Vampire's Pet

By FinnLoveVenn

3.2M 105K 11.3K

[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila a... More

N O T I C E
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
SPEACIAL CHAPTER
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
EPILOGUE
OTHER STORIES
| NOTICE ! MUST READ |

CHAPTER 20

52.3K 1.8K 144
By FinnLoveVenn

KAELYNN's POV

❦❦❦

Gabi na pero nagugutom pa rin ako kaya bumaba ako sa kusina at nagpakulo ng tubig para sa noodles ko.

"Anong oras na ba?" Tumingin ako sa wall clock at one am na pala ng madaling araw.

Grabe naman 'tong tiyan ko aangal pa sa ganitong oras eh, ang sarap na nga ng tulog ko, pero teka napanaginipan ko si Danrious kanina ah.

Ano nga ba ulit 'yung panaginip ko? Medyo mabilis lang kasi iyon kaya ang na tatadaan ko lang ay sinesermunan niya ko kasi na basa ko 'yung t-shirt niya ng luha at sipon ko kanina.

Napangiti ako habang nag-iintay ng pagkumulo nung tubig, tama si Daniel mabait ang kapatid niya masyado lang siguro mahiyain si Danrious at ganoon 'yung way niya para ipakita sayong nag-aalala siya.

Napakamot na lang ako ng ulo at inilagay ang noodles sa mainit at kumukulong tubig saka isinunod 'yung itlog at hinalo ito. Ayoko kasing buo 'yung itlog gusto ko durog siya pag nasa noodles na.

Naghikab ako at nagkamot ng tiyan ko, buti walang gising ngayon kundi makikita nila akong bruha at nagkakamot.

Sumandok ako at umupo na sa harap ng mesa at nagpasalamat sa ama para sa pantawid gutom na pagkain. Hinipan ko muna ito at nginuya.

Haaay heaven talaga, kain lang ako ng kain nang bumukas ang pinto at nakita ko si Danrious na nagulat nang makita ako, nagkamot siya ng ulo sabay snob sa'kin.

Gising pa pala ang isang 'to? Saan naman kaya siya galing? Amoy alak siya saka pabango ng babae, mabuti nang wag ko siyang sermunan baka malintikan na naman ako brutal pa naman ang isang ito.

"Uy kain," inaya ko siya kaso dare-daretsyo siyang pumunta ng refrigerator at naghanap ng tubig. Para siyang model kung uminum ng tubig nakapamewang pa at kailangan nakapose?

*Grrrummm*

Napalingon ako sa na rinig kong kumakalam na tiyan niya, medyo na tawa ako doon.

"Ugh, gutom na talaga ako." hindi niya talaga ako pinapansin at mukhang aalis na siya kaya nagsalita na ko at inaya siya.

"Meron pa dun sa stove wait upo ka kukuha kita," tumayo ako tapos siya parang ang sama na naman ng tingin sa'kin, tignan mo tong isang ito siya na nga inaalok masama pa tingin sa'kin.

"Bakit parang nakakita ka ng multo?" Tanong ko sa kaniya nang bigla n'yang hinawakan ang kamay ko at nilapit ang mukha niya, sobrang lapit! hahalikan na naman ba niya ko? Bumibilis ang tibok ng puso ko!

"Aaaano ba!" Hinampas ko siya at lumayo sa kaniya, mang haharass na naman ba siya? 

"Ikaw na ba talaga 'yan?" Nagulat ako, dala ba ng gutom ito at hindi niya na ko makilala? kaya natawa ako sa kaniya.

"Oo ako ito hahaha, gutom na gutom kana ba? Hahaha saglit lang kasi haha," tawa ako ng tawa at kumuha na lang ng pagkain niya, umupo siya sa tabi ng upuan ko.

Inilapag ko 'yung bowl ng noodles na may itlog at hinipan-hipan ito para mawala 'yung init.

"Mainit pa 'yan," sabi ko at hinipan-hipan ulit ito, baka kasi mapaso siya dahil bagong luto pa ito.

Napatingin ako sa kaniya at parang nakatingin siya sa'kin kaya tinigilan ko na 'yung paghipan. Nagulat na lang ako ng mabilis n'yang kainin 'yung noodles at iyon na paso siya kaya na madali akong kumuha ng malamig na tubig.

"Sabi ko mainit pa." sermon ko sa kaniya at nilagok niya na lang ang tubig sa baso at hinabol ang hininga niya.

"Haha daig mo pa bata." tumawa ako at ngumiti na lang sa kaniya para kasi siyang bata na gutom na gutom.

Pero sumama na naman ang tingin niya sa'kin at na gulat na lang ako nang bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at hinalikan ako, hindi ako makapag-react sa gulat at nakatingin lang sa mukha niya habang hinahalikan ako.

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at biglang bumukas ang mata niya, saglit niya kong tinitigan at pinutol ang halik niya sabay iwas ng tingin sa'kin at takip ng bibig niya.

"Tsk, matutulog na ko goodnight," bigla siyang tumakbo at ako ito na bato na lang sa kinatatayuan ko, lasang beer 'yung labi niya at hindi ko alam bakit parang ang gentle ng halik na iyon. Kakaiba sa mga halik na ginawa niya sa'kin.

Napahawak ako sa bibig ko at napailing ng ulo, ano bang iniisip ko? Sinampal ko ang sarili ko at muling umupo at kinain 'yung noodles ko na lumamig na.

Bwisit wala na talaga hindi na ko pwedeng ikasal nito.

❦❦❦

Maaga akong bumangon at na ligo, pumunta sa kwarto ni Sir Darenn at pinakain siya ng umagahan, same routine lang araw-araw pero hindi ko pa rin sila gaanong pinapansin.

Tapos medyo hindi mawala sa utak ko 'yung mga nangyari kahapon, na iinis pa ko sa sarili ko kasi hindi man lang ako umangal sa halik ni Danrious kagabi.

Nasabunutan ko ang buhok ko at nagngangawa sa sahig, ginaya ako ni Sir Darenn at akalang umaacting lang ako kaya natawa ako.

"Darenn kiss mo nga si ate sa cheeks para mapurified si ate ng mga bad germs." gumapang siya at hinalikan ako sa pisngi at sa ilong pati sa noo ng paulit-ulit kaya pinang gigilan ko siya at niyakap nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kambal.

"Anong ipurified ka Kaelynn! kailan  ka pa naging madumi!? sabihin mo!" Niyakap niya na naman ako at naipit si Darenn kaya kinagat niya ang braso ng kuya Daniel niya.

"Awww takit!" Siniko ko si Daniel at sinamaan siya ng tingin kaya napanguso siya at umacting na parang bata, minsan sarap sapakain ng isang ito eh.

"Tumigil ka nga naiipit mo si Darenn eh," tumahimik siya at mukha na namang pinag-sakluban ng langit at lupa, tumingin ako kay Danrious at na huli siyang nakatingin din sa'kin kaya pareho kaming napaiwas ng tingin.

Wait, bakit ko iniwas ang tingin ko sa kaniya? Akala ko ba sanay na ko sa pang haharass niya pero bakit iniisip at naiilang pa rin ako sa nangyari kagabi!

"Oy kayong dalawa may tinatago ba kayo?" kalbit sa'kin ni Daniel at lumayo ako sa kaniya, para kasing linta.

"Wala, sige diyan na kayo maglalaro kami sa labas," sabi ko at tumayo na.

"Wait wala si kuya Daryl, hindi ka makakapagpaalam para lumabas." napatigil ako.

"Saan nagpunta si Sir Daryl? Sunday ngayon ah?" nagbuntong hininga siya.

"Hinatid na sa airport si Ash kasal na kasi nun sa makalawa," nagulat ako at hindi alam kung anong sasabihin.

"Te-teka kasal nino? Ni Ms Ashley? Kanino? Kanino siya ikakasal?" Tumayo si Daniel at pinat ang balikat ko.

"Kay Harold isa sa pinaka mayaman sa italy," napailing ako.

"Pero hindi ba sila ni Sir Daryl?" Ngumite ng mapait si Daniel.

"Baka pwedeng maging sila? Eh mag pinsan sila," na purong ako. Pano sila magiging magpinsan eh nakita ko sila kahapon! naghahalikan sila at puno ng pagmamahalan bakit ganun?

"Just be thankful na lang Kaelynn at kinaya ni kuya i-give up si Ash kesa naman na pareho silang itakwil ng mga Lockhart." hindi ko alam ang sasabihin ko at ire-react ko, naramdaman ko na lang si Darenn na hinihila ang damit ko.

"Batit bawal maglove ang magpinsan?" Lumuhod ako para mapantayan siya.

"Hindi ko rin alam Darenn eh," malungkot kong sagot sa kaniya tapos hinawakan niya ang kamay ko.

"Itaw ate taylin pwede kita ilove? Pakasal tayo?" Namilog ang mata ko at naiiyak ako sa saya omygad!

"Sure pwedeng pwede Sir Darenn," niyakap ko siya at tuwang tuwa rin siyang niyakap ako.

"Kaelynn bakit mo na gawa sa'kin 'to?" sigaw ni Daniel at pagpigil samin.

"Oy oy wag mong paasahin 'yung bata," sabi naman ni Danrious na bwisit na bwisit na rin.

"Batit ba?" Sumama ang tingin ni Darenn sa dalawa.

"Darenn bata ka pa hindi ka pa pwedeng magpakasal kaya ako na lang muna bahala sa ate Kaelynn mo." pang gagalit ni Daniel kaya lalong na mula ang tenga ni Darenn sa inis.

"Edi pad laki ko!" Asar n'yang sigaw sa kuya niya.

"Edi matanda na si ate Kaelynn mo nun kaya mas bagay kami." tinitigan ko nang masama si Daniel hudyat na bwisit na ko sa kaniya.

"Epal ka! okay lang iintayin ko si Darenn hindi ba hindi ba?" at pinisil ko ang cute n'yang pisngi.

"Hindi mo man lang sa'kin sinabi na maliit na bata pala ang gusto mo! Lolicon ka! Isa kang lolicon!" Pagdadrama niya kaya natawa na lang kami nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Sir Daryl na mukhang katapusan na ng buhay niya ngayon.

Gulo-gulo ang buhok niya at maga ang mata niya, down na down din ang expression ng mukha niya na akala mo eh wala nang bukas.

"Bro hang in there!" Sabay na sigaw ng kambal.

"Umalis na siya! Iniwan niya na talaga ako." hindi ko inaasahan makita ang side na ganito ni Sir Daryl, sobrang hirap na hirap siya ngayon at umiiyak talaga siya na parang bata.

Ganito ba kalakas ang tama niya kay miss Ashley? Mahal na mahal niya nga siguro si miss Ash kaya ganoon na lang siya na sasaktan ngayon.

Inilalayan siya ng kambal sa kama ni Darenn at umupo siya doon, tumungo lang siya at hinubad ang salamin niya saka umiyak ng umiyak. Nasa tabi niya 'yung kambal at dinadamayan siya gusto ko sana siyang yakapin at damayan pero wala akong karapan para i-cheer up siya.

Dahil sa kinaloob-looban ko may part na parang masaya ako, napaka-selfish ko nga naman no? Umiiyak 'yung taong gusto ko habang ako parang masaya pang makitang umiiyak siya.

Bakit? Dahil may chance na ko sa puso niya? O dahil feeling ko nakaganti ako dahil na saktan din siya?

Napakasama ko naman para mag-isip ng ganito, hindi na lang ako tumingin sa kaniya habang hirap na hirap siya. Nasasaktan din naman ako para sa kaniya kaya binuhat ko na lang si Darenn na gulong gulo nasa sitwasyon at lumabas kami sa kwarto.

"Ate taylin ba't naiyak ti tuya?" Hinaplos ko ang buhok niya.

"Umalis na kasi si ate Ashley mo." tumingin lang siya sa'kin at na ramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko.

"Iiwan mo rin ba tame?" Biglang kumirot 'yung puso ko sa tanong niya at nagpipigil na umiyak.

"Hindi magagawa ni ate iyon isasama kita pag-umalis  ako dito." ngumiti siya sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.

Hinagkan ko ang maliit n'yang likod at tahimik na umiyak dito.

Pakiramdam ko may tumutusok sa puso ko, pero pakiramdam ko rin nakaalis na ko sa stage kung saan gusto ko si Sir Daryl.

Patunay lang nung nakita ko siyang umiiyak kanina, siguro nga may katiting na tuwa sa'kin pero kabuoan na nun ay pakikisimpatya sa puso niya.

Ramdam ko ang sakit niya dahil ganoon din ako nung nalaman kong may mahal siya pero napatunayan ko na hindi ako gaanong na saktan nung mga panahon na iyon ikumpara mo sa nararamdaman n'yang sakit ngayon.

Gagawin ko na lang ang lahat para matulungan namin siyang makaget over sa sakit kahit kaunti lang, alam ko hindi madali sa kanila ni Ms. Ashley ang desisyon na iyon.

Bawal sa pag-ibig ang umibig sa kapamilya mo o kamaganak mo ng higit pa. Pero ginawa nila at kung malaman ng iba hindi kaya ni Sir Daryl na pareho silang masaktan.

Kasi itatakwil sila ng pamilya nila at lahat ng mahal nila sa buhay pagnangyari 'yon, kaya pala hindi niya alam ang definition ng pag-ibig.

Bakit nga ba ganoon ang love? Hindi pwedeng sumobra at hindi rin naman pwedeng magkulang.


TO BE CONTINUED 

AN: HAPPY 5k mga ka VP. Aasahan ko po ang pag uporta nyo hanggang sa huli LOVELOTS GOD BLESS YOU ALL MUAH :*


NEW STORY PROMOTION:

K I S S T H E W I N D

Story Description:

Nagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya.

Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang alaala kaya naman hinayaan siya ng kaniyang pamilya na tumira sa isang bahay kung saan siya makakapag-isip mag-isa.

Pero hindi niya alam na hindi lang pala memorya niya ang kaniyang mahahanap sa pagtira sa bahay na 'yun, kung hindi si Kristal- isang multo.

Multong hindi makatawid sa kabilang buhay dahil wala rin siyang maalala sa buhay na mayroon siya noon.

Anong kaguluhan kaya ang mangyayari sa dalawa kung titira sila sa iisang bahay?

Mahahanap ba ni Darrel ang memoryang nawala sa kaniya?

Makakatawid ba sa kabilang-buhay si Kristal sa pagdating ni Darrel sa buhay niya?

O may iba pa silang bagay na mahahanap sa tulong ng isa't isa?

Dalawang pusong naligaw ngunit nahanap ang isa't isa.

Kiss the Wind.

AN: I've already added Kiss the Wind to my reading list for those who want to read it. I hope you'll take a look! Muah.

Continue Reading

You'll Also Like

39.2K 1.4K 34
Vaughn Series 2 CREED VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half werewolf, met the pure human. Creed Vaughn. Kilala bilang isang strikto at seryosong Bamp...
11K 2.6K 40
Ang karma ang siyang humahatol sa atin- lumilitis sa mga tama o maling ginagawa ng tao. Pilit hinahanap ni Celestina ang rason ng kaniyang kabiguan a...
1.2M 33.2K 79
Highest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone s...
3.2M 273K 54
Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see f...