LIKE THOSE MOVIES

By freespiritdamsel

208K 8.6K 1.9K

Mavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring hi... More

P r o l o g u e
Piece of paper
Apology
I'll think about it
What's your name?
Selfie
Irresistable
Cut!
Clear as day
As long as..
Birthday
I do
Missing
Trap Queen
Unsaid Words
Risk
For you
Of all people
We still have time
Five minutes
Over you
Stay the night
Rose
You happened
Pouring rain
Until here
Question
Shots
She
Long gone
Museum
Prim
Paige
Axiom
This one
Self
The truth
Offer
Story
Deja vu
Middle
Movie
Convincing
Good take
Written
Mine
Saga
Epilogue
SC -1
SC - 2
SC - 3

Bestfriend

3.2K 136 14
By freespiritdamsel




**


"JARED..."


Hindi ako makagalaw. Idagdag mo pa na kasama ko ngayon si Prim...


Before he could speak, lumapit sakanya si Prim. Galing sakin. Kumapit pa nga sa braso niya.


Sh-t.


"Babe, kilala mo pala siya?"


"O-of course.. he's my bestfriend." Palipat-lipat ang tingin niya sakin at kay Prim. Nagkatinginan rin kaming dalawa ni Prim.b


"W-wow... that's.. that's good to know. He's my schoolmate kasi."


"Oh, I see.."


"And... we bumpped earlier s-so..."


"Ah, kaya pala. It's okay. I trust this guy right here. Buti nga you bumpped with him kesa sa iba."


Trust. Hindi parin siya nagbabago. Mabait parin si Jared. Makikita mo'ng wala siyang hinala kung bakit magkasama kami ngayon or kahit konting pagdududa sa sinabi ni Prim. Nagtitiwala parin siya sakin.


"A-ah.. oo nga eh."


"So..... let's eat? So that we could also talk about things." Yaya niya. Napatingin ulit ako kay Prim pero umiwas siya ng tingin. "Sure babe."


"Ah, Jared, P-prim.. una nalang ako--"


"No," He interrupted me. "Join us. Come on bro. May sasabihin rin ako sayo."


"Uh, may... pupuntahan pa kasi yata si Mav--"


"Kahit sandali lang? Or pwedeng later nalang 'yon? Kakauwi ko lang oh."


"S-sure, I can set aside those." Napangiti siya sakin at halatang natuwa naman siya. Kumain kami sa KFC. Gusto niya parin 'to. Magkahawak sila ng kamay habang ako nasa kabilang side ni Jared.


"Ako nalang o-order." Sabi ko agad. Hindi ko alam bakit ayaw ko magkaroon ng alone time sa isa sakanila. It's awkward. Tapos hindi pa kami nagkakausap ni Prim kasi biglaan nga. Hindi naman niya siguro alam na ngayon ang dating ng boyfriend niya.


"No, ako na. Total... alam ko rin naman mga gusto niyo." Sabagay, bestfriend niya ko. Girlfriend naman niya yung nilililigawan ko. Ayos ba?


"O-okay.." Umuna na 'ko sa paglalakad papunta sa table. Si Prim naman, nakasunod lang sakin. Umupo kami at magkaharap pa. Muntik pa nga akong tumabi sakanya. Nasanay kasi. Nakayuko siya at angce-cellphone--ignoring me. Siguro naa-awkward rin siya.

Nakatitig lang ako sakanya. Gusto ko muna siyang kausapin habang mahaba-haba pa ang pila at wala pa si Jared.

Nakakailang. Kung may isang salitang pwedeng idescribe ang sitwasyon namin ngayon—ito ay nakakailang. Sobrang nakakailang.

"Prim,"


Tumingin agad siya sakin. Napatingin rin siya sa gawi kung saan naroon si Jared. "What?"

"Bestfriend ko si Jared."


"Obviously.."


"Pag-usapan nalang natin 'to kapag.." Tumingin ako sa part ni Jared. "Pag wala si Jared. Para mas maayos." I added and looked at her. I think it's not yet the right time. Nandito pa kami sa public place and few meters away from her boyfriend.


"Okay.." Sabi niya at umiwas na ng tingin.


Nanatili kaming tahimik hanggang sa makadating na si Jared. Tumabi siya kay Prim tapos ay hinawakan niya si Prim sa bewang sabay nilapit ito sakanya.


Napaiwas agad ako ng tingin at napayuko.


Simula pa nga lang 'yan, Mav. Masakit na.


"Okay lang kayo?" Tanong samin ni Jared. Pilit na ngumiti ako. "Oo naman.. nagugutom na rin.." Pati tawa pineke ko na.


"Sorry hahaha. Ikaw babe?" Sabay tingin niya kay Prim, nakatingin rin si Prim sakanya at di agad nakasagot. Sobrang lapit pa ng mga mukha nila.


Tangina. Bakit tumingin ka pa.


"Uhm... a bit?"


Siyempre, di ko naman mapigilan na mapatingin. Masyado namang weird kung paiwas-iwas ako ng tingin.


Kaya oo, nakikita ko kung paano niya hinawi ang buhok na humaharang sa kagandahan ni Prim. Nakita ko rin kung paano niya ito hinalikan sa labi ng mabilis. Nakita ko rin kung paano siya ngumiti dito ng pagkatamis-tamis. Nakita ko kung paano siya kasaya..... nakita ko rin gaano kasaya ang babaeng nasa harap ko.


Humarap silang pareho sakin. Si Prim nag-cellphone ulit, trying so hard to  distract herself from the awkwardness of the atmosphere--atleast for her and for me.


"Bro, let's drop her home first okay? Then can we talk? We've got a lot of catching up to do."


"Hindi ba kayo maguusap muna?"


Tumingin siya kay Prim at natawa. "Uhm.. naguusap naman kami, e. Diba, babe?" Inirapan lang siya nito at tinawanan niya lang rin si Prim. "Besides, mas marami akong dapat sabihin sayo. Di tayo gaanong nakapag-usap ng 2 years. Nakauwi nga ko di naman tayo nagkita."





"O-okay.."


Dumating na ang pagkain at kahit na anong gawin ko, di ako makaka-iwas kay Jared. Mas kinakausap niya nga ako kesa kay Prim, e. Si Prim naman, kapag tinatanong lang nagsasalita.


Kitang-kita ko kung paano niya alagaan si Prim. Pinupunasan pa niya labi nito kapag may dumi. Tapos he checks her from time to time.


After that, umalis na kami. Sa kotse niya sumakay si Prim habang ako lang mag-isa sa kotse ko. Nakasunod lang ako sakanila.

Bagsak ang balikat ko. Dati naman ayos lang sakin talaga. Kahit na sabit kahit na may kakompetensya pa kahit sobrag dehado na. Pero tangina, bestfriend ko na 'yan, e. Bestfriend. Dati kami laging magkasama bago sila lumipat sa US. Mas nakaka-konsensya pa kasi mabuti siyang tao. Mabuti siyang kaibigan. Kilala ko siya. Kaya tangina, bakit siya pa? Kailangan ko nga munang magisip-isip. Mahal na mahal ko si Prim at alam 'yan ng Diyos pero..... si Jared... kaibigan ko.


Huminto kami sa labas ng bahay nina Prim. Hindi na 'ko lumabas pero kita ko parin sila mula dito. Noong nasa gate na sila.. hinalikan siya ni Jared. Napaiwas nga ako ng tingin agad. Pagtingin ko ulit, kakatapos pa lang.


Dati-rati ako yung humahalik sakanya. Ngayon, nabura na.


Sinenyasan ako ni Jared kaya noong umandar na ang kotse niya, sumunod na 'ko. May condo na pala siya? Dati nasa bahay lang siya nina Tito, e.


Sasabihin ko ba sakanya ang totoo? Eh baka kasi magkagulo. Baka masaktan rin siya. Pero mas masasaktan siya kung di ko sabihin... at kung ituloy ko pa, di ba?


Sumakay kami ng elevator papuntang unit niya. "Naka condo ka rin ba, Mav?" Tanong niya noong naglalakad na kami.


"Oo, eh."


"Ah, that's good.."


Nang makarating na kami, umupo ako sa may terrace. Sabi niya kasi doon daw kami't kukuha lang siya ng maiinom.


"Here,"


"Thanks"


Umupo siya ng di kalayuan sakin. "Dito nalang ako." Napatawa pa siya ng konti. Lumingon ako sakanya. Dito nalang siya? "You mean.. dito ka nalang titira?"


"Yeah. At first ayaw nga nila Mommy eh. Siyempre kaya nga doon kami para sama-sama kaming lahat but..." There's a hint of sadness in his voice and by looking at his eyes? It is also there. The sadness' there. Maybe he's going through something.


"Mind telling me?"


Napabuntong hininga siya. "Wala, e. I didn't fit there. I'm bullied. They made fun of me. Even naman na kasing level ko lang yung yaman nila, but then, hindi ko alam why I can't fit. Siguro kasi masyado akong mabait? Haha. Sila kasi kung ano-ano trip nila." Tapos ay uminom siya.


I stayed quiet. And then he continued..


"There were many times na I was forced to... to.. take drugs." Tumingin siya sakin at ngumiti ng malungkot. "Pag di kasi, bubug-bogin ka. Or worse, papatayin ka."


"Hindi mo man lang tinry na umalis? Sa iba makipag-kaibigan?"


"Kawawa naman yung magiging kaibigan ko kung ganon."


"Di ka ba titigilan?"


"Oo, e. Malas ko 'no?"


I breathed deeply. Biglang sumagi sa isip ko si Prim. Dito na si Jared for good. Magkakasama na sila.


"Hindi ka nga malas, e." Bulong ko. Na sa'yo kasi yung taong mahal ko.


"Ha?"


"Wala, wala."


"Also, gusto ko na ring makasama si Prim. Ilang months pa lang kami. And gusto ko magtagal."


Napatango nalang ako.


"I knew about her doings and.. sabi naman niya sakin when I come back hindi niya na gagawin 'yon."


Buti ka pa. Buti pa sayo. Tinitignan-tignan ko siya and asked myself, "Ano bang kulang mo?"


"Mahal mo talaga si Prim, no?" Tanong ko nalang bigla sakanya.


Ako kasi, Oo.


"Alam mo, Mav. There's something about her that makes me fall even more. So yes, the answer is yes. I am inlove with that girl."


Ako din, Jared. Hulog na hulog na nga ako, e. Hindi ko na rin alam anong gagawin ko na ikaw pa yung karibal ko. Akalain mo 'yon? Sa lahat ng tao sa Pilipinas, pati sa buong mundo ikaw pa yung boyfriend ng nililigawan ko? Ang boyfriend ng taong mahal ko. Alam mo bang nakikisabit lang ako. Mahal ko kasi girlfriend mo.


"Ikaw ba? May girlfriend ka na?"


"Wala.."


"May nililigawan?"


"Meron,"


"Ohhh.. dati ayaw mo pa, ah. First time mong magka-gusto no?"


"First time ko'ng mainlove."


"Hahaha! Na dale ka na boy!"


Uminom nalang ako instead na sumagot. Na dale naman talaga.


Nakakabadtrip 'tong buhay ko. Siya na nga lang nagpapasaya sakin ang hirap-hirap pang abutin. Tangina.


"Pakilala mo naman ako."


"Wag muna."


"Haha, sabi mo, e. Basta pakilala mo sakin pag okay na."


"Oo naman."


"Dito na rin ako mag-aaral, e-enroll ako tomorrow. Sa Shantal."


Tangina. Sa Shantal pa! "Bakit dun?"


"Bakit? Maganda raw don, e. Sasamahan ako ni Tita."

"Ano bang course mo?" Tangina naman.


"Fine arts."


"AY panget fine arts samin. Marami akong kaibigang nagre-reklamo dun."


"It's fine. Besides, Prim studies there. And you, also."


Hindi na 'ko nakasagot. Oo nga naman, Mav. Ano bang panlaban mo dun. Nandun girlfriend, e. "Ikaw bahala."


"Mav..."


"Oh?"




"Kaibigan parin naman kita, di ba?"


Napatingin ako sakanya. He's looking at me as well. " O-oo naman. Bakit?"


"Just asking. Akala ko talaga nung nakita ko kayo ni Prim--kayo, e. But then I remembered na hindi ka katulad ng iba. Alam mo naman sigurong may boyfriend siya diba?"


"O-o.."


"Oh. Thank you, Mav."


"Walang anuman. Ah, Jared? Uwi na 'ko."


"AH, oh sige-sige."


"Salamat, ah."


"Walang problema. Ingat ka, Mav."


Pagkalabas na pagkalabas ko ng unit niya. Tinext ko agad si Aki.


Mavis: Bar tayo.


Gusto kong uminom. Gusto kong malasing. Gusto kong magwala. Gusto kong makalimutan siya. Gusto kong tanggalin siya sa sistema ko kahit sobrang dikit na niya. Gusto kong mawala siya sa isip ko kahit madiin na nakatatak na. Gusto ko'ng pigilan yung sarili ko. Gusto kong pigilan yung sarili ko dahil gusto ko na siyang.


Aki: San ba?


Tinext ko sakanya yung bar at sinabing pupunta na ko dun ngayon. Sabi naman niya, pupunta na rin daw siya agad. Mabilis akong nagdrive.


Pagkapasok ko, may humarang agad saking babae at kung dati, hindi ko pinapatulan, ngayon hinila ko pa siya papunta sa isang table. "Ano pangalan mo?"


"Stacie." Ano daw? Sarah?


"Oh, nice name."


"Thanks, Mavis." Umupo siya sa lap ko. Kumuha na ko ng maiinom at nagsimula na kahit di pa dumadating si Aki.


"So, mind coming with me in my house?"


"Sure.." Sabi ko. Hinalikan niya ko sa labi. I tried to respond pero naalala ko nalang bigla si Prim. Kaya napabitaw ako. "Drink," Abot ko sakanya para manahimik siya.


Uminom siya't dumating naman si Aki. "Bro,"


"Ba't ka nag-aya?" Umupo siya sa harap ko.


"Nakaka gago kasi."


"Anong problema--"


"Let's not talk about it."


"Okay, oh, inom."


Yung babaeng katabi ko, halik ng halik sakin. Yakap pa ng yakap pero pinapabayaan ko lang siya. Okay na rin 'to.


Umiinom rin si Aki at puro daldal naman 'tong babaeng si Sheena.


"May boyfriend ka na?" Bulong ko sakanya. Napangiti siya at nilagay ang kamay sa may lap ko. "Wala pa. Bakit?"


"Wala lang.."

Kailangan mo na siyang bitawan, Mav. Bestfriend mo na 'yon. May pinagdadaanan rin, dadagdagan mo pa?

Napainom na naman ako.

Kailangan na talaga, eh. Pilitin mo sarili mo. Hindi yung ipinipilit mo ang sarili mo.


Moments after, medyo nahihilo na 'ko. Tingin ko ginagahasa na ko ng babaeng 'to, e. Kung saan-saan ko na nararamdaman yung mga halik at hawak niya. Napapikit nalang ako. Nakakahilo.

Pinilit ko'ng buksan ang mata ko at tinignan si Shaira. "Umalis ka na."

"No..."

"Mav" napatingin ako kay Aki kahit na medyo malabo siya. "Phone ko may tumatawag..."

"Hayaan mo—"

"Baka si Prim 'yan."

Parang automatic. Bigla ko nalang dinukot galing sa bulsa ko ang cellphone ko'ng tunog ng tunog.


Prim...

Sh-t. Si Prim nga. Parang in a snap din, bumalik lahat ng katinuan ko. Parang biglang di ako nalasing nung makita ko ang pangalan niyang tumatawag.

"Hello?"

"Mav...."

"Prim? Prim? Umiiyak ka ba??" I can hear her sobs from the other line. Tangina. Alam ko ng umiiyak tinanong ko pa. Agad-agad akong tumayo at naglakad palabas. "Prim, teka lang, ah. Prim wait." Napakaingay kasi. Hinawakan pa nga ako ni Sheila pero hinawi ko siya. Mabilis na lumabas ako ng bar. Parang nakalimutan ng isip ko at ng buong sistema ko na medyo lasing na 'ko.

"Prim?"



"Mav..." Broken. Yung boses niya.

"Asan ka?" I asked instead of asking if how is she. She's obviously not okay and whatever it is that happened, I have to ask her in person.

"Hudsons."

"I'm coming. Wait okay?"

"Okay..."



20 minutes drive to Hudsons. Agad akong pumunta sa likod nito since may park naman. And I'm sure she's there. At tama nga 'ko. Naka upo siya sa swing at nakasuot siya ng jacket.

Naglakad ako papunta sakanya. Tumingala siya, at nakita niya 'ko.

Namumula't namamaga na ang kanyang mga mata dahil siguro sa kakaiyak. Umupo ako sa tabi niyang swing.

Pareho kaming nakatingin ng diretso.

"Anong nangyare?" Tanong ko kahit di siya tinitignan.

"Nag-away na naman kami ni Daddy."

"Bakit?"

"He found out na.... he found out na I'm an author. He knew about the books..."

Sabi naman niya sakin dati pa na ayaw ng Dad niyang may pinagkaka-abalahan siyang iba. Hindi ko siya matignan. Hindi ko alam kasi may kakaibang lungkot na 'di ko mapigilan. Sa tuwing nakikita ko siyang ganyan nasasaktan din ako. Naaawa ako sakanya. "And then what happened?"


Tinignan ko siya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang jacket niya. And then I saw it. May mga pasa siya sa left and right arm niya. Tapos ngayon ko lang nakita na sa gilid ng labi niya may pasa rin siya.

"Tangina," agad akong napatayo at nilapitan siya.

Yung iba ang itatanong "Okay ka lang ba?". Pero ako? Pagkalapit ko sakanya.... pagkaluhod ko sa harap niya....



"Mahal na mahal kita."

Ang sinabi ko.
Nagsimulang magunahan ang mga luha galing sa mga mata niya. Umiiyak na naman siya. Niyakap ko siya't niyakap niya 'ko.

"B-bakit... ganon sila...."

"Iiyak mo lang 'yan.." Hinahagod ko ang likod niya. Ayokong pigilan mo lahat ng 'yan at hindi ko sasabihing 'Tahan na.'

Sinabi ko sayong mahal na mahal kita kasi umiiyak ka. Kasi nung umiyak ka ramdam kong nararamdaman mo'ng hindi ka nila mahal. Now I want to make you feel na you're loved by someone. I want you to feel important and worthy. I love you, Prim.

Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. "Alam na ba 'to ni Jared?"

"No....not yet."

Masama bang i-assume na mas komportable siyang ishare sakin 'to kesa sa boyfriend niya? "A-anong gusto mong gawin?" Sabi ko habang magkayakap kami. Unti-unti narin syang tumatahan pero nakayakap parin siya sakin. "Dito lang.."

"'Dun ka nalang muna sa bahay gusto mo?"

Bumitaw siya sa yakap at tumingin sakin. Sobrang lapit namin. "Iuwi mo nalang ako. Magagalit na naman saken si Daddy't Mommy." Tumango ako at pinunasan ang mga luha niya.

"Andito lang ako, ha? Kung kailangan mo ng kausap. Kung kailangan mo 'ko, kusa akong pupunta sayo. Intindi mo?" Sinabi ko 'yon sakanya ng dahan-dahan. Na parang kinakausap ko ang isang bata at nagmumukha akong tatay. Gusto kong tumatak sa kukote niya 'yong mga sinabi ko. Na andito lang ako.

Niyakap niya 'ko ulit. Hinalikan ko siya sa buhok at niyakap siya ng mahigpit.





Pasensya na, Jared. Hindi ko 'to bibitawan.



**

Search niyo nalang si Parker Soriano! Hahaha :>

Sabaw ba? Sorry kasi 10days straight na 'kong puyat talaga. Hahahaha pinilit ko lang si self magupdate. Just sayin. Thank you sa comments guys :) Godbless! Enjoy summaaaah!!

Continue Reading

You'll Also Like

46.7K 1.4K 40
Vice-Jackque story about love and sacrifice. Made to serve as inspiration and eye opener to many. #LoveWins
148K 2.8K 40
Isang nerd noon na pinaglaruan at pinagpustahan ng minahal nya at ng mga kaibigan nito masyado syang nasaktan kaya nangibang bansa ito. Sa pagbabalik...
12.9K 213 52
HELLO, SA GUSTONG TUMAWA, GO LANG. - Seeraienderella 2018 Amber Shen (2020) Ang pangongopya ay seryosong krimen. Amen.
1.2K 275 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...