Let's do this!

By IfIWasYourGirl

39.2K 1.2K 55

Iba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali a... More

Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
XX
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 17

485 16 0
By IfIWasYourGirl

[Brent's POV]




"Anak, may lalaki sa labas. Kailangan daw kayo makausap ni Iya."




Lumabas naman kaming dalawa ni Iya at naabutan namin ang kuya niya na nandun. Ngumiti iyon saming dalawa. Unti-unti rin siyang lumapit samin.




"Kuya, bakit nandito ka?" tanong ni Iya




"Una sa lahat gusto ko magpasalamat sayo Brent. Salamat kasi inalagaan mo ang baby Iya ko." tinapik naman niya ako sa balikat




"Wala po yun boss." sagot ko naman




"Boss? Kuya nalang." nakangiti niyang saad




"Ahh.. Kuya."




"Iya, chineck ko lang kung okay ka rito. Kung gusto mo pwede kang lumipat sa bahay namin ng ate mo. Walang problema sakanya. In fact naeexcite nga siya na makita ka ulit."




"Ah ganun ba kuya? Pero kasi mas malapit ito sa academy eh. Dadalaw dalaw nalang din ako at minsan matutulog ako dun kung wala akong pasok."




"O sige. Dadalaw-dalawin din kita rito ah. Siya nga pala, alamin ang limits Iya at Brent ah. Kahit na nagmamahalan kay----"




"ANONG NAGMAMAHALAN KUYA?!" sabay naming sigaw. Halata namang nagulat si Kuya sa bigla naming pagsigaw ni Iya.




"Hindi ba kayo magboyfriend girlfriend?" naguguluhang tanong niya




"H---HINDI KUYA!" sigaw naman ni Iya at namula pa sa pagkahiya




"Ay. Sorry, akala ko kasi nung unang kita ko rito kay Brent boyfriend mo eh. Grabe kasi magcare sayo." napakamot naman siya sa ulo niya




Napangiti nalang ako sakanya. Nahiya rin ako bigla eh.




"O sige, aalis na ako ah. Mag-iingat kayo. Kapag may kailangan ka Iya tawagan mo lang ako ah." sabi naman ni Kuya Nate.




Lumapit naman siya kay Iya tsaka ito niyakap. Lumapit din naman siya sakin at tinapik ang balikat ko.




"Bait ng kuya mo." sabi ko naman sakanya pag-alis ni Kuya Nate




"Yeah, sobrang mabait yan. Actually first time niyang sumuway kay Papa dahil sa course na gusto niya."




"Tara, pasok na tayo at mag-breakfast na tayo." pag-yaya ko naman sakanya




"Brent, next week, one week kaming wala ng tatay mo. May kailangan kaming puntahan sa probinsya. Kayo na muna ni Iya ang bahala rito sa bahay, okay?" sabi naman ni nanay sakin




"Ah sige po nay, wag po kayo mag-alala. Ako na po ang bahala." sagot ko naman tsaka ngumiti sakanya.




*****



Nasa may coffee shop kami ngayon ni Iya. Nakatambay lang kami. Maaga kasi kaming pinalabas ngayon. Okay naman ang nagiging training namin and napapansin ko naman ang improvement. Minsan din kasi nagsestay kami after ng class. Minsan nakakatulog pa kami sa practice room.




"Kailan uuwi sila tita?" tanong niya sakin




"Next week pa yun. Siguro sunday or monday. One week pa sila dun eh, kakaalis lang nila kanina." sagot ko naman sakanya




Tumango-tango naman siya tsaka uminom sa frappe niya.




Napatingin kami sa may pinto ng coffee shop ng bigla itong bumukas. Sabay na nanlaki ang mga mata namin ng makita kung sino ang kakapasok palang na lalaki.




"Papa." bulong ni Iya na halatang gulat na gulat sa nakita niya




Napatingin naman samin ang papa niya at nagulat din sa presensya namin. Halatang galit siya sa tingin palang niya.




Naglakad siya papunta sa pwesto namin kaya napatayo si Iya sa kinauupuan niya.




"Pa."




"Wala ka talagang kwenta Iya. Gusto mo talaga akong ipahiya ano?"




"Pa, wala akong ginagawa."




"Walang ginagawa? Kung sumunod ka nalang siguro sakin edi magiging maayos ang lahat Iya. Pero matigas ang ulo mo."




"Pa, ilang beses ko ba dapat ulitin sayo na wala akong pakealam diyan sa gusto mo para sa buhay ko. May buhay ako at yun ang susundin ko. Atsaka ano bang pakealam mo sakin? Pinaalis mo na ako sa buhay niyo ni Mama dahil sa pesteng pangarap ko. Tapos ngayon nandito ka at nakasunod sakin. Ano ba talaga ang gusto mo?" nakatingin lang ako sakanilang dalawa. Hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin ko.



Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Iya. Buti nalang at kami lang ang tao sa coffee shop na ito at ang mga staff.




Napatayo ako at hinawakan ko sa braso si Iya.




"Wag kang mangealam dito. Hampaslupa! Nilalapitan mo ang anak ko dahil alam mong may makukuha kang pera sakanya."




"Sir, nagkakamali kayo!" sigaw ko naman sakanya




"Kung pera lang din naman ang gusto mo, sige bibigyan kita ng pera. Magkano ba ang kailangan mo?"




"Pa! Tigilan mo si Brent."




Hindi ko alam kung susuntukin ko ba siya o pipigilan ko ang sarili ko. Sobra siyang magsalita. HIndi porket mayaman sila at kami mahirap eh pera na agad ang habol ko. Kaibigan ko si Iya at ayaw ko lang siyang mapahamak, hindi dahil sa pera kung bakit ako sumasama sakanya.




"I'll give you money. Tigilan mo lang ang anak ko."




"Sumosobra na po kayo sir! Hindi ko kinaibigan ang anak niyo dahil sa pera. Oo, mahirap po kami pero hindi kami mukang pera. Ang nanay at tatay ko may trabaho yun, kahit maliit ang sweldo okay lang kasi sama sama kami. Hindi kami manggagamit ng ibang tao para lang makahuthot ng pera. Wag niyo po idaan ang lahat ng bagay sa pera. Mayaman ka nga po pero watak naman ang pamilya mo dahil masyado mong minahal ang pera. Pasensya na po kung ang bastos kong magsalita pero mas bastos ka po kung manghusga ng tao. Akala mo pagmamay-ari mo kami kung magsalita ka. Sige po, simula ngayon puputulin ko na ang ugnayan namin ni Iya ng manahimik ka na po." kinuha ko naman ang mga gamit ko atsaka luambas sa coffee shop. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko na magsalita. Hindi naman ata tama na husgahan niya ang pagkatao ko.




"BRENT! Hintayin mo ako." hindi ako huminto at dire-diretso lang akong maglakad. Naiinis ako. Baka pag nakita ko ang muka ni Iya muka ng tatay niya ang makita ko at hindi ko mapigilan ang sarili kong saktan siya.




Kaya lang naabutan niya ako at hinawakan niya ang braso ko.




"Brent naman, kausapin mo ako." sabi niya. Pero hindi ko pa rin siya nililingon. Naiinis pa rin ako sakanya.




"Umalis ka na Iya. Kunin mo na ang mga gamit mo sa bahay at umalis ka na."



Napabitaw naman siya sa braso ko.




"Pero Brent." mahinang bulong niya




Masama ba ako? Wala siyang kasalanan pero naiinis ako pati sakanya, dahil alam kong tatay niya yung nanghuhusga sakin.




"Putulin na natin ang ugnayan natin. Mas mabuti pa sigurong bumalik ka na sa puder ng mga magulang mo. O kaya naman dun ka nalang muna tumira sa kuya Nate mo."




"Pero, ayoko."




Hindi na ako sumagot. Nag-umpisa na akong maglakad palayo sakanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko eh. Tama naman siguro to, para na rin matigil na ang tatay niya.




----



End of chapter 17

Continue Reading

You'll Also Like

404K 7.4K 62
Posible bang magkaroon ka ng lovelife dahil lang sa GM na sinend mo ? Kung highschool student ka o kaya naman dumaan ka ng highschool . Sure ako maka...
12.3K 407 15
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2 FICTION STORIES NI ALEX ASC. Gusto mo ba ng kuwentong tapusan? Inihahandog ko sa inyo itong mga kuwentong isin...
399K 6.9K 32
. . SA KANILANG KAKAIBANG KATAUHAN, KAKAIBANG MUNDO... MAY LUGAR PA BA ANG PAG-IBIG KUNG PAGDANAK LAMANG NG DUGO ANG KANILANG ALAM? KILALANIN NATIN S...
4.6M 108K 200
Hanggang ngayon ba Hinihintay mo parin Yung taong magmamahal sayo? Wag kang mag alala dahil On The Way na ako ! ♥