Let's do this!

By IfIWasYourGirl

39.2K 1.2K 55

Iba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali a... More

Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
XX
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 19

493 15 1
By IfIWasYourGirl

So ngayon po ay Brent and Iya moments po muna tayo. HAHAHA! :) So hope you'll read it po and maenjoy niyo po. Salamat po sa mga nagbabasa at sumusuporta. Alam ko pong hindi naman ako ganun kagaling pero i'm trying my best and masaya po ako sa ginagawa ko :)



Salamat sa mga patuloy na sumusuporta. And I will not stop writing stories cause I love what I do. So please do read and vote for my stories.




---



[Brent's POV]




"Ano ba kasi nangyari? Kwento mo nga." tanong naman ni Ashton sakin




Napabuntong hininga ako. Alam ko naman kasing hindi ako titigilan nitong mga to. Pati si Pau sumama na rin dito samin at nag-iintay sa isasagot ko.




"Hindi naman ako galit kay Iya eh, kaya lang kasi sumosobra na yung papa niya eh. Grabe niyang tapakan yung pagkatao ko. Porket ba mahirap kami at sila mayaman, pera na agad ang habol ko kay Iya? Akala niya kaya ako lumalapit at nakikipagkaibigan kay Iya ay dahil sa pera. Pero hindi naman yun totoo eh."




"Sa papa naman pala ni Iya ka naiinis eh bakit parang nadadamay si Iya?" tanong naman ni Pau sakanya




Napakamot ako sa ulo ko.




"Ayoko naman talagang lumayo siya eh. Oo nung una nainis ako sakanya kasi sa sinabi ng tatay niya, naisip ko na ako pa ang napasama samantalang tinutulungan ko lang naman siya. Kaya lang naisip ko na wala siyang kasalanan. Ipinagtanggol niya pa nga ako. Kaya lang kasi ayoko na ulit mapagsabihan pa ng masama kaya dinidistansya ko na ang sarili ko kay Iya."




"Kaibigan mo si Iya, Brent." kumento naman ni Sami




"Alam ko naman yun. Mahalaga siya sakin, kaya lang kasi. Naguguluhan ako, ewan ko. Basta parang ayoko muna siyang kausapin."




Hindi naman na talaga ako galit sakanya, magulo lang ang isip ko. Nahihirapan din naman ako sa set-up namin. Nasa bahay pa rin siya tapos dalawa lang kami sa bahay kasi wala pa sila nanay. Ayoko rin naman talaga siya umalis. Nung araw nga na sinabihan ko siyang umalis, ang totoo nun, nung nawala na yung inis ko hiniling ko na sana hindi siya umalis. Ewan ko, naguguluhan ako.




Magsasalita na sana si Ashton pero tumigil din siya ng makita kung sino ang kakapasok palang. Si Iya kasama si Chloe.




Napatingin siya sakin. Nagkatitigan kami pero umiwas agad siya ng tingin atsaka bumalik sa upuan niya. Sinusundan ko lang din naman siya ng tingin.




"Matunaw." napatingin ako sa bumulong sakin. Si Pau pala.




"Anong pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ko




"Kunwari di alam."




Nagkibit balikat nalang ako kasi hindi ko naman talaga maintindihan kung anong sinasabi niya. Nababaliw na ata kasi yun.




****




Lunch na namin ngayon at nakaupo na kami rito sa may cafeteria nila Ashton at Pau. Wala pa yung mga babae eh. Lagi namang late yung tatlong yun.




Maya maya pa ay dumating na rin naman silang may dala-dalang pagkain. Napatingin naman ako kay Iya na nakatayo at nakatingin sakin. Magkatitigan pa rin kami, hindi ko alam kung gano katagal pero matagal tagal din kaming nakatingin sa isa't isa.




"Umm, di na muna ako sasabay ah." sabi naman ni Iya




"H--ha?" napatingin si Chloe sakanya




"Bakit naman? Okay lang yan." sagot naman ni Sami




"Bukas nalang." sabi niya naman tsaka ngumiti samin, at naglakad papunta sa medyo malayong table na bakante.




"Dun nalang din kami kakain." sabi naman ni Chloe tsaka kinuha ang tray niya at lumipat sa table kung nasaan si Iya.




Hindi ko naman sinabing wag siyang sumabay eh.




Ay nako! Ngayon maggaganto ako. Ako nga pala nagsabing lumayo siya at umalis na siya sa buhay ko. Tanga mo brent! Tapos ngayon gusto mong hindi umiwas. Gulo gulo mo BRENT!




[Iya's POV]




"Hindi naman nagsabi si Brent na ayaw ka niya kasabay eh." sabi naman ni Chloe sakin habang kumakain kami




"Oo nga, bakit umalis ka?" nagtatakang tanong ni Sami




"Ah eh kasi, halata namang ayaw niya. Tsaka sinabihan niya nga ako na layuan ko na siya. Hindi na nga ako umalis sa bahay nila tapos hanggang dito ba bubuntot ako? Pag sa school hindi ko siya papansinin." sabi ko naman tsaka itinuloy ang pag kain ko.




Tumingin ulit ako sa pwesto kung nasaan sila Brent at nahuli kong nakatingin siya kaya iniwas ko kaagad ang mga mata ko sakanya. Kinakabahan ako, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.




Nasasaktan ako sa totoo lang.




****



Nakasunod lang ako sakanya ngayon. Hindi ako masyadong malapit sakanya, hindi rin naman masyadong malayo. Sakto lang para maaninag ko ang likuran niya habang naglalakad.




Ginabi nanaman kami ng uwi dahil sa mga training na pinapaggawa samin. May solo performance kasi kami bukas and todo na kaming magpractice ngayon.




Mabagal ang lakad namin, pero hindi kami nag-uusap. Oo, inaamin kong nakakapanibago ng sobra. Hindi ako sanay na ganito kami.




Nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad siya. Gusto ko siyang kausapin at sabihin na hindi ako okay. Kaya lang hindi naman pwede yun.




Hanggang makarating sa bahay ay hindi nag-iimikan. Ni hindi nga namin napansin na may tao pala, kung hindi pa ito nagsalita.




"Brent." napatingin naman kami sa tapat ng bahay nila at may babaeng nakaupo dun at may maletang dala dala. Mukang anak mayaman. Anong ginagawa niya rito?





"Sky, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Brent sakanya




"Kakauwi ko lang from US. And I decided to stay with you for one week." sabi naman nung Sky




"Bakit dito pa? Mayaman ka naman para maghotel."




"Eh, ayoko. Gusto kita kasama." sabi niya naman tsaka kumapit sa braso ni Brent




Napatingin naman siya sakin. Tinignan niya ako from head to toe. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nakakaintimidate kasi yung tingin niya.




"Sino siya?" tanong niya kay Brent. And finally tinignan din ako ni Brent.




"S--si Iya, kaibigan ko. Iya, si Sky childhood friend ko." pagpapakilala niya naman saming dalawa. Nginitian ko siya, pero hindi ngiti ang isinukli niya sakin kundi isang matalim na titig.




Pumasok na rin naman sila sa loob ng bahay.




Hindi ko nalang pinansin at sumunod nalang din akong pumasok sakanila sa loob ng bahay.




Pumunta na ako sa may kwarto atsaka nagbihis ng pambahay, pagkatapos ay lumabas na rin ako atsaka nagluto ng makakain. Scrambled eggs nalang since yun ang madali atsaka nagsaing nalang din ako ng konti.




"Umm, kain na kayo." yaya ko naman sakanila




"Hindi ako kakain." sabi naman ni Brent "Lalabas na muna ako."




"Sama ako." sabi naman nung Sky




Iniwan nila ako rito. Medyo marami pa naman tong niluto ko dahil akala ko kakain sila. Kakainin ko nalang para hindi masayang yung pagkain. Pinaghirapan to nila tita eh.




Hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil sa ginawa ni Brent. Kumakain tuloy ako habang tumutulo ang mga luha sa muka ko.




---



End of chapter 19

Continue Reading

You'll Also Like

495K 36K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
69.2K 1.1K 24
Naligaw ang isang magbabarkada sa isang clinic kung saan pinagmamay-ari ng isang pamilya ng aswang. Nakakapangilabot lalo na't buntis pa ang isa sa k...
5.3M 105K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
1.7K 89 16
Ang storyang ito ay tungkol sa apat na magkakaibigan na palaging pinapakitaan ng multo, dahil humingi ito ng hustisya sa kanyang pagkamatay. hindi ma...