CHAPTER 38- SAY WHAT?!!!

760K 9K 1.3K
                                    

CHAPTER 38- SAY WHAT?!!!

THIRD's POV

Bago kami mapapunta sa kwarto ni Steve..

"Good night Katie.." andito na kami ngayon sa harap ng kwarto nila, gabi na rin kasi eh.. hinatid ko lang sya..

"Good night Third.."

"Ehem.."

"Bakit?! may ubo ka?! gusto mo ng gamot sa ubo?!"  slow parin talaga sya no?! =___=

"Tsk.. ibig kong sabihin ano wala bang,.."  *sabay turo ko sa pisngi ko..meaning pwedeng humingi ng good night kiss..

"Wala bang?! wala ba akong gamot sa sakit ng ngipin?! masakit ngipin mo?!" naknang! Anu ba naman to?!

Napahilamos ko nlng ang kamay ko sa mukha ko. Shet! Ang hirap mainlove sa babaeng slow!

"Wala..never mind." lalakad na sana ako paalis ng..

bigla bigla niya akong hinigit..

tapos..

"Hahaha.. katulad ka parin ng dati. Ang short tempered mo! " sabay pisil niya sa ilong ko

"Katie naman eh! Yan ka na naman sa pagpisil sa ilong ko! Magmumukha na naman akong rudolph niyan eh!"

"Hahaha..namiss ko lang kasing gawin yun! "

"Tss.."

"Ay bad trip na agad?! sayang. Ikikiss pa naman sana kita. Hmp!  Wag na nga!" yumalikod na siya sakin

"Oi oi! teka! Tingnan mo oh! Hindi ako badtrip oh! masaya ako oh! masaya! oi Katie! tingnan mo bilis! naka smile ako oh!"

"Hahaha! para ka paring bata! Makuha lang talaga ang gusto eh no?! oh sige na nga."

Yes! yes! eto na. Hay..akala ko sa pangarap na lang mangyayari to. Ikikiss na sana ako ni Katie..kaso..

Paking tape!

"Hep hep! anu yan?! "

Bakit ngayon pa dumating sila Tito?! Bad timing naman oh! Nandun na eh!

"Daddy! hayaan mo na sila!" - Tita Melba (mommy ni Katie)

"Magtigil ka nga Melba! May pupuntahan pa kami nitong si Third!" sabay higit sakin ni Tito

"Eh?! saan po tayo pupunta tito?!"

"Dalhin mo ako sa lungga ng ponsyo pilatong kumakalantaryo sa baby kong si Stacy! Hindi ako makakatulog hangga't hindi ko sila nakikita!"

"Pero tito--"

"Walang pero pero! Sasamahan mo ako o hindi kita hahayaang mahawakan ni dulo ng daliri ng anak ko?!"

"Tsk..good night na nga Katie! TT____TT"

"Hahaha! better luck next time Third!" -Katie sabay pasok na sa pinto

Ayun tinangay na ako ni Tito palayo sa langit ko! naman oh!

On the way nakasalubong namin si Tommy..

"Tol san kayo pupunta?!" -Tommy

"Sasamahan ko si Tito sa kwarto ng boyfriend ni Stacy."

"Ah..sa kwarto ng BOYFRIEND NI STACY! Ahaha. Pasama ako! May maganda akong pakiramdam sa mangyayari.." tapos binulong sakin ni Tommy na nakita niyang pumasok sila Steve at Stacy sa kwarto ni Steve! Wahahaha! naexcite tuloy ako bigla! worth it ang pagkawala ng kiss ni Katie!

At kung sswertehin ka nga naman, sa kakaibang posisyon pa namin sila nadtanan! Take note, bukas pa yung pintuan kaya naman..

Ahahahahahahahahahahaha!

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon