DATE POSTED: October 25, 2011
Chapter 63
"KENT naman eehhh!!"
"Miss na kita eh! *tsup* Hindi mo ba ako namimiss *tsup* 2 weeks Phoebe... 2 weeks na---"
"2 weeks na puro si Elisa lang ang kasama mo diba??" putol ni Phoebe kay Kent
"Phoebe naman!!" Niyakap ni Kent si Phoebe ng mahigpit. "Oo nga two weeks ko siyang kasama! Pero... 2 weeks din akong sad... 2 weeks akong... abstinence..."
"Tumigil ka nga! Abstinence pala ah! Sige magabstinence ka talaga ngayon! 9 months kang absitinence!!! Lumayo ka... Ang... init ng balat mo! Mag-isa ka!! Ehhhhhk!!!"
Tumayo si Phoebe at umupo sa upuan sa tabi ng kama.
"Kanina ambaho ng damit... ngayon ang init ng balat? Anong gusto mo malamig balat ko?"
"Ehh. Magbihis ka nga dun... Medyo lasing ka pa nuh? Mamaya pumasok si manang dito makita ka pang ganyan... Naku!!!"
"Sige na baby ko... Halika na dito!!! Miss mo ako diba?? Miss na miss na kita... TToTT Ipapakita ko sayo kung gano kita ka-miss!!" inextend pa ni Kent ang dalawang braso habang tinatawag si Phoebe na awkward na nakaupo sa upuan.
Binato ni Phoebe si Kent ng kumot.
"Lasing ka pa!!"
"Hindi na ako lasing! Lika na dito... hug mo na ako..."
"Hug ka diyan!!! Hug lang daw pero mamaya... iba na ginagawa mo... -_____-"
"Ganun talaga Phoebe... Miss na kita eh... Sige na... Ansarap dito sa kama oh! Yeeeee Lalapit na yan. Bilis na nilalamig na yung mainit kong balat oh... Pag niyakap mo ako iinit na *grin* Nakapangako ka ng honeymoon sa akin diba pagbalik ko? Eto na mahal ko! Nandito na ako!"
"Magkumot ka para di ka lamigin! Kent di na pwede... Ano ka ba..." awkward na talaga si Phoebe. Kahit naman mag-asawa na sila, di naman nila gaanong napapagusapan ng madalas ang ganoong bagay.
"Pwede pa... Alam ko nabasa ko na yun eh! Tska napanuod somewhere... Healthy nga daw yun eh! Tska habang maliit pa yan... Samantalahin na natin!!!"
"EH! HINDI NA PWEDE! UMALIS KA NA DIYAN LUMABAS KA NA NGA SA KWARTO KO! PERVERT!! HORNY! AMBAHO PA! AMOY BABAE!"
Sumeryoso ang mukha ni Kent. Di ito sumagot.
"Uy Kent... Magbihis ka na... Aba! Dapat nga nagtatampo pa ako sayo dahil sa ugali mo ha... Wag ka ngang sumimangot diyan!"
Tumayo na nga si Kent. Pinulot ang damit nito sa sahig at lumabas ng kwarto.
Ehh?? Magbibihis na siguro siya, para sasabayan niya ako kumain.
Sumunod si Phoebe. Sinundan niya si Kent na papunta na sa kwarto nito. Napigilan niya ang pinto bago ito sumara at pumasok na din siya sa loob.
Hala... nagtampo??
"Magbibihis ka na ba? Bilisan mo ah!!!"
Kumuha nga si Kent ng damit sa loob ng cabinet. At nagsimulang magbihis. Tumalikod bigla si Phoebe.
Sabi ko nga eh. Magbibihis nga siya diba? Tanong-tanong pa ako eh nuh?
"TAPOS KA NA???" tanong ni Phoebe makalipas ang ilang minutong nakaharap siya sa may pintuan.
"..."
"HOY KEN TOMAS!!! YEEEHEEE! TAPOS KA NA BA MAGBIHIS?"
"Wag mo ako tawaging Ken Tomas pwede?"
Humarap na si Phoebe. At nakita niya si Kent na nakahiga na sa kama nito. May hawak na libro.
"Uy ano bang ginagawa mo? Diba tayo kakain??" sabi ni Phoebe habang lumalapit sa kama ng asawa.
"Di ako nag-gugutom... Pahanda ka na lang doon kay manang..."
Binigyan ni Phoebe si Kent ng isang pointed look.
"Bakit? " tanong ni Kent ng sumulyap kay Phoebe pero binalik ang atensyon sa pagbabasa.
"Ansama mo alam mo yun?" nakapamewang na sabi ni Phoebe kay Kent na tuloy-tuloy pa rin sa pagbabasa.
"Hindi ako masama Phoebe. Horny ako... Pervert ako... Sa sarili kong asawa..." matabang pero sarkastikong sabi ni Kent.
"Nakakainis toh! Hindi man lang makaintindi ng sitwasyon! Nagagalit ka na agad? Yun lang???!!!"
Naglakad si Phoebe palabas ng kwarto.
"Hindi ako nagagalit. Ikaw nga ang galit." Biglang nagsalita si Kent bago siya makalabas.
"Eh ano pala???" lumingon si Phoebe.
Nakatingin din sa kanya si Kent.
Awkward.
"Ano nga? Eto naman! Intindihin mo naman kasi..."
"Namimiss lang kita... tapos ayaw mo pa magpayakap... Tinanggal ko na nga damit ko para din a mabaho eh..."
"Eh kasi naman ikaw... May amoy naman talaga eh. Tska... Hindi lang naman yakap gusto mo eh. Bawal muna kasi! Hindi naman toh makaintindi..."
Tumango na lang si Kent.
"Di pa nga ako nakakapagpacheck-up simula ng dinala nila ako sa ospital..."
"Sorry." Sabi ni Kent.
"Sorry na rin..." binuksan na ni Phoebe ang pintuan ng kwarto "Kain lang ako... Pahinga ka na... Alam kong pagod ka..." yun lang at lumabas na si Phoebe sa kwarto. Hindi na niya nilingon si Kent."
"I didn't manage to get her in the sorority. Damn!!!" sabi nito sabay inom ng champagne
"Oh bat parang galit ka? Diba? You see her as a very reasonable lady?" tanong ni Elisa kay Dominique. Inimbitahan niya ito sa place niya para makapagusap.
"Bago ka umalis Elisa oo, pero ngayon... Not anymore" umiling-iling pa si Dominique. "I saw how she flirted with Harley Villaluz! Dinaya niya pa ang play! I should've been Buttecup eh! Ako sana ang pumalit sa role mo. Kainis talaga!"
Ngumiti si Elisa at may kinuha sa purse.
"Ano toh?" tanong ni Dominique habang binubuklat ang invitation.
"My debut!" proud na sabi ni Elisa. "I want you to be there Dominique..."
"Oh My God! Elisa!! Thank you! Nakakaguilty naman! Kahit hindi ko napasali yung flirt na babaeng yun sa sorority, I'm still getting nice incentives from you!"
"Oo naman nuh!!!" At least we share the same ideologies. Haha!"
Nag-toast sila at tumawa.
"So what's new??" tanong ni Dominique bilang pagbubukas ng usapan.
"Wala naman! I think the movie will be released on my birthday November 2... Manuod ka ha! It's a pretty HOT movie!"
"Hot talaga ha!"
"Oo naman! Look at this!" kinuha ni Elisa ang cellphone niya.
"Ano yan!!!" tanong ni Dominque habang pinapanuod ang video sa cellphone ni Elisa.
"Hidden camera... Kidding! It's a scene from the movie!!"
"Ah Grabe!!! Akala ko totoo na eh! I thought may affair na kayo at nagvideo pa kayo! Hahaha Naalala ko tuloy si Hayden Kho!"
"Shut up girl! Ang corny mo! Hayden Kho ka diyan ang tagal-tagal na nun nuh. Mukhang totoo ba?? Hahaha! That's nice! Pero eto..." pinundot ulit ni Elisa ang cellphone niya. "Ayan... Totoo yan!"
"WOAH!!! I know that place!!! VIP room sa---"
"TAMA KA!!!" natutuwang sagot ni Elisa.
"Oh my Gosh! Kissing inside a bar?? So.... You two? Kent?"
"Di naman malayo na magkadevelopan ang love team diba?"
"Kayo na??? Eh diba? Sila nung flirt na si Phoebe?" naguguluhang tanong ni Dominique.
"You know... Life in showbusiness... runs in circles. Merong sayo na dati na mapupunta sa iba... tapos babalik din sayo.." vague na sagot ni Elisa
"Ha???" naguguluhan lalo si Dominique "Eh pano mo yun vinideohan? Grabe ha? Nirecord talaga?"
"H-ha?!! A-ano..." na-side-track si Elisa "It was actually Kent's idea... Wag mo ipagkalat ah! I trust you!" pagsisinungaling niya.
"OH?? Si Kent pa talaga ang may pakana ah! You know what! I think it would be fun kung ipapakita mo yan dun kay Phoebe... Nang malagas lahat ng kalandian niya sa katawan. Flirt siya ha... Eh di ipakita mo na hindi lang siya ang pwedeng magflirt."
"Do you think it would be nice??" tanong ni Elisa
*later*