GIRLFRIEND FOR HIRE.

By Yam-Yam28

96.1M 1.1M 271K

(Completed) | No Soft Copy | My name is Nami Shanaia San Jose. And this... is my-- our story. More

GFFH INTRO-CHAPTER 1-2.
CHAPTER 3- MEET BRYLE CALEB STANFORD ;)
CHAPTER 3.5- It's Bryle AGAIN
CHAPTER 4- Loading.......Game of CAT and MOUSE
CHAPTER 5- FIRST MOVE ;)
CHAPTER 6- ROUND 2! ^__^v
CHAPTER 6.5- STILL BRYLE'S TURN..
CHAPTER 7- HER turn :)
CHAPTER 8- THE TOUGHEST GIRL..IS STILL A GIRL.
CHAPTER 9- TIME OUT <3
CHAPTER 9.5 - PART 2 OF "TIME OUT"
CHAPTER 10- THE MORNING AFTER
CHAPTER 10.5- THE MORNING AFTER (Nash's SIDE)
CHAPTER 11- BAD THINGS HAPPEN FOR A REASON
CHAPTER 11.5- POURING LOVE UNDER THE POURING RAIN
CHAPTER 12- I want you to be my.... What?! >,<
CHAPTER 12.5- HIS REASON. HER ANSWER.
CHAPTER 13- FIRST DAY OF WORK
CHAPTER 13.2- FIRST DAY OF WORK (PART 2!)
CHAPTER 13.5- FIRST DAY OF WORK (PART 3)
CHAPTER 13.9- AT THE CONDO UNIT
CHAPTER 14- Being with YOU is...FUN <3
CHAPTER 14.5- Being with YOU is...FUN <3 (part 2!)
CHAPTER 14.7- Being with YOU is...FUN <3 (part 3)
CHAPTER 14.9 - Being with YOU is...FUN <3 (part 4)
CHAPTER 15- One Rainy Day
CHAPTER 15.5- One Rainy Day (part 2)
CHAPTER 15.9- One Rainy day (what happened after)
CHAPTER 16- SORRY: The Hardest word I couldn't say..
CHAPTER 17- A DAY WITH THE TWO OF THEM?! < (O.o) >
CHAPTER 17.5- A DAY WITH THE TWO OF THEM?! < (O.o) > (part 2!)
CHAPTER 17.9- A DAY WITH THE TWO OF THEM?! < (O.o) > (part 3!)
CHAPTER 18- NEWEST ADDITION TO HER ADMIRERS! XD
CHAPTER 19- Making EXCUSES just TO BE WITH YOU <3
CHAPTER 20- AN ENCHANTED NIGHT AT ENCHANTED KINGDOM <3
CHAPTER 21- The REAL STORY behind THEM
CHAPTER 21.9- The REAL STORY behind THEM (part 3)
CHAPTER 22- Can he resist his TEMPTATIONS?! XD
CHAPTER 22.5- Can he resist his TEMPTATIONS?! XD (part 2)
CHAPTER 23- JEALOUS HEARTS.
CHAPTER 23.5 - JEALOUS HEARTS. (part 2)
CHAPTER 24- TESTS THEY HAVE TO PASS -___-
CHAPTER 24.5- TESTS THEY HAVE TO PASS -_____- (part 2!)
CHAPTER 24.7- TESTS THEY HAVE TO PASS -___- (part 3!)
CHAPTER 24.9- TESTS THEY HAVE TO PASS -___- (part 4!)
CHAPTER 25- CELEBRATING OUR FIRST (FAKE) MONTHSARY
CHAPTER 25.5- CELEBRATING OUR FIRST (FAKE) MONTHSARY(part 2)
CHAPTER 25.9- CELEBRATING OUR FIRST (FAKE) MONTHSARY(PART 3)
CHAPTER 26- SLEEPLESS TONIGHT
CHAPTER 27- LET'S TALK
CHAPTER 27. 5 - LET'S TALK (part 2)
CHAPTER 28- OPERATION: WIN YOUR HEART.
CHAPTER 28.5- OPERATION: WIN YOUR HEART (PART 2)
CHAPTER 29- MEANWHILE..
CHAPTER 29.5 - MEANWHILE.. (part 2 )
CHAPTER 30- COUNTER ATTACK
CHAPTER 30.5- COUNTER ATTACK (the EPIC FAIL plan part 2)
CHAPTER 31- WHEN THINGS GOT MESSED UP..
CHAPTER 31.5- WHEN THINGS GOT MESSED UP (part 2)
CHAPTER 32- UNEXPECTED THINGS.
CHAPTER 33- A "SUPPOSED TO BE" EDUCATIONAL TOUR
CHAPTER 34- HELLO BAGUIO
CHAPTER 35- Of ALL PEOPLE, Why does it have to be YOU?!!
CHAPTER 36- FALL FOR YOU
CHAPTER 37- PREVIOUS EVENTS
CHAPTER 38- SAY WHAT?!!!
CHAPTER 39- SWEET REVENGE
CHAPTER 40- What HAPPENS when HE FALLS
CHAPTER 41- RIOT IN THE HOSPITAL
CHAPTER 42- One MERCILESS Day..
CHAPTER 42.5- One MERCILESS DATE???
CHAPTER 43- Disastrous Comeback
CHAPTER 44- It's JUDGEMENT TIME
CHAPTER 45- HELL
CHAPTER 46- HELL's Judgement
CHAPTER 47- The GIRL in the Hallway
CHAPTER 48- UNCONTROLLABLE ATTRACTION
CHAPTER 48.5- UNCONTROLLABLE ATTRACTION (part 2)
CHAPTER 49- OPERATION: WIN YOUR HEART (Bryle's Version)
CHAPTER 50- MOVING CLOSER <3
CHAPTER 51: The SWEETEST Punishment
CHAPTER 52: It's NOT SPYING.. It's called LOOKING AFTER HER.
CHAPTER 52.5- It's NOT SPYING.. It's called LOOKING AFTER HER. (part2)
CHAPTER 53- Jealousy leads to......HUH?? O__O
CHAPTER 54- Behind every HAPPINESS, There is.. SADNESS.
CHAPTER 55- GoSsip.
CHAPTER 56- Wrong Number.
CHAPTER 57- COLD as YOU.
CHAPTER 58: SAVE YOU TONIGHT
CHAPTER 59- THE MESS I MADE
CHAPTER 61: THE WAY I LOVED YOU.
CHAPTER 62- SUDDENLY..
CHAPTER 64- DECEMBER
CHAPTER 66- Birthday SURPRISE.
CHAPTER 67: Lies.
CHAPTER 68- Saranghae..
CHAPTER 69- The LAST PAGES

CHAPTER 21.5- The REAL STORY behind THEM (part 2)

978K 10.7K 1.9K
By Yam-Yam28

{ S I D E S T O R Y  }

CHAPTER 21.5- The REAL STORY behind THEM (part 2)

KATIE's POV

Haaay.. Naiiyak ko na yata lahat ng luhang pwede kong iiyak tss. Kaso hindi parin ako makatulog kaya nanuod na lang muna ako ng t.v.

Ang malas ko naman kasi ngayong araw na to eh. Broken hearted na nga, nawalan pa ng first at second kiss!

Pag naaala ko talaga ang pagmumukha ng hudas na Third na yun argh! gusto kong magwala!

"Bwisit kang Third ka!" sigaw ko sa kwarto sabay hagis nung remote

Tss, hassle! Nakakainit talaga ng dugo! Ngayon kailangan ko pa tuloy tumayo para kunin yung remote na naglanding dun sa may ilalim ng study table ko.

.

.

*Lakad lakad papuntang study table

*Yuko..abot si remote..

.

.

Nung kukuhanin ko na sana yung remote bigla akong may napansin. Isang box na pula na medyo magabok na. Teka, alam ko to eh. Anu nga bang laman nito?!

Kinuha ko yung box, pinagpagan ito tapos binuksan ko.

Pagbukas ko..

Awwe! yun pala yung collection ko ng mga memorable things ko.

You see, nung medyo bata pa ako, sa twing may importanteng pangyayari nangongolekta ako ng mga bagay na nandun sa pinangyarihan nung event na yun. Nandun din sa box yung mga gamit ko na may sentimental value para sakin, tulad na lang nung key chain na napanalunan ko sa bunutan, yung tissue ng Yellow Cab na itinago ko bilang souvenir ng una naming pagkaen sa Yellow Cab nila daddy. At nakita ko rin dun.. yung diary ko! Waaaaaaaaah! andito lang pala yun eh! tagal ko na tong hinahanap!

Binuksan ko yung diary ko. Wala lang, hindi ko na kasi tanda yung mga sinulat ko dito eh since nagsimula ako magsulat sa diary na to eh nung grade 3 pa ako.

Entry no. 6

Dear Diary.. 

Haaay.. start na ng school ngayon. Nakakainis, akala ko ngayong grade 3 eh hindi ko na makakaklase si Third! yun kasi ang hiniling ko nung birthday ko! kaso hindi naman natupad! bwisit! Tapos ang pinakamasama pa, seatmates kami! bwisit talaga!

Naalala ko to. Eh kasi naman, first day yan ng school, akala ko talaga hindi ko na makikita si Third sa room! Akala ko sa wakas iba narin ang section nya since dumating na ang teacher namin nun. Kaso..late lang pala siya! Argh! kaya asar na asar ako! bwisit! impyerno na naman ang buhay ko! Lalo na at katabi ko pa siya! bwisit!

Bakit impyerno?!

Alam niyo bang the past 2 years ko sa school eh pinagttripan ako ni Third?! Kung anu anu ang ginagawa niya sakin! total bullying! Tinatago niya ang sapatos ko, tinatali yung bag ko sa upuan,  sinasadya niyang magkalat sa room pag alam niyang isa ako sa mga cleaners at marami pang iba! Sa sobrang dami hindi ko na maalala! Kaya naman talagang ipinagdadasal ko na sana wag ko na siyang maging classmate! kaso waaah..fail -_-

Binuklat ko pa yung diary..

Entry No. 10

Dear Diary,

Haaaaaaaay! bakit kasi best friend pa ni mommy yung mama ni Third?! isa pa, bakit ba sila lageng nasa bahay namin?! hindi na nga ako tinatantanan ni Third sa school tapos hanggang dito parin ba sa bahay namin kailangan nandito pa siya?! At ang masama pa.. sa lahat naman ng posisyon na madadatnan niya ako..bakit natae pa?! waaaaaaaaaaaaah! T.T

Uwaaaah! naalala ko to! Nasa bahay ako nun, natae ako sa c.r. Pag natae ako hindi ko sinasarado yung pinto kasi natatakot pa akong mag-isa sa c.r .

Kaya ayun, todo ire ako nun sa bowl. Tapos..may narinig akong papalapit..

.

.

.

*boogsh

May tumulak sa pinto. Akala ko si Stacy lang,  pero.. pagtunhay ko..

Waaaaaaaah! ang pesteng si Third pala!

Nakatingin lang siya sakin nun..

"Anu ba yan, ang baho naman ng tae mo. Tapos..ang panget mo pang umire. Mukha kang tyanak! tsaka yung panty mo, ang panget ng design." pagkatapos niyang sabihin yun sabay lumabas na siya

Uwaaaaaaaah! hiyang hiya ako nun! hindi nga ako nakapagsalita eh! Umiyak lang ako nun magdamag kay mommy kasi akala ko hindi na ako virgin! Paano akala ko pag nakita ng lalaki ang panty ng babae eh hindi na to virgin! pero pinaliwanag naman sakin ni mommy na hindi naman daw ganun yun.

Buklat pa ng diary..

Tapos nabigla ako..biglang may lumaglag na spoon ng ice cream..na may nakasulat..

-SORRY.

Natatandaan ko, eto yung kutsara nung kauna-unahang ice cream na binili ni Third para sakin. Yung ice cream na lageng sold out at lage akong nauunahan ni Third na makabili.

Nung araw na yun, sobrang lungkot ko. Kasi naman nakakuha ako ng zero sa exams namin sa History. Itinatago ko yung testpaper kasi nga ayaw kong ipakita kay mommy! Kaso naagaw sakin yun ni Third nung pauwi na kami. Malapit lang kasi ang bahay nila samin kaya kahit ayaw ko eh lage kaming sabay ni Third umuwi. Nung nakuha ni Third yung test paper kong zero ang score eh agad agad siyang tumakbo sa bahay namin at pinakita yung test paper ko kay mommy!

Kaya ayun, pinalo ako nun ni mommy! Sobra ang iyak ko nun sa harap ni Third. Nakonsensya siguro siya sa ginawa niya kaya naman umalis na lang siya.

Pagtapos nun, nagtatakbo ako sa park para bumili ng ice cream na favorite ko. Pag malungkot kasi ako, ice cream lang ang katapat. Kaso pag dating ko ,ubos na pala..

Pumunta na lang ako sa playground, umupo sa swing at dun nag iyak. Nakatungo ako nun, umiiyak tapos may biglang kumulbit sakin.

Pag tunhay ko, nakita ko na lang eh yung likod nung batang lalaking tumatakbo. Alam kong si Third yun no! Tapos napatingin ako dun sa katabi kong swing na medyo nauga parin. May nakapatong na ice cream na nasa cup sa swing na yun tapos nung kinuha ko, yung spoon na kahoy.. may nakasulat dun na "SORRY".

Kaya nga nung gabing yun..naisulat ko ang

Entry 21

Dear Diary,

Akala ko sobrang sama ni Third. Akala ko hindi siya marunong magsorry, akala ko wala siyang konsensya pero kahit papano, meron din pala :)

At simula nung araw na yun, medyo gumaan naman kahit konti ang nararamdaman kong galit kay Third. Kaso hindi parin siya nagbabago! Pinapaiyak niya parin ako! pero ang nagiba lang, sa twing paiiyakin niya ako eh ibibili niya ako ng ice cream at ayun ok na ulit ako, titigil na ako sa pag iyak.

 

Entry 45

Dear Diary,

Pinaiyak na naman ako ni Third..huhuhu.. Nagpaganda pa naman ako ngayon, sabi kasi ni mommy pag nakita daw ni Third ang itsura ko ngayon siguradong hindi na niya ako aawayin! Pero hindi eh! ang sama sama niya! sabi niya hindi daw ako sexy! wala daw akong boobs! huhuhu! akala niya talaga! pag nagkameron na ako ng boobs nako! T.T

Isa pa to, I think grade 5 na ako nito. Eto yung mga panahong sumali ako sa pageant ng school at si Third ang kapartner ko! tss.. kami ang panlaban ng section namin. Talagang inayusan ako ni mommy nun. Sabi ni mommy, pag nakita daw ako ni Third at nagandahan siya sakin hindi na daw ako aawayin ni Third. Kaya naman tuwang tuwa ako. Nakasuot ako nun ng genie costume, alam niyo yung costume ni Princess Jasmine sa Alladin?! ganun. Kaya feel na feel ko na ang ganda ko nun.

Takbong takbo ako papunta kay Third nun pagkatapos ako maayusan ni mommy. Gusto ko na kasi makita ang reaction niya.

"Third! okay ba?! huh?!" nakaharap ako sa kanya tapos nagpopopose pa ako

Lumapit siya sakin tapos hinawakan ako sa may beywang ko. Nakatingin lang siya sakin.

"Teka Third anu bang gagawin mo?! bi-bitawan mo nga ako!" sigaw ko pero hindi niya ako binibitawan! mas lalo niya pang hinigpitan ang kapit sa beywang ko at hinigit lalo palapit sa kanya!

Akala ko nga nun hahalikan na niya ako kaso..

"Anu ba yan, ok na nga yung mukha mo, nagmukha ka na ngang tao.. kaso.. bakit ganun?! wala man lang laman tong dibdib mo?! wala man lang kahit konting umbok..tss.." tapos binatawan na niya ako at umalis na naman siya

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah! bastos ka Third! bastos ka! gaya gaya ka kay Natsume!" kasi naman no, binuklat niya yung damit ko sa may dibdib tapos tiningnan niya! waaaaaaaaaah!

parang nabasa ko na kasi sa anime yung scene na ganito

sa Gakuen Alice!!! tama! Idol ata nito si Natsume eh  mas gwapo nga lang sa kanya si Natsume! :P

teka! hindi ito ang oras para pagpantasyahan ko si Natsume!

dapat akong magluksa!!

ahuhu.. nakita na niya ang panty kong nakababa nung tumatae ako! ngayon naman nakita na niya ang dede ko! kahit na sabihin pa nating wala pa yun at hindi pa developed pero waaaaaaah! grabe na talaga siya!!!

At ayun nga po ang nangyari nun.. T.T

 Entry 68

Dear Diary,

Nakita ko na po ngayon ang prince charming ko! akalain mong pinsan pa siya ni Third?! Ou! pinagtanggol niya ako kay Third! Binigay pa niya sakin yung panyo niya at pinunasan ang mga luha ko! ang gwapo gwapo niya! at ang bait bait pa! sobrang layo niya kay Third!! haaay..sa tingin ko crush ko na siya! sana magustuhan din niya ako kahit na mas matanda siya ng 1 year kesa sakin :)

Eto, grade 5 parin ako. Unang beses kong nameet ang ultimate crush kong si kuya Marky, pinsan ni Third! Siya ang kauna unahang nagtanggol sakin mula kay Third!

Inaasar kasi ako nun ni Third. Hinahabol niya ako sa playground at bubuhusan ng pulbo. Nabuhusan ako ng pulbo nun ni Third kaya naman pinagtawanan ako ng mga classmates ko nun. Sobrang iyakin ako kaya naman napaiyak na lang ako.

Tapos may biglang gwapong lalaking lumapit sakin atpinunasan niya yung luha ko. Pati narin yung pulbo sa mukha at ulo ko. Tapos pinagalitan niya si Third !wahaha! Tameme pala sa kanya si Third eh!

Kaya simula nun sa twing aawayin ako ni Third, tatakbo lang ako kay Kuya Marky at isusumbong siya :D

Entry 102

Dear Diary,

Haaay, medyo nakakamiss din pala si Third?! akalain mo yun?! hindi ko na kasi siya classmate ngayong highschool eh, magkaiba kami ng section! Although pareho parin kami ng school! pero minsan ko na lang siya makita! Hindi narin siya nakakapunta sa bahay namin, ewan ko dun. Ganun ba pag nagbibinata na?! ayaw na niyang makipaglaro ng playstation sakin?! tss! ai teka, bakit ko nga ba siya iniisip?! ang mahalaga, nagdadalaga na ako! wee! mapapansin narin ako ni Kuya Marky! kanina nga lang nung nakita niya ako, sabi niya gumaganda daw ako!! waaaaaah! kaya nga sobrang saya ko eh!!

1st year highschool ako neto at tama..magkaiba na ang section namin ni Third. Medyo nabawasan narin ang mga araw na magkasama kami. Ang totoo niyan, namiss ko talaga siya niyan. Kahit na lage niya akong inaaway, naging fond narin ako sa kanya. Na parang hinahanap hanap ko yung pang aaway niya sakin. Haay,, at dyan din, tama yung unang araw na napansin ako ni Kuya Marky! tuwang tuwa talaga ako niyan! :D

Since 1st year hanggang 2nd year, hindi ko kaklase si Third. Hindi narin siya napunta sa bahay namin at pag magkikita kami hindi naman kami nagpapansinan. Pano, bumarkada na siya dun sa mga ow so hot guys sa school. Para silang f4 ng meteor garden! mga ultimate heart throbs sa school! Hindi ko lang maintindihan kung pano siya nasali dun eh hindi naman siya gwapo! mas gwapo parin si Kuya Marky! <3

Entry 139

Dear Diary, Waaaaaaaaaaaaah! ewan ko kung matutuwa ba ako oh anu.. pero classmate ko na naman si Third! tapos seatmate ko na naman siya! at heto na naman po siya sa pang iinis sakin! grrr! Nalaman niyang crush ko si Kuya Marky nung chinekan niya yung notebook ko! may nakasulat kasing name ni Kuya Marky dun eh! He keep on insisting na sumuko na daw ako kasi never daw naman akong magugustuhan ni Kuya Marky! Grabe naman siya huh! Diyos ba siya?! malay pa niya diba?! basta hindi ako susuko kay Kuya Marky! :P

3rd year highschool na ako niyan. Nagpapalit kasi ng sections depende sa ranking ng grades kaya ayun, classmates na naman kami ni Third! Haynako.. wala na siyang ginawa kundi idiscourage ako kay Kuya Marky simula nung malaman niyang crush ko yun! Wala na talaga siyang magawang matino sa buhay niya! tss.. if I know selos lang siya! :P Nakakainis nga eh, lage niya ako nilalayo kay Kuya Marky sa tuwing magaattempt akong magconfess! PSH -_-

Entry 203

Dear Diary,

Eto na yata ang pinakamalungkot kong gabi sa lahat. Sabi nila masaya daw ang j.s. prom. Akala ko rin masaya, pero bakit ganito?! Ang sakit sakit, sumobra na siya sa mga sinabi niya. Dapat talaga hindi na ako umasang kahit papano may halaga ako sa kanya kasi wala talaga! galit ako sa kanya! galit talaga! 

.

.

Buti nlng at may dumating na panibagong prince charming.. sinave niya ang puso ko mula sa pagkawasak :) kahit hindi ko kita ang mukha niya.. may idea na ako kung sino siya :)

Naalala ko tong gabing to. Sobrang nasaktan talaga ako ng gabing yan, my first heartbreak. Gusto niyong malaman ang buong storya?! dito narin masasagot ang mga tanong niyo, sa gabing yan malalaman niyo kung bakit ako galit na galit kay Third.

*FLASHBACK

JS Prom na namin! Yey! 3rd Year Highschool ako nyan. Kapartner ko nga lang si Third -_-

Wala akong magagawa kasi yun ang gusto ni mommy eh! haynako! At ang pesteng Third na yun, ayaw pa akong paattendin ng prom?!

Biruin niyo sabi niya, wag na daw ako pumunta kasi hindi naman daw ako bagay dun! Wala rin naman daw magsasayaw sakin! Sabi pa nga niya hindi niya ako papartneran eh! Tss..kala niya hindi na ako pupunta sa prom kasi wala akong partner?!

Asa siya! Kahit hindi niya ako partneran, pupunta parin ako!

Suot suot ko yung sexy black dress na binili sakin ni mommy. Pinaayusan din ako sa kaibigang bakla ni mommy at ng matapos..

Ang galing! tuwang tuwa ako! mukha talaga akong dalaga! Ang ganda ko! hehe..

haay.. siguro naman mapapansin na ako ni Kuya Marky diba?!

.

.

Pagbaba ko sa hagdan..

"Oh bakit ka nandito? akala ko ba hindi ka pupunta?!" nakasimangot kong tanong kay Third na ngayon eh nasa harapan ko, nakatingin lang siya sakin

"Tss..ang panget mo..feeling mo naman ang ganda mo ngayon." aba at nanlait pa?!tss

"Heh! tara na nga! baka malate pa tayo.."

"Teka isuot mo muna to.. mahal ang bili dyan ni mommy huh." tapos itinali niya sakin yung corsage na orchid, tradition yun pag js prom.. yung kapartner na lalaki ang dapat bumili nun para sa kapartner niyang babae

Actually, sa totoo lang habang pinagmamasdan ko siya nung kinakabit niya sakin yun narealize ko.. muka siyang prince! pero muka lang huh! Ang gwapo niya ngayon. Bagay sa kanya ang suot niya.

"Hoy, bakit ganyan ka makatingin sakin?!" ai peste ! napansin niya ako!

"Wa-wala! ang panget mo kasi!"

"Sus, ang panget daw. If i know naggwapuhan ka sakin :D" tss.. gwapo nga..mayabang naman! ..    -_- .

.

.

.

Pagkatapos nun.. ilang minuto lang since malapit naman ang skul sa bahay namin.. nakarating na kami sa venue.. . .

Nakita ko kaagad si Kuya Marky! Ang gwapo niya! 

"Wow Katie! hindi kita nakilala! ang ganda mo talaga ngayon!" -Kuya Marky

"T-talaga kuya?! maganda talaga ako?!" medyo nahihiya kong tanong..

"Ou naman! you're the prettiest girl I've seen so far :)" -Kuya Marky

Touch naman ako dun! prettiest daw! waaaaaaaaah!

Promise talaga, gayong gabi kahit pigilan man ako ni Third, magcoconfess na talaga ako kay Kuya Marky!! :D

.

.

After ilang achuchuchu sa program.. ayun.. Bigla ng nagsimulang kumanta yung banda. Nagsimula narin magsayaw yung mga studyante. Gusto ko sana si Kuya Marky ang maging first dance ko! 

Pupunta na sana ako sa kinauupuan ni Kuya Marky, ako na ang mag aaya! pakapalan na to. Kaso..

Biglang humarang si Third tapos.. hinigit niya ako!

"Third anu ka ba! magsasayaw pa kami ni Kuya Marky!" pinipilit kong tanggalin yung pagkakahawak niya sakin

"Umalis na tayo dito Katie! inaantok na ako! ihahatid na kita sa inyo!" -Third

"Umuwi ka mag-isa mo! gusto ko pang sumayaw! magtatapat pa ako kay Kuya Marky kaya hayaan mo na lang ako!" sigaw ko sa kanya tapos natanggal ko yung pagkakakapit niya sa akin

Tumakbo ako sa table nila kuya Marky kaso wala na siya dun. Tapos nakita ko si Kuya Marky sa stage. Ou pumunta siya dun! Singer rin kasi siya ng banda! Siya na pala ang kakanta! Kaya naman ako.. Umupo lang ako..tapos pinakinggan siya.

NOW PLAYING : FALL FOR YOU BY SECONDHAND SERENADE

Best thing about tonight's that we're not fighting
Could it be that we have been this way before
I know you don't think that I am trying......
I know you're wearing thin down to the core..

Waaaaaah! ang gwapo ni Kuya Marky! Lalo akong naiinlove sa kanya niyan eh! Haaay..sana para sakin yung kanta, sana,,kung para sa--

Nabigla ako ng bigla akong dinala ni Third sa dance floor.

Sinasayaw niya ako ngayon..

"Teka ayaw kitang maging first dance! ayaw ko!" -ako

Hindi siya umiimik. Hindi niya parin ako binibitawan, hindi naman ako makapalag. Ang higpit ng kapit niya!

 

But hold your breath
Because tonight will be the night that i will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
Or I won't live to see another day
I swear its true
Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find

"Third anu ba! iharap mo man lang ako kay Kuya Marky no?! Hindi ko na nga siya first dance eh! Anu man lang ba yung makita ko siya habang kumakanta siya diba?!" sigaw ko sa kanya, kasi naman nakatalikod ako sa stage,, di ko tuloy makita si kuya Marky! T.T

"Kyaaaaaaaaaaah! ang sweet!! grabe! bagay sila!"

"Ou nga! waaaaaaah! ang swerte naman nung girl!"

Naririnig kong sabi nung mga katabing kong sumasayaw..

Natigil sila sa pagsasayaw.. anu bang nangyayari?!

This is not what I intended
I always swore to you I'd never fall apart
You always thought that I was stronger
I may have failed
But I have loved you from the start

"Third! anu ba kasing nangyayari?! tumigil muna tayo sa pagsasayaw! gusto kong makita yung pinaguusapan nila! Third! tumigil muna tayo!"

Gusto ko kasing makita kung bakit natigilan yung mga nagsasayaw. Nakatingin silang lahat sa may stage! pero hindi ko makita! gusto kong makita!

"Wag na.. wag mo ng tingnan Katie..sakin ka na lang tumingin." -Third

tapos niyakap niya lang ako ng mahigpit habang sinasayaw ako.. Hindi ko maintindihan! anu bang meron?! bakit parang kami na lang ang nagsasayaw?!

Oh, But hold your breath
Because tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
It's impossible

"Third! bitawan mo na ako! tayo na lang ang nagsasayaw! Lahat ng tao parang may pinapanuod! ipakita mo na kasi sakin Third! " nagaalpas na ako sa yakap niya

Pero hindi lang siya umiimik.. ayaw pa rin niya akong alpasan sa yakap niya.. Lalo pang humihigpit..

So breathe in so deep
Breathe me in
I'm yours to keep
And hold onto your words
'Cause talk is cheap
And remember me tonight
When you're asleep

Naiinis na talaga ako sa kanya! Ganyan ba sya kaselfish na ayaw niya man lang makita ko si Kuya Marky na kumakanta?! ayaw niyang malaman ko kung anung pinaguusapn sa unahan?! anu ba kasing problema niya! naiinis na ako!

"Bitawan mo na kasi ako eh!" tapos tinulak ko siya

At pag harap ko sa stage..

Ow..sana nga, sana hindi ko na nga lang tiningnan.

 

Because tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find

Nakita ko si Kuya Marky..

Kinakantahan niya.. yung isang magandang babae.

Hawak hawak niya yung kamay nung babae tapos bingyan niya pa ng boquet of roses.

Ang sakit.. Ni hindi man lang ako nakapagtapat sa kanya. Ni hindi man lang niya nalaman tong nararamdaman ko.

Tapos ngayon..

Haay..ang sakit talaga.

Matagal ng pinapamukha sakin ni Third na wala akong pag asa kay Kuya Marky at nasasaktan ako tuwing ipapamukha niya yun. Pero mas masakit pala yung mismong si Kuya Marky ang magpamukha nun sakin, sobrang sakit.

Pinagmamasdan ko lang sila..

Tonight will be the night that I will fall for you

Over again
Don't make me change my mind

Natulo na ang luha ko pero nakatingin parin ako sa kanila. Tapos biglang lumapit sakin si Third..

Hinawakan niya yung tenga ko. Sinasabi niyang wag akong makinig, wag na akong makinig.

Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find

Pinipilit kong tanggalin yung kamay niya at nung matanggal ko..

Tapos na yung kanta..

Pero may narinig parin ako..

"Jasmine.. I love you.. please be my girlfriend. Sa harap nilang lahat, gusto kong ipagsigawan.. Mahal na mahal kita Jasmine! Sana mahal mo rin ako." rinig na rinig ko ang mga salitang yun.. naka microphone ba naman eh

"Of course! Ang tagal ko tong hinintay Mark. Ikaw lang naman ang hinihintay ko eh! Who am I to reject you? I love you too! I want to be your girlfriend!" sagot nung Jasmine.. then they hugged..

Sobrang sakit..as in. Durog na durog yung puso ko, sana naman kasi.. medyo hininaan man lang. Kaso hindi eh, ipagsigawan ba naman?

Ang sakit, parang gusto kong mabingi ngayon!  Kaso hindi.. rinig na rinig ko. Rnig na rinig ko kung pano pinagsigawan ng taong mahal ko kung gano niya kamahal yung taong mahal niya at wala akong nagawa kung hindi umiyak habang pinagmamasdan sila.

Pero narealize ko.. hindi to tama! Hindi ako dapat umiyak sa harap ng maraming tao! Isa pa..dapat icongratulate ko si Kuya! tama!

Kaya pinunasan ko yung luha ko, inayos ang sarili ko at pupunta sana sa kanila ng..

Bigla akong hinigit ni Third!

Dinala niya ako sa may garden sa labas..

.

.

.

"Anu ba? bakit mo ako dinala rito? icocongratulate ko pa si Kuya Marky! " sigaw ko sa kanya

"Icocongratulate? gano ka ba katanga huh Katie?! dapat ngayon umiiyak ka! dapat ngayon tumatakbo ka na palayo sa kanila! tapos lalapit ka pa? tanga ka ba?! nakita mo na diba?! narinig mo na diba?! anu pa bang kailangan mo huh?!"

"Ah..so disappointed ka kasi hindi ako naiyak. Kasi iniexpect mo magbbreakdown ako, maglulupasay..ganun ba?! well sorry ka! kasi hindi yun mangyayari!"

"Hindi? ok.. sus.. pero panatag narin ako.. atleast ngayon diba susuko ka na?! Susuko ka narin sa katangahan mo. Matagal ko na kasing sinasabi sayo, wala kang pag-asa pero ayaw mong maniwala sakin. Tingnan mo ngayon, diba bagay sila? bagay na bagay silang dalawa! Eh kayo Katie? ngayon ba malinaw na sayo?! HINDI KAYO BAGAY. HINDI KAYO BAGAY KATIE! WAG KA NGANG TANGA!"

.

.

*sampal

Sinampal ko siya. Sobra na siya! Akala ko pa naman kahit papano, kahit papano itatry niya akong icomfort diba? na kahit ngayon lang, hindi na muna niya ako aawayin kasi obvious naman na nasasaktan ako ng sobra diba? pero bakit ganan siya? tuwang tuwa ba talaga siya pag napapaiyak niya ako? 

Ngayon, wala na naman tigil sa pag-agos ang luha ko dahil sa mga sinabi ni Third. Mas lalo ng bumigat yung dibdib ko, mas nadagdagan pa yung sakit.

"Masaya ka na ba? pwede ka ng tumawa! panalo ka na! napaiyak mo na ako! Napamukha mo na saking ang tanga ko para umasa na kahit papano, may pag asa akong mahalin ng taong mahal ko! Panalo ka na Third! magsaya ka na! Palibhasa kasi hindi ka marunong magmahal!" sigaw ko

Tapos tumakbo na ako nun palayo sa kanya..

Hindi ko alam kung san ako pupunta, basta kahit saan malayo sa kanya! galit na galit ako kay Third! galit na galit ako!

Ni hindi man lang niya ako hinabol. Grabe talaga siya. Wala talaga syang puso .

I hate him! I hate him so much!

*END OF--

Haaay..ayan..tumutulo na naman yung luha ko. Masakit parin pala hanggang ngayon. Hindi yung part na nabigo ako kay Kuya Marky kundi dahil binigo ako nung taong akala ko dadamayan ako. Binigo ako nung taong inaasahan kong magpapatahan sakin. Binigo ako nung taong pinaka kailangan ko nun. Binigo ako ni Third.

Haaaaaaay..bwisit na luha!

Pinunasan ko na yung luha ko..

Ngayon alam niyo na kung bakit ako galit na galit kay Third?! kahit sino naman diba?! sino bang hindi magagalit sa ginawa niya? To think na itinuring ko na syang pinakamalapit kong kaibigan.

Continue Reading

You'll Also Like

561K 11.3K 51
The Gangster's Kiss Book 2. A parallel story of The Gangster's Vow. Kyle's Story. The girl who's always been unlucky in love meets the boy who can't...
5.5M 12.8K 8
Former MGMMP | HGVSCP's Sequel :) Genre: Action. Humor. Teen Fiction. Sort of Non-Teen Fiction
30.5K 441 4
Isang asawang handang mag sakrepisyo para lang sumaya ang kanyang minamahal isang babaeng napa kaalila at nagpakatanga sa lalaking Hindi naman siya m...