Finding You (AlDub fanfic)

By khamylyn

65.7K 2.5K 176

Paano kung may mga bagay na impossible pero posible pala... Handa ka bang mag papantentero sa tadhana? Findin... More

Epilogue
1
2
3
4
5
6
7
8
10
11
12
13
14
15
My thoughts!!!
16 P.A
17
18
19
20
21
22
23
24.
25.
26.
27.
28
29.
30
31
32
33
34
35
36
HINDI ITO UPDATE..
37
39
40
41

38

854 39 1
By khamylyn


MAINE

"Balita namin may napupusuan ka nang dalaga ngayon Alden, is that true?" Pinukos yung camera sa mukha ni Alden. Panay ngiti lang ito na nagpapalitaw ng biloy nito sa pisngi.

"Saan niyo naman po nakuha yang balita na yan? haha."

"So? Hindi totoo ang balita na may mysterious girl ka daw na nagugustuhan." Ngiti lang yung binigay nya sa host.

"Oh, well mukhang wala na masabi ang ating Pambansang Bae, kayo na ang humusga mga ka chikahan hahah..."

"Maiba ako Alden, ano naman ang nasabi ni DIvina sa mga issues na naglalabasan this past few weeks at isa na dun yung na una ko ng tinanong." Tanong ng host.

"Bakit ba ang atribida ni host" sabi ko sa sarili ko.

"Well as Divina and I, really good friends and she also asking me some question kaya alam niya na ang mga issue na yan ay hindi dapat paniwalaan." sagot ni Alden.

Nakipag chikahan pa sila at nag imbita sa mga fans nila ni Divina for their projects. Nang matapos na ang palabas sa TV nag halungkat ako sa mga gamit ko para makapag hanap ng mapanood ko, boring kaya.

Sabado ngayon at nasa kwarto ako wala naman akong ibang gagawin kaya mag momovie marathon ako ng mag isa!

"Ok? ano kaya ang pwede kong panoorin?hmmm..." dinampot ko yung pinaka favorite kong movie.

"A Walk to Remember?.. Memorize ko na yung buong story na 'to" sabi ko. Nag hanap pa ako ng ibang movie.

"Warm Bodies.., Wish Upon A star...," Basa ko sa mga nakita kong movie tape ko.

Mukhang kailangan ko na ding bumili ng mga bagong CD's para naman may mga mapanood ako kapag na bored ako.

Inayos ko na yung mga kinalat kong CD'S ng may maalala ako.

"Oo nga pala may kinuha akong CD's sa condo ni ate Coleen nung nakaraan asan na kaya yun?"

Hinanap ko yung bag ko at hinalungkat.

"Aha!! andito ka!!" SAmbit ko ng makita ko ang hinahanap ko.

"The Jumper.." Basa ko sa title. Na curious ako sa title ng movie kaya kinuha ko nung nakita ko. Hindi na ako nakapag paalam kay ate kasi umalis sya, babalik ko naman eh..

Isasalang ko na sana ang CD ng may tumawag sa akin.

"Apo?.." Dinig kong tawag ni Lola Tidora sa akin.

Pinatay ko nalang yung TV at binuksan ang pinto. "Oh, La may kailangan po kayo?" tanong ko.

"Gusto ko sanang mag pasama sayo apo." Malambing na sabi ni Lola Tidz.
"Saan naman po Lola?" tanong ko uli.

"Eh, gusto ko sanang mamili ng mga ipang regalo sa inyo para sa Christmas eve. Kaso baka kung ano ano nalang ang damputin ko dun na hindi niyo naman pala magagamit. Kaya gusto ko sana na samahan mo akong mamili ng mga ipamimigay ko sa inyo at sa mga kapatid ko, Apo."

"wala pong problema lola, ayos lang po mag bibihis lang ako sandali la." sabi ko

" Salamat apo, at kung maaari lang sa atin lang ito ah... " sabi ni lola sa akin na nag hussss sign pa kaya tumango nalang ako.

Nasa Shangrila mall kami ngayon ni Lola. Nag iikot ikot kami, but knowing Lola Tidora sa cosmetics area kami na tagalan. Hinayaan ko na muna sya at nag ikot-ikot na din ako.

Nasa may CD section ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

"MAINE!!!" kaya napalingon ako.

"MENGGAY MERRY CHRISTMAS!!!!!!!" sigaw nito sa akin.

"Lucy?!" Gulat kong sambit. Niyakap nya ako kaya napa yakap din ako dito.

"Kamusta ka na? kailan ka dumating?" sunod sunod kong tanong dito. "nakakapag tampo ka ah.. Hindi mo ako sinabihan na umalis ka pala papuntang US kung hindi pa ako pumunta sa bahay ninyo nganga ako." Tampo kong sabi.

"Heto naman sorry naman... biglaan din yun. Nagkaroon ng isang miss understanding kaya ako pinapunta sa US." Iritang sabi nito sa akin. " kahapon lang ako dumating, gusto ko sanang pumunta sa inyo kaya lang plakda ako, Free kaba ngayon? Catch up tayo marami akong sasabihin sa yo."

"Mukha nga marami kang i explain sa akin. Pero kasama ko si Lola Tidora eh, nasa cosmetics sya."

"Wow naka uwi na pala si Lola Tidora?"

"Hindi lang sya pati si Lola Tinidora."

"Oh My Gosh!! Really? e di riot ngayon dun sa bahay niyo. hahah.... Oh, wait.. Can I tag along?" excited na tanong nito sa akin.

Para ko ng kapatid si Lucy at kilala niya yung mga grandmama ko haha... Yun ang tawag nya kena lola.

"Ok lang ba sayo? baka naman may pupuntahan ka pa Lucy?" Paninigurado kong tanong dito.

"Nako ako lang mag isa nag gala ngayon umalis ako sa bahay kasi andun yung fil-am kong pinsan."

"Fil-am? wala ka namang pinsan na ganun ah.." lito kong sabi.

"Si Divina! Fil - Am yun.. Filengerang Ambisyosa. Ang arte arte pa nakakirita!" Asar na sabi nito. Mukhang mainit ang ulo niya.

"Sige, halika puntahan natin si Lola."

Binalikan namin si Lola kung saan ko sya iniwan at ganun nalang ang gulat ko sa nakita ko sa basket.

"LOLA?! sabi mo titingin ka lang." Paano ba naman ang daming pinili na mga cosmetics juice colored hindi naman nya mauubus yan.

Kinuha ko yung basket nya na may laman na at kumuha ng panibagong basket.

"La, piliin mo lang yung gagamitin mo, sayang ang pera."

"Ano ka ba naman apo, yan lang ang happiness ko at tsyaka naka pamili na rin naman tayo ng mga gift sa mga kapatid mo at sa mga lola mo. "

"La, ok naman po eh,.. kaya lang sayang kapag ma expire tapos itatapon mo lang. Kaya mo nga ako sinama diba? para mabantayan ko yung mga bibilhin mo?" para akong nag sesermon sa 7 yrs old na bata. Nag pout si Lola at namili sa basket nang mga gusto niyang bilhin.

"Heto na ngalang ang kaligayahan ko, hindi ko pa makukuha.... ang sakit at nakakalungkot.." Pag momonolouge ni Lola.

Napailing nalang ako at napatingin kay Lucy na pigil ang tawa. Sa huli Talo pa din ako kasi binili pa din ni lola ang lahat. NO choice ako baka mag tampo sa akin wala pa akong regalo sa christmas eve heheh..

Palabas na kami ng gusali ng sabihan ako ni Lola.

"Apo, sige na ako na dito nandito naman si manong Rogelio sya na ang mag hahatid sa akin. Mag enjoy na muna kayo ng bestfriend mong si Luciana!" sabi ni Lola sa akin natawa ako sa Luciana.

"Lola Tidora naman Lucy po, hindi Luciana." Reklamo ni Lucy.

"Heh, Akala mo hindi ko nakita yung pigil na tawa mo kanina."

"Si Lola naman tagal nating hindi nag kita ganyan kapa sa akin, Ang ganda mo pa naman Lola baka magka wringkles ka."

"Sus Binola mo pa ako. Oh, sya kailangan ko ng umuwi masakit na yung katawan ko."

"Matanda na kasi.." Bulong sa akin ni Lucy kaya siniko ko sya.

Tuluyan ng umalis si Lola.

"Ikaw talaga Lucy paano kaya kung narinig ni Lola yung huling sinabi mo baka mag wala yun."Natatawa kong sabi.

"Kaya nga binulong ko lang hahah, Na Bebeastmode sila Lola pag nakakarinig na sabihan ng matanda nuh? Iba talaga yang mga grandmama mo."

"Hahah... ako pa..oo nga pala san tayo?" Tanong ko Lucy.

"Starbucks tayo? para makapag chikahan tayo."

Tumambay nga kami sa Starbucks.

"Oo nga pala ano nga uli yung rason at bigla ka nalang nawala sa eksena ng bahay niyo?"

"Hay, naku Meng.. Like what I've said earlier,dahil yun sa Fil-am kung pinsan. Laki siguro ng problema nun."

"Bakit naman? " tanong ko at ininom yung frap ko.

"Gawan daw ba ako ng storya. Oo, alam ko naman artista sya at na pair up sya sa isa sa mga pinagkakaguluhan ng lahat ng mga babae,bata man o matanda sama mo na mga bakla. Kaloka sya, nakita lang akong kausap nun ni Alden, lumalantong daw ako. kesyo iba iba daw na mga lalaki kasama ko. Kaya ayun hindi ko na pigilan na sampal ko yung makapal niyang mukha." Gigil na kwento nito sa akin.

"Totoo ba yan? ginawa niya talaga yun? E sa mga naririnig kong mga news puro positive yung naririnig ko sa kanya ah."

"Naku looks can be decieving talaga best, Mukha nga syang anghel pero demonyo yung nasa loob nun."

"Grabi ka naman makapag describe sa pinsan mo."

"I don't care kung sikat sya or what. Wag na wag niya lang akong subukan at lalabas ang lahat ng baho niya."

Hinila ko yung kape niya na iinumin nya dapat. " Meng!!! akin yan ah."

"tama na ang kape umuusok na yung ilong at tenga mo."

"Hindi ko talaga ma iwasan ang ma asar kapag naiisip kong naisahan niya ako dun. Babawi talaga ako."

Well, Lucy will always be Lucy. Ayaw na ayaw niya yung may inaagrabyado kung alam niyang mali talaga ang ginawa ng isa.

"Oh, sya tama na nga yan, change topic na tayo. Mukha namang nag enjoy ka sa US ah.."

"Di rin..." pagkasabi nun ininom nya yung kape nya.

Nang mag open topic naman ako sa nangyari sa kanya sa US lumamlam lang yung mga mata niya, pero nung napansin siguro nito nakatingin ako sa kanya ayon biglang bumalik sa pagiging talkative, Na curious naman ako, may nangyari kaya sa US.

"So, san mo balak mag Christmas Lucy?" pag iiba ko nang usapan.

"Ayoko sa bahay, nandun nanaman yung you know, iwas muna ako sa gulo tyaka na pag hindi Pasko."
"Gusto mo dun ka sa amin? tyak na matutuwa sina ate na nandun ka." Natawa ito.

Totoo naman eh yung ate ko talaga minsan di ko maintindihan minsan iniisip ko nalang na ampon ako. Except sa layo ng mukha ko sa kanila parang mas kapatid pa turing nila kay Lucy. Hindi ako nag seselos, masaya nga ako na ok yung bestfriend ko sa kanila.

"Oo, nga pala ikaw kaya ang mag kwento sa akin kanina pa ako nag kukwento pero ikaw wala ah..."

"Nothing special sa boring kong life."

"Wag ako Menggay... Alam kong napapalapit ka na dun kay Alden Richards na yun. Kawawa naman sya kung pinsan ko ang makatuluyan niya mas gusto ko na ikaw yung makatuluyan ni Alden."

Tinaasan ko sya ng kilay. "At paano mo naman nalaman?" tanong ko.

"Syempre sa News and sa ate Coleen mo." Napailing nalang ako.

"Sino ba talaga ang Bestfriend mo? Si pangit ba o ako?" tinawanan lang ako nito.

Kinuwento ko na din ang mga nangyari maliban sa binantayan ko si Alden nung nagkasakit ito. After namin mag ka chikahan nag pasya kaming mag ikot ikot pa at mag sa-shopping pa daw tong kasama ko.

ALDEN

"Hi, Alden!! do you want some coffee? treat ko." Bungad sa akin ni Divina ng lumabas ako ng office ni Tatay Vic. Kinausap ko lang si tatay regarding sa mga commitments ko. Gusto ko sanang ma clear yung new years eve para makasama ko na sina Daddy at Riza. But sad to say hindi na sya ma clear up.. Ako ang naatasan sa countdown kasama ng iba ko pang co-stars.

"Sorry Divina but I have something to do. Maybe next time." sabi ko dito.

"Napaka workaholic mo kasi mag pahinga ka naman ka gagaling mo lang sa sakit ah..." Malambing na sabi n ito sa akin.

"Thank you for the concern Divina." ngumiti ako dito at umalis na.

"Pare!! Divina na yunng nag aya sayo bakit mo pinalagpas?" Nagulat ako sa taong umakbay sa akin at nagsalita sa tabi ko.

"Sam may lahi ka bang kabuti? ba't kaba sumusulpot bigla."

"Heto naman bakit ba ang init ng ulo mo?" Tanong nito sa akin.

"Hindi mainit ang ulo ko, pagod lang ako." Sagot ko.

"Alam mo mabuti pa sigurong palagi nalang nasa tabi mo si Maine!" Napatingin ako agad dito na naka kunot noo.

"Kasi kapag sya ang kasama o katabi mo hindi ko nakikita yang kunot noo mo at naka busangot na pagmumukha mo." Sabi ni Sam.

"Pare alam mo, Hindi ko ma gets kong complement ba yan o insulto sa akin."

"Pre, lahat ng sinasabi ko sayo complement yun." sabi nito sa akin.

Lumabas na kami ng building para sumakay na sa van ng may nakita akong batang babae na may dala ng yellow Carnation, pero ang hindi ko maintindihan kung bakit si Maine agad ang pumasok sa isip ko.

"Pre sa Christmas eve saan ka nun?"tanong ni Sam.

"May Live Chat ako nun. Pero after hahabol ako sa Noche Buena sa bahay."

"Laguna pare? ang layo nun, kaya mo kayang makaabot nun?"

"It's Better late than never. Bakit ikaw?"

"Mag D-dj ako nun eh,. Di ko ma gets yung organizer kung bakit ako pa ang piniling mag DJ. Kaloka!!"

NApailing ako, sumakay na kami ng Van, " Kuya, pwede bang dumaan tayo sa flower shop?" Tumango lang si kuya driver sa akin.

"Flowershop? anong gagawin mo dun? " Tanong ni Sam

"Bibili ng kape!" pilosopo kong sabi.

"NAtural bibili ng bulaklak flowershop nga di ba?"

Umiling nalang ito at tumahimik. Sumabay na si Bombay sa akin papuntang Broadway.

Bumaba ako ng Van, isang exclusive syang flowershop, kaunti lang ang tao.

Lumapit ako sa sales lady naka shade ako at bullcap .

"Ah... Miss, meron kayong yellow carnation po?" Tanong ko.

"Yes sir..andito po." Pumunta kami sa helera ng mga bulaklak. Mukhang hindi naman ako namukaan ng sales lady.

"Magpapa arrange po ba kayo ng boquet sir?" Tumango ako.

"Ano po yung okasyon sir?"

"Yung pag bibigyan ko niyan is for a simple girl, I don't know the exact flower she like." Kinuha ko yung yellow carnation.

"Sir, Each of flowers has a meaning, Ito pong Yellow carnation kasi sir it means, disdain, rejection or disappointed. If you want po ano po ba yung gusto mong iparating sa ipapadlahan niyo po Sir?"

Napa isip ako. "I just want to tell her na I always remember her, that she's a very sweet girl and--

"You admire her sir?" May mapanuksong ngiti yung sales lady sa akin. Umiwas ako ng tingtin para maitago ang ngiti ko baka makilala pa ako.

"Ito Sir, A Red Carnation, Sweetheart roses and a Rose Tea." sabi nito.

"Sige ok na yan. I will just leave the address at pa deliver nalang."

"Sige po Sir."

Kumuha ako ng isang card at nag sulat doon.

"Thank you very much for taking care of me last time."

-R

Nakita ko sa ID chored niya ang pin na mukha ko, Mukhang idol pa ata niya ako. Kumuha uli ako ng isang card saying thank you sa pag aasist niya sa akin with signature ko, binigay ko sa kanya ang dalawang card mukhang nagulat ito.

"Just keep this a secret ok? and thank you." tumango ito sa akin at ngumiti.

Bumalik na ako sa Van namin.

"Ang tagal mo pre!!" reklamo ni Sam.

"Eh sa hindi ako marunong pumili ng bulaklak eh. " Umiling nalang ito.

"Inlababo ka na pre, Kuya Broadway na tayo." at dumiritso na nga kami sa Broadway.

Mahaba habang araw na naman to.


SORRY SA WRONG GRAMMAR AT SPELLING ... HOPE YOU LIKE IT. 

COMMENT AND VOTE...


Continue Reading

You'll Also Like

11.3K 811 26
Esmeray is a money-loving woman but hard-working person who have many jobs and barely sleeps. One night after leaving her last job, she got in a car...
183K 5.8K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
63.5K 107 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞
1.2M 30.6K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...