ferris wheel na pababa...


Ngayon ko lang napagtanto. Ang lambot ng kamay nya... Mainit, ang sarap hawak hawakan. If only I can hold it forever...


Oppsss! Anong pino-forever mo jan? Walang forever teh...


Natawa ako sa dikta ng isang parte ng isip ko. Sounds bitter huh... Pero bakit nga ba kasi yun ang tumatakbo sa isip ko... Gosh!!!



"Eeeehhhhheeerrmmm! Lampas 5mins. Na... Sobra na yan" sabi ni Patty.



Natawa ako pero binato ni Rhian ng matalim na tingin ang kaibigan but Patty just shrugged.

================================

AN:

So how's the story so far guys? Pwede ko bang marinig ang feedbacks nyo?


Salamat. 😊



Salamat din sa pagbabasa.


❤RAIDEN

Продовжити читання

Вам також сподобається

50.9K 1.5K 60
Naging magkasintahan si Rhian at Glaiza ngunit kagaya ng ibang relasyon ay nagkaroon ng lamat sa kanilang relasyon, paano pa ba ipag lalaban nils ang...
689K 15.6K 49
hang kailan ka tatakbo ? Hanggang kailan ka matatakot ? Hanggang kailan mo tatalikuran kung sino ka talaga ? Dennise Lazaro , sikat sa campus at hi...
1.1M 24.9K 57
What can be more painful than watching the person you love, fall in love with someone else and there is nothing you can do? Hanggang saan pa ba ang k...
163K 3.9K 20
Disclaimer: AVISALA, RaStro Rebels! First, I would like to say thank you for clicking the READ button. It means so much to me that you take interest...