14

1.4K 57 0
                                    

MAINE

Napabalikwas ako ng bangon, at nilinga linga ko yung paningin ko.

Teka? Kwarto ko to ah?.. agad ako bumaba ng kama at tumakbo palabas ng kwarto ko. Ibig sabihin panaginip lang lahat? Pumunta ako sa kwarto ni ate.

Walang tao sa room ni ate Coleen kaya bumaba ako ng 1st floor ng bahay.

Pagbaba ko may naririnig akong ingay galing sa dining area.
KAya agad akong pumunta doon.

Nabungaran ko sina Lola, ate, mama at daddy na nag aalmusal.

Bumaling si ate sa akin.

"May lakad ka Menggay?" Tanong nito.

Napakunot noo ako sa tanong ni ate. Nakatingin din sina mama sa akin.

Agad akong tumakbo palapit sa kanila at niyakap ng mahigpit.

"Oh.. hahaha aba himala at naglalambing si bunso ah..." sabi ni daddy sa akin.

Bunso? Si Dean ang bunso namin. Di kaya?... wag naman sana.

"Dad, anong bunso ang pinagsasabi mo? SI Dean kaya ang bunso natin." PAsimple kong sabi.

"Haha... ano ka ba naman Meng. Bunso ka kaya..." sabi ni dad

"Bunso sa babae. Teka nga saan ba ang lakad mo?" Tanong nito.

"Wala naman po, bakit po?" Tanong ko.

"Wala kang pupuntahan? Pero nakaganyan ka?" Sabi ni ate. Sabay turo sa akin.

Tinignan ko yung damit ko.

Lumaki yung mata ko ng ma realize ko yung suot ko palang damit ay yung damit na suot ko din sa panaginip ko.

Panaganip nga ba?

"Balik muna ako sa taas dad." Dalidali kong takbo papuntang kwarto ko.

Pagpasok ko ng room ko, agad akong nag lock ng pinto.

Paroon at parito ako, gulong gulo na ako. Mag isip ka nga Menggay?

Di ba panaginip ko lang yun?
Pero... sinipat ko yung sarili ko. Kung panaginip lang yun, why I am wearing this?

Sleep walk? Di kaya nag sleep walk ako kagabi at nabihisan ko sarili ko?.

Sa frustration ko ginulo ko na yung buhok ko.

"ARGGGH!!!" Ano na ba talaga ang nangyayari sa akin?.

Baka pagod lang ako. Tama pagod lang ako kaya kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.

Kumalma na din ang systema ko. Siguro napagod lang ako sa mga trabaho ko at sa panaginip kong weird.

~~~~~~~~~~~~~~~

COLEEN

Ang weird ngayon ng Sisterit kong si Meng. Napapansin ko na nung nakaraang araw pa syang parang wala sa sarili niya.

BAkit ko nasabi yun? Paano ba naman kanina pa ring ng ring ang phone nya hindi pa din pinapansin.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa katabi nitong upuan. Nasa living room kami at naka balandra lang yung mga paper works nito at sya tulaley.

I pick uo her phone.

"Hoy!!!" TAwag pansin ko dito. Pero deadma lang ako.

"MENGGAY!!!!" Sumigaw na ako.

And this time narinig na nya ako, lumingon ito sa akin with matching death glare pa.

Oh, I love my lil sis haha joke!.

"Kailangan manigaw? Hindi ako bingi ah!" Sabi nito.

"Oh!" Abot ko sa phone nito na kanina pa nag mumura ang ringtone. "Hindi ka nga bingi deaf lang, kanina pa yan ring ng ring." Sabi ko dito.

Siguro na realize nito na tumutunog yung phone nito kaya agad din nito sinagot.

"Langya bat di mo sinabi." Pahabol na sabi nito sa akin bago sagutin yung tawag.

Umiling na lang ako, nag dadrugs ba kapatid ko? Natanong ko nalang sa sarili ko. Bangag ngayon ah. Makausap nga.

Hinintay ko munang matapos sya sa pag kausap sa phone niya.

AFter ng ilang minuto bumalik si Meng kung saan ko sya nadatnan kanina.

"Menggay?" Tawag ko sa kanya.

Bumaling ito sa akin pero agad din nya binalik ang paningin nito sa ginagawa.

"Mukhang busy ka ah?." Tanong ko sa kanya.

"Oo, ate. Ewan ko ba kung bakit dumadami ito, dati rati wala pang kalahating oras tapos ko na to." Reklamo into.

Lumapit ako sa kanya.

"Ano bang nangyayari sa iyo? Napapansin ko nitong nakaraang araw wala ka sa sarili mo, Anyare?"

Umiling ito "wala ito ate.."

"Wow! Ah, hindi na pangit tawag mo sa akin. May mali nga." Sabi ko.

"Look ate, there is something in me that i don't understand." Frustrated na sabi nito.

WOw nag eenglish na sya.

"What do you mean? Ay.. ano ba pati ako napapa english." Sabi ko
"So ano nga?.."

"Tyaka na siguro ate kapag alam ko na kung ano yun, naguguluhan pa din ako kaya maybe not now." PAgkasabi nun bumuntong hininga ito.

Napabuntong hininga na rin ako.

"Ok, don't stress out yourself, alam kong darating din ang panahon na maiintindihan mo yan. Kapatid mo ako kaya pwede mong sabihin kung ano man yang gumugulo sayo." NGUmiti ako sa kanya.

"Mag chill out ka kaya muna? Ako na muna bahala dyan sa mga ginagawa mo,mukhang sa susunod na taon mo pa to matatapos hahah.."

Tinignan niya ako ng masama.

"ALam mo ate, sana pala parati nalang ako problemado para ikaw na lang ang gumawa nito. HAha.." tawa nito.

Nabatukan ko ng di oras ito. Pero, dahil may sa AB ang kapati ko tinawanan niya lang ako.

"Pero ate,. Salamat ah.. sa WOW mo." Sabi nito sa akin na hinihas pa din ang ulonna binatukan ko.

"WOW?" Out of no where na tanong ko.

"Word Of Wisdom, akalain mo meron ka nun te'? " Sabi nito.

Ang Kulit at makulit talaga tong babaeng Ito.

"Ok lang ba na iwan ko ito sayo? Si Lucy kasi yung tumawag sa akin, gusto nyang magkita kami kasi daw may news sya, di ko talaga alam, pwede naman nyang sabihin sa phone. Makikipagkita pa sa akin." Reklamo nito.

"HAhah.. nagtaka ka pa sa bff mo. Eh, pareho kayo ngvlikaw ng bituka nun eh., sige na para mag chillax ka naman ako na dito." Sabi ko.

"Sige ate, pero pwede mo ding hindi tapusin ok lang..."

"Lumayas ka na bago pa mag bago yung isip ko." Sabi ko.

Kumaripas naman ito ng takbo papunta ng room nya.

Isip bata pa din talaga tong si Menggay.


Finding You (AlDub fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon