Greg Liwanag -------------------------->
(Lee Jun Ki)
-----------
“Baliw ka , Ice ! Bat mo dinala yan dito ? Gusto mo mag world war 122 na ?” sita sakin ni Kuya Baste habang nakatingin kay Karina na nakaupo sa swivel chair ko at nagpepeysbuk .
“122 ? OA mo !” bulong ko sa kanya .
“Hoy . Hindi ka-OA-yan yun . Simula ng unang dalaw nyan dito e binilang ko na ang number ng away nila ni Sir Greg .” sabi nito .
“Lakas ng topak mo , alam mo yun ? Sobra e !” sabi ko .
Pero napalunok ako ng nagbukas ang office ni Sir Greg .
Tinakpan ko ang mukha ko ng folder na nakita kong nakapatong sa desk ni Kuya Baste . Naramdaman ko naman agad na natameme si Kuya Baste sa tabi ko .
“Cherrrrryyy ! Cheeerrrrryyy !” galit na sigaw ni Sir Greg . Pero wala si Miss Cherry . Hindi sumasagot . Nasaan kaya yun ? Mahuhusay yun mamaya kay Sir .
“WHERE THE F*CK IS CHERRY !” mariing sabi nito at tuluyan ng lumabas ng office nito .
Nang walang sumasagot sa amin , iniikot nito ang tingin . Tumutok ang titig nito sa kinaroroonan ng magaling kong bespren . Patay . Bye bye trabaho na yata ako !
Biglang dumagundong ang sangkalupaan . Mabilis pa sa alas kwatrong nakalapit si Sir Greg sa kinauupuan ni Karina . Habang si Karina naman ay parang wala man lang napansin . Nakatutok pa rin ang mukha nito sa screen ng laptop ko . Shit na babae to . Sabi ko sa kanya pag lumabas si Sir e magtago sa ilalim ng desk ko ! Mapuputol ang ligaya nito mamaya sakin pag nawalan ako ng trabaho !
“MISS JOSE .”
Hindi man lang tumingin si Karina sa boss ko . Patuloy lang ito sa pagt-type ng kung ano man . Lalo namang lumapit si Sir Greg sa kinauupuan ni Karina at inilapit ang mukha nito sa mukha ng bespren ko . Napansin ko agad na nagkaroon ng epekto ang paglapit ni Sir kay Karina . Biglang naging matalas ang mga mata nito .
Pumikit si Sir Greg bago nagsalita ulit . “MISS LIM !”
Napalunok ako ng mahigpit ng narinig ko na naman ang apelyido ko . Lumapit ako ng dahan dahan sa kanila . Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita .
“Sir ?” kinakabahan kong sabi .
Lumingon sa akin si Sir Greg na may ngiting parang sa demonyito .
“MISS LIM , TALAGANG GUSTO MONG MAWALAN NG TRABAHO ANO ?” sabi nito habang nakatitig ng masama sa akin . Parang nakalimutan na nito ang galit kay Miss Cherry na nakita ko namang kararating lang na may dalang tatlong paper bags at nagtatakang nakatingin sa direksyon namin .
“No Sir . I’m sorry po . Mag-“
“Hoy ! Baklang antipatiko ! Wag mo nga masigawan ang kaibigan ko ! Napaka walang modo mo talaga ! Naturingan kang edukado , ang kaso ambastos mo naman !” litanya ni Karina habang dinuduro nito ang dibdib ni Sir Greg . Walanjung babae to . Mahuhusay talaga ako neto . Bakit ba kasi naniwala ako na magiging behave sya dito ? Syit na malagkit .
Lumaki ang butas ng ilong ni Sir Greg . “SHUT UP ! HINDI KITA KINAKAUSAP !” bulyaw nito .
Nakakabingi ang sigawan nila . Kaya pinigilan ko na si Karina . Pero pumiglas lang ito sa pagkakahawak ko at dinuro ulit si Sir Greg . This time , sa ilong nya ito dinuro .
“Sasali ako sa usapan kung kelan ko gusto ! Wala kang pakealam !” sagot ni Karina .
“I SAID SHUT UP ! SHUUUTTT UPPP ! ! !” kita ko na ang litid sa leeg ni Sir Greg sa pagkainis kay Karina .
“Che ! Ikaw ang shumatap ! Bwisit ka ! Napakapakelamphmmhh”
Lahat kami na nakakasaksi sa pangyayari ay literal na nakabuka ang mga bibig . Kulang na lang ay langaw na papasok . Wala namang shocking sa nasa harapan namin . May kissing action lang naman si Sir Greg at si Karina . Nagulat kami lahat e ng halikan ni Sir si Karina . Naingayan siguro .
“EVERYBODY GET BACK TO WORK !” bigla ay utos nito ng bitawan si Karina . Tumalikod ito na parang walang nangyari at bumalik sa office nito , kasunod si Miss Cherry .
Nilapitan ko naman agad si Karina na natulala na . Grabe epektibo pala ang halik na pampatahimik . HAHA . Hinila ko palabas si Karina dahil nagbubulungan na ang mga workmates ko .
“Ok ka lang ?” tanong ko sa kanya .
“Girl pakisampal nga sakin please . Totoo ban a hinalikan ako ni Sir Greg ?” sabi nito na parang nakalutang sa ere .
Tumawa ako . “Oo . Hinalikan ka nya . Baka naman pwede ka ng umuwi muna sa unit ko at dun mo na muna sya i-daydream ? Magtutuos pa kami nun mamaya I’m sure .” sabi ko .
Tumango ito at walang salita na lumabas ng office . Baka mapaano yun ah ? Tulala pa rin e ! Tsk .
***
Buti na lang talaga hindi ako pinagalitan ni Sir Greg . Akala ko talaga kanina papalayasin nya na ako e . Pero ang nakakapagtaka sa lahat , hindi man lang sya nagreact sa nangyari . Parang wala lang . Hinayaan nya lang kami na makalayas . Lalo na ako . Hmmmm . . .
Ang isa pang hindi ko maintindihan sa sarili ko ay kung bakit may hawak hawak ako ngayong Chameleon . Oo . Yung butiking ewan . Bakit ko ba kasi naisipan kanina na bumili ng pet sa petshop malapit sa office ? Natripan ko lang , bakit ba ? Pero kasi , pwede namang tuta na lang o kuting . O kaya ibon . Pero bakit ang napili ko e butiking malaki ang mata ? Haaay ang abnormal ko talaga .
Pag bukas ko ng pintuan ng unit ko , nakita ko agad si Karina na nakangiti sa kawalan habang nagsusuot ng sapatos . Nakaupo ito sa couch .
“Uuwi ka na ?” bati ko sa kanya . Inilapag ko sa sahig ang caged chameleon ko na pinangalanan kong Karma . Bakit Karma ? Ewan . Gusto ko lang para kagaya nung awit na Karma Chameleon .
Tumango lang si Karina . Nakatitig pa rin ito sa kawalan . Shit nasiraan na yata ng bait ang bestfriend ko .
“Oyy .” niyugyog ko ang balikat nya . Pinalis lang nito ang kamay ko at tumayo na .
“Bye Ice .” sabi nito at dumiretso na palabas . Hindi man lang nito isinarado ang pintuan ko . Adik na .
Nagtext si Royce na hindi daw sya makakapunta ngayon para sa lesson namin . Ayos . Makakapagpahinga ang mapurol kong utak .
Hinubad ko ang sneakers at medyas ko sabay tapon sa likod ng pintuan . Pumunta ako sa kitchen area at binuksan ang ref . Shit lang wala na pala akong stock na pagkain . Nakalimutan kong mag grocery kanina . Amph ! Tsk tinatamad na ako pumunta . Kaya lang uta na rin ako sa instant ramen . Tsk .
Bigla akong nakarinig ng malalakas na lagabog sa katapat na unit . Parang nagbabasag ng kung ano . Anon a naman kayang trip ni Chester ? Nagrerenovate ? Ayy ewan .
Isasarado ko n asana ang pintuan ko dahil nakalimutan kong isara kanina ng mapansin kong nakabukas ang pintuan ng cage ni Karma . At wala ito sa loob ! Hala nasaan nay un !
Sakto namang nagbukas ang pintuan ni Chester at humahangos ito palapit sa akin .
“W-wait ! Chester sagliiiittt !” pero wala na ako nagawa kasi sumiksik na naman sya sa kilikili ko .
“Uyy . Anyare sayo ?” tanong ko dahil nanginginig ito tapos naluluha pa .
“Kuya . . . There’s an evil thing sa unit ko !” bulong nya sakin na para bang maririnig ng “evil thing” nay un ang pagsusumbong nya sa akin .
“Multo ? Taas pa ng sikat ng araw oh . Alas singko pa lang minumulto ka na ?” sabi ko at inalalayan ko syang makatayo . Pinagpagan ko ang marumi nyang pantalon . Ano ba naman tong batang to ? Tsk .
“Hindi mumu Kuya . Freaky Evil Thing .” sumisinghot na sabi nito . Ano kaya ang ‘freaky evil thing” na sinasabi nito ?
Hinila ko sya papunta sa pintuan ng unit nya . Nagpumiglas naman ito .
“KUYA AYOKO ! ! !” ngawa nito .
“Lika na ! Turo mo kung asan ang freaky evil thing mo ! Ke-lalaki mong tao ang duwag duwag mo !”
E di yun , nahila ko rin sya papasok sa unit nya . Nalaglag ang panga ko sa nakita . Napatigil pa ako .
Paano ba naman kasi , parang nasa ibang lugar ako . Sure bang unit to ni Chester ? Bakit nagkaganito ? Ang dumi-dumi . Tapos nagsalimbayan ang mga gamit . Nakataob ang dalawang silya nito . Marami ring basag na bubog . Pag tingin ko sa itaas , basag ang mini chandelier .
“Chester ? Anyare dito ? Pinasok k aba ng magnanakaw ? Bakit halos lahat ng gamit mo sira ?” tanong ko habang dahan-dahang pinupulot ang mga basag na bubog .
Hindi naman umiimik si Chester pero lalo nitong hinigpitan ang kapit sa braso ko . Nanginginig na naman ito . Ano kayang meron ?
“Chester nasaan na ang sinasabi mong evil thing ?” tanong ko sa kanya habang papasok kami sa bedroom nya . Itinapon ko ang hawak na bubog sa nadaanan naming trashcan .
“Kuyaaa . Andyan sya . Jan sya pumasok kanina !” bulong na naman nito .
“Ssshhh . Ona . Ona .” sabi ko habang dahan-dahang pumapasok sa kwarto nito .
Itinulak ko ng marahan ang pinto na mejo bukas na . Nagulat na naman ako sa nasaksihan . Yung bed ni Chester , wasak ang mattress . Tapos yung ceiling , butas ! Ano bang nangyari talaga dito ?
“Shit ! Yan na syaaaa !” sumigaw ito na parang bata sabay talon sa akin . Karga karga ko tuloy sya ngayon . Isiniksik nito ang mukha sa kilikili ko . Bakit kaya laging ang kili-kili ko ang trip nito ? Nababanguhan siguro . HAHAHA .
“Saan ?” sabi ko na iniiikot ang paningin sa buong kwarto nya .
And then , I spotted the “freaky evil thing” .
“KARMA !” sabi ko . Ibinaba ko si Chester sa pagkakabuhat ko sa kanya bago ko dinakot sa palad ko si Karma , ang pet chameleon ko .
“GYAAAAHHH !” sigaw na naman ni Chester . “Bakit mo sya tina-touch ! ! !”
“Sssshhhhh !” saway ko sa kanya . Itinago ko naman si Karma sa likod ko . “Chester , ang ibg mong sabihin , nasira ang buong unit mo dahil lang sa panic mode m okay Karma ? ? ?” nangingiti kong tanong sa kanya .
Nagpout ito . “Close kayo ? Bakit may name sya ?” instead ay sagot nito .
Ngumiti ulit ako . “Pet chameleon ko si Karma . Kanina ko lang sya binili . Kaya pala nawawala sa cage nya kasi nakalabas at nakapunta dito .” paliwanag ko sa kanya .
Sumimangot ito . “ Kuya , isa syang evil thing ! Paano mo nagawang pet yan ? Pwede namang puppy or kitten o kaya baby rabbit ! Bakit ganyan ? Ewwwww !” sabi nito na mukang pinandidirihan si Karma .
“Ihagis ko to sa mukha mo e ! Arte neto . . . Sya ang type ko e ! Bakit ba ?” sabi ko . “Iniiba mo ang usapan . Tinatanong kita . Si Karma nga ang dahilan ng pagkasira ng buong unit mo no ?”
Nag iba ito ng tingin at nagpout na naman . “So what kung sya nga ? E sa nagulat ako e ! Ginapangan nya ang binti ko kanina habang natutulog ako ! Pagod pa man din ako galing school ! Tapos ginulo nya lang ang afternoon nap ko ! Hmp !” mahabang reklamo nito .
Pinigilan ko ang sarili ko na matawa sa sinabi nya . Tumikhim na lang ako . “Chester , hindi naman kasi dahilan ang pagkagulat sa isang chameleon para sirain mo ang buong unit mo .”
“Ah basta ! Naiirita ako sa pet mo ! Itapon mo yan !” demanding na sabi nito .
“Ayoko nga ! At sino ka ? Ingudngod ko mukha mo sa mukha nito e ! Arte !” naiinis na sabi ko . Akmang aalis na ako pero pinigilan nya ako sa manggas ko .
“Kuya ! Paano ako makakatira ngayon dito ? Sira lahat ! I’m sure aabutin ito ng ilang linggo bago maayos uli ! Saan ako tutulog ngayon ?” pagngawa na naman nito .
Tiningnan ko sya . “Bah kinamalayan ko sayo . Kasalanan ko ba na ginawa mong playground tong unit mo ? Tsk . Bahala ka jan .”
Humigpit ang hawak nito sa tshirt ko . “Kuya , isipin mo nga ng maige ! Kung hindi dahil jan sa freaky evil thing mo , hindi ko masisira accidentally tong unit ko . Kaya in the first place , ikaw ang may kasalanan nito ! Kaya dun muna ako tutulog sa unit mo !” sabi nito na nanlalaki pa ang mga mata .
“Churaa mo . Bahala ka jan . Hindi ko naman inutusan si Karma na guluhin ka e . Bleeeeh !” humakbang na ulit ako . Pero pinigilan nya na naman ako .
“Kuya ISA !” sabi nito , masama pa ang tingin sa akin .
“Dalawa .” walang ka-gana-ganang sagot ko .
“Kuya !” naiinis na rin na sabi nito . “Sa ayaw at sa gusto mo dun ako mags-stay habang pinapagawa ko ang unit ko ! Gets mo ha ?”
Bah sya pa ang demanding ! Bwisit na bata to ! Masampolan nga !
Inilapit ko ang mukha ni Karma sa kamay nyang nakahawak pa rin sa manggas ko . Awtomatikong inalis nito ang kamay na parang napaso . Ngumiti ako ng malawak . Lumabas na ako ng unit nya . HAHA .
***
Nakatitig ako sa maaliwalas na mukha ni Chester . Sayang-saya ang mukha nito na para bang wala syang problema . Yung tipong parang hindi man lang nag aalala sa sirang unit nya . Hinigop nito ang sabaw ng ramen saka ibinaba ang bowl sabay himas sa tyan .
“BUUURRRP ! Busog , yeah !” sabi nito .
Akala ko kanina , na-clear ko sa kanya na hindi ako pumayag na makitira sya sa unit ko . Pero wala pang ilang minuto after ko maisara ang pintuan at maibalik sa cage nya si Karma , walang sabi-sabi at katok-katok na pumasok ito sa unit ko . May dala itong duffel bag at umupo sa couch ko . Wala na akong nagawa . Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko . Hindi ako maka-HINDI sa batang ito . Siguro kasi feeling ko nakukumpleto nya ang araw ko sa hindi maipaliwanag na dahilan .
Nakahalukipkkip ako habang pinagmamasdan sya . “Chester , natawagan mo na ba ang gagawa ng unit mo ?” tanong ko sa kanya .
Tumango ito . “In 3 weeks daw , sure na tapos nay un .” sabi nito .
“3 weeks ? Ang tagal naman !” reklamo ko . Bah , biruin mo mag aampon ako ng “stray dog” for 3 weeks ? Naknangtokwa naman na buhay ! “E kung dun ka ka na lang kaya kay Cherish muna tumira ?” suhestiyon ko sa kanya .
Nagpout ito . “Duh ! Naka DORM kaya yun . Like , hello !”
“Eh di sa bahay nyo !” sabi ko ulit .
Tinitigan ako nito . “Ang layo layo kaya ng bahay namin sa school ko . Saka wala kayang nakatira dun ngayon . Ayoko nga ! Dito lang ako !”
Nagsmirk ako . “Tsk . Pabigat ka . Ayoko ng responsibilidad .” sabi ko deretsahan .
“Naman ! Hindi mo mapapansin na nandito ako , swear Kuya . Magaling ako magluto , tapos lilinisin ko rin tong unit mo araw araw . Inspiration mo pa ako sa comic character mo . Marami akong USES . Kung gusto mo nga , itapon na natin yang freaky evil thing mo with giant eyes , tapos ako na lang gawin mong pet . Oha , oha . San ka pa makakakita ng isang pogi , macho at genius na cook/maid/inspiration/pet na gaya ko ? Wala na ! Kaya pag isipan mong mabuti yan Kuya !” mahabang litanya nito na may kasama pang pagkumpas ng kamay .
Napaisip ako . Kunsabagay , may point naman sya . Masarap sya magluto at magaling pa sya maglinis ng bahay . Ok din yun na makita ko kung ano talaga ang ugali nya para sa character ko sa comics . Pero yung pet ? No way .
“Ok . Wala akong reklamo jan . Maliban sa isa . Hindi natin itatapon si Karma . At wag mo na syang matawag tawag na “freaky evil thing” . Ok ?”
Sumaludo ito . “Sir , YES Sir !” sigaw nito .
“Ok . Iligpit mo na yang pinagkainan . Maliligo lang ako .”
Nagpout na naman ito . “Tch . Dictatorship pala dito .” Bulong nya .
“May sinasabi ka ? Ha ? Ano ? Sa labas ka na lang matutulog ? Ok !” nakangiti kong sabi .
Tumayo naman ito agad at nagsimulang ayusin ang mga pinagkainan . “Ayy si Kuya , di naman ma-joke !”
Umiling na lang ako at kinuha ang towel ko . Naligo na ako .
Pag labas ko ng banyo , nakita ko na shining shimmering splendid na ang sink at table ko . Ngumiti ako . Malaki din naman ang pakinabang ko sa batang ito .
“Hihi my time to freshen up !” bigla itong sumulpot sa likuran ko at kinuha ang towel ko .
“Hooy ! Wala ka man lang bang sariling towel na dala !”
Pero pumasok na ito sa loob ng banyo . Ano ba namang klaseng bata yun ? Tsk .
Umupo ako sa couch at kinuha ang sketchbook ko habang nakatutok sa electric fan at pinapatuyo ang buhok ko na mejo humahaba na at umaabot na sa ilalim ng tenga .
Ilang minuto din akong nagdrawing ng mukha ni Erisa Tan , ang female character . Ni-pattern ko talaga sya sa mukha ko at sa character ko . Pero kahit ilang beses kong ayusin , parang hindi ko kamukha ang nai-idrawing ko . -_- Badtrip .
Hindi ko na napansin na tumabi na sa akin sa couch si Chester . Tapos na pala maligo ito . Biglang humalimuyak ang amoy nito na parang rose petals sa bango . Lumingon ako sa kanya na nakatitig sa sketchbook ko .
Naka yellow pair of pajamas ito na may white bunny print . Ang gay lang talaga . Nakaipit ang basa at malagong buhok nito na abot balikat . Napansin ko rin na mejo lumalabas na ang itim na buhok sa anit nito . Mukha talaga syang babae e . Tsk .
“Kamuka mo . Sino to ?” tanong nito na nakaturo sa mukha ni Erisa .
“Talaga , kamuka ko ? Tunay ?” tanong ko .
Tumango ito . “Ikaw ba yan ?”
Napangiti ako . Kamuka ko naman pala e . “Nope . Female lead character ko to sa comics .”
Nagningning bigla ang mga mata nito . “Talaga Kuya ? Woooow ! ! !”
Ginulo ko ang buhok nya at napatawa ako . “Matulog ka na kaya ? May klase ka bukas diba ?”
Nag signature pout na naman ito . “Naman e ! Manonood muna ako ng movie . Isa lang promise .” sabi nito sabay halungkat sa DVD rack ko .
Isinalang nito ang napili . -_- Despicable Me . Haaaay ano pa nga ba ieexpect ko ?
Pero nagulat ako sa ginawa nito . Humiga ito sa couch at ipinatong ang ulo sa legs ko .
“Hoooy ! Bumangon ka jan ! Hindi ako makapag work !” saway ko habang pinupush ang ulo nito paalis . Naiilang kasi ako . Pero kumapit ito lalo sa legs ko at bumayuot .
“Ssshhh wag kang KJ Kuya !” sabi nito na nakatitig lang sa TV screen .
Napabuntunghininga ako at napailing . Naaduwa ako pero after a few minutes na ganun ang posisyon namin , mejo naging at ease na rin ako . Nakipanood na lang din ako sa kanya kasi di rin naman pwede na ipatong ko sa mukha nya yung sketchbook ko at mag drawing .
Nag eenjoy na ako sa panonood ng marinig ang mahinang hilik ni Chester . Tsk . Napakabilis talaga makatulog ng isang ito . Tinapik tapik ko ang mukha nya .
“Chester , Oyy . Gising ka jan . Di ako makatayo . Ang bigat mo . Matutulog na din ako .” sabi ko . Pero hinawakan lang nito ang kamay ko at dinala sa bibig nito sabay ni-suck nya ang thumb ko !
“Hoooy !” napalakas ang pagtapik ko sa pisngi nya . Bah naman , kinilabutan ako sa ginawa nya e . Pero knowing Chester na tulog mantika , hindi man lang natinag ito . Tulog na tulog pa rin . Dahan dahan kong tinanggal ang daliri ko sa bibig nito at ipinunas sa pajama top nito ang daliri ko na may laway nya . Eww .
Pinilit ko makatayo pero to no avail . Ambigat lang talaga nito e . Buti na lang malapit lang sa akin ang remote ng TV at DVD player . Ini-off ko na ang pinapanood nito .
Pinagmasdan ko naman ang natutulog na mukha ni Chester . Hindi ko namalayan na hinahawakan ko na pala ang blonde na buhok nito . Hindi ko maintindihan sa sarili ko bakit napaka-gaan ng pakiramdam ko pag kasama ko sya . Siguro kasi stress reliever ko sya . Lagi nya akong napapatawa .
Huli na ng ma-realize ko ang ginagawa ko . Kaya ng mapansin ko yun , dali-dali kong tinanggal ang kamay ko sa buhok nya . Shet ano ba problema ko ! Alam ko na namula ako dun ! >.<
Buti na lang dinalaw agad ako ng antok at nakatulog agad ako .
--------------
:))