33

1K 44 1
                                    

MAINE

Ilang araw na din ang lumipas ng pumunta sa amin si Alden. Mukhang naging busy pa ito.

Ipinagpasalamat ko din ang mga ginawa nina Ate Reez at Nate sa mga tinulong nila. Hindi lumabas kung sino ang identity ng nasabing babae sa issue na yun.

Nagpalabas na din ng statement si Alden regarding sa mga nangyari noon. At unti unti namang nawawala ang issue. Kung sa bagay sino naman ang maniniwalang may binastos si Alden na babae.

Alam naman ng lahat na he is a perfect gentleman kaya nga kung ano ano ang mga na issue sa kanya.

Paano ko nalaman? syempre sa madaldal kong kapatid!

Sa ngayon hindi pa kami nag kikita... Mukhang gusto nga sya nina Tatay at Nanay dahil kapag may pagkakataon tinatanong nila ako tungkol kay Tisoy..

Well pinangatawanan na nina ate at nanay yung pet name na bigay nila kay Alden.. For now hindi pa kami nag kikita. Alam ko namang busy sya.

Kapag may pagkakataon nag kakamustahan kami thru text.
May napansin lang ako kay Lola Nidora, kung anong giliw nina Nanay at ate kay Alden, sya namang kina sungit ni Lola dito.

Bigla bigla ba naman mag walk out pag si Alden na ang topic.

Pero na alala ko minsan na mag usap kami ni Lola tamang tama naman na lumabas yung patalastas ni Alden, sumimangot agad si Lola dito.

"La'? may problema ba?" tanong ko dito.

"Ikaw Menggay ganyan ba ang tipo mong tao? Pinagkakaguluhan ng lahat?" (NIdora's voice)

"Lola, Kaibigan ko po si Alden. Alam niyo po bang nung nakilala ko na sya... parang feeling ko mag kakilala na kami ng matagal La'....alam mo yung feeling na ganun Lola?"

"Ang sa akin lang apo eh, baka ka ko madamay ka sa magulo nyang mundo. Kakayanin mo kaya yun?"

"muntik na nga po eh..." bulong ko.

"May sinasabi ka apo?"

"Wala po 'La... ah... Kaibigan ko po yun Lola kahit papaano kilala ko si Alden. Medyo makulit na loko yun pero mabait yun." habang nagsasalita ako hindi ko ma pigilang mapangiti kapag naaalala ko yung mga times na magkasama kami nung P.A niya pa ako.

" Hmmmm..... yang ngiting yan Menggay!! alam ko yan. Tapatin mo nga ako may gusto ka ba dun??" seryosong sabi ni Lola.

"P-po?? ako?? ha..haha... wala po ah.. kaibigan lang po talaga!" sagot ko.

"oh, bat ka namumula?!" simpleng sabi nito sa akin.

"Hindi kaya Lola..." tanggi ko.
napahawak ako sa pisngi ko.

Maya maya pa ay may tumawag kay Lola kaya nag excuse ito sa akin.
tamang tama naman sa pag alis ni Lola may nag bubusina sa labas ng gate.

Mukhang nasa loob ng kusina sina Manang kaya ako na ng nag bukas.
Sino kaya ito? hindi ako pamilyar sa sasakyan.

mayamaya pa ay may bumaba. Matangkad at sopistikadang babae at mukhang may edad na din, medyo may kahabaan ang buhok nito at posturang pustora kung makatindig ito.

Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nito.

Naulinigan kong may kausap ito.

"Ano ba yan ate!! umayos ka nga!! kaloka ka !! ba't ka ba sumabay sa akon ng uwi dito." sabi nung nakatalakod sa akin.

"Ano ka ba sister!! ganyan talaga dapat sama sama tayo! ayoko na mang nandito kayo tapos ako nando!!" sagot naman ng kausap nito.

"Anong Nando? Sino yun?"

Finding You (AlDub fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon