My Happy Ending

By nimbus_2000

60.1K 1.3K 475

I just wanted to be happy. Lahat naman tayo di'ba? __________________________________________________________... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
S.C.
Thirty One
Thirty Two

Fourteen

1.5K 37 13
By nimbus_2000

14.


Kasalukuyan kaming nasa school park ni Jan-Jan, humahanap ng inspirasyon.

O, baka naman isipin niyong humahanap kami ng crush. Hindi po, kailangan lang kasing may mai-drawing kami para sa drafting class namin. Ayun, si Mitchie dun nalang daw sya sa classroom dahil kokopyahin nalang daw niya yung na-search ata niya sa cellphone, nagpasya naman akong lumabas at maghanap kaya naman ido-drawing ko ang daan..yung may puno sa both sides.

Di ko naman alam kung ano ba ang ido-drawing ni Jan-Jan dahil ayaw niyang ipakita sa akin ang sketchpad niya.

Abala na ako sa pagguhit nang biglang lumapit sa amin si Lyndon. Parang bumalik narin ang dating sya, umaabot na ulit sa mga mata niya ang mga ngiti.

"Hi.." Bati niya.

"Hello. Kamusta ka na?"

"Better. Salamat ha, sana makasama ulit kita."

"Wala yun."

"Sa Saturday, pwede ka?" Sa Saturday? Di'ba kalalabas lang namin last Saturday? Sabagay kakatapos lang naman ng quarterly exams wala pa naman siguro kaming major project na gagawin.

"Ah, tignan ko muna ha. Text nalang kita." Baka kasi mamaya may importante pala kaming gagawin di'ba.

"Sure, sige punta narin kami sa class namin." Noon ko lang din napansin yung apat pang lalaki na naghihintay sa kanya sa di kalayuan. Tumango ako rito saka ito umalis.


"Magkasama kayo last Saturday?" Napatingin naman ako kay Jan-Jan na nakikinig lang pala sa amin ni Lyndon all this time.

"Ah, oo..uy pumunta kami sa Star City..maganda pala dun n--"

Pero bigla nalang niyang pinutol ang sasabihin ko nang pagalit niyang linyang "-bakit di mo man lang sinabi?" Ano raw?

"Nauna na kayo ni Mitchie umuwi, tapos nakita ko si Lyndon--"

"Lyndon? Mas matanda sa'yo yun.."

"Ayun nga nakita ko si KUYA Lyndon na andun sa gym tap--"

"Ano namang ginagawa mo sa gym?" ENEBE? PWEDENG PATAPUSIN MO NAMAN MGA SENTENCES KO?

"Kasi nga hinahanap ko yung kotse nam--"

"O, malayo ang parking lot sa gym." YUNG TOTOO?

"NAKAKAINIS KA NA AH!" Tumayo ako bigla kaya naman nagulat ata sya. Di man lang kasi ako patapusin kahit isang sentence lang, di ko tuloy alam kung gusto pa niyang marinig ang side ko o ano eh?

Patalikod na sana ako ng bigla niyang hawakan yung kanang braso ko.


"Sorry. Ano kasi.." Nakatayo narin ito pero nakayuko, umiiwas ng tingin ito malamang.
I crossed my arms saka ako humarap sa kanya na parang naghihintay ng explanation. "Sorry? Bakit?" Naku pag hindi talaga valid ang reason nito, I swear..

"A-ah..ano k-kasi, teka wag ka munang tumawa.." Tingin ba niya makakatawa pa ako sa lagay na ito? Naiinis nga kasi ako eh, ano namang akala niya?

"Ano nga?" I asked impatiently.

"H-hindi p-pa ka..si..a..ko.."

"Pinagti-tripan mo ba ako, Janus?"

"Hindi pa ako nakakapunta sa Star City!" Saka sya ngumiti ng alanganin.

WHAT?

TOTOO?

I mean he grew up here..tapos..


"HAHAHAHAHA!!"

"AHH! Sabi nang wag kang tumawa eh!" Napailing naman niyang sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay. Halatang frustrated ang itsura.

"HAHAHAHAHA!! Eh pa..ano..HAHAHAHA!!" Hindi ko matapos tapos yung sasabihin ko dahil sa confession niya, hahaha..naunahan ko pa pala syang maexplore ang star city kung ganun. Jusme, sang bato ba ito nagtatago?

"Nagpromise kang hindi tatawa.." Oy wala kaya akong sinabi..

"Hindi kaya..Hahahaha! Ayos ka ah..ah alam ko na, punta tayo nina Mitchie sa Saturday. Treat ko kayo!" Excited kong suggest sa kanya.

Agad namang nagliwanag ang mukha nito na parang batang bibigyan ng candies.. "T-talaga?! So hindi ka na sasama kay Lyndon?" Awtsu..oo nga pala no?

"Ah--eh.."

"Hindi ka na nga sasama kay Lyndon niyan?" Ngumiti siya..oh me magagawa pa ba ako? Ako narin kasi mismo ang nagsuggest na mag Star City kami sa Sabado di'ba. Maiintindihan naman yun ni Lyndon.

"Mas matanda sya sa'yo." Inulit ko yung sinabi niya sa akin, pero ngumiti lang sya.


Nagpunta nga kaming tatlo nina Mitchie sa Star City, sa sobrang excited ata ni Jan-Jan eh nangingitim ang paligid ng mata nito. Nakatikim tuloy ito ng maagang pang-aasar ni Mitchie.

Natawa kami sa expression nito pagkababang pagkababa kasi namin ng sasakyan, seryosong tumakbo na sya agad dun sa ticket booth. Ang sabi ko ay iti-treat ko sila pero si Jan-Jan parin ang nagbayad ng tickets namin, bumawi nalang daw ako sa pagkain mamaya.

Agad niya kaming hinatak ni Mitchie sa mga indoor rides, sabi kasi namin na mainit pa sa labas kaya di namin maeenjoy yung mga rides doon kaya naman mamayang 5 or 6 pm nalang kami lalabas doon. Para namang bata itong si Jan-Jan, kung saan saan kasi kami hinahatak. Andun pumunta kami sa 4D Max Rider, Mummy House, Horror House, Blizzard, yung miniature ata ng anchor's away na nakakahilo..at eto ang pinakamalupit..

NAKIPILA DIN KAMI DUN SA PETER PAN! Nakakatawa, paano puro bata yung mga katabi namin sa pila, ay sabagay..may bata nga pala kaming kasama. Tuwang tuwa pa sya dahil nago-glow yung suot niyang white shirt sa ultraviolet lights..malamang di'ba..haha!

Para kaming yaya ni Mitchie na sunud ng sunod kay Jan-Jan kung saan niya maisipang pumunta. Magsu-super late lunch na sana kami ng biglang nagpaalam si Mitchie, may pupuntahan daw silang party kaya naman susunduin na sya..mag-enjoy nalang daw kami at magpicture picture para sa kanya. Ngayon lang kami nakumpletong tatlo pero aalis pa sya. Babawi nalang daw sya next time.

Ayun nawalan tuloy ako ng ganang kumain, anong oras narin, almost 6pm..lunch slash dinner na ito eh.

Si Jan-Jan parin ang nagbayad ng pagkain, ang kulet..sabi niya ako na? Anyare naman? Anong sabi niya? Itreat ko nalang daw sya ng dessert, hay nako..pagkatapos kumain ay inaya ko narin sya

sa labas para ma-try din niya ang mga rides na nandun.

Syempre naman dun kami unang pumila sa star flyer, at dahil alam ko na kung nasaan yung nagpi-picture talagang ngumiti pa ako doon. Nung makita namin yung picture ay halos di maipinta ang mukha ni Jan-Jan, paano ko raw nahanap yung camera, hahaha..talagang pinilit pa niya akong sumakay ulit para lang makapag-pose din daw sya. Nakatatlong sakay pa kami bago niya nakuhang ngumiti at saka lang niya binili yung developed picture. Tig-isa kami, remembrance..haha.

Saka naman triny yung iba pang rides..pagod na pagod kami nang makalabas kami sa amusement park na iyon. Paano pa ako, hinang hina na ako dahil hindi nga ako gaanong nakakain kanina.

"Tara sa shop ni mommy. Dun mo ko ilibre.." Ngumiti siya sa akin saka ako hinatak sa kamay papunta sa parking lot. Sa shop ng mommy niya? Paano ko sya maililibre dun, eh anak sya ng may-ari..adik din itong batang 'to no?

Nakarating yung sasakyan namin sa Bonifacio Global City, tinignan ko ang orasan sa dashboard, 11:20pm..watda..

"Bukas pa ba yung shop ng mommy mo? Hatinggabi na pala oh.." Saka ko tinuro sa kanya ang oras.

Ngumiti siya saka tumango.. "24 hrs cafe.." Wow ha.

Huminto nalang ang kotse sa isang spacious parking lot sa tapat ng isang medyo may kalakihang establishment. Maganda yung exterior niya, parang mga cafe shop sa Paris..ang cool, pag nagpakuha ka siguro ng picture dito ay baka isipin nang makakakita na nagpunta ka nga sa ibang bansa.

May mangilan ngilang ding tao ang nasa loob pa ng shop, mga call center agents na nag-break siguro. Ang elegante din ng interior, couch yung mga upuan tapos may malaking chandelier. Hawak parin ni Jan-Jan ang hawak ko, hinatak niya ako sa display cabinet ng mga cakes. Nagtaka lang ako dahil wala ni isang crew o staff ang bumati man lang kay Jan-Jan.

"Uy, yung mommy mo pala?" Siniko ko ito, habang nililibot ko ang paningin ko sa buong paligid.

"Nasa France sya ngayon eh." Patay malisya naman niyang sagot.

"Ha? Teka, hindi ka ba kilala ng mga staff--"

"Hindi, kakatayo lang ng store na ito, saka ayoko namang malugi si mommy dahil lang sa anak ako ng may-ari?" Ngumiti sya at patuloy na sinipat yung mga nakadisplay na cakes..

Great..kaya nga pala ako ang magbabayad para ma-ease kahit papaano ang konsensya niyang baka hindi sya pagbayarin pag nalaman nilang sya ang anak ng amo nila.

Nang masatisfied na ako sa paglibot ng paningin ay tinignan ko ring mabuti yung mga nandoon, oh jusko..anong klaseng flour ba ang ginamit dito? Bakit mas mahal pa sa per slice ng cake sa Starbucks?

ASFGDHJKLFKAH First class cafe pala ang business ng mommy ni Jan-Jan. Emergherd.

"Oh nakapili ka na ba?" Umiling ito habang parang batang nakalagay pa ang magkabilang kamay sa salamin ng display cabinet.

"Parang masarap yun..Aish, yun din eh..pero parang gusto ko rin nito.." ENEBE JAN-JAN? Sa loob ng 1 minute ay andami na niyang naituro..hanggang sa-- "OH MY GOD!! MANGO!! MANGO!!"

Napatingin naman ako bigla dun sa mga kasama namin sa loob ng cafe, buti at di nila pinapansin na meron akong kasama na kasalukuyan atang naga-undergo ng regression sa childhood. Jusmiyo.

"U-uy..ano nakapili ka na?" Tumingin ito sa akin na nakapout at saka umiling..sipain ko kaya ito?

"Parang ang sarap kasi nilang lahat eh?" Para talaga itong bata, napatawa nalang ako dun sa staff na kanina pa pala kami tinitignan.

"Miss, one slice ng lahat ng cakes.." Pagtingin ko sa mukha ni Jan-Jan..

Tama kayo ng hinala, ang lawak ng pagkakangiti niya. Asukal siguro ang tumatakbo sa blood vessels nito?


Hinatid ng dalawang staff yung mga slices ng cakes. Di talaga ako pinansin at kumain na sya ng tahimik.

"Van! The best itong Mango cake, promise..gusto ko na 'tong pakasalan!" Napangisi ako sa kanya..

"Eh paano naman yung ibang cakes? Nagseselos na sila oh.." Saka ko inilapit pa sa kanya yung iba pang slices ng cakes..hahaha!

"Haha..funny." He said sarcastically..ah so ganon? Di ako pwedeng mag-joke? Nakatikim naman ako ng fiancee niyang Mango cake nang maawa ito sa titig ko sa kanya. Masarap nga, kaya naman nag-take out ako ng whole cake para kina mama sa bahay.

Almost 2am narin ata ng maihatid niya ako sa bahay. Masaya naman daw sya eh. Abot abot pa ang pagpapasalamat sa libre ko, pero mas marami syang nailibre eh? Teka bibilangin ko pa ba? Wag na..haha.


SEPTEMBER.

Yung naggising ako sa ring ng cellphone. Dahan dahan kong kinapa ito sa side table at sinagot nang di ko tinitignan ang caller kung sino man sya.

"MERRY CHRISTMASSSSS!! WOOOOHOOOO!" Ang energetic na boses lang naman ni Mitchie, biglang may umungol..

"Anong Merry Christmas? Nang-istorbo ka ng tulog, Michelle So." Ah, so conference call ito..

"Anong oras na ba kasi kayong umuwi ha? Gising na..rise and shine."

"Tama si Jan-Jan..saka September lang." Pagsang-ayon ko pa.

"Ahaha, oo nga pala..baka hindi ka sanay no? First Christmas mo ba sito sa Pinas, Van?" Wala na..di na ako makakatulog nito ulit.

"Oo.."

"Pag sumapit kasi ang Ber month dito sa Pinas, nagi-start narin ang countdown para sa Christmas." I could say na favorite time of the year niya ang Pasko. Sobrang energetic ng boses nito, nahawa narin ako.

"Ah..ganun ba.."

"See you sa school bukas! Mwah!" So tumawag si Mitchie para bumati ng Merry Christmas? Napatingin ako sa digital clock. Long celebration pala ang pasko dito kung ganun.

-------------------
A/N Gusto lang bumati ng mga alaga kong sina Van, Jan, at Mitchie ng Adbans Meri Krismas..yung regalo daw nila ah..lels. Feel niyo na ba ang papalapit na Pasko? Ako kasi hindi pa, buti pa sila. -_-

Sa gilid din po ay matatagpuan natin ang isang batang nawawala, maaaring pakihatid sa bahay pag nakita syang kumakain. Salamats. ^_^v

Continue Reading

You'll Also Like

28.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
42.1K 2.1K 29
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24