MAYBE ONE DAY (Completed)

By ajldlkbv20

268K 9.2K 890

Never expected that it'll happen again. Never expected that I'll be surrendering almost all of my firsts. Nev... More

A NEW JOB
MEETING THE CEO
THE PRESENTATION
LUNCH SLASH CELEBRATION
SHATTERED GLASSES
MEETING THE PALS
ONE STEP CLOSER
HUGOT 101
MS. CLINGY
FAVOR
HONESTY
CONFESSIONS
THE REVELATION
CHANGE POSITION
UNCERTAINTY
SELFISH MOVE
TORN
A GIVEN CHANCE
NUMBER 1 FIRST
UPBRAID
NUMBER 2 & 3 FIRST
SIMPLE WORLD
THE DECISION
A FRESH START
OUTRAGE
TIME APART
LONGING (PART 1)
LONGING (PART 2)
CHOICE
TRUST ISSUE
ONE LAST TIME
MY JOURNEY
MAYBE ONE DAY
EPILOGUE
(Author's Note)
NEW STORY (AN)

REALIZATION

5.1K 182 26
By ajldlkbv20

Heads up lang, guys. Medyo sunod-sunod po ang flashbacks sa chapter na 'to. ✌️




CHAPTER 31



*THREE WEEKS LATER*



SA CONDO


6:35pm


"Oh, anong problema mo at nagpabili ka ng napakaraming pampalimot?" Bungad ni Lauren sakin pagkapasok niya sa condo ko, dala-dala ang ilang bote ng alak.

Hindi ko ito sinagot at kinuha lang ang mga bote mula sa kanya. Inilagay ko muna ang iba sa freezer habang inilapag naman ang ilan sa center table. Nagbukas ako ng isang bote at pagkatapos ay umupo ako sa sofa at nilakasan ang volume ng TV. Parang naging tubig sakin ung alak dahil halos maubos ko ito ng isang inuman.

Kinuha naman bigla ni Lauren ang remote ng TV mula sa akin at in-off niya ito. She put her hands on her waist and looked at me like she was getting ready to throw me a lecture.

"Sabihin mo sakin kung anong problema mo! Wag mong daanin sa alak. Walang maidudulot yang maganda."

"Lauren, please lang. Wag ngayon. Wala ako sa mood." Yamot na sagot ko sabay subok na kunin ang remote sa kanya.

"Magsasalita ka o papupuntahin ko si Althea para siya ang kumausap sayo? Mamili ka." Banta niya. Patuloy na parang nanghahamon ang mga titig nito.

"Anyone but her, Lauren. Anyone but her." Mariin kong sagot habang nanlaban ako ng titig.

"So, I'm right? Siya nga ang problema mo?" Tanong niya ulit. Hindi naman ako sumagot at yumuko nalang, sinyales na suko na ako sa usapan.

Inubos ko na ang unang bote ko ng alak at nagbukas ulit ng isa pa. Nakita ko naman si Lauren na nagbukas din ng isa. Umupo siya bigla sa tabi ko habang sinimulan narin ang pag-inom.

"Start talking, Jade. Kung ayaw mong magbago isip ko at papuntahin ko talaga si Althea." She warned without looking at me.

Tinignan ko ito ng ilang segundo, trying to check if she was being serious. Apparently, she was. Napabuntong-hininga nalang ako at sumandal na sa sofa para simulan ang pagkwento.



*FLASHBACK*

(AN: Next day po ito nung sa previous chapter.)



SA OFFICE

Kasama ni Althea si Cathleen na dumating sa office. I didn't know what to feel about it dahil hindi pa kami nag-uusap ng CEO. Hindi ko rin malaman kung dapat ba akong magalit sa kanya dahil dun, at sa pagtulog niya ulit sa condo ni Cathleen. Hindi ko alam kung kakayanin ko kapag sinabi ni Althea sakin na hindi parin niya itinuloy ang pakikipagbreak sa half French. Mahirap kasi ung paulit-ulit kang pinapaasa. Para kang pinaglalaruan.

"I'll just see you later." Halos nakabulong na sabi ni Cathleen kay Althea habang nakapwesto lang sila malapit sa may pinto.

Wait, 'see you later'? Anong meron? Naglolokohan parin ba tayo dito? Pucha naman oh! Okay Jade, chill. Tatanungin mo si Althea diba? Kumalma ka muna.

"Yeah. Ingat ka." Sagot ni Althea, at tuluyan nang umalis ang half French ng office pagkatapos niya akong tignan at ngumiti ng bahagya.

Tinignan ko ang CEO pagkasara niya ng pintuan, and she looked fine.

"Hi. Good morning." Nakangiting bati nito sakin sabay halik sa aking pisngi.

Not that her greeting was too plain, but... really? No term of endearment? Hindi ba siya pa ang mas madalas gumamit nun? It was too plain that it made me even more confused to what really happened. And a kiss on the cheek? Really? I mean... not that I was being choosy, demanding or what. But wasn't that a bit old school for us? Okay, nevermind. Whatever.

We looked at each other for a while. Hinihintay ko siyang magsalita, pero hindi ko alam kung ano talaga ang gusto kong marinig mula rito.

"Mukhang okay naman kami diba?" Tanong niya sakin na parang siya pa ang naghahanap ng kasagutan. Nagtaka ako sa kung ano ang tinutukoy niya.

"What do you mean?"

"Kami ni Cathleen. Okay naman kami kahit wala na kami, diba?" She asked once again.


*END OF FLASHBACK*





"So, nakipagbreak na nga siya?" Tanong ni Lauren pagkatapos kong ikwento ang nangyari.

"I think? I mean, based from what she said. Sabi niya, wala na sila." Sagot ko habang patuloy parin akong umiinom.

"Oh, un naman pala. Eh anong ipinuputok ng tambutso mo diyan?" Asar niyang tanong.

"Eh mas naging malabo pa kasi ata nung magbreak sila eh."

"What do you mean?" Tanong niya na nakakunot ang noo.






*FLASHBACK*


A FEW DAYS LATER (Saturday)

Tinext ko si Althea dahil buong araw siyang hindi nagpaparamdam sakin.


*JADE*
Nasaan ka?


Eversince they broke up, napansin kong never na ulit akong tinawag ni Althea na lab or mahal ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero nung marealize ko un, tinigilan ko narin ang pagtawag sa kanya ng ganun. We were back on first name basis. Minsan, wala narin akong itinatawag sa kanya. Diretso usap lang.


*ALTHEA*
Nandito sa Laguna.

*JADE*
Anong ginagawa mo sa Laguna?

*ALTHEA*
Nagpasama kasi si Cathleen na bisitahin ung family niya. Uuwi rin kami mamaya.


Break na sila sa lagay na 'to ha? Ang labo. Hindi pa namin napag-uusapan ng maayos ni Althea ang nangyaring break-up. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari. Ayoko naring tanungin dahil baka kung ano ang isipin ni Althea. I want her to tell me when she wants to. Kung ayaw niya, hindi ko siya pipilitin.

Ayoko narin siyang question-in kung bakit parang wala namang nagbago sa kanila ni Cathleen. Baka isipin niya, nagiging possessive ako or something. Naniniwala akong hindi siya nagsisinungaling nung sinabi niyang nakipagbreak na siya. We promised to never lie to each other, and I trust her.


*JADE*
Okay. Sige, ingat.


*END OF FLASHBACK*






"Teka nga Jade, pinaglalaruan ka ba nung Althea-ng un? Siraulo pala siya eh." Naiinis na singit ni Lauren sa kwento ko. Halos nakakaapat na akong bote habang inuubos parin niya ang pangalawa niya.

"Hindi niya ako pinaglalaruan." Pagtatanggol ko sa taong mahal ko.

"Eh bakit ganun parin sila?" Tanong niya na hindi parin nawala ang inis sa tono ng boses nito.






*FLASHBACK*


ALMOST A WEEK LATER (Friday)


SA OFFICE


"Jade, pupunta ako sa condo ni Cathleen mamaya ha." Simpleng paalam nito sakin habang nakafocus ang mga mata niya sa desktop.

I didn't really know how to react and what to say. As if naman pwede ko siyang pigilan diba? Pero honestly, gulong-gulo na ako sa nangyayari. Hindi ko maintindihan kung ano sila ni Cathleen, hindi ko maintindihan kung ano kami. I've been trying to be okay with this whole set-up for two weeks. Pakiramdam ko nga ay napalayo na kami ni Althea sa isa't isa. Our sweet moments stopped, even the daily phone calls and texts. Kung meron man, they were about work or plain messages like ingat and good night.

Tuwing nasa office naman kami, tulad ngayon, halos puro trabaho lang ang pinag-uusapan namin. Though marami naman talagang hinahabol na deadlines and all dahil halos nasa kalahati na ang development ng project namin. We still talk and joke around sometimes, pero ramdam na ramdam ko ung pagkakaiba ng treatment namin sa isa't isa kumpara sa dati. It felt like we went back to being just friends.

Nagtataka kayo kung bakit wala akong ginagawa? Honestly, hindi ko rin alam. Pakiramdam ko kasi ay wala naman akong karapatang magdemand. I mean, just because break na sila, doesn't mean I can automatically act like her girlfriend. Oo, mahal niya ako, pero syempre, kailangan alam ko din kung saan ako lulugar.

"Dun ka narin matutulog?" Nag-aalangan kong tanong, not because I wasn't comfortable asking it, but because I wasn't sure if I still want to know her answer.

"Hindi ko rin alam eh. Depende." Sagot niya na parang hindi ako ang kausap niya.

Na-badtrip ako bigla dahil dito. Hindi ko malaman kung sinasadya niyang maging insensitive o ano.

"Break na ba talaga kayo?" I unconsciously asked. Nagulat rin ako sa nasabi ko dahil nga ayokong pagdudahan si Althea, but it just came out.

Napatingin ito sakin bigla at natahimik ng ilang segundo. Napayuko ako habang ramdam ko naman ang mga mata niyang nananatili sakin. Maya-maya ay lumapit siya sakin at bahagyang umupo sa lamesa ko.

"Jade." Tawag niya sakin, at tumingin naman ako kagad sa kanya.

"Break na kami, okay? Tinapos ko na talaga. Maniwala ka sakin." Malambing niyang sabi.

"Okay, sabi mo eh." Simpleng sagot ko. Ibinalik ko ang atensyon ko sa desktop ko at nagkunwaring bumalik sa pagtatrabaho. Un nalang ang sinabi ko dahil mainit na ang ulo ko. Baka kung saan din kasi mapunta ang usapan.

Ilang segundo ulit siyang hindi nagsalita at patuloy lang akong tinignan.

"Naniniwala ka naman sakin diba?" Kuha niya ng atensyon mula sakin.

"Sure." I sarcastically said.

"Jade, tumingin ka sakin." Utos niya, pero hindi parin ako lumingon. Nakadalawang tawag pa siya sakin bago ako napilitang tumingin sa kanya.

"Wala na kami, okay? Wala na." Ulit niyang dipensa.

"Mukha nga." Badtrip kong sagot. I crossed my arms to let her know I needed some explanation.

"Ayoko lang kasing may magbago samin, Jade. I mean, gusto ko manatili kaming close friends. Ayokong maramdaman niya na basta-basta ko nalang itinapon ung ilang taon naming pinagsamahan. I'm just trying to help her be okay with everything." She reasoned out.

Honestly, naiintindihan ko naman ang dahilan niya. Tama nga naman, hindi madaling tanggapin ang isang break-up lalo na kung matagal kayong nagsama. But in my opinion, I don't think it's still appropriate na magsama ang mag-ex sa iisang lugar na silang dalawa lang. Lalo na kung ka-be-break palang nila. Again, not that I don't trust Althea... pero bakit nga kasi ganun? Pwede naman ung magtawagan lang, or see each other here and there... kailangan talaga magsama sa iisang condo? Bakit?

"Ipinapaalala ko naman sa kanya na hindi na pwede ung tulad ng dati eh. Pinagbibigyan ko lang minsan kasi hindi siya sanay na mag-isa. Ako lang ang kaibigan niya, Jade. Alam mo naman un." Dagdag niya.

Okay, I get it. Cathleen needs time. Ayaw ni Althea na may magbago sa kanila. Pero bakit ang pakiramdam ko, kami ang nagbago? Bakit parang sa aming dalawa may nagbago? Sino ba talaga ang nagbreak, sila o kami?

Then it hit me. Cathleen still doesn't know about us.


*END OF FLASHBACK*






"Ang bullshit, Jade. Noong sila pa, hindi ka niya magawang ipaglaban dahil ayaw niyang masaktan si Cathleen. Ngayong break na sila, si Cathleen parin ang iniisip niya?! Tangina! Kailan ka niya iisipin, Jade? Kailan?! Kailan naman magiging ikaw?" Galit na sabi ni Lauren matapos ang kwento ko.

Napatingin ako sa kanya dahil bigla kong narealize na may point siya. Hindi ko alam kung paulit-ulit ko lang inaalis un sa isip ko dahil ayokong maging selfish, o sadyang ayoko lang isipin na Althea never really considered how I feel. No, hindi naman ganun si Althea eh.

"She said she loves me though." Tanging sagot ko nalang, since wala na akong ibang maidahilan.

"Tanga ka ba?! Jade naman. Nasaan ang pagmamahal dun? Ung mga dating paglambing-lambing niya sayo? Ung mga paghalik at pagyakap? Ano Jade, nakukuha ka sa mga ganun lang?" Panunumbat niya.

Minsan ang sarap kutusan nitong kaibigan kong 'to eh. Grabe magsalita minsan. Nakakasakit na. Hahaha. Hindi ko alam kung gusto niya akong tulungan sa problema ko o ano eh. But I guess, I also needed to hear those words.

"Ganun ba ang tingin mo sakin, Ren?" Balik kong tanong sa kanya. I realized I was on my 6th bottle of beer, but I wasn't feeling tipsy at all. Nasobrahan na ata ako sa kakaisip na nawalan na ng talab ang mga ito sakin.

"Un na nga eh! Alam kong hindi ka ganun. Kaya bakit ka nagsesettle sa ganitong set-up?" Sermon niya ulit sakin.

"Actually kahapon..."






*FLASHBACK*



SA OFFICE


"Medyo pagod ako ngayon, Cathleen. Ang dami kasi naming ginawa. Next time nalang siguro." Rinig kong sabi ni Althea sa kausap niya sa telepono.

Ung totoo... hanggang kailan kami magiging ganito? Ano pa ba ako para sa kanya? Hindi ko alam kung gugustuhin ko nalang na maging sila ulit ni Cathleen, para maging okay na ulit kaming dalawa. Bastusan namang buhay 'to! Ako parin ang talo?

Pagkapasok ko palang kanina, mainit na ang ulo ko dahil hindi na naman nagparamdam buong araw si Althea kahapon kahit hindi ako pumasok. Almost every other day ako kung mag-absent since last week dahil iniiwasan ko ang CEO. Tuwing pumapasok naman ako, I spend more time in the project site. Ayoko kasing mag-away kami ni Althea. Mukhang okay din naman sa kanya, dahil hindi siya nagtatanong kung bakit madalas akong wala sa office. Tuluyan na ata siyang nawalan ng pakialam sakin.

"Cathleen, I can't. Okay? I just can't. Wag ngayon." Sunod na narinig ko mula sa kasama ko.

"Next time nga, diba? Kung gusto mo, bukas nalang. Basta wag ngayon dahil pagod ako." Medyo tumaas na ang boses nito na halata namang nagsisimula na silang mag-away ng kausap niya.

Pagkasabi niya ng 'bukas nalang', tuluyan nang kumulo ang dugo ko. Halos magdilim ang paningin ko sa galit. Pakiramdam ko sasabog na ako kaya lumabas ako ng office. I didn't have any idea where to go, but I just knew I had to get out of the room.

Ilang minuto akong naglakad kung saan-saan. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari nun. The next thing I knew, I was dialling Batchi's number.


BATCHI: Uyy, Jade.

JADE: Batch...

BATCHI: Teka teka, umiiyak ka ba?


Pagkasabi niya nun, tsaka ko lang narealize na umiiyak nga ako. Hindi ko na namalayan dahil parang namanhid ang buong katawan ko sa galit.


JADE: Batch...

BATCHI: Jade, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?

JADE: Bakit ganun, Batch?

BATCHI: Ang alin?

JADE: Si Althea.

BATCHI: Ano na namang ginawa ni Tsong?


Tuluyan lang ako umiyak dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Batchi. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.


BATCHI: Jade, sabihin mo sakin. Anong nangyari?

JADE: Batch, ayoko na.

BATCHI: Ha? What do you mean ayaw mo na?

JADE: Hindi ko na kaya, Batch. Ayoko na talaga.

BATCHI: Jade, ano ba yang pinagsasasabi mo? Sabihin mo sakin kung anong problema.

JADE: Si Althea nalang ang kausapin mo.

BATCHI: Nasa office ka pa ba? Pupuntahan kita dyan.

JADE: Hindi na, Batch. Wag na.

BATCHI: No, Jade. Mag-usap tayo.

JADE: Next time nalang, Batch. I should just probably go home.

BATCHI: Jade...

JADE: Sorry, I have to go.


Ibinaba ko na ang tawag at bumalik nalang sa opisina para kunin na ang mga naiwan kong gamit.


"Ma'am Tanchingco, kaaalis lang po ni Architect Legaspi. Sayang po hindi niyo naabutan. Idinaan niya lang po itong carpet swatches." Sabi ng isang front desk employee pagkapasok ko ng office building.

"Thank you." Halos walang gana kong sagot dito. Kinuha ko ang mga swatches at dire-diretso ako papuntang elevator lobby.



//



Halos ibalabag ko ang dala ko sa lamesa ni Althea pagkapasok ko ng office. Nagulat naman ito, pero hindi ko na siya pinansin. Hindi ako nagsalita at kinuha ko nalang ang mga gamit ko para makaalis na ako.

"Isa pa 'tong babaeng 'to. Nakisabay pa." Rinig kong bulong ni Althea nung palabas na ako ng pinto.

Napahigpit ang hawak ko sa doorknob na akala ko masisira ko na ito. Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili dahil pakiramdam ko, kung magsasalita ako, paulit-ulit ko lang mamumura ang CEO. Bago pa man ako sumabog, mabilis na akong lumabas ng silid.

"Jade!" Huling narinig ko mula kay Althea, and I was so thankful na hindi na niya ako sinundan.


*END OF FLASHBACK*






"Ano, nasagad ka rin?" Hamong tanong ni Lauren sakin.

Hindi ako sumagot at inubos ko lang ang pangwalo kong bote ng beer.

"Kaya ka nagmumukmok ngayon?" Tanong niya ulit, pero hindi parin ako nagsalita.

"Hindi ka man lang ba niya tinawagan or anything?" Lauren asked once again.

"She called several times last night, but I turned off my phone nung mapikon ako. Pati nga si Batchi, nakailang tawag rin. Hanggang ngayon hindi ko pa ulit binubuksan phone ko." I finally replied.

"Good." Simpleng sagot niya, then she opened another beer bottle for both of us.

I gave her a questioning look. She looked like she was contented with what I did. Hindi ko alam kung ano ang ipinaparating niya.

"Tama na, Jade. Ginagago ka na niya eh." She frankly said.

Magsasalita na sana ako para sabihing hindi totoo ang sinasabi niya, pero mabilis ako nitong inawat.

"Save it, Jade. Wag mo nang ipagtanggol si Althea. Please naman oh. Maawa ka naman sa sarili mo. Hanggang kailan mo siya iintindihin?" Sermon niya.

"Anong magagawa ko? Mahal ko eh." Dahilan ko, as if it was enough to stop all her doubts.

"Un na nga eh! Masyado mo siyang minahal." Pambabara sakin ni Lauren.

"Eh anong gusto mong gawin ko? Para namang hindi mo alam kung paano ako magmahal." Sagot ko sa kanya.

"Mali nga Jade eh. Masyado mo siyang minahal, kaya nakampante siyang lagi ka lang nandyan. At sa sobra-sobrang pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya, nakampante siyang wala na siyang kailangan patunayan sayo. Kasi tanggap mo naman siya ng buong-buo eh. Alam niya na paulit-ulit mo siyang patatawarin kahit ilang beses pa siyang magkamali. Alam niyang maghihintay ka kahit after 10 years ka pa niyang ipaglaban." Sermon ni Lauren sakin.

"You don't know Althea. Hindi siya ganun." Pagtatanggol ko parin sa taong mahal ko.

"Hindi nga ba? Jade, wake up! Why do you think she still chooses to hurt you instead of Cathleen? Bakit hanggang ngayon, ganito parin kayo?" Pagpaparealize niya ulit.

"Hindi naman niya siguro sinasadya 'to, Ren. Baka naiipit lang siya."


Honestly, nawala na kasi bigla ang galit ko kay Althea. Hindi ko alam kung dahil lang sa alcohol o ano, pero parang gusto ko na ulit siyang makita at makasama.


"Naiipit? Nahihirapan? Naguguluhan? Ano pa?! Ano pang excuse mo para kay Althea? Matauhan ka nga! I don't think she even loves you, Jade." Galit na sumbat ni Lauren.

"How can you say that? Hindi mo naman siya kilala ah!" Medyo tumaas narin ang boses ko dahil umiinit ang ulo ko sa sinasabi niya.

"Because you don't hurt the person you love, Jade! You don't. Kung mahal mo talaga ang isang tao, gagawin mo ang lahat para hindi siya masaktan. You'll always try to protect them. No matter what. Tulad nang ginagawa mo kay Althea." Mahinahon pero mariin niyang paliwanag.

I lowered my head because once again, she had a point. Nag-isip pa ako ng idadahilan kay Lauren, pero natigilan ako nang marealize kong ipagtatanggol ko na naman pala si Althea.




Natigilan kaming dalawa ni Lauren nang biglang magring ang telepono niya. Tinignan niya ito at nakita ko namang napakunot siya ng noo. Hindi ko alam kung bakit.

"Batchi?" Sagot niya sa telepono na ikinagulat ko naman.

"Jade's fine, don't worry." Sunod niyang sagot. Sinubukan kong pakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya, pero hindi ko ito maintindihan. Napansin ko nalang na parang naiinis si Lauren sa naririnig.

"Batchi, sabihin mo dyan sa kaibigan mo, tantanan na muna si Jade. Tutal wala naman na siyang pakialam sa kaibigan ko diba? Sabihin mo, gago siya! At wag na wag siyang magpapakita sakin." Galit na sagot ni Lauren kay Batchi.

Nagulat naman ako sa sinabi nito. Hinawakan ko siya sa braso para awatin na sana siya dahil baka kung ano pa ang sabihin nito, pero mabilis niyang hinawi ang aking kamay.

"Sabihin mo rin sa kanya... kung naghahanap lang siya nang mapaglalaruan, wag na si Jade. Please lang, Batchi. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, ung kaibigan ko pa talaga?! Iba nalang ang gaguhin niya." Galit paring sagot ni Lauren.

"Forget it, I don't care. Basta wag na wag siyang lalapit kay Jade. Sinasabi ko sayo Batchi, magkakasubukan kami ni Althea. Pagsabihan mo ang kaibigan mo!" Huling sabi niya bago niya ibaba ang tawag ni Batchi.

"Ano ba, Lauren?! Hindi mo na dapat sinabi un!" Galit na suway ko sa kanya, at tinignan lang ako nito ng masama.

"Bakit, ano bang dapat kong sinabi? Na papuntahin niya si Althea dito para makapag-usap kayo? Tapos ano, magiging okay na ulit kayo? Pucha naman, Jade! Maawa ka sa sarili mo. Ikaw na naman ang iintindi." Ulit niyang panenermon.

"Just stop it, Lauren. Wag ka nang makialam. Problema namin ni Althea 'to. Stay out of it." Inis kong sagot sa kanya.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Lauren mula sa kinauupuan niya. Lumayo siya ng bahagya sakin pero humarap din siya kagad. I saw a bit of fire in her eyes. But aside from that burning madness, I also saw tears that were about to flow.

"Jade, please naman oh. Tama na. Kahit hindi mo sabihin, alam kong durog na durog ka na. And I can't let Althea completely destroy you." Medyo nanginginig ang boses niya, na halata namang nagpipigil ito ng iyak.

Hindi ako nakasagot dahil hindi ko rin alam ang dapat sabihin sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya umiiyak, pero patuloy ko lang siyang tinignan.

"Tuwing nagkukwento ka sakin tungkol kay Althea, ang saya-saya mo. You always talk about her like she's the best thing that ever happened to your life. Kahit paulit-ulit kong itinatanong sayo kung paano mo nakakayang tiisin ung sitwasyon niyo, ang lagi mo lang sagot... she's worth it. But Jade, hindi mo ba naiisip na sana ikaw naman ung ganun? Ung sana ikaw naman ung worth it?" She said as tears started to flow from her eyes.

"Nasasaktan ako dahil alam kong hindi mo pinahahalagahan ang sarili mo. Puro nalang si Althea, Jade. You give her all the love a person can offer, pero siya ba, naibibigay un sayo? Hindi pwedeng buo ang ibinibigay mo, tapos kalahati lang ang natatanggap mo. Mauubos ka nun. You deserve better, Jade. You deserve more. Not like this. I don't want you to give everything that you have to a person who can't even see your worth." Dagdag niyang paliwanag.

Late ko nang narealize na umiiyak na din pala ako. May part sakin na natauhan dahil sa mga sinabi ni Lauren, pero may part din na nagwoworry kung kakayanin ko ba kung tuluyan ko nang tatalikuran si Althea. I was really torn, but I was also thankful. Thankful, dahil may kaibigan akong tulad ni Lauren. A friend who genuinely cares.

"Maybe you're right, mahal ka niya. But I know for sure that she doesn't love you the same way that you do. So please, Jade... let go. Let go, bago ka pa masagad. Tama na. Masyado mo nang nabulag si Althea sa pagmamahal na hindi na niya makitang nauubos ka na. Hindi pwedeng lagi nalang ganito, Jade. Panahon na para ikaw naman ang intindihin niya." Pagtatapos niya.

Napahawak ako sa bigla sa ulo ko dahil pakiramdam ko, sasabog na ang utak ko. Things felt like crashing all at once. But then I ended up realizing that maybe Lauren was right... it's time.



//



Nagulat kami ni Lauren nang biglang may magdoorbell. Nagkatinginan kami dahil parehas kaming walang idea kung sino ang nasa pinto. Tumayo ako para tumingin sa peephole, at mas nagulat naman ako sa nakita ko. Shit.

"Anong ginagawa mo dito?!" Galit na tanong ni Lauren pagkabukas ko ng pinto at nakita niya si Althea.

Hinila niya ako palayo dito at pinapwesto ako sa may likuran niya para pumagitna siya samin ng CEO.

"Tsong, wag na muna ngayon. Please lang." Pakiusap ng kasama ni Althea na si Batchi.

"Jade, mag-usap naman tayo oh." Sabi ni Althea na parang hindi narinig ang sinabi ng dalawa.

"Tsong!" Suway ulit ni Batchi.

"Umalis ka na! Wala na kayong dapat pang pag-usapan." Sabi ni Lauren kay Althea.

"Jade, please." Pakiusap ulit ng CEO.

Everything was becoming a bit too much for me. Nataranta ako dahil hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. I just knew I had to get out of the room, away from everyone.

Mabilis kong kinuha ang telepono ko, susi ng sasakyan, at ang jacket ko na nakasabit malapit sa pintuan. Nagmadali akong lumabas ng unit ko. Narinig kong tinawag nilang tatlo ang pangalan ko pero hindi ko sila nilingon. I was so thankful na nakabukas na ang elevator car dahil meron ding bababa, kaya hindi nila ako nahabol.

I didn't know where I was heading. I just continued driving. Shockingly, I wasn't feeling dizzy at all. Wala talagang tama ung alcohol sakin. I was still sober. Mas sumakit pa ang ulo ko sa mga nangyari kaysa sa pag-inom.

I drove for about an hour. Halos paikot-ikot lang naman ako sa may area ng office building namin. Binuksan ko na ulit ang telepono ko, and luckily, may charge pa ito kahit papaano. Tinext ko si Lauren na siya na muna ang bahala sa condo dahil wala pa akong balak umuwi. Sinabi naman nito na doon nalang muna siya matutulog ngayong gabi. Then she asked several other questions, pero hindi ko na ito sinagot.

I stopped the car in front of our office building. Suddenly, I started crying. And I felt so drained emotionally. Bigla kong naisip ang lahat ng sinabi sakin ni Lauren kanina. Kahit mahirap, ipinilit ko ang sarili ko na marealize that I really deserve better.

After crying for almost half an hour, I suddenly made up my mind. And I knew I needed to talk to Althea, so that we can make things clear. Kailangan ko siyang puntahan.



*JADE*
Nasaan ka?

*ALTHEA*
Nandito na sa condo ko. Jade, mag-usap naman tayo oh. Please.




Then I quickly drove to her place.











TO BE CONTINUED



Continue Reading

You'll Also Like

208K 6.9K 34
When it comes to love, Glaiza Del Cuestro follows 3 simple rules. First, never fall in love with a straight girl. Second, never fall for a close frie...
221K 8.3K 52
"A loser will always be a loser." Akala ni Eleven ay basketball ang tutulong sa kanya para makamit niya ang mga pangarap kaya naman pumayag siya nang...
214K 10.7K 40
How can you hate and love a person at the same time?
325K 12.1K 36
An arranged marriage between a spoiled brat daughter and an obedient granddaughter. Produkto po ito ng aking imahinasyon. Anumang pagkakatulad sa iba...